Dirty Fairytale [Completed]

By grei_zivheart

1M 11.4K 2.4K

Ang tunay na lalake, di allergic sa puke. Teka. Bago kayo mabastos. English yung puke diyan a? Yung suka sa t... More

Dirty Fairytale [Author's note]
Dirty Fairytale [#1]
Dirty Fairytale [#2]
Dirty Fairytale [#3]
Dirty Fairytale [#4]
Dirty Fairytale [#5]
Dirty Fairytale [#6]
Dirty Fairytale [#7]
Dirty Fairytale [#8]
Dirty Fairytale [#9]
Dirty Fairytale [#10]
Dirty Fairytale [#11]
Dirty Fairytale [#12]
Dirty Fairytale [#13]
Dirty Fairytale [#14]
Dirty Fairytale [#15]
Dirty Fairytale [#16]
Dirty Fairytale [#17]
Dirty Fairytale [#18]
Dirty Fairytale [#19]
Dirty Fairytale [#20]
Dirty Fairytale [#21]
Dirty Fairytale [#22]
Dirty Fairytale [#23]
Dirty Fairytale [#24]
Dirty Fairytale [#25]
Dirty Fairytale [#26]
Dirty Fairytale [#27]
Dirty Fairytale [#28]
Dirty Fairytale [#29]
Dirty Fairytale [#30]
Dirty Fairytale [#31]
Dirty Fairytale [#32]
Dirty Fairytale [#33]
Dirty Fairytale [#34]
Dirty Fairytale [#35]
Dirty Fairytale [#36]
Dirty Fairytale [#38]
Dirty Fairytale [#39]
Dirty Fairytale [#40]
Dirty Fairytale [EPILOGUE]

Dirty Fairytale [#37]

16.1K 170 33
By grei_zivheart

THIRTY SEVEN

Photoshopped lang lahat yun diba? Malabo naman kasing maging totoo yun e. Kasi taena, di naman ganun si Vivi diba? Saka di sila talo ni Kaizen. Err. Hindi nga ba? Sht. Oo’nga kayo. Ang gulo na ng utak ko e.

Tinanggal ko yung bag ko tapos naupo ako ang nakasandal sa may locker. Tapos nun, nilabas ko yung mga naunang picture na bigay ni J. Tinignan ko yung mga yun nang paulit-ulit kung pareho nung bagong bigay ni J. Taena. Oo, sila nga to. Pero photoshopped lang din to diba? Pinagtritripan lang sila ni J. Kasi sila yung slut saka fag na tinutukoy nun diba? Kaya tama, tama. Mahal ako ni Vivi kaya imposibleng totoo to. Kaso.. sht, wala.

Umayos ka nga, Skype. Mahal na mahal ka ng girlfriend mo tapos di mo lang siya pagkakatiwalaan?

Binato ko yung mga picture sa harap ko sa sobrang gulo na ng utak ko. Tapos nun, kinuha ko yung phone ko para tanungin si Vivi tungkol dito. Itetext ko na dapat siya kaso napansin kong iba na yung wallpaper ng phone ko.Dati kasi si Vivi lang yun e. Ngayon, yung nakakandong na siya sakin at hinahalikan niya ako sa rooftop. Err. Ako ba nagbago neto nung lasing ako? Di ko maalala e. Pero teka. Ba’t parang kapareho to nung unang bigay ni J?

Kukunin ko na sana yung mga picture na binato ko para ikumpara pero dumating bigla si Amanda pati si Kier sa gilid ko. Napatingin sila sakin na parang nagulat na andun pa ko.

“Hey, Skype. Ba’t di ka pa umuuwe?” tanong ni Amanda sakin. Si Kier naman tinignan lang ako nang masama.

“Hinihintay si Vivi. Kayo?” palusot ko. Ayoko kasing sabihin na magulo utak ko dahil sa kagaguhan ni J e.

