The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #2: Derick Lusterio
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #3: Dinner with school hotties

186K 2.9K 255
By kathipuneraaa

Hindi ako nakagalaw hangga't naririnig ko pa ang makina ng sasakyan ni Derick. Nang mawala yun saka lang ako bumalik sa realidad na wala na pala siya. Nag umpisa na ako maglakad. Sinisipa ko pa yung mga batong nakaharang sa dadaanan ko. Kainis yung lalaking yun! Akala niya hahabulin ko siya? Psh


"Miss, care for a ride?" muntik pa akong himatayin sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Hinawakan ko pa ang dibdib ko para pilitin na pakalmahin ang sarili ko.


"Robie ikaw pala!" obvious na sabi ko. Ngumiti lang siya na parang naisahan niya ako at kumaway. Sa pag iisip ko sa Derick na yun ni hindi ko narinig ang pagdating niya na naka scooter


"Akala ko ba ihahatid ka ni Lusterio? Bakit nandito ka pa?" nagtatakang tanong niya at sinipat ako mula ulo hanggang paa. Akala niya siguro may nagbago sakin


"Hindi. Tumanggi kasi ako. Uuwi na lang ako mag isa" yumuko ako tanda na aalis na ako. Tumalikod na ako at nag umpisa maglakad.


"Ihahatid na kita para mabilis kang makauwi" sabi niya. Lumingon naman ako at umiling.


"Wag na, maaabala ka pa"


"Tsk ano ka ba naman? Dahil nga sakin kaya ngayon ka pa lang makakauwi eh. Come wag ka na tumanggi. Gabi na din naman. Hindi safe na maglakad ka pa" pamimilit niya


"Eh ano kasi--"


"Please hindi ako makakatulog ng maayos nito eh" ginesture niya pa yung mga kamay niya na parang nagdadasal. Nag pout din siya kaya parang ang hirap naman kung tatanggihan ko.

Nag nod na lang ako at lumakad papunta sa kanya. Nakita ko naman na parang tuwang tuwa siya. May extra naman pala siyang helmet kaya din siguro ganun na lang kung magpilit siya. Hmm, maganda na din siguro to. Sa totoo lang natatakot na din naman ako.


"Tsk wag ka dyan kumapit sa balikat. Dito ka sa bewang" bago ko pa maibaba ang mga kamay ko siya na ang gumawa nun para sakin. Nagulat pa ako. Huhuhu nasasagwaan kasi ako sa posisyon namin eh


"Relax I dont bite" umoo na lang ako at maya maya umandar na kami.

Tahimik naming binabagtas ang kalsada. Nagpapasalamat naman ako na hindi siya nagtatanong. Kahit alam ko ang isasagot sa kanya hindi ko naman alam kung makakapagsalita ako ng maayos dahil nga sa ayos naming dalawa.


"Kanina pa tayo magkasama pero hindi ko alam ang pangalan mo" ugh ito na nga ang sinasabi ko eh!


Lumunok muna ako ng tatlong beses bago sumagot "Erica"


"Eh bakit parang hindi naman yun ang tawag sayo ni Derick kanina? He called you in different name. Maria ba yun?"


"Nah. Manilla"


"Nice name" hindi na ako sumagot. The following moments itinuturo ko na sa kanya ang daan papunta sa amin. Bigla na naman akong kinabahan. Sa pagmamadali ko kanina ni hindi ko na naalala tumawag. Ano kaya ang ipapalo sakin ni mama mamaya?

A. Sinturon
B. Yantok
C. Walis tingting

Hay sana naman wala. Hindi ko din ginusto na gabihin ako. Tsk, pero wala naman akong masisi. Hindi naman intensyon ni Robie na matamaan niya ako ng bola kanina. Tatanga tanga lang din talaga ako na maglakad absent mindedly sa field.


"Yun na ba bahay niyo?" nag angat ako ng tinigin ng may ituro siya. Napakunoot ang noo ko. Sobrang liwanag sa bahay namin at may mga sasakyan sa labas. Hindi lang basta sasakyan. Police mobile.


"Hala oo!" pagka park niya sa gilid bumaba ako at nagtatatakbo sa loob. Naabutan ko si mama na umiiyak


"Mama!" sigaw ko. Napatingin naman siya sakin. Noon ko lang din napansin na may mga pulis sa loob ng bahay namin


"Manilla!" napatayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Mas tumindi ang iyak niya. Hala ano ba ang nangyayari? Hinuli ba ng pulis si papa?


"Mama ano nangyayari?" tanong ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.


