Heart Lies (gxg)

By TimmyTheKyot

447K 8.5K 754

Maldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming... More

Heart Lies
CHAPTER 1 - Rich and Sexy Playgirl
CHAPTER 2 - Magnanakaw
CHAPTER 3 - Wrong Move
CHAPTER 4 - Opposite Revenge
CHAPTER 5 - The Girl
CHAPTER 6 - Turn ON or OFF?
CHAPTER 7 - Hard To Get, Easy To Read
CHAPTER 8 - Lunch Date
CHAPTER 9 - Past is Past and Past is Present?
CHAPTER 10 - Change
CHAPTER 11 - Heartbeats
CHAPTER 12 - Love Tomorrow, Love Today
CHAPTER 13 - Confession
CHAPTER 15 - The Beginning
CHAPTER 16 - By Your Side
CHAPTER 17 - Sweet Kisses
CHAPTER 18 - Admission
CHAPTER 19 - Mamita
CHAPTER 20 - Meet your In-Laws
CHAPTER 21 - Expect The Unexpected
CHAPTER 22 - Missing
CHAPTER 23 - Happiest Surprise
CHAPTER 24 - About You
CHAPTER 25 - No Regrets At All
CHAPTER 26 - Fiesta
CHAPTER 27 - Fiesta II
CHAPTER 28 - Love Story Ni Nico
CHAPTER 29 - Someone's Surprise
CHAPTER 30 - Unlucky or Lucky that you're my Girlfriend?
CHAPTER 31 - Officially Yours
CHAPTER 32 - Mr. Smiley
CHAPTER 33 - Centenniel
CHAPTER 34 - First Time
CHAPTER 35 - Traydor
CHAPTER 36 - Business Trip?!
CHAPTER 37 - 1000 Miles Away
CHAPTER 38 - New
CHAPTER 39 - Stuck in the Past
CHAPTER 40 - Revelation
CHAPTER 41 - Thinking Twice
CHAPTER 42 - Deserving
CHAPTER 43 - Going Home
CHAPTER 44 - Manloloka?
CHAPTER 45 - Ang Pagbabalik
CHAPTER 46 - No Pain No Gain
CHAPTER 47 - Don't Give Up On Us Baby
CHAPTER 48 - Challenge me, if you dare.
Author's Chikka
CHAPTER 49 - Warzone
CHAPTER 50 - Jace The Bridge
CHAPTER 51 - Mastermind
CHAPTER 52 - Katotohanan
Chapter 53 - Back
CHAPTER 54 - Bestfriend
CHAPTER 55 - Kacey Castro
CHAPTER 56 - Happy Birthday
EPILOGUE

CHAPTER 14 - Lucky I'm in love with my BESTFRIEND

9.1K 176 14
By TimmyTheKyot

Nicole’s POV

“M-mik?” tawag so kanya. Nanaginip ba ako? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari.

“Nicole.” sabi nya sabay halik ng kamay ko. Ngumiti sha habang tinititigan niya ako.

“A-ang ganda mo. You look so stunning tonight Nicole.” Dagdag pa nya.

Gulat na gulat pa rin ako, hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw dahil ang taong mahal ko nasa harapan ko ngayon, ang gumastos sa lahat para maka-date niya ako.

T..teka..

Why is Khym doing this?

Ang bilis naman ng mga pangyayari.

UGH! Baka friendly date lang ito Nicole. Wag kang ma expect ng iba.

“P-para san ito Khym?” Finally! Nakapagsalita na ako.

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay. Inilahad niya ako sa upuan at pinaupo. Gentlewoman pa rin as always, at bumalik na sha sa kanyang upuan.

Tinawag niya yung waiter at nag order, hindi ko naiintinidhan yung inorder, mukhang mamahalin kasi at may binulong pa sha nito. Ewan pero pagkatapos nun ngumiti sha at nag alok ng wine. Mmm sarap nito, matamis.

“H-hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko Khym, bakit mo to ginawagawa?” tanong ko.

Uminom muna sha bago sha sumagot.

“Later Nicole, makikita mo rin.” Sabay ngiti.

