My Lover is the Son of a Mafi...

By stardustnoodles

87K 2.8K 1.3K

Skyla loves her family and they would never betray her. She's wrong. The man she loves will stay with her f... More

Before You Read
My Lover is the Son of a Mafia Leader
.1
.2
.3
.4
.5
.6
.7
.8
.9
.10
.11
.12
.13
.15
.16
.17
.18
.19
.20
.21
.22
.23
.24
.25
.26
.27
.28
.29
.30
.31
.32
.33
.34
.35
.36
.37
.38
.39
.40
.41
.42
.43
.44
.45
.46
.47
.48
.49
.50
ACT II
.51
.52
.53
.54
.55
.56
.57
.58
.59
.60
.61
.62
.63
.64
.65
Epilogue
Acknowledgments

.14

2.3K 88 26
By stardustnoodles

.14


Simple lang ang pamumuhay nila Jake pero ganoon pa man ay masaya sila at kumpleto ang pamilya. Noong araw na nakilala ko sila 7 eleven ay nalaman kong madalas pala silang tumatambay doon bago umuwi. Dahil sa malapit lang ang convenient store na iyon ay madalas rin ako doon.

Wala akong kapatid kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na kinukulit ka ng kapatid mo o kaya naman pag may mga simpleng bagay ngayong pinag-aawayan. Marahil isa sa mga rason na naging malapit ako kay Jake. Ian, Clarence at Tasha ay dahil sa kapatid ang turing ko sa kanila kahit hindi naman kami magkadugo. 

Naalala ko noong unang beses akong tumambay kasama sila. Kakatapos lang ng midterms noon, summer vacation at wala si Alexavia dahil nag out of the country, and I was so bored. Hindi ko alam ang gagawin. Wala rin si Anthony ng mga panahon na iyon at nang makabalik sya ay hindi nya rin naman sinabi kung saan sya galing. 

"Kamusta araw nyo?" nagulat si Ian ng makita ako. 

Hindi lang si Ian ang nagulat pati na rin sina Clarence at Jake. Akala siguro ng mga ito ay galit pa rin ako sa kanila dahil sa ginawa nila noon. "Hindi ako galit. Wag kayong mag-alala, wala rin akong boyfriend na aabangan kayo sa labas kaya chill." ngise ko sa kanila. 

Napansin ko ang isang batang babae na katabi ni Jake. Maiksi ang buhok nito at medyo chubby. She's so cute. She saw me looking at her kaya nagtago sa braso ni Jake. I think she's 6. 

"Anak mo?" nanlaki ang mata ni Jake sa tanong ko at halos halakhak naman ang narinig ko kay Ian at Clarence. 

"Ano? Hindi po! Bata pa ako! Kapatid ko po yan si Tasha" nakakatawa ang itsura ni Jake habang dinidespensahan ang kanyang sarili. 

"Alam ko! Joke lang ito, naman" ani ko. 

Buong summer vacation akong tambay sa 7 eleven kasama ang mag-babarkada, minsan kasama si Tasha. They're all classmates at ngayon ay nasa 3rd year high school na sila. 

"Ano plano nyo after graduation? Ilang taon nalang bye bye high school na. May mga napili na ba kayong kurso?" tanong ko isang hapon at nakatambay pa rin kami sa 7eleven. 

"Gusto ko maging surgeon" ani ni Clarence. Napakamot sya ng batok "kaso hindi naman namin kaya yun.. hindi naman din ako matalino para makakuha ng scholarship" ani pa nito. 

"Wala naman imposible eh." sabi ko. 

"Gusto maging architect" ngiteng sabi ni Jake. 

"I want to be a teacher" medyo nahihiyang sabi ni Ian. "Nakaka-inggit ka nga Ate Skyla eh." dagdag naman ni Ian. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. 

"Huh? Ano naman nakaka-inggit sa akin?" 

"Kasi maganda po pamumuhay nyo tapos for sure maganda na po ang future nyo" sabi ni Jake. 

Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi nila. Oo nga't hindi kami salat sa pera sa dami ng business ni Uncle at sa dami ng nagtratrabaho sa kanya, pero kailan man ay hindi ko naisip na ganoon kaganda ang buhay ko. 

