After We Happened

By shattereign

82.9K 1.6K 323

Love is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no... More

After We Happened
Simula
I. Marriage
II. My Reasons
III. It Was A Joke
IV. Everything
V. Let's Talk
VI. Baby Girl
VII. Mommy Loves
VIII. Aren't We?
IX. This Far
X. Wrong Question
XII. Sorry
XIII. Inseparable
XIV. His Surprise
XV. Mine Again
XVI. Love Me
XVII. Stay
XVIII. It Was Just Easy
XIX. Effective
XX. The Box
XXI. Truth
XXII. Deserve
XXIII. Light
XXIV. Saudade
XXV. Let's Go
XXVI. You Couldn't
XXVII. What You Wanted
XXVIII. Amaranthine
XXIX. Dawn
XXX. The First One
XXXI. It Has Been Ten Years
XXXII. One Hundred Thirty Four Petals
XXXIII. We Used To Be Like That
XXXIV. A Flight To California
XXXV. All This Time
XXXVI. Way Back To You
XXXVII. Found My Aim
XXXVIII. Come Home With Me
XXXIX. Finally We're Home
XL. Please, Daffney
XLI. That One Thing
XLII. Love Ain't Enough
XLIII. Never Enough
XLIV. What's Left Of Us
XLV. The Girl I Loved
XLVI. To Have Two Hearts
XLVII. Just Maybe
XLVIII. What Happened To Us?
XLIX. Don't You Want It?
L. Still And Always
Wakas
EPILOGUE
END

XI. It Felt Nice

1.2K 28 4
By shattereign

Kabanata 11

It Felt Nice.

New Notification
Darlin Francisco is waving at you.

"Mommy, why are you so red? Are you sick?" takang-taka na tanong sa akin ni Drae na katabi ko ngayon dito sa kama.

"No," umiling ako. "This is called blushing, Andra."

"Why do people blush?" she asked.

"Nothing," sabi ko. Bakit ba kasi ako nagba-blush? Para wave! Ang babaw lang! "Go take a bath, okay? We'll go to daddy Stance's house today," I told her.

Tumango siya at nag-diretso na sa banyo. Kahit mag-four years old pa lang naman siya ay maalam na siyang maligo mag-isa. Yeah, proud mommy here. Ang sarap pala talaga sa feeling kapag isa kang hands-on na nanay sa anak mo.

Naghanda na rin naman ako ng isusuot ko at naligo pagkatapos kong bihisan si Drae.

Pagka-dating namin sa bahay nina Stance ay kaagad na bumungad sa amin si Ate Stella at si Sebb na anak niya.

"Goodness! I miss you Daffney and Drae!" aniya sabay beso sa amin.

Napatingin ako sa tiyan niya. Hinawakan ko 'yon. "Ninang ako ha? Ang laki-laki na niya oh!" I said.

"Of course! Ikaw pa!" she chuckled.

"Ilang months na nga 'yan, ate?"

"Six months," she smiled at us.

"Malapit na ah. Hi there, baby!" sabi ko sabay himas sa tiyan niya. Ang ganda niya pa rin talaga kahit buntis.

"Hi, Andra!" bati naman ni Sebb kay Drae. Mabuti na nga lang at may kalaro si Drae kahit papaano habang lumalaki noon sa America. Dito naman sa Pilipinas ay si Sebb pa din, dahil wala pa namang may anak sa aking mga pinsan—ako pa lang.

"Pasok kayo," ani Ate Stella. Pagka-pasok namin ay nandoon sina Tita Thriana at Tito Severino, parents nila.

"Hi po, Lolo and Lola!" bati ni Drae sa kanila. Madalas din kasi silang bumisita sa America, nito na nga lang mga nakaraang buwan hindi dahil nga nag-buntis na si Ate Stella.

"Daffney, hija! You look much prettier now!" bati pa sa akin ni Tito Severino sabay yapos sa akin.

"Saglit lang kitang hindi nakita, pero mas blooming ka yata ngayon," puna naman ni Tita Thriana.

Kumain lang naman kami doon at nag-kwentuhan ng kaunti. Nakipaglaro lang din naman si Drae kay Sebb. Matapos iyon ay umuwi na rin naman kami.

Kinagabihan ay hindi ko maintindihan kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Ang sarap din talagang putulin ng mga 'to minsan e.

Bakit ba kasi nasa harapan ako ng bahay nila ngayon?