“La ka na dun. Una na ko, Mandz.” umalis na si Kier nang maangas habang umupo naman sa tabi ko si Amanda.Tapos nun, parang napansin niya yung picture sa may harap ko kaya kinuha ko agad.

“Si Vivi ba yun?” nakaturo pa siya sa mga picture na hawak ko habang tinatanong yun.

“Di ko nga alam e. Tingin mo si Vivi saka si Kaizen to?” pinakita ko yung huling picture na di blurred si Kaizen sa kanya. Nakita naman na niya kaya wala nang dahilan para itago ko pa. Napakagat lang siya ng labi niya na parang may iniisip. Sht. May alam ba siya?

“Uhm. Honestly, Skype. Ayoko talagang manggaling sakin to pero madalas ko silang makitang magkasama ni Kaizen lately. And based sa mga posts ni Vivi sa Tumblr, she is a very good playgirl. Napagsabay niya nga kayo ni Eron dati diba?” Napaisip ako sa sinabi niya. Playgirl ba talaga si Vivi? Pero, di naman totoong pinagsabay niya kami ni Eron diba? Err. Taena. Mas lalo lang gumulo utak ko.

“Fvck.” Biglang tumayo si Amanda na parang nasusuka kaya napatingin ako. Nakahawak siya sa bibig niya na parang tinatakpan kaya nag-alala ako.

“Ayos ka lang, Mandz?” tumayo ako para alalayan siya.

“Yep. Sorry. I need to go.”tumakbo siya na parang nasusuka papunta dun sa CR. Sa totoo lang, di naman niya kelangan tumakbo e. Ayos lang naman sakin makita yung puke niya. Err. Teka,yung suka sa tagalog yun a? Magulo utak ko masyado para magbiro ngayon e.

Pag-alis ni Amanda, nilagay ko yung mga picture sa bag ko tapos nilabas ko ulit phone ko para itext si Vivi. Nung itetext ko na siya, may nagtext saking di nakasaved na number.

“Di pa exam pero may nagchi-cheat na? At ang lupet ha, sa rooftop pa talaga! – PS. Check it out and you’ll know what I mean, J. :>” Nabitawan ko yung bag ko pagkabasa ko nun.

Nagmadali akong nagpunta sa rooftop tapos nung bubuksan ko na yung pinto, nagdalawang-isip ako. Taena. Wag na lang kaya?

“I know, right? Nakakainis nga e. Patay na patay sakin si gago.” Narinig kong sabi ni Vivi na parang hindi siya yung nagsasalita. Basta, iba yung tono e. Pero si Eron yung tinutukoy niya diba? Oo kayo? :(

“Bakit kasi pinapaasa mo pa yun, Babe? Ako naman talaga mahal mo diba?” Sumilip ako pagkasabi ni Kaizen nun. Nakaupo sila ni Vivi dun sa inuupuan namin dati. At tulad nung araw na yun, nakakandong din si Vivi sa kanya.

“E ang sarap pa niya pang paikutin e. Parang si Eron lang.” Tumawa sila ni Kaizen tapos naghalikan sila. Taena. Sinara ko agad yung pinto nang malakas tapos bumaba na ako. Baka kasi kung anong magawa ko kung di ako aalis dun.

Bumaba ako nang hagdan ng pinipigil yung nararamdaman ko. Yung pagkagulo ng utak ko kanina, napalitan na ng bigat ng nararamdaman. Taena. Ba’t ganun? Minsan nalang nga ako magmahal nang sobra, binalewala pa. Di naman ako nagkulang kay Vivi diba? Tinanggap ko kung ano siya. Naging sweet at loyal ako sa kanya. Naging mabuting boyfriend naman ako diba? Pinigil ko pa nga yung pagkaano ako para marespeto siya tapos.. taena, kulang pa ba yun?

Pakisabi nga kung ano pang pwede kong gawin o? Maagaw ko pa naman siya kay Kaizen diba? Sht. Taena. Tama nga si Tito Jecko. Parang S&M ang pag-ibig. Yung mahal mo yung S tapos puso mo yung M. Ang kaibahan nga lang, minsan sa pag-ibig, puro sakit at hirap lang, walang sarap.

