Master Casanova (Master #1) (...

By Miss_Aech

260K 7.9K 1.4K

"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcua... More

Master Casanova: Castielle Ongcuanco
The Beginning
MCCO 1 #Recapture
MCCO 2 - #Angel-yen
MCCO 3 - #Cheater
MCCO 4 - #Revenge
MCCO 5 - #Condition
MCCO 6 - #Job
MCCO 7 - #Pikon
MCCO 8 - #FuckLove
MCCO 9 - #Strangers
MCCO 10 - #Pissed
MCCO 11 - #Victim
MCCO 12 - #Deal
MCCO 13 - #Stop
MCCO 14 - #Practice
MCCO 15 - #Warning
MCCO 16 - #Stockroom
MCCO 17 - #Confused
MCCO 18 - #Territorial
MCCO 19 - #Marked
MCCO 20 - #Fell
MCCO 21 - #Damn
MCCO 22 - #Controlled
MCCO 23 - #Lying
MCCO 24 - #Hate
MCCO 25 - #Worship
MCCO 26 - #Cappuccino
MCCO 27 - #Coincidence
MCCO 28 - #Punishment
MCCO 29 - #NoMore
MCCO 30 - #Plan
MCCO 31 - #Screwed
MCCO 32 - #Worser
MCCO 33 - #ThePast
MCCO 34 - #Mad
MCCO 35 - #Deserve
MCCO 36 - #Slipper
MCCO 37 - #Melt
MCCO 39 - #NamePlate
MCCO 40 - #Ravished
MCCO 41 - #Prince
MCCO 42 - #GiveIn
MCCO 43 - #Tonight
MCCO 44 - #Family
MCCO 45 - #Try
MCCO 46 - #Asks
MCCO 47 - #Object
MCCO 48 - #Archenemy
MCCO 49 - #Anonymous
MCCO 50 - #Path
The Ending (Castielle)
Special Chapter
Special Note

MCCO 38 - #BackedOut

3.5K 112 10
By Miss_Aech

Chapter 38

I watched how the people enjoyed surfing the waves. Walang may alam samin kung paano sumakay sa surfing board. Castielle and Loraine tried a while ago pero si Castielle lang ang nag-enjoy. j

Pabida din kasi si Loraine. Wala namang alam sa surfing gusto pang sumubok. At kanina pa ko kating-kating masolo ang babaeng 'yan ng magkaalaman na.

Pakiramdam ko ay may kinalaman siya kung bakit napakarumi ng iniisip ni Castielle sakin at ang hayop ay nagpauto naman.

Saan naman kaya napunta ang sinasabi niyang trust? Siguro ito ang problema saming dalawa, wala kaming tiwala sa isa't-isa. This is what Castielle's been saying.

Paano ko ba naman siya bibigyan ng tiwalang sinasabi niya? I admit hindi ako nakinig dahil alam kong magsisinungaling siya dahil hindi man lang siya nag-deny.

Ano ba naman kasi ang alam ko tungkol sa pag-ibig tapos tiwala? Maybe I've been reading a lot of romance novels pero hindi ko alam kung paano manatili sa isang relasyon. On how love works with trust and loyalty.

"Uuwi na daw tayo bukas." nakangusong sinabi ni Vale.

"May pasok pa kasi kayo diba?" sagot ko habang nagpapaypay gamit ang abanico dahil sa init.

Sila Tita Sarah at Papa ay naglakad-lakad muna habang naiwan kaming nakaupo sa bitbit naming blanket.

"Mmm. Bitin nga eh. Ate Nari, sa bahay kana ba titira? Sabi ni Mommy, si Daddy Nate doon na titira sa bagong house namin." ani Vale.

Bahagyang umawang ang labi ko. What the heck? Really, Pa? Iiwan mo ko?

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam... may trabaho kasi ako."

"Kunsabagay. Kuya Castielle is living alone dahil may work din siya..." sagot nito.

Napaawang ang labi ko. So... he's not living with them, huh? Edi... Ayos lang? Pero ang bahay namin paano na?

