Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 31

15.1K 551 158
By jaysanj


Zoe's POV

"Ang aga ah?" nakangiting bungad sakin ni Kuya Kyle. Nandito na lahat ng boys at nagwa-warm up sila. Ngumiti ako sa kanya. "Tara, sabayan mo na kami magwarm up." tumango ako sa kanya at nagwarm up din kasabay nila.

Habang nagwa-warm up pinakilala ako ni Kuya Nicolo sa boys. Nakakatuwa silang lahat dahil ang hilig nilang dumamoves at bumanat ng kung ano-ano sakin. Natatawa na lamang ako sa kanila, kung alam lang nila.

"Alright, maglalaro muna tayo kasama si Zoe. Titignan muna natin ang galing ng isang ito." sabi ni Kuya Kyle pagkatapos naming magwarm up sa loob ng dalawang oras. Grabe sa tagal ng warm up nila, samin kalhating oras lang.

"Tsaka namin ituturo ang 360 instinct at kung sakaling may gusto kang matutunang iba." sabi ni Kuya Nicolo. Tumango ako.

Kasama ko sa team sina Kuya Killua, Kuya Tairon, Kuya Adam at  Kuya Jake. Ang kalaban namin ay sila Kuya Kyle, Kuya Nicolo, Kuya Tristan, Kuya Romeo at Kuya Cris. Bigla naman akong kinabahan dahil tatlong magagaling ang kalaban namin.

"Kahit kasama namin itong si Zoe, seryoso pa din itong laro ah?" sabi ni Kuya Killua. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso agad? hindi ba pwedeng laro-laro lang muna?

"Sinong nagsabing hindi namin se-seryosohin? Part pa din ito ng training at kahit kailan hindi naman namin kayo binigyan na madaling training." sabi ni Kuya Tristan na medyo napangiwi pa ako. Ang sungit ni Kuya Tristan, parang si Ate Kill lang.

"Ang dadali kaya ng pinapagawa nyo." nakangising sabi ni Kuya Tairon. Si Kuya Tairon naman na katulad lang ni Kuya Kyle na masayahin pero pilyo. Magkaibang magkaiba talaga sila ng ugali ni Ate Kill na kambal nya.

"Baliw!" isang paltok ang inabot ni Kuya Tairon kay Kuya Adam. "Anong madali ka dyan? ang hirap ng pinapagawa nila 'no! kahit apat na taon na tayong nandito, mahirap pa din sila magpatraining."

"Tama, tama." sang-ayon naman ng mga nasa bench na puro rookies nila.

"Manahimik kayo dyan. Reklamo kayo ng reklamo pero nagagawa at natatapos nyo naman." sabi ni Kuya Nicolo.

"As if may choice kami 'di ba?" sabi ni Kuya Romeo.

"Tama, tama." sang-ayon nanaman ng mga nasa bench kaya natawa ako ng bahagya.

"Ayan na naman tayo sa daldalan, mga galawan nyo talaga 'no? magsimula na tayo." sabi ni Kuya Kyle.

"Hindi natin sila nadali." napatingin ako kay Kuya Tairon na binulungan si Kuya Adam.

"Oo nga eh, ayoko pang magkikilos." sabi ni Kuya Adam.

Nailing ako sa kakulitan nila. Nagsimula kami maglaro, sa una palang ang higpit na agad ng labanan. Ni hindi nga ako nakakascore, lagi ako nablo-block ni Kuya Tristan. Nakakaramdam na naman ako ng inis dahil hindi nila ako hinahayaan makascore man lang. Akala ko dito makakascore ako pero hindi din pala.

Binabantayan ko si Kuya Romeo. Medyo nakatalikod sya sakin dahil nakatingin sya kay Kuya Jake na may hawak ng bola. Sinubukan kong makaalis sa kanya na hindi nya napapansin. Pumunta ako sa open. Nakita naman ako ni Kuya Jake kaya ipinasa nya sakin ang bola. Nakita ko agad na nasa tres si Kuya Killua kaya gumamit ako ng misdirection para ipasa ang bola sa kanya pero may pumigil sa bola. 

