Since You've Been Gone

By TheLadder89

96.2K 5.8K 8K

⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime I will never forget you, my love. I hope you're happy wherever you are. ... More

Snippet
Introduction
SYBG 1
SYBG 2
SYBG 3
SYBG 4
SYBG 5
SYBG 6
SYBG 7
SYBG 8
SYBG 9
SYBG 10
SYBG 11
SYBG 12
SYBG 13
SYBG 14
SYBG 15
SYBG 16
SYBG 17
SYBG 18
SYBG 19
SYBG 20
SYBG 21
SYBG 22
SYBG 23
SYBG 24
SYBG 25
SYBG 26
SYBG 27
SYBG 28
SYBG 30
SYBG 31
SYBG 32
Happy April Fool's Day
SYBG 33
SYBG 34
SYBG 35
SYBG 36
SYBG 37
SYBG 38
SYBG 39
SYBG 40
SYBG 41
SYBG 42
SYBG 43
SYBG 44
SYBG 45
SYBG 46
SYBG 47
SYBG 48
SYBG 49
SYBG 50
SYBG 51
SYBG: Epilogue

SYBG 29

1.9K 112 134
By TheLadder89





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Meeting"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





SA wakas at nakakita na rin naman ng parking spot si Dean. Inayos niya ang pagpa-park at nang magawa ito ay magmadali nang lumabas ng sasakyan para puntahan ang anak ng kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita o tumawag man lang sa isa sa kanila. Paalis na siya nang may makita siyang pamilyar na pamilyar sa kanya.

"David Virgil Samonte?!" Patdang sambit ni Dean ng makita ang lalaking kalalabas ng kotseng katabi ng sa kanya.

"Pat? Dean Patrick Villafuente. Wow! Long time no see, bro." Ganti naman ni Virgil. Nagulat din ang binata. Malapad ang ngiti nitong sinalubong ang taong matagal nang hindi nakikita. Ilang taon na ba ang nakakaraan? Ang huli niyang alam ay nangibang bansa ito.

"How are you, bro? How's Lola Juaning? Gosh, it's been a while." Parang nahawa na rin si Virgil sa ngiting nakikita kay Dean. It was a genuine smile. Isa sa mga katangiang na-miss niya sa kanyang kababata.

"Yeah, it's been a while. I'm okay though. Lola Juaning? Well, she's somewhere peaceful now." Bahagyang nalungkot si Virgil nang mabanggit ang sariling apuhan. Biglang na-miss ang mahal na Lola. "She passed away the summer before my senior year." Sagot niya na walang bahid ng sakit pero puno ng lungkot.

Nalulungkot siya sa tuwing naaalala ang kanyang Lola Juaning, ang tumayong ina sa kanya, pero hindi na siya nasasaktan. Ito lang kasi ang meron siya tapos nawala pa. Ito lang ang nagpakitang mahal na mahal siya, na pwede siyang mahalin kahit walang kinilalang ama at wala siyang ina. Hindi naman kasalanan ng Mama niya wala ito para sa kanya.

"I'm sorry to hear that, Yat. Pasensiya ka na at wala man lang ako doon." Natawa tuloy siya sa pangalang itinawag sa kanya ni Dean. Payat, yan ang tawag sa kanya ni Dean.

Alam niyang nalungkot din si Dean s pagkaalam na Lola Juaning niya kasi kahit nakangiti ang kababata ay basang-basa niya ang mga mata nito. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan na kahit na hindi maganda ang nangyayari ay nakukuha pa nitong ngumiti bagay na nagustuhan niya dito.

"Ikaw, Sot? Kamusta na? Last kitang nakita was the summer before our third year in high school." Kaswal niyang tanong sa kaibigan. Napangiti lang si Dean sa itinawag ni Virgil sa kanya.

Bansot naman ang tawag kay Dean, dahil may kaliitan ito noong mga bata pa sila. Na-miss niyang talaga ang kababata.Tumikhim muna si Dean bago sumagot.

"Okay lang ako. Pasensya na at wala ako nang mawala si Lola Juaning." Paghingi niya ng paumanhin. Mapait siyang ngumiti.