I don't know what will happen when we get back to Manila. Hindi ko alam kung titira pa ba kami sa bahay, but I would. Ako nalang at kaya ko. I'm already an adult kaya I'm fine alone.

Tinawag ni Loraine si Vale kaya nakisali siya sa inggrata na nagbabalak maglaro ng beach volleyball kasama si Castielle.

Naiwan sa Dale sa tabi ko. Naramdaman ko ang buntong hininga niya.

"Ate, I asked Ate Loraine. Wala siyang alam kay Queen Susan." biglang sabi ni Dale sakin.

Napakurap ako at napakagat labi. Hindi ako umimik. Ano bang alam ni Dale? And then, I remember, nagpatulong si Castielle sa mga kapatid niya ng makatulog ako sa elevator.

Pakiramdam ko ay observer si Dale. May alam kaya siya?

"Si Kuya, siya daw si Prince Caspian. Pero nung sinabi kong hindi naman talaga nagkatuloyan si Caspian at Susan dahil hindi nakabalik sa Narnia si Susan nagalit siya at gustong kausapin si C.S Lewis." natawa si Dale.

Natawa ako sa sinabi niya. "Patay na si C.S Lewis, kakausapin niya?"

She chuckled. "It's funny to see how idiot my brother is, Ate. Gano'n pala siya kapag na-in love..." dugtong nito.

"Close kayo ng Kuya mo?" tanong ko dahil halatang may alam si Dale kaysa kay Vale.

"Close naman. But, he's not that open. Naririnig ko lang sa usapan nila ng mga pinsan ko." sagot niya sabay baling sakin.

"Ikaw, Ate? Close kayo ni Kuya?" inosenteng tanong niya pero ang mata niya'y nagsusumigaw na may alam siya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Like, I said, Dale. We barely know each"

"But it's not what I see. Unlike my twin sister, she's oblivious habang ako napapansin ko lahat kahit ayaw ko. I feel like my brain is kind of matured." aniya at bumuntong hininga.

"Dale! Play with me!" tawag ni Castielle.

"Wait!" sagot niya bago bumaling sakin.

"It's you right? Queen Susan the Gentle?" she asked bago tumayo na may ngiti sa labi.

Napaawang ang labi ko. Tinalikuran niya nako at nakipaglaro sa tatlo. Hindi parin ako makapaniwala. I knew it. Dale is just so smart to see it.

Bumuntong hininga ako. She's just eleven and she think a lot. Pity. Hindi niya na dapat iniisip ang komplikasyon ng sitwasyon namin ng Kuya niya.

Nakabalik na kami sa hotel namin sa Siargao Island. Bukas ay uuwi na kami sa Manila at back to reality na pero bago 'yun ay kailangan ko munang makausap si Loraine.

"Anak..." tawag ni Papa ng makababa kami sa boat pabalik sa hotel.

Bumaling ako kay Papa, "Po?"

"Usap tayo." aniya at inakbayan ako.

Tumango naman ako. Nagpaalam si Papa kay Tita Sarah. Nagkatinginan pa kami ni Castielle pero pareho kaming nag-iwas ng tingin lalo na't nakasukbit ang braso ni Loraine sa kaniya.

Binilhan ako ni Papa ng buko shake na madaanan namin. We both sat on the chair available there and watched the sunset.

"Masyado akong naging abala. Hindi na kita naasikaso." sabi ni Papa sabay tingin sakin.

Napangiti naman ako. "It's okay, Pa. Nakikita ko naman na masaya ka."

He chuckled. "Sarah is a wonderful woman. Before I met your mother, crush ko na siya noon." natatawa niyang sinabi bago sumimsim sa straw ng kaniyang buko juice.

Nanlaki ang mata ko. "Di nga? And then what?" I asked at nangalumbaba sa lamesa.

"She didn't notice me, of course. Because, she's madly in love with Lazaro. Her ex-husband." aniya na parang malungkot.

