Isang Rosas, Isang Pag-ibig...

By PHR_Novels

577K 10.4K 130

Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw By Victoria Amor "Kung dumating ang araw na kailangan kong pumili, pa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28

Chapter 27

18.6K 375 3
By PHR_Novels


NAGLILIGPIT na si Liam ng mga personal na gamit nang marinig ang mahina at pamilyar na katok ni Avi.

"'Pasok ka, baby!" masayang tugon niya. "Bukas 'yan, itulak mo lang, love." Sa pinto na siya nakatingin habang nagpapasok ng mga gamit sa backpack. Nahuhulaan na niya ang magiging desisyon ni Gabrielle kaya hindi na niya nais bigyan ng pag-asa ang sarili at masaktan na naman. Hindi man siya tanggapin ni Gabrielle sa buhay nito, magmamahal pa rin siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan, pero patuloy siyang magmamahal sa dalaga hanggang siguro ay mapagod ang kanyang puso.

Nahuhulaan na rin ni Liam na hindi ilalayo ni Gabrielle si Avi sa kanya. Sa natuklasang mga kahanga-hangang katangian ng dalaga, nasisiguro niyang mas uunahin nito si Avi kaysa ang sarili. Isang selfless woman ang Gabrielle na kanyang nakilala. Maging mahirap man para dito ang sitwasyon, pipilitin ng dalaga na pakibagayan siya alang-alang kay Avi. Sobra-sobra na iyon para sa kanya. Hindi na siya hihiling pa ng iba.

"Papa?" Sumungaw sa pinto si Avi yakap ang mga pulang rosas na wala nang mga tinik—ang iba ay tuyo at lanta na. Iyon ang mga rosas na ibinigay niya. "Ipinabibigay po ni 'Ma."

Kaagad na iniwan ni Liam ang ginagawa at sinalubong ang bata.

"Mayro'n pa po." Tumalikod na agad si Avi bago pa man siya nakapagsalita.

Inilapag ni Liam sa kama ang mga rosas. Ibinabalik man ni Gabrielle ang mga bulaklak, natuwa siya na malamang itinago pala ng dalaga ang mga bulaklak.

Kaagad na nabilang ni Liam ang mga rosas—sampu.

Napatingin siya sa pinto nang muling pumasok si Avi, inilapag uli sa kama ang sampung piraso pa ng mga rosas—wala na ang mga picture at message na isinama niya. "Thank you daw po sabi ni 'Ma." Iyon lang at lumabas na uli si Avi.

Magkahalong saya at lungkot ang sabay na naramdaman ni Liam. Ramdam na ramdam niyang tatapusin na ni Gabrielle ang lahat sa pagitan nila. Magiging napakasakit niyon pero pagbibigyan niya ang dalaga. Hindi niya gustong bigyan si Gabrielle ng karagdagang sakit ng loob at stress. Kung ikatatahimik ng dalaga ang tuluyang paglabas niya sa buhay nito, ibibigay niya ang katahimikang iyon.

Mayroon pa naman siyang Avi. Sapat na muna iyon.

Mula sa mga rosas ay lumipat sa pinto ang tingin ni Liam nang marinig ang mahinang katok. Hindi pa man siya sumagot ay bumukas na ang pinto at marahang humakbang papasok si Gabrielle. Sa ilang gamit niya tumutok ang mga mata ng dalaga.

"Ready ka na pala talagang umalis?"

Ngumiti lang si Liam, ngiting walang buhay. "Bibitbitin ko na lang pagkatapos nating mag-usap."

"Hindi ko ipagkakait sa 'yo si Avi, Liam."

"Inaasahan ko nang 'yan ang sasabihin mo. Nakilala kitang selfless, Gabrielle. Alam kong uunahan mo si Avi bago ang lahat."

Marahang ngumiti ang dalaga. "Naiwan 'yong last rose." Iniabot nito sa kanya ang rosas. "Ano pa ang inaasahan mo?" tanong ni Gabrielle, nakatitig na sa kanyang mga mata.

Gustong sabihin ni Liam na huwag siya nitong titigan, na huwag ngitian habang hawak niya ang huling rosas na ibinalik nito dahil nagsisikip na ang kanyang dibdib. How could she smile at him and say goodbye?

Torture, he thought. Siguro nga, naging masakit talaga ang panlolokong ginawa niya kaya ibinabalik ni Gabrielle ang sakit na iyon.

Hindi na sinagot ni Liam ang tanong ni Gabrielle. Umiling na lang siya kasabay ng malungkot na ngiti.

"Anuman ang gusto mong arrangement natin kay Avi, susunod ako, Gabrielle."

"Okay sa akin 'yan."

Hindi maintindihan ni Liam kung bakit hindi nabubura ang ngiti ni Gabrielle habang nakatitig sa kanya. Natutuwa talaga ang dalaga na nasasaktan siya?

"Gusto ko lang linawin ang isang bagay—hindi tungkol kay Avi, kundi tungkol sa atin, Liam."

"Nakikinig ako..." Humigpit ang paghawak niya sa stem ng rosas na kung may tinik ay tiyak na nasugatan na siya. Sa nalalantang rosas na rin niya itinuon ang tingin. Hindi niya kayang marinig na sabihin ni Gabrielle ang mga salita habang nakatitig siya sa mga mata nito.