Yes, I could possibly travel around the world anytime I want to. I could eat in any fancy restaurants, buy branded clothes, buy gadgets that I don't probably need, spend my nights in many luxury hotels and resorts pero that won't make me utterly happy. At hindi porket maganda ang pamumuhay ko ay maganda na rin ang future ko. 

Hindi maganda ang buhay ko. Halos hindi ko maalala ang kabataan ko, even the night of the accident that killed both of parents. But I guess, I'm still blessed. I have Uncle Bern, Anthony, Alexavia at now ang tatlong makulit na ito. 

Sumeryoso ang tingin ko sa kanila. "Listen to me guys. And listen to me carefully." seryoso ang tingin nila sa akin at handang makinig sa kahit anong sasabihin ko. "You don't need to be jealous or anything if there's someone who needs to be jealous it should be me. I would rather have a complete family any time than the life I have now pero we're all entitled to have our own feelings and I respect that but believe me, it's a matter of perseverance and a positive mindset. Don't let your insecurities, the people around you tell you otherwise kasi the moment that you do.. you'll fail. Kaya held your heads high. Okay?" I smiled at them. 

Napatulala sila sa akin ng matagal at medyo naging awkward ang silence. Was I out of line? Masyado ba ako naging pakielamera? Did I say too much? 

"Ate Skyla, ang ganda mo po" wala sa sariling sabi ni Clarence. Agad syang binatukan ni Jake dahil magkatabi lang sila. 

"Da-moves ka naman" 

"Totoo naman kasi walang halong bola. Look at her" Jake looked at me at wala pang limang segundo ay medyo namula ang pisnge nito at nag-iwas tingin. Nagtawanan kaming apat. 

"Pero Ate Skyla, thank you po for your kind words. Tatandaan po naman ito" ngite ni Ian. Jake and Clarence both nodded and smiled. And I smiled too. 


                     "Ate Skyla, why are you smiling like that?" bumalik ako sa kasalukuyan at napatingin ako sa katabi kong si Ian. 

"Wala. May naalala lang ako" ngite ko sa kanya. 

"Text ng boyfriend mo?" ngusong tanong nya. Inakbayan ko sya saka pinisil ang kaliwang cheeks nito. 

"Wala akong boyfriend. Kayong tatlo pa lang sapat na" at tumawa ako, napatingin naman si Jake at Clarence sa amin. 

"What's so funny? Share naman dyan." sabi ni Jake while faking his sadness. Tumawa ako sa kakulitan nya. 

"Wala. Secret lang naman iyon ni Ian" 

"Nakakapag tampo na kayo" sabi naman ni Clarence. At lalo akong natawa sa kanila. Napatingin sa likod ko si Jake at medyo nagulat sya. 

"Ate Skyla? Madami po ata kayong dala?" 

"Ah! Those are for Tasha from me and Ate Alexavia nyo. I bought some gifts for you guys too kasi medyo matagal tayong hindi nagkita, na-busy ang Ate sa Uni eh" 

"Hindi nyo naman po kailangang bilhan din kami. Para kay Tasha okay na" ani ni Clarence. 

"No. Think of it as a gift since magaganda ang kuha nyo sa exams nyo last week" ngumite ako sa kanila. Aside sa pagtatambay namin sa 7eleven ay I tutor them too for free when I can o pag malapit na ang exams nila. 

"ATE SKYYYYLAAAAAAAAA" sabay sabay kaming lumingon kung saan galing ang matinis na boses. Ngumite ako and I opened my arms for her. Ang bilis ng takbo nya at ng katabi ko na sya ay itinaas nya ang kanyang mga braso. 

Binuhat ko si Tasha. "Hala ang bigat mo na baby girl" ngumite ako sa kanya tila hindi nya naman nagustuhan ang sinabi ko kaya sumimangot sya at tumawa kaming lahat. 

"So I'm not pretty anymore na po?" natuto mag-conyo itong si Tasha dahil kay Alexavia. 

"No. You'll always be pretty kahit bumigat ka pa" ngumuso si Tasha and I kissed her cheek, "Happy birthday, baby girl" her face broke into a genuine smile and she kissed both side of my cheeks 

"Thank you, Ate Skyla. I wanna be you when I grow up" I just shook my head at her and she tilts her head to the side 

".. just be you when you grow up because you're unique" ani ko at ngumite sa kanya. Mukhang hindi nya naintindihan ang sinabi ko kaya pinuno ko nalang ng halik ang mukha nya. 