Si Kuya Nicolo.

Nakangising syang ipinasa ang bola kay Kuya Kyle at pumunta sila sa court nila. Nagulat ako na napigilan ni Kuya Nicolo ang misdirection. Sa pagkakaalam ko wala pa nong nakakapigil.

"Paanong.."

"Yan ang resulta na palaging ka-practice partner ni Kill." sabi ni Kuya Kyle. Tumingin sya sakin. "Hindi uubra sa kanya ang misdirection. Meron syang 360 instinct,  he can see the basketball court from a different perspective. As if na nakikita nya ang laro mula sa itaas." tumingin kaming parehas sa itaas. "Natutunan nya 'yon kakalaro kay Kill tapos pinangalanan nyang 360 instinct. Weird 'di ba? hindi marunong magpangalan ng skill yang si Nicolo." natawa bahagya si Kuya Kyle.

"Pero hindi lang 'yon ang kayang pigilan ni Nicolo." si Kuya Adam na lumapit samin. "Kaya nya ding pigilan ang ankle break ni Kill at ang Lightning Dribble ni Tristan."

"Lightning Dribble?" napakunot noo ako. Natawa sakin si Kuya Kyle.

"Start na, ano ba?" masungit na singit ni Kuya Tristan.

"Masyado ka namang hot dyan, tara na nga."

Nag-umpisa na ulit kaming maglaro. Sinubukan ko ulit ang misdirection pero napigilan ni Kuya Nicolo. Tama nga si Kuya Kyle, hindi uubra sa kanya ang misdirection. Pero nakakapagtataka na alam nya kung saan ko ipapasa ang bola para pigilan nya. Yun ba talaga ang kakayahan ng 360 instinct ni Kuya Nicolo?

"Zoe, ikaw bumantay sakin." sabi ni Kuya Kyle. "Subukan mong pigilan ako." nakangiting sabi nya.

"Kaya mo yan, si Kyle lang yan eh." paglalakas loob ni Kuya Romeo. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako, hindi ko pa kasi nakikita kung paano maglaro si Kuya Kyle.

Binantayan ko si Kuya Kyle katulad ng sinabi nya. Ipinasa sa kanya ang bola.

"Ready?" tanong nya sakin habang nakangiti. Hindi ko tuloy gusto ang mangyayari.

"Sa tingin ko?" alanganing sagot ko.

"Ano ka ba? kaya mo yan, try mo lang kunin sakin ang bola at pigilan ako." sabi nya.

"Subukan ko po." sabi ko at nag-concentrate.

Nagsimula na magdribble si Kuya Kyle. Hinigpitan ko ang bantay ko sa abot ng makakaya ko. Pumunta sya sa kanan, humarang ako. Umikot sya papuntang kaliwa, sinubukan kong pigilan ulit dahil sa sobrang bilis nyang kumilos. Napigilan ko nga sya sa kaliwa pero tumalon din sya at nirelease nya ang bola. 

Tumingin ako sa ring, napansin ko na sobra ang tira ni Kuya Kyle pero hindi ko inaasahan na lalagpasan ako ni Kuya Kyle. Mabilis syang tumakbo sa ring, kinuha nya ang bola pagkatama sa board tapos dinunk nya ang bola.

"Wow." yun na lang ang nasabi ko sa bilis kumilos ni Kuya Kyle. "Teka, yan ba ang kaya ko?!" bigla ko na lang naisigaw nung maalalang kailangan ko syang pigilan.

Natawa si Kuya Kyle at Kuya Romeo.

"Ano ka ba? hindi mo talaga kakayanin 'yon 'no." sabi ni Kuya Tairon. "Ang style ni Kuya sa paglalaro ng basketball ay hindi mo mababasa. Paglalaruan ka lang nyan."

"Hindi naman." sabi ni Kuya Kyle. "Gusto kong matutunan mo ang galaw ko pero sa stamina mong yan sa tingin ko aabot ka lang ng first quarter kapag natutunan mo ang galaw ko."