"Walangya kang bata ka saan ka ba nanggaling huh? Hanap kami ng hanap sayo! Yung tatay mo nga sumama doon sa ibang pulis para hanapin ka! Hindi ka pa sumasagot kaya akala namin kung napaano ka na!" hinampas niya ako sa balikat at umiyak ulit


"Sorry ma, nasa school lang naman ako. May nangyari sakin kaya--"


"Magandang gabi po" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Robie. Kasama ko nga pala siya at nasa akin pa yung helmet niya. At suot suot ko pa!


"Oh nandito na pala ang anak niyo, Mrs. Dela Serna" sabi nung isang pulis at umalis na. Tinignan lang namin sila hanggang sa wala na sila. Grabe hindi ko alam na ganito pala talaga ako kamahal ng mga magulang ko. Akalain mong nagpunta na ng police station para humingi ng tulong.


"At sino ka naman sa akala mo ha?!" baling ni mama kay Robie nang totally wala na yung mga bisita kung di kaming tatlo na lang


"Ma.."


"Manahimik ka Manilla! Hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw na naman niya sakin. Napasimangot na lang ako at tumingin kay Robie na humihingi ng pang unawa. Nakakahiya. Sana ako na lang ang pagalitan ng husto


"Saan mo dinala ang anak ko at ginabi siya?! Alas otso na ng gabi ah! Hindi na to uwi ng matinong estudyante!" ugh ang aga aga pa kaya! Feeling ata ni mama nasa probinsya kami na maaga natutulog ang mga tao.


"Pasensya na po talaga. Wag niyo sana pagalitan si Erica dahil ako naman po ang may kasalanan. Kanina po kasi tinamaan siya ng bola sa field at hinimatay. Dinala ko po siya sa clinic para makapagpahinga. Hindi ko po kasi siya ginising kaya ginabi siya" explanation ni Robie. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong mukha namang kumbinsido si mama


"Totoo ba yun, Erica?" pinakita ko yung pasa ko sa cheekbone at nanlaki ang mga mata niya. Kung kanina galit siya ngayon naman nag aalala na siya gaya nung dumating ako


"Oh kawawa naman ang baby ko!" alam kong pati si Robie nagulat sa reaksyon ni mama. Ngumangawa siya na parang bata! Ugh mama naman eh masyado akong bini baby.

Kaysa umalis sa pagkakayakap niya hinayaan ko na lang muna siya. Dapat abusuhin ko ang pagkakataon na to. Minsan lang maglambing si mama dahil palagi naman siyang abala sa paggawa ng pulboron.


"Pasensya ka na, hijo. Hindi ko naman sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Nag alala lang kasi ako dito sa anak ko" hinging paunawa ni mama na sinang ayunan ko din. Payak lang na tumawa si Robie. Kahit hindi niya sabihin alam kong okay na sa kanya.


"Paupuin mo ang bisita mo, anak. Maghahain na muna ako at tatawagan na ang papa mo" hindi na ako nakasagot dahil nagpunta na si mama sa kusina. Naiwan kami ni Robie kaya pinaupo ko muna siya.


"Sorry talaga, Erica. Sa totoo lang ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ginabi ka. Buti nga hindi ako ginulpi ng mama mo nang makita niya yung pasa sa mukha mo" tensed na bulong niya sakin. Hinubad ko na ang helmet at ibinigay sa kanya


"Hindi naman ganon si mama. Nag alala lang talaga yun" pag comfort ko. Naalala ko yung mga classmates ko sa St. Dominic nun. Takot sila kay mama dahil may katabaan ito. At nakakatakot naman daw talaga kapag nagagalit


"Nakakatuwa nga eh. Akalain mo yun talagang nagpatulong sila sa pulis para mahanap ka? Eh ako nga walang paki magulang ko umuwi man ako o hindi" nagatawang sabi niya. Gusto ko sana tanungin kung may problema ba sila sa pamilya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko naman na isipin niya na tsismosa ako o pakiilemara.


"Nag iisa kasi akong anak kaya siguro ganun sila" sabi ko na lang at tumawa kami pareho.

Nag iisip pa lang ako ng pwede namin pag usapan ng may narinig kaming sasakyan sa labas. Napatayo ako para sumilip sa bintana pero hindi ko makita dahil nakasara na pala yung gate.


"Baka ang papa mo na yan" biglang sulpot ni mama at dumiretso palabas. Susunod sana ako kaso nandito si Robie. Nakakahiya naman kung iwan ko.


"Gusto mo ba dito na lang maghapunan?" tanong ko sa kanya. Napangiti siya na parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko yun


"Sure!" masigla niyang sagot at kinuha yung cellphone niya. Malamang may itetext siya sa bahay nila na hindi siya dun maghahapunan

Hindi lang si papa pala ang dumating. Kasama niya ang bestfriend kong si Annabeth. May isa pa silang kasama pero hindi ko makita kung sino dahil isinasara nito ang gate na pang tao kasama si mama.


