She's A Bad Girl

Від Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... Більше

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 2

100K 2.3K 126
Від Sweetmagnolia

                                                 

                                                              *****

Nilalaro ni Miisha ang zipper ng kanyang body bag habang naghihintay sa sala ng bahay nina Kathleen. Kinakabahan siya dahil pagkatapos ng aksidente ngayon niya lang makakaharap ang kaibigan. Mahigit isang buwan itong nasa hospital ngunit ni minsan ay hindi niya ito nakita. Pinagbawalan siyang dumalaw dahil sabi ng pamilya nito'y ayaw siyang makita ng kaibigan. Sinisisi siya nito sa nangyaring aksidente. At mas lalong lumalim ang galit nito sa kanya nang malamang aabot ng tatlong taon bago ulit ito makalakad.

Ilang beses niya itong sinubukang bisitahin sa hospital ngunit ni minsan ay hindi siya nakapasok sa kuwarto nito. Sa labas pa lang ay hinaharangan na siya ng mga bantay dahil na rin sa mahigpit na utos ng kaibigan. Kaya naman nang mabalitaang nakauwi na ito ng bahay ay umuwi pa talaga siya ng probinsiya upang dito naman ito subukang kausapin. Sa katunayan ay ipinagpalit niya ang kanyang summer class final exam para dito. Hindi na siya makapaghintay na magpaliwanag at makahingi ng tawad sa kaibigan. 

Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makitang bumababa ng hagdan ang ina ni Kathleen. Napahawak siya ng mahigpit sa bitbit na isang basket ng mga sariwang prutas.

"Kathleen doesn't want to see you," seryosong sabi nito sa kanya.

"Tita Pam, baka pwedeng puntahan ko na lang siya sa kuwarto," pakiusap niya.

"Hindi pwede. She's having her therapy session right now."

"E-Eh di maghihintay na lang ako dito hanggang matapos ang session niya," giit niya.

Humalukipkip ang ina ng kaibigan at unti-unting tumaas ang isang kilay nito. "Miisha huwag mo nang ipagpilitan yang gusto mo. When Kathleen says she doesn't want to see you, that means she won't kahit magmakaawa ka pa," matigas na sabi nito.

Hindi siya umimik. Napapahiya siya but she's trying to be tough. Exam niya ang pinagpalit niya dito tapos mauuwi lang sa wala. She remained seated habang binabalewala ang mataray na mga tingin ng kaharap.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Aren't you going to leave o gusto mong ipakaladkad pa kita papalabas sa mga katulong!" galit na wika nito habang pinandidilatan siya ng mga mata.

Wala siyang nagawa kundi tumayo. "P-Pakibigay na lang nito kay Kathleen," sabay patong niya sa bitbit sa mesa.

Tiningnan ng ginang ang basket ng prutas at pinakuha ito sa katulong. 

"Babalik na lang ako sa ibang araw..." mahinang sambit niya.

"Miisha!" tawag sa kanya ng ginang bago siya makalabas ng bahay.

"Yes Tita?"

"Please stay away from my daughter forever. My instinct was right, sa umpisa pa lang ay alam ko nang mapapahamak lang ang anak ko sa pakikipagkaibigan sayo. I'm glad that she finally realized now how worst you are as a friend kaya huwag na huwag ka na uling makapunta-punta sa pamamahay na ito."

Tumatagos sa mga kalamnan niya ang sakit ng bawat salitang naririnig ...ngunit hindi siya nagpaapekto sa mga sinabi ng ginang. Tumalikod siya ng walang anumang reaksiyon. Dati pa naman ay ramdam niya nang ayaw nito sa kanya.

"Miisha!" tawag ulit nito.

Nagdalawang-isip siya kung muling lilingon pero hindi rin siya nakatiis.

"Next time when you talk to older people, matuto kang maging magalang," sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Palibhasa walang inang nagpalaki sayo," mahinang dagdag nito.

Sumagot siya ng tango sabay labas ng pintuan.

"Yaya Merced itapon mo yang mga prutas na yan baka lalong hindi gumaling ang anak ko pag nakakain niyan!" dinig niyang sigaw bago maisara ang pinto.