"Ayos lang yun kahit hindi na nakita ni Lola na grumaduate ako ng high school, nandiyan naman ang Tiya Meridia." Tumango-tango si Dean. Natutuwa siya kahit papaano. "Kamusta na. Balik Pinas ka na ba?" Dugtong ni Virgil.

"I'm okay. I'm back for now. Depende." Mabilis na sagot ni Dean. "I'm sorry for not being there you, Yat. Medyo nagkaroon kasi ng problema noon ang Mommy at Daddy sa negosyo kaya hindi na namin nakuhang bumalik sa probinsya kaya mas minabuti pa nila na sa Manila nal ang ako mag-aaral. Pero teka sandali, why are you here?" Biglang kambyo ng tanong ni Dean.

"Oh, I... Ah..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung bakit hindi masabi, hindi rin niya alam. At para namang pinag-adya, save by the bell 'ika nga, bumukas ang pinto ng passenger side at iniluwa nito si Ella.

"Sir Virgil, tara na po. Baka naghahanap na sila Tita sa atin." Si Ella. Nagulat si Dean nang makita ang dalagang kalalabas lang sa sasakyan ng kababata. Bakit nandito itong maingay na ito?

"Ella? What are you doing here? Why are you with him?" Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ng dalawa. Nangiti na lang si Virgil. Nakita niya ang pagbabago ng expression ng mukha ni Dean at pamumula ng tenga nito. He looks angry and he looks jealous. Are fish flying? I can smell them. Tiningnan niya si Ella, ganun din ito. Parehong bwist sa isa't isa pero may kakaibang kislap ang mga mata ng dalawa.

"Eh ano naman ngayon kung kasama niya ako?" Mataray na sagot ni Ella sabay irap pa. At pabagsak na isinara ang pinto. "Pakialamerong antipatiko!" Bulong nitong napalakas ng bahagya at narinig ni Virgil.

"Carmella Joy!" Napataas ang boses ni Virgil sa pagsaway sa kanya at dahil na rin sa ginawang pagsara ni Ella ng pinto nitong pabagsak.

"Sorry, Sir. Nakakapag-init ng ulo lang ang ibang tao diyan!" Pahayag nito sabay talikod at nagpatiuna na ng lakad. Napailing na lang si Virgil. Oh, yeah. There's something-something all right.

"Sus. Akala mo naman kung sino. Hindi naman kagandahan." Pabulong-bulong na usal ni Dean. Mabuti at si Virgil lang ang nakarinig nito.

"Bansot!" Bulong ni Dean. Weh?! Di nga?! Natatawa sa sarili si Virgil.

"I smell sweet, I see hearts. The thing is, it is only all around you, Sot." Sabay tawa ni Virgil, nang-aasar. Iniwan na si Dean at sumunod na kay Ella.

"Ulol! I see hearts ka diyan! Magpatingin ka sa doctor, baka nabubulag ka na at kung anu-ano ang nakikita mo!" Sagot naman nito na parang isang napakalaking katangahan ang sinasabi ni Virgil. Natawa ng malakas si Virgil sa isinagot ng kaibigan. Hindi pa rin ito nagbabago. Pikon pa rin ito — sobra!

"I know. I always see hearts whenever I'm with her." Napapantasyahang sabi ni Virgil. Napangiwi si Dean.

"Ang OA mo, Yat." Mabilis niyang sansala kay Virgil. "Are you in love with that thing?" Paangil na tanong Ni Dean na nakaturo pa kay Ella na parang diring-diri. Tumawa pa ng mas malakas ni Virgil. Oh! You haven't changed a bit. Still a no clue Dean.

"Ulol. Off limits ako diyan, baka patayin ako ng girlfriend ko, gago." Tumatawa pa ring sagot ni Virgil.

"Wow. May girlfriend ka na? Binata ka na, bro." Sabay suntok nito sa kanyang balikat. "DO I know her?" Dugtong pa ni Dean. Hindi na sumagot pa si Virgil dahil nasa loob na sila ng ER. Napatda pa sila sa kanilang naabutan.

Walang may kumilos sa kahit kanino sa kanilang pito. Titig na titig lang ang mga ito sa isa't isa. Ilang taon na nga ba nung huli silang magkita? Saan nga ba sila huling nagkita? Oh yeah. The same spot, emergency room, different hospital. The same situation but this is way little lighter than the previous.