Nakaramdam din tuloy ako ng lungkot. At pakiramdam ko ay nalungkot din ako para kay Mama. She wasn't Papa's first love, I guess.

"I love your mother, Nari. I really do. When your mother died, I accidentally saw her again. Nalaman kong hiwalay na sila ni Lazaro dahil sa pambababae nito..."

Napakurap ako. Castielle's father is a casanova too, huh? Ganyan ba talaga ang lahi ni Castielle?

"But, Sarah is too in love. Naghiwalay man ngunit ang puso ay na kay Lazaro parin. But, you wouldn't believe that she fell for me. Kung sana ay naging mas maaga ako..."

Tipid akong napangiti. It was a sad story. If I would be in Tita Sarah's shoes, it would be the worse. Naramdaman ko na kung paano maloko and hearing this story makes me scared.

"I'm happy for you, Papa. I like Tita Sarah."

Ngumiti si Papa. "Thank you, Nari. For understanding your father. I hope you find someone who wouldn't hurt you. Who's not like Lazaro..." anito na parang may tinutukoy pero hindi ko nalang pinansin.

Tama si Papa. Ayokong matulad kay Tita Sarah. Ayokong magkaroonng anak at sa huli ay iiwan ng unang asawa at makakatagpo ng pangalawa. For me, I only want one. One true love... if ever there is.

Pagkabalik naming Manila, sa bahay ako dumiretsyo. Papa wants me to go home with them dahil ito na ang magiging bahay namin soon but I refuse. Mas malapit sa bahay ang hospital.

It's kinda disappoing dahil hindi ko man lang nakausap si Loraine dahil hindi na siya mawala sa tabi ni Castielle. I wonder how close they were when they're alone.

Tsk. You wonder! Stop wondering, you fool!

Nagbibihis na ako para sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit ganado ako ngayon. Ang alam ko ay gusto kong ilipat ako ni Jackson sa ibang ospital pero mukhang nawala na ito sa isip ko.

But, there will be a hundred percent chance that Loraine and I would meet.

Abala ako sa pag-aayos ng mukha ko. I chose a comfortable yet sophisticated outfit for my first day. Dala ang bag at files na kailangan ay lumabas nako ng kwarto.

"San ang punta mo ngayon, Ma'am Nari?" tanong ni Tuning habang inilalapag ang kape ko sa island counter dahil doon nako pumwesto.

"Sa ospital." sagot ko.

"Ang ganda mo naman para pumunta sa ospital?"

Napalabi ako. "I just feel like dressing up."

Napaawang ang bibig ni Tuning. "Okay... Fine..." aniya at may thumbs up pa.

I chuckled at sumimsim sa kape ko. I don't know why I feel excited. Maybe because I'm working that's why. I miss working on the hospital.

Yes, that's it. Bakit naman kasi ako ma-e-excite sa ibang rason? Diba?

Nang makarating ako sa Montañez Group Hospital ay kaagad kong pinarada ang sasakyan sa underground parking lot.

When I went out of my car nakita ko ang isang grupo ng lalake na nakasuot ng itim na suit. Dalawa sa unahan at likod habang sa gitna ay may bukod tanging lalake.

Seryoso ang mukha at mukhang suplado. May kausap siya sa telepono na para bang seryosong seryoso.

Napatingin ako sa mga taong nakatingin din sa mahiwagang lalake. May mga tao rin kasing katulad ko nakakalabas lang n sasakyan at pinanood kung paano maglakad papasok sa isang magarang sasakyan ang lalake.

I know this man, Jackson brief me with the hospital's big boss. He's the CEO of Montañez Group Industries. Mayron itong hospital, mall, hotel at iba pang hindi ko alam.

Magaling ito sa negosyo at misteryoso. Nang makita ko ang litrato niya sa internet, ay napakagwapo nito. At ayon sa mga magazine ay suplado at malamig ang binata.
Well... kahit sa pangalan ay makilala mo na siya.

He's Cold Montañez. Naiwang tumitili ang mga babaeng nanonood sa kaniya kanina.