"Oh my god, Erica nandito ka na pala!" bulalas ni Annabeth nang makalapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit


"Saan ka ba galing huh? Grabe ka kanina ka pa namin hinahanap ni tito, akala namin kung saan ka na napunta" sermon niya pa sakin. Uupo sana siya sa sofa nang makita niya si Robie. Nagkusot pa siya ng mga mata. Her jaw literally dropped.


"Annie" tawag ko sa kanya ng hindi pa din siya nagsasalita. Nakanganga lang talaga siya. Nahihiya na nga ata si Robie sa pinag gagagawa niya.


"Erica, anak nandito ka na pala.." yumakap sakin si papa pero hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay Annabeth at Robie. Ito ang unang pagkakataon na natulala ang kaibigan ko sa isang lalaki.


"Tara sa kusina nga!" sa wakas nakagalaw na siya. Hinatak niya ako papunta sa kusina. May divider naman ang sala at kusina namin kaya hindi kami makikitang dalawa. Pinaupo niya ako sa dining at hinatak niya pa yung isang upuan paharap sakin.


"Bakit mo kasama yun at paano mo siya nakilala?" excited na tanong niya. Namumula din siya na parang sinampal. Ugh seriously?!


"Schoolmate natin siya. Ganito kasi yun. Kanina--"


"Oh my god, Erica! Ang swerte mo! Hindi mo ba kilala kung sino yun?!" she said cutting me off. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya dahil mas lamang pa yung paghampas niya sa balikat ko na para bang kilig na kilig siya.


"Kilala syempre! Isasama ko ba dito kung hindi?! Siya si Robie" sabi ko. Kinurot niya ako sa singit pero hindi ako nakasigaw dahil saglit lang naman yun


"What i mean is, alam mo ba na captain ball siya ng soccer team ng Phylisse Academy?" habol niya. Napahinto ako sa akma kong pagsasalita. Captain ball? Meaning ito yung sinasabi niya sakin nun na gwapo?!


"Alam mo ba na hindi basta nayayaya kung saan yan si Robie? Samantalang ikaw nakuha mo pa siyang iuwi?! Goodness, how lucky you are!"


"Annabeth, Erica ano pa ba yan? Kakain na tayo!" naputol na ang usapan namin nang dumating na sila mama dahil kakain na kami. Hala totoo ba yun? Jusme paano kung malaman to sa school? Hindi naman sa pinagbibintangan ko na tsismosa ang bestfriend ko pero paano nga kung malaman nila? Hays mabu bully na ata ako neto!

Tumayo na si Annabeth para umayos ng pagkakaupo. Ganun din ako. Pagtingin ko sa kanya tulala na naman siya at nakanganga. Tinignan ko kung kanino siya nakatingin.

Nung una si Robie, ngayon naman si Derick! Anong ginagawa niya at paano siya nakapasok dito sa bahay namin?! Kahit ako tuloy nagaya ang reaksyon ng kaibigan ko.


"Hindi ko na to.. kaya.." narinig kong sambit ni Annabeth. Wala pang limang segundo hinimatay siya. Nang mauuntog na siya sa kanto ng mesa nasalo siya ni Derick.


"Ano bang nangyari dyan sa kaibigan mo? Kanina pa yan ah" puna ni mama. Inihiga namin si Annabeth sa sofa at pinaypayan siya. Tsk makakatikim sakin ang babaeng to oras na magising siya. Nakakahiya ang inasta niya!


"Ikaw pala yung sinasabi sa akin ng asawa ko na nagsakay sa kanila kanina. Pasensya na sa abala" sabi ni mama kay Derick na nakaupo sa opposite side ko. Mabilis niya akong tinignan at nginitian si mama


"Wala po yun. Classmate ko naman po si Manilla kaya nag aalala din ako sa kanya" sagot niya at tinignan ako. Tsss nag aalala siya sakin? The hell with it samantalang kanina iniwan niya ako

After thirty minutes nagising na si Annabeth. Tinanong ko siya kung bakit siya hinimatay. Ang sabi niya lang sumikip yung breathing passage niya dahil hindi niya kinaya ang katotohanan na may dalawang gwapo ngayon dito sa bahay namin.

Dito na din kumain si Robie at Derick. Hindi ko maiwasan mapangiti. Kanina natatakot ako na baka hindi nila magustuhan ang hinain ni mama na adobong sitaw. Pero nung magsimula na sila kumain, natutulala na lang kami ni papa. Lalo na si Derick sobrang lakas lumamon. Tss kungsabagay baka ngayon lang siya nakatikim ng ganito. Hmp pero kahit na nakakatuwa pa din.