"Aaron?!/Margaret?!" Sambit ng mag-aasawang Villasis.

"David?!/Miranda?!" Di naman makapaniwalang usal ng mag-asawang Scott.

Walang ibang salitang namutawi sa kanilang mga bibig kundi ang sambitin ang kani-kanilang mga pangalan. Puno ng saya, gulat, lungkot at pagkamangha ang kanilang mga puso. Nag-unahang tumulo ang kanilang mga luha.

"Whoaw!" Sabay-sabay na na sabi ng tatlong bagong dating.

"Oh my God, Amanda." Ang tanging nasambit ni Margaret pagkalipas ng ilang sandali. Mabilis na nilapitan ang balaeng matagal na di nakita.

"Marge... Oh, God." Inilahad ni Amanda ang kanyang kamay kay Margaret. Kinuha ito ni Margaret at hinila siya para yakapin.

Naging maemosyonal ang pagkikita ng magbalae. Iyak lang ang taning namutawi sa mga labi nila. Mahihinang hagulgol ang tanging maririnig sa mga ito. Hinayaan naman ni David at Aaron ang kanilang mga asawa, na ngayon ay nakaakbay sa isa't isa.

Maging sila ay lumuluha na rin at lahat sila walang pakialam na kanilang kapaligiran. Ilang sandali silang ganun lamang. Ngayon lang nila ibinuhos ang lungkot at pangungulila sa bawat isa. Ngayon lang nila ipinararamdam ang pagkasabik sa matagal na hindi pagkikita at pakikiramay sa isa't isa sa "pagkawala" ng kanilang mga mahal sa buhay na hindi nila nagawa noon dahil nawalan na sila ng panahon pa dahil mas pinili nilang masiguro na mabubuhay ang mga anak at apo nila.

"I'm sorry for you loss, Mandy./I'm sorry for you loss, Marge." Halos sabay nilang sabi nang makakuha ng lakas na magsalita. Halos sabay din silang napatda. Nagkatinginan. Maging sila David at Aaron ay ganun din. Nagkatinginan di sila Ella at Dean. Hindi maintindihan ng bawat isa ang mga nangyayari.

"What did you say?" Unang nakabawi si David. "What do you mean by I'm sorry for your loss? May alam ba kayong nangyari kay Ethan kaya kayo nandito?" Dugtong pa nito. Salitan niyang tinitingnan ang mag-asawang Scott. Yes po, mga readers. Puro tinginan ang nangyayari ngayon dito. Maraming tinginan, titigan at parang mga tangang hindi alam kung saan mag-uumpisa.

"What? I thought you guys are here because you had heard of the accident. Na kaya kayo nandito ay dahil kay Brynn." Nalilitong pahayag naman ni Aaron.

"No. we are here for our grandson, Ethan." Sagot ni Amanda.

"I knew it." Wala sa isip na sabi ni David.

"What do you mean you knew it?" Tanong ng asawa.

"I knew it kasi nagduda na ako na maaari ngang buhay si Siege." Pag-ulit ni David sa sinabi. "Remember the call that Marielle said this morning before we all drop Ethan off to school? Remember what she said when she met that little girl? And remember when I told you that I thought I saw Siegfried in the lobby of Scottsdale Hotel? So all of those are true. Pare-pareho silang buhay." Masayang sabi ni David.

"So, you mean all this time, buhay ang mga anak at apo natin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Margaret. Mas masagana na ang luhang umaagos mula sa kanyang mga mata, hindi luha ng lungkot kundi luha ng saya.

"Excuse me!" Tawag ng boses ng babae sa kabilang panig ng counter. Doon lang nila napansin ito na parang kanina pa nito kinukuha ang kanilang atensyon.

"Oh, I'm sorry." Sagot ni Aaron dahil siya ang pinakamalapit. "Scott please. Dinala sila dito galing ng field trip?" Dugtong pa niya.

"Just a moment, Sir." Tumipa ng ilang keys ang receptionist sa keyboard nito. "Nasa ER 3 po silang pareho." Sagot nito. Nagkatinignan ang mga ito.