"Isama kaya natin sya sa mahirap na training para naman tumaas ang stamina nya?" suggest ni Kuya Killua. "Ang hirap kasi sa DBG puro skills lang ang sinasanay sa kanila. Nawala lang si Avey sa kanila, sa skills na sila nakatutok."

"Sa tingin ko nga din, hindi na ganon kahirap ang training nila." sabi ni Kuya Tairon.

"Anong hindi mahirap? ang hirap kaya ng training nila." sabi ko.

"Mahirap na 'yon sayo? wala pa 'yon sa training na dinadanas talaga ng DBG. Nung nandito si Avey, pwede ka ng mamatay sa sobrang hirap." sabi ni Kuya Romeo na ikinatakot ko agad. Seryoso? totoo kaya ang sinasabi ni Kuya Romeo?

"Kaya nga hindi nakakapagtatakang hindi sila natatalo noon dahil sa training palang mahirap na. Nung umalis lang si Avey doon lang gumaan yung training ng DBG." sabi ni Kuya Jake. "Kaya hindi rin makakapagtataka kung bakit magagaling din ang Miracle."

"Dapat siguro pagsabihan na natin si Ella at Abby na higpitan pa ang training nila." sabi ni Kuya Kyle.

"Hala, wag Kuya Kyle! baka hindi ako makapagtraining sa inyo sa gabi kapag sobra na ang training nila." sabi ko. Baka kung higpitan nila 'yon, makakatulog agad ako pagkatapos palang ng training nila Ate Abby.

"Kakayanin mo yan." nakangiting sabi nya, halatang nang-aasar.


Pagod na naglalakad ako papunta sa dorm. Grabe ang training na dinanas ko sa boys. Pagkatapos kasi ng laro namin, pinatakbo nila ako kasama ang mga rookies boys na sobrang layo na tatakbuhin. Yun daw ang paraan para lumakas ang stamina ko. Three hours din 'yon tapos isang oras na pahinga, panibagong training na naman pagkatapos. Nakapag-one on one din kami ni Kuya Kyle at masasabi ko ngang hindi talaga mababasa ang galaw ni Kuya Kyle at pinaglalaruan nya talaga ako.

May isang beses na naiwan sa ere yung bola pero nasa gilid si Kuya Kyle tapos nung nahawakan ko ang bola sya naman ng pagtapik nya sa bola kaya nakuha nya ang bola sakin tapos binato nya sa likuran ko at mabilis nya akong nilagpasan. Nung nakuha nya ang bola, binato nya lang 'yon pero pasok. Tawang tawa pa sya non kaya halatang pinaglalaruan nya ako.

Naka-one on one ko din ngayong araw si Kuya Tristan. Trinatrain nya naman ako kung paano maiiwasan mablock ang tira ko pero sa araw na ito, miski isa wala akong score na nagawa dahil lahat ng tira ko blinablock ni Kuya Tristan.

Umpisa palang naman pero nakakapagod. Kahit papaano may natutunan ako sa kanila. Kahit papaano.

"Oh Zoe, saan ka nagpunta? kanina ka pa hinahanap dito." sabi ni Jhianne pagkapasok ko ng dorm.

"Ah dyan lang, nagtraining mag-isa." pinilit kong magmukhang hindi nagsisinungaling sa kanya. Bawal kasing ipaalam sa kanila ang secret training ko sa boys.

"Hanep ah may gustong talunin? kahit rest day nagtra-training ka." sabi nya. Napakamot ako ng ulo.

"Wala eh, masyado ng magagaling ang mga kasamahan ko."

"Hmm..sabi nga daw ng mga seniors magaling si Steph. So sya ang gusto mong talunin?"

"Hindi lang sya naman, si Japan at si Alexa din." nung una alam kong wala akong pag-asang manalo sa dalawang 'yon pero nung makita ko ang paglalaro ng boys, alam kong kaya ko din sila talunin basta ipagpatuloy ko lang ang training sa mga boys at matutunan ang galaw nila.

"Ah goodluck na lang sayo, yung big three pa talaga ng Red Team ang gusto mong talunin."