Lumabas na ko ng school pagkababa ko galing rooftop. Naglakad ako para magpunta dun sa di tapos na building ng Mom ko. Wala kasi akong maisip na ibang lugar na pwedeng mapuntahan dahil di pa bukas yung bar ng kaibigan ni tito ko. Gusto ko kasing sumayaw para makalimutan to.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Loki na parang may binibigay na laruan dun sa madungis na bata. Awts. Ang cute o.

Napasmile ako ng konti kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko tapos, naglakad na ko.

“Kuya, Skype! Sama mo ko.” lumapit sakin si Loki nung nakita niyang paalis na ko.

“Di pwede e.” Sumimangot siya sa sagot ko na parang iiyak pa. Aww. Ba’t ang utak ng batang to? Alam na di ko siya matitiis e.

“Sige na nga. Pero sandali lang a?” Nag-closefist pa siya na parang natuwa na nauto niya ko. Natawa lang naman ako tapos binuhat ko na siya sa may balikat ko. Tapos nun, nagpunta na kami sa building ng Mom ko.

“Sayaw tayo, Loki.” Binaba ko siya tapos nilabas ko phone ko pagbukas ko nung generator sa first floor. Nabadtrip nga ako sa wallpaper ko kaya binukas ko agad yung mp3 player para mawala sa paningin ko.

Nung nakabit ko na phone ko sa speaker, tumunog na yung hiphop na kanta.

“Tara,bata. Turuan kita.” Bumalik ako sa tabi ni Loki tapos nagsimula akong mag-freestyle bago ko siya tinuro para sabihing siya naman. Natuwa nga ako dahil may talent pala si Loki sa pagsasayaw di tulad ng kuya Ace niya. Parang nagbabattle tuloy kami dito. Ayos nga e. Eto kasi talaga kailangan ko.

“Angas sumayaw a? Eto, tignan ko kung kaya mo.” Nag-freestyle ulit ako bago nagbackflip na may full twist kasabay ng music. Nag-smirk lang naman si Loki nang maangas tapos nag-freestyle din siya sabay backflip na may fulltwist din dulo. Sht. Ba’t ang lupet ng batang to?

“San mo natutunan yun?” Nagsalubong kilay niya sa tanong ko.

“Sayo, Kuya Skype.” Sht. Ginaya niya lang yung ginawa ko? Lupet talaga ng pamilya nila Ace o.

Nag-smile lang ako kay Loki tapos nung sasayaw na ulit ako, nag-iba na yung music sa Stick-Around na kinanta ko kay Vivi. Taena.

“Pagod na ko.” Pinatay ko yung music dun sa phone ko tapos tinago ko na sa bulsa.

“Weh. Scared ka lang Kuya Skype e.” lumapit si Loki sa tabi ko kaya ginulo ko buhok niya. Inaayos lang naman niya na ang sama pa ng tingin sakin.

“Punta tayo sa rooftop, gusto mo?” Tinignan niya ulit ako nang magkasalubong yung kilay.

“Sa taas. Tara. Pero bawal makulit dun a?” Tumango lang siya tapos umaakyat na kami gamit yung elevator. Pag-akyat namin, saktong palubog na yung araw.

“Tara dito.” umupo ako sa lapag kaya sumunod naman siya. Tahimik lang ako dahil naalala ko yung huling punta ko dito kasama si Vivi. Taena. Ba’t ba kasi di niya ko mah-. Sht. Wala.

“Kuya Skype o.” Tinignan ko yung binibigay sakin ni Loki na lollypop tapos kinuha ko.

“Salamat.” Binuksan ko yung lollipop tapos kinaen ko. Si Loki naman naglabas din ng lollipop tapos binukas niya.

“Angas. Marunong nang magbukas.” Tumawa ako tapos tumingin ulit sa paglubog ng araw. Sht. Ang ganda. Parang si.. wala, joke lang.