"Pareho?" Tanong ni David. "Bakit?" Gutong niya.

"Magkapatid po sila, di ba?" Balik tanong naman ng nurse. Hindi na sila kumibo pa, baka humaba lang. "Kambal daw po kasi sila sabi nung batang lalaki." Nakangiting dugtong nito. Napangiti na rin sila dito.

"Oh my God, David!" Napasapo si Amanda sa kanyang dibdib. "Totoo nga yung sinabi ni Brianna kaninang umaga. Buhay nga ang anak niyang babae." Dugtong pa nito.

"Salamat. Miss." Puno ng excitement na sagot ni Aaron. "Tara na." Aya niya sa lahat.

"Teka sandali. Ano ang ibig n'yong sabihin? Buhay si Brianna?" Tanong naman nito.

"Oo. buhay ang anak namin. Matapos ang mahabang gamutan at halos isang taon na pagkaka-coma, physical therapy at temporary amnesia, nakasurvive siya." Maluha-luhang pahayag ni David.

"Oh God. Anong klaseng laro ito? Sino ang namatay?" Wala sa loob na tanong ni Margaret.

"Ahm... may we proceed to the kids first? Mamaya na po natin pag-usapan ito?" Nag-aalangan si Virgil na magsalita pero kailangan niyang awatin ang mga ito. Mas magandang mapuntahan na muna nila ang mga bata.

"Titos and Titas, Payat is right. We can all talked about that doon sa loob and maybe we can take the kids home dahil hindi pa rin natin nakokontak si Timothy." Parang may kung anong pumitik sa kanilang mga isipan. Walang salitang nagmadaling pumasok sa loob, nakasunod sa isang nurse na kanina pa siguro naghihintay sa kanila.

"Lolo Gramps! Lola Grams!" Masiglang bati ni Ethan kay Amanda at David.

"Hi, Lola. Hi, Lola." Bati naman ni Brynn kay Margaret at Aaron.

"Hi. Ate Ella. Hello, Tito Virgil." Si Ethan.

"Hi, Tito Dean. Hello, Ate Ella" Si Brynn.

"Hi!" Ang tangi naisagot ng lahat. Pare-parehong tulala na hindi mawari. Palitan tinititigan ng mga apuhan ang mga apo na nasa harapan nila. Parehong di makapaniwalang makikita pa nila ang mga ito.

"Where's Mommy?/Where's Daddy?" Sabay na tanong ng dalawang bata, sabay ding bumungisngis.

"Oh my God!/Oh my God!" Sabay na sambit ni Margaret at Amanda. Parehong hindi makapaniwala na buhay ang kanilang minamahal na kambal.

"Oh my, she is so beautiful." Umiiyak na sabi ni Amanda kay Brynn. Hindi nawawala ang ngiti ng bata.

"Kuya, isn't she our Lola Grams? She looks like our Mommy." Parang namamahikang wika ni Brynn at titig na titig kay Amanda. Nakangiti lang si Aaron at David, nakatayo sa likod ng mga asawa nila.

"Yes, she is very beautiful, just like her mother." Sagot naman ni David na namamanghang titigan ang apong ngayon lang nakita. Punong-puno din ito ng sawa.

"He is very handsome, Aaron. Kamukhang-kamuha niya si Timothy noong baby pa ito." Hinaplos ni Margaret ang pisngi ng apong ngayon din lang nakita. Nag-uumapaw ang tuwang napapaloob sa puso nila ngayon.

"Yes, he is." Pagsang-ayon ni Aaron kay Margaret. "Hey, Buddy. Did you know you look like your dad?" Dugtong pa niyang hinarap ang apong nakangiti.

"I know. My mommy tells me all the time." Sagot nitong puno ng pagmamalaki, puno ng kayabangan. "I haven't seen him yet because they said he passed away with my little sister in that accident." Malungkot na sabi ni Ethan.

Parang sinaksak ang mga puso ng mga apuhan hindi lang sa sinabi ni Ethan kundi sa nakita nilang paghawak ni Brynn sa kamay ng kakambal, pinisil pa ito.