"Big three ng Red Team?" kumunot noo ko.

"Oo bakit? silang tatlo ang magagaling sa team nyo hindi ba?"

"Ah oo. Sige mauuna na ako? gusto ko na kasi magpahinga."

"Sige, pahinga ka na halatang pagod na pagod ka na." ngumiti ako sa kanya at naglakad paitaas.

Big three huh pinangalanan na pala silang tatlo.

Walang Japan akong nadatnan sa kwarto naming dalawa. Naisip ko na baka kasama nila Jayden 'yon. Hindi ko na muna sya inisip, naligo na ako para makapagpahinga na. Bagsak agad ang katawan ko pagkatapos kong magbihis. Halos ayoko ng gumalaw sa sobrang pagod ko. 


Kinabukasan cancel ang training namin dahil may bagyo, ganon din sa boys kaya hindi ako makakapagtraining sa kanila ngayon. So ang buhay ko ngayon ay hayahay! Sobrang sarap sa pakiramdam na makapagpahinga ng isang araw. Yakap-yakap ang unan at nakakumot dahil sa lamig. Oh yes! ang sarap matulog magdamag!

"Zoe." patulog na ako na makarinig ako ng katok at tawag sakin. Ito na eh! matutulog na eh! bakit inistorbo pa!

Pumasok maya-maya si Ate Krystal. 

"Bakit po?" pinahalata ko na hindi ako nainis sa ginawa nyang pag-iistorbo sa pagtulog ko. Mahirap pa baka pahirapan ako nito. 

"Hindi ka ba kakain? may goto kaming pinaluto sa baba." sabi nya.

"Ah hindi po. Busog pa rin naman ako eh." gusto ko na matulog, pumipikit na ang mga mata ko.

"Oh sige, halatang gusto mong matulog kaysa kumain." nakangiting sabi nya. Napakamot naman ako ng ulo. Ngayon lang kasi ako babawi ng tulog sa training sa kanila tapos sa training sa boys.

Umalis din si Ate Krystal. Bumalik ako sa pagkayakap sa unan ko at pumikit. Ito na nilalamon na ako ng kadiliman. Sawakas. Makakatulog na din.

"Zoe!" anak ng putangteng! "Hoy hindi ka kakain ng goto? ang sarap ng goto sa baba meron pang tokwa at baboy!"

"Louise! natutulog ako hindi mo ba nakikita?!" sigaw ko sa kanya dahil binitin nya ang tulog ko.

"Eh mauubusan ka ng goto sa baba. Ang sarap pa naman." sabi nya. Kumunot noo ko. Sa pagkakatanda ko inis sya sakin kahapon.

"Busog pa ako, gusto ko muna matulog." sabi ko sa kanya tsaka pumikit.

"Oh nagtatago ka dahil sa ginawa mo nung nakaraang araw?" naidilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Bakit naman ako magtatago? tsaka pagod ako, gusto kong matulog at magpahinga."

"Pagod ka? eh wala ka naman ginawa kahapon kundi magtago." bumangon ako at itinapon sa kanya ang unan na yakap yakap ko.

"Hindi nga ako nagtatago! nagpractice ako mag-isa! tsaka bakit ko 'yon pagtataguan? hindi ako takot sa kanya." 

"Kasi kay Alexa ka lang takot." tumingin ako sa kanya ng masama, nakangising sya ngayon. "Tumayo ka na dyan at kumain tayo ng goto. Ang sarap-sarap ng goto tapos palalampasin mo lang."

"Louise, please lang, gusto kong magpahinga huh?" sabi ko sa kanya.

"Sure ka?"

"Oo."

"Sure na sure?"

"Oo nga."

"Sure na sure na sure?"

"Louise!"

"Sabi ko nga, ito na aalis na." naglakad sya papunta sa pintuan pero tumigil din nung isasara nya na. "Sure kang ayaw mo ng goto?"

"Louise!" inis na sabi ko na halos masabunutan ko na ang buhok ko.

"Bye!" tawang tawa nyang pagsabi nya.