"Kapag nandito pala etong si Derick at Robie walang bigas na masasayang" nakangiting puna ni papa na tinawanan na lang namin. Magana din naman ako kumain kaya lang nahihiya ako sa dalawa kaya halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko. Sabay katabi ko pa si Derick na panaka nakang tumitingin sakin


"Sa ibang pagkakataon po sana makakain pa ako dito" sabi ni Derick kay mama


"Naku ikaw pa! Kung gusto mo nga dito ka na lang tumira. Alam mo kasi nag iisa lang yang Erica namin. Tsk sana nga naging lalaki na lang yan" sagot naman ni mama. Nalaglag ang balikat ko at pinatong ko na lang dalawang kamay ko sa lap ko. Tsk ilang beses niya na din sinabi sakin na sana daw naging lalaki na lang ako. Sabi ko nga bakit hindi na lang sila gumawa.

Nagulat naman ako ng abutin ni Derick yung isang kamay ko at pinagsiklop sa kamay niya. Mabuti na lang at walang nakakakita dahil tinago niya ang mga yun sa ilalim ng mesa.

"Wag naman po ma'am. Maganda si Erica" naubo si Annabeth sa sinabi niyang yun. Si Robie naman tahimik lang na nakikinig. Magkaharap kami pero hindi niya ako kinakausap. Hindi lang siya siguro sanay na nakikipag usap habang nasa hapagkainan.


"Hmm kungsabagay. Isa pa, mabait naman talaga ang batang yan. Hindi ako binigyan kailanman ng sakit ng ulo"

And my night goes just like that. Napagod sa kakahanap si papa sakin kanina kaya nauna na siya matulog. Si Robie naman umuwi na kasabay si Annabeth dahil tumatawag ang ate niya.

So ako, si mama at Derick na lang ang natitira.


"Di ba magkaklase kayo? Ano kamusta naman ang anak ko sa school? Nag aaral naman ba?" tanong ni mama sa kanya


"Palagi naman po siya pumapasok at nagrerecite kaya okay naman siya" hays tama ba na ako talaga ang pag usapan?


"Hmmm. Anong masasabi mo sa itsura ni Erica kapag pumapasok? Alam mo ba kalahating oras ko siyang inaayusan para naman maganda siya pagpasok. Alam mo naman sa school niyo. Mayayaman kaya kahit paano gusto ko naman na makasabay sa standards niyo ang anak ko"

One word. Patay. Gee, mabubuking na ata yung sikreto ko na pumupunta ako sa McDo para magtanggal ng make up. Lagot ako nito sigurado.

Pasimple kong tinignan si Derick. Nakabakas sa mukha niya ang pagkalito. Syempre kahit kailan hindi naman niya ako nakita na nakaayos ng todo dahil pagkapasok ko burado naman na yun.


"Simply beautiful.." he brethlessly said and fixed his eyes on me. Nakahinga ako ng maluwag na hindi niya ako nilaglag.


"Syempre anak ko yan eh!"

Hanggang sa kami na lang ni Derick ang natira. Nakaupo lang ako at nakatingin sa center table namin habang siya naman nakatingin sakin. May naglalarong ngiti sa mga labi niya kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.


"Hindi ka pa ba uuwi?" kalmanteng tanong ko para hindi naman masama ang dating sa kanya


"Nah. Gusto ko muna magsawa tignan ka kaso kung hihintayin ko yun baka hindi na ako makauwi kailanman sa min" tumayo na siya at mabilis tumalikod.

Anong sinabi niya? Ano yung hihintayin niya?


"Sandali lang" pigil ko sa kanya. Nakahawak ako sa braso niya. Huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sakin


"Thank you sa pagsama kay papa pauwi dito. Sorry din sa pinakita kong ugali kanina sa school"

Kahit hindi ko gusto yung ideya na humingi ng tawad at magpasalamat sa kanya, ginawa ko pa din bunsod ng kagandahang asal. At isa pa seryoso din naman ako lalo na sa parte na inuwi niya si papa.

Hinawakan niya ako sa balikat. Bago pa ako makapag react nahatak niya na ako payakap sa kanya. Gustuhin ko man umalis hindi ko magawa.


"For the first time in my life, it feels like home" bulong niya sakin. Naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. Pumikit na lang ako ng mariin.

Nang idilat ko ang mga mata ko wala na siya. Narinig ko ang makina ng sasakyan niya hanggang sa makalayo na yun.

At gaya nung pakiramdam ko nun sa madilim na kwarto, eto na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 31.6K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
662K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...