"Magandang hapon po, Ma'am Skyla" kumunot ang noo ko pero I still smiled at the woman in front of me. 

"Nay Lydia naman eh, wag mo na ako tawaging 'Ma'am', hindi nyo naman po ako amo at hindi ko naman po kayo katiwala" lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisnge nya. 

Malapit ako sa nanay ni Jake siguro dahil ito sa naghahanap ako ng aruga at pagmamahal ng isang ina at kahit hindi kami magka-dugo ay walang pag-aalinlangan nya iyong binigay sa akin. 

"Pasensya ka na, maliit lang ang handa namin at hindi kalakihan ang bahay" ani ni Nay Lydia. 

"Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na wala ito sa akin at masaya ako pag nandito" ani ko ngumite lang si Nay Lydia sa akin. 

Konti man ang naging handa nilang pagkain para sa kaarawan ni Tasha ay hindi naman mawawala sa aming mga mukha ang kasiyahan. Masarap mag-luto si Nay Lydia, I'll eat her cooked food any time than to any fancy restaurants. 

Tasha liked her presents from me and Alexavia, halos tumalon talon sya ng makita ang mga regalo niya at ilang beses nya rin akong hinalikan sa pisnge. Nagustuhan rin nila Clarence, Jake and Ian ang mga regalo ko sa kanila. 

I don't mind spoiling them because they're my babies and will always be. Ang pinaka paborito kong parte sa party na ito ay ang karaoke, masaya ito at wala kaming ginawa kundi kantahin ang kantang  nakakabulahaw sa mga kapitbahay. 

Halos balik balikan ko ang lutong manok ni Nay Lydia, I asked her once kung paano nya ito niluluto pero ayaw nyang sabihin sa akin ag secret recipe nya, saka nalang daw pag ikakasal na ako. 

Kasal? Malayong mangyari ni wala nga sa isip ko pagbo-boyfriend, kasal pa kaya?

I excused myself for a minute to check my phone. 

"Shit" ani ko sa sarili. I received 15 missed calls from Anthony and 19 messages. Hindi ko namalayan ang oras, it's already 6:15 pm at ang Ball ay 7pm. Agad agad akong bumalik sa sala to bid goodbye kahit ayoko pa talagang umalis. 

"Guys, I had fun but I hav--" 

Anthony is standing at the center of the sala. Maliit lang ang bahay nila Jake at lalong naging maliit ito dahil matangkad si Anthony at dahil na rin sa presensya nya. 

He's already wearing his 3 pc suit and ready for the event. Halata sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang nakita at naabutan nya. Natahimik kaming lahat, walang nagsalita at ramdam ko ang tensyon. 

"Anthony, I was just about to--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya nalang akong hinila palabas ng bahay nila Jake. 

"Hoy! hindi ganyan ang pag-trato sa babae" sigaw ni Clarence. Mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko ni Anthony and it's painful.

Nakasunod sa akin ang mag-barkada. As Anthony drag me to his car, I looked at Jake, Ian and Clarence. "I'll be okay. Text ko nalang kayo. Happy birthday ulit kay Tash. I'm sorry"

Mahigpit pa rin ang hawak sa akin ni Anthony and it angered me kaya I pulled out from his tight grip and glared at him. Agad akong pumasok sa sasakyan nya. 

Hindi ko sya pinansin buong byahe pabalik sa mansion. My phone has been vibrating for the past 10 minutes, alam kong nag-aalala sila Jake sa akin. Ito ang unang beses na nakita nila si Anthony at ganoon rin si Anthony sa kanila. 

"How did you find me?" wala emosyon kong tanong. 

He looked at me for a moment "I tracked you" 

He doesn't need to say more. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa sinabi nya pero I'm too angry at him right now. "Asshole"

Continue Reading

You'll Also Like

I'm Into You By ysa

Teen Fiction

6.6K 533 53
"Apollo gusto kita--" "Kaso ayoko sayo" Ilang beses na niya akong napahiya dati kaso abnormal ata ako eh, ok lang na mapahiya ako basta si Apollo lan...
227K 5.5K 71
® Action Do you believe in destiny or is it an accident when you meet new people in your life. What will be your reaction if you find out that you n...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
9.2K 394 36
the dangerous human healing