Napabuntong hininga ako na makaalis sya. Tumayo ako para kunin ang unan na binato ko kanina kay Louise. Bumalik ako sa higaan ko at inayos. Humiga ako at niyakap ang unan ko. Sana wala ng dumating pang iba.

Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. Ilang segundo lang nilalamon na naman ako ng kadiliman. Napangiti ako dahil makakatulog na din ako sa wakas.

"Zoe."

Pero akala ko lang pala.

"Hindi ka ba kakain ng goto?"

Huminga ako ng malalim. "HINDI AKO KAKAIN NG GOTO KAYA TIGILAN NYO NA ANG PAG ISTORBO SA TULOG KO!" sigaw ko.

Napatigil ako na makita si Alexa sa may pintuan tapos si Japan na nasa gitna ng kwarto.

"Hindi mo kailangang sumigaw. Nagtatanong ako ng maayos." sabi ni Japan. Umiwas ako ng tingin.

Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at pumunta sa cabinet ko. Kinuha ko ang jacket ko. Lumabas ako ng kwarto na hindi pinapansin ang dalawa. Bumaba ako at nadatnan ko ang lahat na masayang kumakain sa sala.

"Oh Zoe! kain ka ng goto." sabi ni Ate Ella.

"Sige lang po." mabilis na lumabas ako ng dorm para iwas na sa madaming sabi. Kumuha ako ng payong. Tumakbo ako papunta sa gym.

Pagkarating ko sa gym hindi ako gaano nabasa sa ulan. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw, naglakad ako sa stage. Dito na lang muna ako matutulog, at least dito tahimik, yun nga lang malamig pero ayos na din ito kaysa naman doon sa kwarto na maya't maya may pumapasok para istorbohin ako.

Pumunta ako sa may gilid ng stage, doon ko kasi tinatago ang unan at kumot ko na minsan dito ako natutulog kapag break time sa training. Dahil malamig ang sahig ng stage, ang kumot ko ay ginawa kong pagsapin. May jacket na din naman ako, yun na lang ang gagamitin kong pagkumot sa katawan ko.

Payapang humiga ako. Napangiti ako dahil ang tahimik ng lugar, tanging malakas lang ng ulan ang naririnig ko. Unti-unti ay nilalamon na naman ako ng kadilimin, sa pagkakataong ito, tuloy tuloy na ang tulog ko.


Nagising ako na malakas pa din ang ulan. Hindi ko matantsa kung anong oras na dahil wala akong relong suot at hindi ko din makita ang orasan dito sa gym dahil mukhang nawalan ata ng kuryente.

Pero napansin ko na may kumot na nakapatong sakin. Bigla tuloy ako kinalibutan na maisip na may multo dito dahil sa pagkakaalam ko, ako lang ang tao dito sa gym.

Dahil madilim ang paligid, kinapa kapa ko pa ang sahig para mahanap ang payong na ginamit ko kanina para makaalis agad ako dito. Bigla akong kinabahan na may kumot ako. Ngayon lang nangyari sakin ito sa tagal ko ng natutulog mag-isa dito sa gym. Madalim pa.

Nagtaka ako na may makapa akong malambot. Nanlaki ang mga mata ako at napasigaw ako sa takot. Alam kong wala ng ibang gamit dito sa stage kundi ang payong at unan tsaka kumot ko. Eh ano yung nahawakan ko?!

Nagulat ako na may nagtakpan ng bibig ko at inihiga ako sa pwesto ko kanina. Mabuti na lang tumama sa unan ko yung ulo ko kundi baka nasaktan na ulo ko.

"Wag kang maingay pwede ba?" nanlaki ang mga mata ko na magsalita sya at pamilyar din ang boses nya.

Madilim ang paligid kaya hindi ko masure kung sino itong taong 'to. Pero napansin akong brown ang mga mata nya. Hindi kaya...



-------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
550K 37K 58
Si Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa ka...
475K 10.2K 61
REACHED #27 IN TEEN FICTION Sobrang close si Kat sa kuya niya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi sila katulad ng ibang mag'kapatid na nagsisig...