"Oh God. Sino ba kasi ang nagpasimuno ng patay-patay na yan?" Napapadyak sa inis si Margaret. "David, get to the bottom of this." Nagngangalit ng bigkas ni Amanda ng hindi itinataas ang boses. Kita sa mga mukha ng dalawang Lolo ang hindi maitagong galit.

"You know what, tama na ito. Sa hotel na lang tayo mag-usap. We need to get to the bottom of this." Sambit ni Aaron.

"I agree." Pagsang-ayon naman ni David na puno ng pinaghalong galit at tuwa. Galit sa walanghiyang naglaro ng tadhana ng mga anak at apo, tuwa dahil nagbalik na ang mga ito, kompleto na ang pamilya ng anak.

"Gosh, Little man. You have a girl to protect now." Pag-iiba ni David ng usapan. Ayaw nilang dito pag-usapan ang mga bagay na hindi dapat malaman ng kung sinong makakarinig.. Nanggigigil siya.

"I know, Lolo Gramps. I will make sure that she always smiles." Determinadong hirit ni Ethan. Nakangiti naman ang mga apuhan, tatango-tango sa tinuran ng batang si Ethan.

"Thank you, Kuya Knight." Nagkatanginan ang mga ito sa itinawag ni Brynn sa kapatid.

"Why did you call Ethan Kuya Knight?" Tanong ni Margaret kay Brynn.

"Because he protected me in the bus." Nakangiting nakatingin kay Ethan ang nangingislap na mga mata ni Brynn.

Napahagikhik ang magkahawak-kamay na magbalaeng si Amanda at Margaret. Cute na cute sila sa inaakto ng magkapatid. Kita mo ang pagmamahal nila sa isa't isa kahit ngayon lang nagkita ang mga bata ay parang ang tagal na nilang nagkasama. Kakaiba talaga kapag kambal, may koneksyon na hindi mo maipaliwanag. Konektado ang isip at puso sa isa't isa. Konektado ang mga bituka.

"What happened on that bus? Was the driver driving erratically?" Tanong ni David. Nagkatinginan ang magkapatid. Hindi yata naintindihan ng mga bata ang sinasabi ng Lolo nila.

"What your Lolo Gramps meant, was the driver driving crazy?" Paliwanag ni Amanda.

"I am not sure, Lolo Gramps." Sagot ni Brynn. Nakangiti si David sa pagtawag sa kanya ng Lolo Gramps ni Brynn.

"We don't know. We just heard a loud noise." Kwento ni Ethan. Gumawa ng screeching sound si Ethan.

"Then the bus went like this..." Iminwestra ni Brynn gamit ang pinagsalikop na kamay na parang isdang lumalangoy.

"Then few of our classmates started crying, and my Princess, too. So, I hugged her and told her that things will be okay." Sabi ni Ethan na nakatitig sa kapatid. Ngumiti naman si Brynn, pinisil niya uli kamay ni Ethan. Magkahawak kamay talaga ang magkapatid.

"Then, Kuya said he loves me and he will protect me. He held me head when we sh.... What was that word again Kuya Knight?" Tanong niya dito. Ngumiti muna si Ethan bago sinagot ang kapatid.

"Swerve, Princess. Swerve is the word." Princess talaga ang tawag eh. Kuyang-kuya talaga ang dating ni Ethan. Ang lagkit ng tingin sa kapatid. Halatang mahal na mahal na kahit ngayon lang nagkita.

"Hahaha. You are definitely your father's son. He is so like that with your mom. He always makes sure that she is safe, even if it means he'll get hurt." Nakangiti man si Aaron ngunit may bahid ng lungkot ang boses niya. Nagkatinginan ang mga ito. Si Amanda na ang sumira ng namumuong pangit na mood na namamagitan sa kanila.

"And then?" Tanong ni Amanda.

"Yeah, that one. Swerved. The bus swerved then Kuya Knight hit his forehead on the handlebar instead of mine because he hugged and covered me." Hinipo ni Brynn ang noo Ethan. Doon pa lang napansin ng mga apuhan ang parang singlaki ng piso na pamumula ng noon nito.

"Oh my God, Aaron. Ipatawag ang duktor. Natingnan na ba ang bata?" Natataranta na naman si Margaret.