Pagkalabas ng gate ng bahay ay humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at matamlay na yumuko. Kinagat niya ng madiin ang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha. Nilakasan niya pa lalo ang pagkakakagat para mas maramdaman ang sakit nito kaysa sa sakit ng dibdib.

Nakakita siya ng bato. Napagdiskitahan niya itong sipain habang naglalakad sa tabing kalsada. Nanatili siyang nakayuko habang sinusundan ang sinisipa-sipang bato. Huminto lamang siya nang marating niya ang tapat ng isang mansyon na may layong limang bloke mula sa bahay ng kaibigan.

Binuksan ng security guard ang gate nito pagkakita sa kanya. Mga sampung minuto muna siyang nanatiling nakatayo lang sa harap ng gate. Ilang beses muna siyang nagdalawang-isip bago pumasok dito. Pagdating sa loob, nakita niya sa hardin ang limang kalalakihang nakasuot ng barong at nakatambay sa isang pahingahang nipa hut.

"MIISHAAAA! Long time no see!"masayang tawag ng mga ito sa kanya habang kumakaway.

Matamlay at walang reaksiyong tiningnan niya ang mga lalaki. Wala siya sa mood makipagbatian sa sinuman kaya itinuloy niya ang paglalakad patungo sa bahay. Mga bodyguards ito ng kanyang amang congressman na si Francis Carballo. Hindi siya ampon. Hindi niya lang ito kaapelyido dahil hindi kasal ang mga magulang niya.

Nakatungong pumasok siya ng main door. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya agad si Wendy, ang kasalukuyang kinakasama ng kanyang ama. Nakaupo ito sa kanilang magarang sala habang may mga nakaunipormeng beauticians na nagmamanicure at nagfi-facial dito.

Napaigtad ng upo si Wendy pagkakita sa kanya at namilog ang mga mata nito. "Oh my! Miisha you're here!" she greeted with a wide smile.

Hindi niya ito pinansin at tahimik na nilagpasan niya lang ito sa sala. Hinawi ng babae ang mga kamay ng beauticians at sumunod ito sa kanya. "Kumain ka na ba? What do you want magpapahanda ako sa mga maids or kung gusto mo ipagluluto kita?"

Parang walang narinig na umakyat siya sa hagdan. Hinayaan niyang nakabuntot lang sa kanya ang babae.

"Oo nga pala Miisha. Pinakuha ng Daddy mo ang record ng mga grades mo sa school at nakita niya yung mga bagsak mong grades. Gusto mo bang sabihin sa akin ang paliwanag mo para ako na muna ang kakausap sa kanya?" malumanay na sabi nito.

Pagdating sa harap ng pinto ng kanyang kuwarto, saka niya lamang hinarap si Wendy. Nakasuot ito ng tube dress na hanggang sakong ang haba. Puno ng alahas ang katawan na animo'y may pupuntahang party. She's only 31 at mag-iisang taon pa lang itong kinakasama ng kanyang ama. Maganda at seksi ito. Natural. Yan lang naman ata ang panuntunan ng tatay niya sa pagpili ng babae. She used to be a singer in a hotel lounge. Pang walong babae na yata ito na nakalive-in ng ama.

"Ano ba kasi ang naging problema mo at marami kang bagsak na mga grades?" usisa ulit nito sabay hawak sa kanyang braso.

Ngumisi siya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanya. "Pwede ba ihinto mo na yang pagfefeeling ina mo. Hindi mo naman kailangang magbait-baitan. I won't care kung anuman ang totoong kulay mo. Sa dinami-dami na ng kagaya mong tumira dito sa tingin mo ba hindi pa ako sanay? Kung ako sayo imbes na pagnananay-nanayan, luho at pagpapaganda ang atupagin mo, mag-umpisa ka nang mag-ipon dahil malay mo baka bukas o sa makalawa'y palitan ka na ng ama ko."

"Miisha..." nasasaktang sambit ni Wendy.

"Ano naiinsulto ka? You should have listened when I warned you before to stay out of my sight," madiing sabi niya.

"MIISHA! WATCH YOUR MOUTH! How can you talk to your Tita Wendy that way?!"