Nang makaalis ang sasakyan nito ay kaagad akong pumasok sa loob. The hospital is amazing kung sa hotel ay parang five star.

When I asked for them my internship from Seoul Hospital ay kaagad nila akong inakay papunta sa isang opisina. It was on the fifth floor.

I don't know if Castielle would be my boss. I hope... not...

Ugh! Bakit tumututol ang utak ko? It's like I wanted to see him again. It's like I want to know more about his anger?

Bakit siya galit kahit ako naman dapat ang magalit. Ano ba talaga ang nangyari? He didn't deny na may plano sila ni Aebril noon pero bakit ganito? This is not what I expect it to be.

"Miss Esquilon, pasok po kayo sa loob." sabi ng nurse at iminuwestra ang pintuan.

Tumango ako. "Salamat." sagot ko at ngumiti bago tuloyang pumasok.

At first, sobrang bilis ng tibok ng puso ko na baka si Castielle nga ang makakausap ko pero nagulat ako dahil hindi ito ang naroon sa loob.

"Good morning, Narian." nakangiting bati ni Loraine habang nakaupo sa swivel chair at ng dumapo ang tingin ko sa may-ari ng lamesa ay pangalan kaagad ni Castielle ang naroon.

'Dr. Castielle Angelo E. Ongcuanco'

Why the hell is she here then?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

She smirked. "I'm the girlfriend of the man who owns this chair, obviously. Pwede akong tumambay dito o kaya naman ay gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin sa mga bumibisita sa kaniya dito." anito na parang pinariringgan ako.

"I'm not here for a visit. Dito ako dinala ng nurse..."

"Oh, yes, I know that. Castielle said pupunta ka dito, at dahil nasa operation room siya, sakin nalang niya ibinigay ang trabaho." sagot nito at tinaasan ako ng kilay habang may kakaibang ngiti sa labi na para bang nagyayabang.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Gusto kong magtimpi dahil gusto kong maging propesyunal pero ano nga naman ang laban ko, eh tama naman ang sinabi niya?

Sadyang naiinis lang ako.

"So... Where will I start?" nagtitimping sagot ko.

"Pedia ward. I assigned a patient for you to take good care. Apo ito ng isang mataas na politiko. The last intern failed kaya ikaw ang ipinalit ko." anito na may masamang ngiti.

Kumunot ang noo ko. "I didn't know you have the ability to assign me wherever you want."

"Castielle won't have the say of my decisions, Narian. He trust me so much and I trust him. Say for example, nalaman niyang naka-assign sa kaniya ang ex niya, so he gave you to me, para makampante ako."

I smirked. "And you tell me that you trust him, huh?" sarkastikong sinabi ko.

She just smiled. "As an assurance of his loyalty."

Humalukipkip ako at mataman siyang tinignan. "Oh, really? Tell me, Loraine. Sinong nagsabi kay Castielle sa plano natin three years ago ni Ynesa? Paano niya nalaman?" mariin kong tanong.

Tumayo siya at madilim na ang mga mata. "Ako ang nagsabi. He deserve to know na pinaglalaruan mo lang naman talaga siya at si Staven ang mahal mo." giit niya.

Umigting ang panga ko. "Son of a bitch. Sino ka para sabihin 'yan. You're not even my friend to know about me!" asik ko.

"Oh! Last time I heard, kaibigan mo ko." taas noo niyang sinabi.

Mas lalong sumama ang pagtitig ko sa kaniya. Oh, yes. Yung nabanggit ni Papa nung first dinner.

"Alam naman kaya ni Castielle na kasama ka sa nagplanong saktan siya, huh?"

"Hindi. But I already assured him na mahal ko siya. Na kaya ko siyang mahalin ng totoo hindi tulad mo."

"Mahal ka ba niya? Sigurado ka?"

Natigilan siya roon. "I was with him for three years, Narian! T-Tatlong taon na kami ni Castielle." sagot niya. "And I wouldn't let you ruin it." dugtong niya.