Hindi ko alam kung magdo-doorbell na ba ako o kung ano. Mag-iisang oras na akong parang tangang nakatayo lang dito sa harapan ng bahay nila.

Bahay na noon ay madalas kong puntahan, pero matapos ang apat na taon, ngayon lang ulit ako nakabalik dito.

Siguro masamang ideya 'to. Ni hindi ko nga alam kung nandito ba siya. Tyaka, baka makita ko pa ang ex ko rito!

Wow... ex, big word!

"Daff?"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko!

"Uhm... si Deninn?" I asked nervously.

Tumingin lang naman siya sa wrist watch niya bago ako binalingan. "Pauwi na siguro 'yun, pumasok ka muna sa bahay," he offered.

"Hala, 'wag na." Umiling ako. "Okay na ako rito. May sasabihin lang talaga ako ng mabilis sa kanya," I smiled at him.

"Well, if you really don't mind... samahan na kitang mag-antay," sabi niya at umupo na rin sa tabihan ko dito sa harapan ng gate nila.

Awkward. Medyo.

"Ano 'yang dala mo?" tanong niya.

"Uhm, favorite ni 'Ninn."

"Bake mo?" he asked.

I nodded. Favorite kasi ni Deninn 'yung red velvet cupcakes ko, samantalang... siya naman ay lahat ng bine-bake ko.

"Close talaga kayong dalawa 'no?"

I nodded. "Dati..." I said.

"Don't worry, hindi naman 'yun galit sa 'yo. Alam niya naman ang totoong nangyari..." I felt sadness in his voice.

"You told them?"

He nodded.

"Bakit?" I can't help but ask.

"Anong bakit? Kasalanan ko naman talaga ang lahat, 'di ba? Ako iyong nagkamali." Hindi ako sumagot. "I'm really sorry for everything, Daffney."

"Sorry din..."

I suddenly felt like holding his hand. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko din alam kung bakit...

Siguro, sinasapian ako or maybe because I missed the feeling.

Maybe, I missed us touching.

His touch. Iyong tipong kahit hawakan niya lang ang kamay mo...

...makakampante ka na.

Ganito kami dati. I wasn't clingy. I wasn't sweet. Madalas, hinahawakan ko lang ang kamay niya kapag masaya kami. It always felt nice holding his hand. It always made me feel something.

He was slightly shocked.

"For what?" he asked, tila gulat pa din.

"Yung sa beach..."

Nanatili lang na magka-hawak ang mga kamay namin. Walang gustong bumitaw. Pinapakiramdaman ang isa't-isa.

"Ah," he started. "You were right. Imposible naman talaga 'yun, e 'di ba? Pero, I'm curious... sino ba talaga?"

"Ewan," I flashed a small smile at him.

"Anong ewan ka d'yan?"

"Hindi ko alam e, kung sino na lang gusto kong maging ama. Bahala na."

Inismidan niya naman ako. Nag-jojoke lang naman ako! Ang KJ naman oh!

"Joke lang, 'to naman!"

He smiled a little.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

He nodded.

"Bakit?" I asked.

"Para malaman ko kung sinong ipinalit mo sa akin d'yan sa puso mo."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya. I squeezed his hand. "Sa tingin mo ba talaga ipinagpalit na kita?" I asked.

His eyes slightly widened, pero kaagad din napalitan ng kakaunting ngiti. "Obvious naman, may anak ka na nga," sabi pa niya.

So, kapag ba may anak na ako bawal na kaagad kami?

What? Ano ba ang tinatanong ko sa sarili ko? What the hell, Daff?

"Bakit? Ayaw mo ba sa babaeng may anak na?" I blurted out. Nakakahiya!

Tumawa siya. "Hindi ah. Lalo na kung ikaw naman ang babaeng 'yun."

I felt my heart beating wildly inside my chest. Naramdaman ko din ang pag-init ng pisngi ko. I looked up at the stars, then, I smiled. "Ikaw talaga..."

And for the second time, after four years of being apart, I am going to ask myself this question again...

Darling, how did we get this far?

Continue Reading

You'll Also Like

22K 944 53
(BOOK 2) This is the continuation of When I Laid My Eyes On You. I advise you to read the Book 1 first. May mga pangyayari talaga na hindi mo maasah...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
780K 8.4K 44
C O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.
805K 16.1K 52
Matapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. L...