Tumahimik siya pagkarinig sa boses ng ama. Nakita niyang papalapit ito sa kanila at napansin niyang bitbit nito ang kanyang report card. Her father is already 45 ngunit dahil may pagkabanidoso ito, he looks like he's only in his early thirties. Aminado siyang hindi lamang dahil pulitiko ang tatay niya kaya lapitin ito ng mga babae but because he's good looking too. Matangkad at matikas ang pangangatawan. Wala pa rin itong pinapakasalang babae kaya naman napakahaba ng pila ng mga nagpapahiwatig ng interes dito. Sino ba naman ang ayaw maging instant reyna?

She didn't show any sign of remorse kahit pinuna ng ama. Sanay na ang tenga niya sa mga linyang iyon. Don't talk to your Tita Donna that way! Don't talk to Tita Jasmin that way! He had the same line over and over again. Ang lamang pangalan lang ang nag-iiba.

Nagmamadaling lumapit si Wendy sa galit na kongresman na halatang may lakad dahil nakapolo barong ito. Dali-dali itong inalo ng kinakasama.

"Honey nag-uusap lang kami ni Miisha. Pagod lang siguro siya sa biyahe kaya wala siya sa mood."

"Huwag mo nang pagtakpan ang brat na batang yan! I've heard how she talked to you!" galit na sabi nito.

"Wala sa akin yun honey! Huwag mo ng pagalitan yang anak mo, hayaan mo mapapalapit din ang loob niyan sa akin pagdating ng araw."

Gustong masuka ni Miisha sa mga pinagsasabi ng babae. Bukod sa magaling na itong artista, feelingera pa masyado. Anong sabi? Mapapalapit din ang loob niya pagdating ng panahon? She smirked. Wish mo lang!

"Teka why are you still here hon? Akala ko ba papunta ka kina Governor?"

"I came back as soon as I heard Miisha is here," saka ito lumapit at matapang na tumingin sa anak. "Let's talk about this! " sabay taas nito sa report card.

Walang reaksiyon si Miisha at ni hindi man lamang makitaan ng kahit konting bakas ng takot sa ama.

"Anong ibig sabihin ng mga grades na ito?! Kalahati ng mga subjects mo bagsak! What the hell are you doing in Manila?! Ano pa ang dapat kong gawin para mabawasan yang pagiging iresponsable mo?!  Pinagbigyan na kita sa school na gusto mong pasukan!  Sa kursong gusto mo! Diyan sa walang kwentang pagpipinta mo! Sa pagtira mong mag-isa sa pipitsuging apartment! ANO PA BANG GUSTO MONG MANGYARI MIISHA HA?!!"

"Wala. Bobo lang talaga ako kaya bagsak ang mga grades ko."

Namula lalo sa galit ang mukha ng ama sa pabalang na sagot ng anak.

"Aba't tingnan mo kung paano to magsasagot!" sabay amba ng kamay nito kay Miisha ngunit mabilis itong pinigilan ni Wendy.

"Tama na yan Hon! May dahilan naman siguro si Miisha kaya ganyan ang mga grades niya."

Galit na umiling ang kongresman. "This won't do pinagbigyan na kita sa mga gusto mo pero still, ganito pa rin ang resulta!  Ngayong pasukan ay ililipat kita sa isang istriktong catholic school para magtanda ka!"

Sinagot lamang ni Miisha ng matapang na tingin ang ama. Walang pag-aalinlangang pumasok siya ng kuwarto at pinagsaraduhan ito ng pinto. She quickly locked the doorknob.

"MIISHA I'M NOT DONE TALKING TO YOU! OPEN THIS DOOR,YOU BRAT GIRL! THIS TIME AKO NA ANG MASUSUNOD SA ATING DALAWA! AALIS KA SA PUP NA YAN AT ILILIPAT KITA SA ISANG CATHOLIC SCHOOL PARA MADISIPLINA YANG BALUKTOT MONG UGALI!"

Matamlay na naupo siya sa kanyang kama. Itinapon niya ang bag sa sahig at sabay na napatingin sa nakaframe na larawan nila ni Kathleen sa ibabaw ng kanyang bedside table.

"MIISHA OPEN THIS DOOR! MIISHA!"

She sighed. Kaya ayaw niyang umuwi dahil dalawa lang naman ang nangyayari. Ang mag-isa siya sa malaking bahay na ito o di kaya'y ang sermunan siya ng ama.