"Gusto ko ng anak," deklara ni Gabrielle.

Napapikit si Liam. Kailangan ba talagang ipagdiinan ng dalaga ang hindi niya kayang ibigay? Sobrang sakit na...

"Na ikaw ang ama, Liam," dugtong ni Gabrielle na mabilis na nagpadilat sa kanya. "And since hindi mo kayang ibigay sa akin 'yon, si Avi na lang ang mahalin natin."

Masyadong kaswal ang tono ng dalaga na kinailangan ni Liam ng ilang segundo para iproseso sa isip kung tama ang dinig at pagkakaintindi niya sa sinabi nito.

Pag-angat niya ng tingin ay nasalubong ang ngiting-ngiting anyo ni Gabrielle.

"Gabrielle..." halos wala sa sarili na nasambit niya. Napakaganda ng ngiti ng dalaga, hindi na niya nararamdam ang mga negatibong emosyon.

Napako si Liam sa kanyang puwesto. Hindi niya gustong iwan ng tingin ang mukha ni Gabrielle dahil baka biglang maglaho na lang ang dalaga at mamulat siya sa katotohanan na sa pantasya lang niya nakikita ang ganoon kagandang ngiti.

Pero lumapit ang mukha ni Gabrielle na inakala ni Liam na isang pantasya lang para ilapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

"Para kang frozen statue," sabi ng dalaga pagkatapos dumistansiya. "Pero guwapo ka pa rin, William De Nava." Inulit nito ang paghalik sa kanya. "At mahal kita maging sino ka man."

Natulala na siya nang tuluyan.

Tumawa si Gabrielle bago siya niyakap. "Oy! Ano?" pukaw nito. "Sinabi na ngang mahal kita, eh!"

Nang maramdaman ni Liam ang init ng yakap ng dalaga ay saka lang siya naniwalang hindi iyon bahagi ng pantasya. Niyakap talaga siya ni Gabrielle at mahal siya nito!

Tumawa na rin si Liam—mahina sa umpisa, na unti-unting lumalakas kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap kay Gabrielle. Hindi niya binitiwan ang dalaga hanggang sa mapawi na ang bigat ng kanyang pakiramdam at ang lahat ng takot sa kanyang dibdib.

"Tinakot mo ako nang sobra, Bri."

Muling tumawa si Gabrielle. "Gusto ko 'yang tawag mo sa akin. Mga taong mahal ko lang ang tumatawag sa akin sa nickname na 'yan."

Nang mag-angat ng tingin si Gabrielle ay sinalubong na ni Liam ng mapang-angking halik ang mga labi ng dalaga. Umungol si Gabrielle, naramdaman ni Liam sa kanyang mga labi ang pagngiti ng dalaga bago tumugon. Kumawala ang lahat ng kanyang naipong emosyon. Ipinahayag niya iyon sa mahigpit na yakap at paulit-ulit, mainit at malalim na halik.

Humilig si Gabrielle sa kanya nang sa wakas ay palayain niya ang mga labi nito. Sumubsob ang dalaga sa kanyang dibdib.

"Sigurado ka bang baog ka?" pabulong na tanong ni Gabrielle.

Napahalakhak si Liam. Malakas. May buhay. "Sabi ng andrologist na kaibigan ng ex-gilfriend ko," sagot niya, nakadampi ang mga labi sa ibabaw ng ulo ng dalaga. "Hindi ko naisip na magpa-second opinion kaya baka nga hindi," pabirong dugtong niya.

"Parang hindi naman, eh," sabi ni Gabrielle na muling nagpatawa kay Liam.

"Pakasalan mo ako, Gabrielle Vienn," bulong ni Liam at mariing hinalikan sa noo ang dalaga. "Sa first night natin, bibigyan kita ng dahilan para mas magduda."

Tumatawang kinurot siya ni Gabrielle sa tagiliran. "Ang yabang mo, De Nava—" Hindi na nito naituloy ang pangungusap dahil pinatahimik na niya ng halik.

"Yabang lang 'yon? Hindi ako magaling humalik?" sabi niya nang pakawalan ang dalaga na naghahabol ng hininga.

Tumawa si Gabrielle at hinampas siya sa balikat.

Mahigpit na yakap ang itinugon ni Liam. "Thank you, Bri. Thank you for accepting me, all of me."

"I love you."

Namasa ang mga mata ni Liam nang mas humigpit ang yakap ng dalaga. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito.

Nang mga sumunod na araw ay nalaman na ni Liam kung sino ang tumawag sa kanya noon sa Taiwan para ibalita ang pagpanaw ni Lola Santina—si Nanay Puring na iniwanan pala ng matanda ng isang habilin, na abangan ang pagdating niya sa farm. Pero hindi alam ni Nanay Puring ang tungkol kay Ronn na siyang tunay na ama ni Avi.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 2.9K 24
sequel of Hot Intruder: Marrio. unedited first draft wattpad version only
56K 1.5K 14
"I told you I'm willing to give up my life for you. I'm not scared of dying. Mas takot ako kung ikaw ang mawawala. Because if that happens, wala na r...
313K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
586K 9.1K 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ika...