Natigilan ako. Three years? Nagseryoso ang Master Casanova ng tatlong taon?

"Then why do you sound like you're threaten with me?" matalim kong sinabi.

Hindi siya sumagot. I smirked. "Wag kang mag-alala. Hindi ka dapat ma-threaten dahil hindi naman niya ko minahal dahil pinaglaruan niya lang ako. Bahala kana. Kung pwede lang ay ayoko na ng gulo." kalmado kong sinabi at umupo sa bakanteng upuan roon.

Walang sumagot saming dalawa. Pakiramdam ko ay na-drain lahat ng lakas ko. Three years? Tatlong taon na sila hindi ako makapaniwala.

Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko parin maintindihan ang lahat. Kailangan ko na bang itanong kay Erene?

"So you don't know..." mahinang sinabi ni Loraine.

Bumaling ako sa kaniya. "Know what?"

She just looked at me. Umiling-iling siya at binalikan ang gamit sa lamesa. Kunot noo ko siyang pinanood.

Lumapit siya sakin at nilapag niya ang isang susi at folder. "That's your key to your locker, that's the files you need for Mr. Valderama's grandson." mabilis niyang sinabi bago ako iwan ro'n.

Her action is weird na mas lalong nagpaapoy sa nagliliyab kong kuryusidad.

Pagkarating ko sa locker ay nandoon na sa loob ang puting coat at ang aking pin name. Nang maipasok ko ang bag ko sa loob ay dinial ko ang number ni Staven.

Naalala ko ang bago kong cellphone. Mabuti nalang at nakuha ko kaagad ang numero ni Stave.

Habang hinihintay na sagutin niya ang taway pinasadahan ko ang aking buhok at napatingin sa salamin.

Nagulat ako ng makita si Castielle sa salamin at mariing nakatingin sakin habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

Gulat akong napalingon sa kaniya habang sapo ang puso. Damn it. Hindi man lang nagsalita.

"C-Castielle... Akala ko nasa operation room ka?" tanong ko at pinasadahan ang kaniyang suot.

He's wearing a white coat at bagay na bagay sa kaniya ito lalo na at itim na ang kaniyang buhok.

Humalukipkip siya, "You're assigned at the Cardiology department." aniya at bumaba ang tingin sa cellphone kong naibaba ko ng konte.

Nakita ko roon na sinagot na ni Staven ang tawag kaya ibinalik ko ito sa tenga.

"Your girlfriend didn't say that. Excuse me lang..." paalam ko at ibinalik ang cellphone sa tenga.

"Hello, I'll call later. Antabayanan mo." tanging sinabi ko kay Staven bago ko ibaba ang tawag, hindi man lang pinatapos itong magsalita.

Nang ibalik ko ang tingin kay Castielle ay nakakunot noo na ito.

"She assigned you to Mr. Valderama's grandson. You're going to help me in that department and during work, hindi pwedeng gumamit ng telepono." mariin niyang sinabi.

"So you're currently breaking the rules." dugtong niya.

Napaawang ang labi ko. "Wala bang exception ang mga bagong salta? I'm not even starting yet."

"Oh, yes you are. Kailangan mong daluhan ngayon din ang gagawing orientation ng bagong fellow para bukas alam mo na ang gagawin mo at kung saan ka kaagad magtatrabaho. Maliwanag, Doctor Esquilon?" malamig na sinabi niya at bakas ang pagiging strikto.

Tahip tahip ang tibok ng puso ko. I couldn't play almighty in here dahil alam kong siya ang head dito na dapat kong sundin.

Isang tango lang ang ginawa ko bago siya umalis matapos sabihin kung saan ang orientation.

Sumalampak ako sa loob ng sasakyan ko matapos ang orientation. I rested my head on the steering wheel. Suot parin ang white coat ay pauwi nako.

Orientation palang pero pakiramdam ko ay marami akong ginawa dahil sa tensyong nararamdaman ko kahit naba wala na si Castielle.

Hindi lang talaga mawala ang mga bumabagabag sa isip ko. Hindi ko na natawagan si Staven dahil baka masita nanaman ako.