"I ALREADY TALKED TO YOUR MOTHER TUNGKOL SA PAGTATRANSFER MO AND SHE AGREED TO IT!"

Did he just mentioned her mother? As if naman may pakialam ito sa kanya. Lahat naman ng sabihin ng tatay niya ay tatango lang yun saka kelan pa nakialam ang ina niya sa pag-aaral niya baka nga hindi pa nito tanda kung anong year na ba siya.

Ina niya si Lauren Avenoja, isang dating sikat na sexy star na nabuntis ng ama niya sa kasagsagan ng career nito. Itinago nito ang pagbubuntis sa kanya at pagkapanganak ay muli ring bumalik sa pag-aartista na siyang naging dahilan kung bakit naghiwalay ito at ang kanyang ama. Itinago siya ng ina sa publiko upang protektahan ang pangalan nito kaya't lumaki siya sa kanyang lola. Nang lumamlam ang career ng magulang ay nag Japan ito at nagtrabaho sa isang bar sa Okinawa kung saan matatagpuan ang base ng mga amerikanong militar. Nakapag-asawa ito ng amerikano subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng asawa nito ang tungkol sa kanya. Kahit sa napangasawa ay inilihim nito ang pagkakaroon ng anak. Ngayon nga ay naninirahan na sa Amerika ang kanyang nanay at mayroon na siyang dalawang nakababatang kapatid dito na ni minsa'y hindi niya pa nakikita ng personal. Isang siyam na taong gulang na lalaki at limang taong gulang na babae.

"AT TANDAAN MO MIISHA. THIS IS YOUR LAST CHANCE! KAPAG BUMAGSAK O NA KICK-OUT KA PA RIN SA SUNOD NA PAPASUKAN MONG ESKWELAHAN! HINDI NA KITA PAG-AARALIN! AT HINDI NA KITA BIBIGYAN NI ISANG KUSING NA ALLOWANCE! YOU'LL BE ON YOUR OWN! PARA MAREALIZE MO KUNG ANO ANG MGA PRIVILEGES NA MAWAWALA SAYO DAHIL DIYAN SA KATIGASAN NG ULO MO!"

Namatay ang kanyang lola nung siya'y siyam na taong gulang. Because no one would take care of her, ibinigay siya ng ina sa kanyang ama. Hindi naman siya tinanggihan ng noon ay isang mayor pa lamang na tatay. Ngunit hindi naging madali ang buhay niya sa piling nito. She lived in a huge house feeling all alone. Kagaya ng ina, inilihim din siya ng ama sa publiko. She was instructed to call him Daddy kapag nasa bahay lang and uncle kapag nasa labas na. Dumanas din siya ng mga pang-aapi mula sa ibang mga naging karelasyon nito. She had two younger brothers sa side ng ama mula sa ikatlong babae nakalive-in nito. Nasa Canada na ang mga ito at may sarili na ring pamilya ang babae ngunit ang ama niya pa rin ang tumutustos sa pag-aaral at mga gastusin ng kanyang mga kapatid.

When her father became congressman, that was the time she was allowed to call him Daddy even outside the house. He had plan to formally introduced her to the public as the eldest child... ngunit siya naman ang umayaw. Kuntento na siyang walang nakakaalam kung sino ang magulang niya. Masaya siyang malayang nakakagala sa kanilang lugar na walang mga matang nagmamasid.

"LASTLY, IF YOU DISAPPOINT ME AGAIN. YOU'LL NEVER TOUCH A PAINT BRUSH AGAIN!"

Nahiga siya sa kama at muling tiningnan ang larawan nilang magkaibigan. This is the reason why she can't afford to loss Kathleen. Dahil ito lang ang kaisa-isang taong nakakaalam at nakakaunawa sa kanyang tunay na nararamdaman. Pag pati kaibigan ay tumalikod na rin sa kanya, sino pa ang matitirang kakampi niya?

Dahan-dahan siyang namaluktot sa kanyang kanan habang pinapakinggan ang panenermon ng ama. Malungkot na yumakap siya sa unan at ilang sandali lamang ay tahimik na tumulo ang kanyang mga luha...

 


Продовжити читання

Вам також сподобається

81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...
854K 27.9K 34
Standalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2...
71.3K 1.3K 95
Si Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdam...
776K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...