Naguguluhan na talaga ako. I have no idea what is this about, not a single clue. I admit na nagugustuhan ko ang lahat, lalo ng may live classical band na tumutugtog, ang suot ko ngayon, ang lights, everything! Pero mas higit pa ang nasa harapan ko.

Ilang minuto pa ay dumating na yung inorder niys, hindi ko alam kung ano ito pero ang sarap tignan. Pansit na puti ang sauce? Ano ba’to? Ngayon pa ako nakakita ng ganito…

“Carbonara ang tawag dyan.” Sabi niya.

“Ah—eh.. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga mamahaling pagkain.” Paalala ko.

“Alam ko naman yun eh. Pero masayap yan, promise. Tikman mo.” Sabay kuha ng crabonara. Ano ulit yun? Carbanaro? Crabs on nara? Ay nakuu! ><

Kumuha siya nun at sinubuan ako. Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba to o hindi. Kinikilig kasi ako eh, kaya kinain ko yun. Mmmmmm ang sarap! Ngayon pa ako naka kain ng puti na pansit! Sumubo ako, ang charap kashi.

Tumigil ako nung tumawa si Khym. Mukhang may dumi yata sa mukha ko. Kukunin ko na sana pero naunhan ako ni Khym.

“Hinay-hinay baka mabulunan ka.” Sabay punas ng panyo sa labi ko.”

Ang sweet ni Khym ngayon, ano kaya ang nakain nito?

.

Pagkatapos naming kumain, inaya ako ni Khym na sumayaw. Pero hindi ako marunong sumayaw ee. Hiphop lang ang alam ko pero sa mga ballroom, wala ko talaga akong alam. T.T

“Don’t worry, tuturuan naman kita eh. Kahit ilang beses mo pa akong apakan, okay lang sa akin yun.” Sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi sumang ayon kay Khym. Hinawakan niya yung kamay ko at inilagay yung mga kamay ko sa may batok niya habang nakahawak naman sha sa bewang ko.

Tumugtog ang banda ng Lucky by Jason Mraz feat. Colbie Calliat.

(Click nyo yung video sa gilid ;) Para feel nyo rin ang moment. HAHAHA :D)

Nagsimula na kaming sumayaw, ewan pero ang saya ko ngayon.

Do you hear me?
I’m talking you you
Across the water, across the deep blue ocean
Under the open sky
Oh my, oh Baby I’m trying…

Sumayaw kami ni Khym, minsan nauupakan ko yung paa niya pero tumatawa lang sha. Sabi niya sumabay lang daw ako sa kanya. Nahihiya na nga ako sa kanya, pero what I’m feeling right now is something so special, hindi ko nga ma describe kung anung nararamdaman ko ngayon.

Boy I hear you, in my dreams
I feel your whisper across the sea
Keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

Alam mo ba yung feeling na makasayaw ang taong matagal mo ng minahal? Yung parang ang buong mundo mo lumilibot na sa kanya? Yung feeling na siya lang ang taong nagpapasaya sa buong araw mo? Feel niyo ba yun? Feel na feel ko yun araw-araw kahit minsan nasasaktan ako, pero ngayon I can see the old Khym that I know, na minahal ko ng husto, ang babaeng first crush ko hanggang ngayon at nag-iisang tao na nasa puso ko.

Lucky I’m in love with my best friend.
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we’re in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday.

Every word of the song hits me. Yes I’m in love with my best friend. I can feel my heart beating so loud, mas naririnig ko pa ang tibok ng puso ko kesa tugtug ng kanta. Ang bawat ngiti ni Khym ang nagpapatibok ng puso ko. Para akong natutunaw sa mga titig niya, sa mga hawak niya. Pero what I’m confused is that ang feelings ni Khym ngayon. Hindi ko inasahan na mangyayari ito, I don’t know what’s going on pero I’m hinting on something.

“Nicole.” tawag niya.

“H-hmm?” hindi ako makatingin sa kanya. Namumula na talaga ako. Parang pumunta ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko, ang init!

“I-I need to tell you something. Promise me something.” Sabi niya.

Huh? Na curious tuloy ako sa kung anung sasabihin niya. Magpromise daw ako?. May tinatago ba sha sa akin at ngayon niya lang sasabihin? Nagpromise nlng ako para malaman ko kaagad kung anong sasabihin niya.