"Balae, kalma lang okay. Baka matakot ang mga bata." Doon lang uli kumalma si Margaret.

"I'm sorry, Balae. Alam mo namang takot ako sa mga ganito eh. Parang na-phobia na ako sa nangyari sa mga anak natin dati. Ayoko nang balikan baka di na kayanin pa ng puso ko, Mandi. Hindi ko na kakayanin." At kahit hindi marunong magtagalog ang mga bata at wala silang naintindihan sa sinasabi ng mga apuhan ay parang nakaramdam din ng lungkot ang dalawa dahil nawala ang mga ngiti ng mga ito na kaninang tumatawa pa ang mga ito.

"Tito Dan, Tita Marge. Kung okay lang po sa inyo, kami na po ang tatawag ng duktor." Magalang na presinta ni Dean. Tumirik ang mga mata ni Ella.

"Epal. Papansin. Pabida." Pabulung-bulong na sabi ni Ella na narinig ni Virgil at Dean. Nakita ni Virgil ang tahimik na pagpoprotesta ni Dean kaya bago pa ito magsalita ay pinili na lang na pumagitna kahit na magmukha na siyang pakialamero.

"Mrs. Villasis....." Panimula ni Virgil na sinasala ni Amanda.

"Anong Mrs. Villasis? Di ba sabi ko sa iyo na pamilya ka na?" Hindi nakakibo si Virgil sa hirit ni Amanda. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa babae. "Kung ayaw mong magalit ako sa iyo, Tita ang itawag mo sa akin." Nakataas ang kilay na sabi ni amanda. Napalunok si Virgil. Bahagyang napatawa si David sa tinuran ng asawa at sa naging reaction ng binata.

"Well, if I were you, son, I'll call her Mom instead of Tita bago ka pa bugahan ng apoy ng inahing dragon natin." Napamulagat ng mata si Ella, Aaron, Margaret at Dean.

"Yat? He's your dad? Tito David is your dad?" Wala sa sariling nasambit ni Dean. "Kaya ba David Virgil ang pangalan mo?" Tumango lang si Virgil at David. Napahugot ng malalim na paghinga si Virgil.

"I'm hoping but we are not sure yet." Mahinang sabi ni Virgil. Nalungkot si David.

May isang panig sa kanyang puso na parang sinaksak. Ganito din ba ang naramdaman ni Virgil kani-kanina lang? God, bakit ang sakit? Bakit parang gusto kong sabihin niya na 'Oo, ako ang tatay niya?' Baliw na nga sigurong tawag ang ganoong pag-iisip pero wala eh.

Kahit na umayaw ang isip niya, ang puso naman niya ay handang sumugod sa gera. Gera ng pagigigng ama at estranghero. Tama si Amanda, siya o hindi ang ama ni Virgil ay gusto niyang siya ang kilalanin nitong ama. Siya ang ituring na ama. Mali ba ang mag-isip ng ganito? Salamat kay Amanda.

"Mamaya na natin yan pag-usapan sa hotel sabi nga ni Margaret. Sige na, Virgil. Paki tawag ng duktor para malaman nating kung pwede na tayong umuwi. Nangangati ako dito." Pahayag ni Amanda na bahagya pang nagkamot. Tumango ang binata. Pero sa pag-ikot niya para lumabas ay siya namang pagpasok ng teacher ng mga bata.

"Oh. I'm sorry." Sambit ni Virgil.

"I'm sorry." Paghingi ng teacher ng paumanhin sa kanya.

"It's okay. May we help you?" Tanong niya dito. Hindi niya kilala ito.

"Who are you?/Who is she?" Sabay na tanong ng mga Lola ng dalawang bata.

"Ay siya po pala si Ms. Crystal Camino."












--------------------
End of SYBG 29: Meeting

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.07.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Continue Reading

You'll Also Like

587 77 37
May mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa ka...
165K 3.2K 13
Samantha Madrigal had a perfect life. She had the good looks, successful business, supportive parents and a loving boyfriend, Michael, of 6 months. B...
1.9K 68 11
Ri-Ri spent most of her life in a limelight. She's always been surrounded with paparazzi and her overprotective mother-slash-manager. It was always b...