Alam kong mas stressful bulas dahil mag-uumpisa na talaga ako. Surely I am assigned to the Cardiology department, may cardio problem ang apo ng isang politikong si Mr. Valderama at ayon sa mga kasama kanina ay walang tumatagal sa bata.

They already orient me in what to do. I will expect that the boy would look like an angel, act like he's innocent but he's a spoiled brat.

Hindi siya dapat galitin o palungkutin dahil sa kondisyon ng puso. Good luck sa tulad kong pikon.

Tumawag ako kay Staven habang nakasubsub parin sa steering wheel.

"Narian, I was waiting for your call like what you said." anito ng sagutin.

Bumuntong hininga ako. "I really need to know something three years ago. I'm lost."

He chuckled. "Yan kasi! Yan ang napapala ng duwag at ayaw makibalita. Tsk. Tsk."

Napairap ako. "I'm not in the mood, Stave. I need answers. Lahat ng alam mo..."

"Well... First wala naman talaga akong alam sa buong nangyari dahil I'm wrecked too. We don't need to talk about that." he said and chuckled.

"Tsss..." daming pasikot-sikot.

"Atat? Well, Aebril got suspended though. Sila ni Ynesa Labresca."

Nanlaki ang mata ko. "What!? Ynesa?" What the fuck...

"Mmm. Dapat nga ay kick out but both of them were all connected in Thaguro kaya suspension lang ang binigay."

"Bakit sila na-suspended?!"

"Aebril and Ynesa teamed up to scatter your pictures with Ongcuanco." sagot nito na medyo mahina.

"Paano si... si Castielle? Hindi siya na-suspend? Why the hell did I not know this? Ugh!" I frustratedly bump my forehead on the steering wheel.

"I don't know. Maybe because he help get rid of those pictures? Kaya hindi kaagad kumalat ang pictures dahil walang itinira."

Napaawang ang labi ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Ito palang ang alam ko pero marami pa akong gustong malaman.

"And then what?"

"Hinanap kita dahil ang tigas ng pinsan mo? Ongcuanco did asked her too, kaya kung may katanungan ka pa, ask Erene..."

Napapikit ako ng mariin. "Do I really need to know, though?" bigo kong tanong.

"It sucks but yes. Maybe it would give you a closure so you and him won't have any problems if ever you'll be sibs?" anito at natawa.

Kumunot ang noo ko.

"This is funny, Nari. Were talking about my mortal enemy."

"Bakit ganoon nalang ang galit sayo ni Castielle, Stave? That he needed to used me para lang saktan ka noon?" seryoso kong tanong.

He sighed. "I might say, both of us are only pressured by something, I guess? I admit, he was a threat kaya gumawa ako ng paraan para matanggal siya."

"Staven!?" di makapaniwalang sita ko. "I thought wala kang kinalaman!"

"I'm sorry! It's just that ayoko lang malaman mo noon, but that's the truth. He's a brother back then, but you know me. I need to do it for my family." sagot niya at bumuntong hininga.

Pinasadahan ko muli ang buhok ko. It's frustrating and confusing! Napapikit ako ng mariin.

If Castielle's pressured, kanino naman?

"So that means he wins, huh? Nakuha niya ang PBA slot." sabi ko at napakagat labi.

His reward for playing me well.

"Oh, yes he did got it. But before I flew abroad. Heard he backed out. It's pretty weird though. We both fought for nothing." ani Staven at humalakhak.

Nanlaki ang mata ko. Pakiramdam ko ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

He backed out? Why? Why?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 29.4K 61
Clingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including...
622K 22.5K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.4K 106 30
LEXUS ERENI WIESE: Wiese Next Generation Series 1 I just had a one-night stand with a total stranger... then what happens next? TAGLISH #1 chance 09...
85.7K 3.1K 56
R18| MATURE CONTENT After losing her husband, Isla Gabrielle Gomez thought she'd never love again. But when she meets Angelo Razonable, a charming yo...