“Promise talaga ha? Umm.. I hope na kung ano ang sasabihin ko ngayon, di masisira ang friendship natin. This is really hard for me to say, umm…”

Ninenerbyos talaga si Khym, kaya hinawakan ko yung kamay niya para mabawasan yun. Ngumiti naman sha at sinimulan na niya.

“I know I was really bad girl before, minsan nga I didn’t care of everyone. Kahit ang mga mahal ko sa bahay tinatabuyan ko, sinasaktan at pinahihirapan. Pero Nicole, you were still there for me. Kahit sabihin ko na lumayo ka sa akin, hindi ka pa rin sumusuko. Kahit iniiwasan kita noon, di ka pa rin nagsawa para samahan mo ko. I know I was stupid and dumb at that time pero it all changed dahil sa’yo.”

“Nag move on ako para makalimutan ang mga nagawa ko noon. You helped me during that time. Tinulungan mo ko para umayos ako sa buhay ko. Naalala ko pa nga yung pagligtas mo sa akin eh, ang laki ng pasasalamat ko sayo, dahil kung hindi mo ko iniligtas, wala ako dito sa harapan mo, wala kang makulit at masama na bestfriend na sinisira yung araw mo.”

Naiiyak ako sa mga sinasabi ni Khym. Ngayon ko lang ulit narining si Khym na naging sincere sa mga sinasabi niya. I know totoo talaga ang mga pinagsasabi niya, I can see it in her eyes. Parang naiiyak na nga siya eh. Hinigpitan ko yung paghawak ko sa kamay niya.

“Kung hindi dahil sa’yo, anong klase ng tao na kaya ako ngayon? I’m sorry kung ginamit kita para mawala si Janeth sa puso ko, I’m sorry kung naging distant ako nung time na iniwan ako ng babaeng yun. It’s all my fault naman kasi, I pushed you. Nagmakaawa ako sayo na tulungan mo ko para mahulog ang loob ni Janeth sa akin. I was so selfish, I neglected you dahil halos lahat ng oras ko nasa kay Janeth nlng. Nung iniwan na ako ni Janeth, andun ka pero I ignored you at that time. Ang salbahe ko nun, pati ang parents ko dinadamay ko na rin. Ako nga yung dahilan kung bakit sila nawala eh, kung naging mabait na anak lang ako sa kanila, nandito pa sana sila ngayon.” Naiiyak na sabi niya.

“Wag mong sisihin ang sarili mo Khym, hindi mo kasalanan ang lahat. Kaya nga ako andun para sa’yo para maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Kung anung problema mo, problema ko rin. Mahal kita Khym, tandaan mo yun.” sabi ko.

Sinabi ko na sa kanya. I confessed my feelings for her.

.

.

“T-thank you Nicole. Ikaw talaga ang pinakaaaaaaaaabest kong bestfriend.”

.

.

.

</3

Bestfriend :’)

.

.

Bestfriend lang pala, pero okay na yun. Dahil alam ko naman na hindi pa ready si Khym na buksan ulit ang puso niya. Kahit masakit tanggapin na hanggang bestfriends lang ang pagtingin niya sa akin, sinabi ko pa rin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Niyakap niya ako ng mahigpit at di ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ako. Umiiyak na rin siya. Umiiyak siya dahil sa kasiyahan, habang ako naman umiiyak dahil nasasaktan. Kasalanan ko naman talaga ang lahat eh, bakit pa ba ako nag expect na mahalin ako ni Khym?

.

Lucky I’m inlove with my bestfriend

.

.

Lucky nga ba?

.

“Wag ka ng umiyak, ang mahal ng gastos ko sa make-up mo tapos sinasayang mo lang!” tukso ni Khym.

“E-eh ikaw rin nga eh! Tignan mo, para kang baboy.” Tukso ko rin.

Tumawa nlng kami, at hinaplos ko yung mukha niya. Magkayakap pa rin kami pero magkaharap na ang mukha namin. Tinitigan ko siya at di ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko.

“I love you Khym.”

Nagulat si Khym, pero huli na nung hinalikan ko ang kanyang malalambot na labi.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you for reading! :))

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.9K 4.8K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...