“Ba’t ka malungkot, Kuya Skype?” napatingin ulit ako kay Loki na kinaen na yung lollypop tapos tumawa ako ng pilit.

“Ako, malungkot? Asa!” nakaturo pa ko nun sa sarili ko habang nagpapanggap na masaya. Tinignan lang naman ako ni Loki nang di naniniwala.

“Weh. Ni-away mo si Ate Vivi no? Ayos lang yan, Kuya Skype. Papatawad ka nun. Lab ka nun e.” Tsk. Kaya ayokong isama to kanina e. Ang daming alam e.

“Di na Loki e. Ayaw na ni Ate Vivi mo sakin.” humiga ako tapos nagtakip ako ng mata gamit braso ko. Ang sakit kasing sabihin nung kanina ko pang tinatanggi e. Alam niyo yung parang bumaon sa puso niyo tapos pag tinatanggal, mas lalong sumasakit? Parang ganun e.

Pinunasan ko mata ko dahil ayaw tumigil sa pag-iyak. Parang gago din minsan mga mata natin no?Walang pakisama e. Parang bata tuloy akong umiiyak dito.

Tumayo na ko bago pa mapansin ni Loki na umiiyak ako. Buti nga madilim na kaya di halatang nag-emo ko.

“Tara, Loki. Uwi na kita.” Sumunod na sakin si Loki nang tahimik tapos umalis na kami sa lugar na yun. Hinatid ko siya gamit yung kotse ko sa bahay nila tapos nagpunta na ko sa bar ng kaibigan ng tito ko.

Pagpasok ko, nag-sasayawan na mga tao sa hiphop na music. Ayos. Makakalimutan ko na tong sakit na nararamdaman ko.

“Hey Skype-y. Fancy seeing you here.”napatingin ako kay Alistaire na parang nakainom na. Walang ‘fvcking ‘yung salita e. Pero nakakainggit. Di kasi ako pinapayagang uminom nung kaibigan ng tito ko e. Hanggang entrance lang daw sagot niya.

“Have a shot.” Pinainom niya sakin yung hawak niyang Tequilla ata tapos nagpa-order pa siya dun sa kasama niyang mukhang college na.

“Don’t worry. I’ll pay him later.” Kumindat pa siya kaya natawa ako. Alam na kasi yung ipangbabayad niya.

Sumayaw lang kami ng sumayaw habang nag-sshot paminsan-minsan. Pagkatapos ng ilang shot, nakaramdam na ko ng tama. Taena, ba’t ba ang bilis kong malasing? Gusto ko pang sumayaw e.

Naupo lang ako sa may bilihan ng drinks tapos yumuko dun para magpahinga. Baka kasi magblack out na naman ako nang di oras tulad nung nalasing ako nung birthday ni Zee. Sht kasing katawan to e. Napakaweak sa alak.

“Come on, Skype. Let’s get out of here.” Narinig kong sabi ni Alistaire kaya tumayo ako kahit sobrang hilo na ko. Di ko na alam kung pano pero sunod nalang na alam ko, nasa kama na ko at parang tinatanggal ni Alistaire yung polo ko.

Nung nasa huling butones na siya, hinawakan ko kamay niya para pigilan siya.

“Teka, Alistaire. Mahal ko girlfriend ko.” Tumawa lang si Alistaire tapos naramdaman kong lumapit siya sakin para halikan ako. Parang pamilyar nga yung halik niya pero di ko na naalala kung kanino dahil sobrang hilo na talaga ako. Tapos nun, may naalala ko.

“Mahal din kita, Skype. Sobra.”

Si Vivi lang yung nag-iisang babaeng hinalikan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
13.4M 205K 85
Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testamen...
1M 28.9K 51
Ang love story na pagkain lang ang third party.
203K 2.8K 200
(2023) Taylor Swift Lyrics Completedâś…: evermore folklore Lover reputation 1989 Red (Taylor's Version) Speak Now Fearless (Taylor's Version) Taylo...