Master Casanova (Master #1) (...

By Miss_Aech

260K 7.9K 1.4K

"He put her in the pedestal, but he has to claim her now" Narian Esquillon was the only girl Castielle Ongcua... More

Master Casanova: Castielle Ongcuanco
The Beginning
MCCO 1 #Recapture
MCCO 2 - #Angel-yen
MCCO 3 - #Cheater
MCCO 4 - #Revenge
MCCO 5 - #Condition
MCCO 6 - #Job
MCCO 7 - #Pikon
MCCO 8 - #FuckLove
MCCO 9 - #Strangers
MCCO 10 - #Pissed
MCCO 11 - #Victim
MCCO 12 - #Deal
MCCO 13 - #Stop
MCCO 14 - #Practice
MCCO 15 - #Warning
MCCO 16 - #Stockroom
MCCO 17 - #Confused
MCCO 18 - #Territorial
MCCO 19 - #Marked
MCCO 20 - #Fell
MCCO 21 - #Damn
MCCO 22 - #Controlled
MCCO 23 - #Lying
MCCO 24 - #Hate
MCCO 25 - #Worship
MCCO 26 - #Cappuccino
MCCO 27 - #Coincidence
MCCO 28 - #Punishment
MCCO 29 - #NoMore
MCCO 30 - #Plan
MCCO 31 - #Screwed
MCCO 32 - #Worser
MCCO 33 - #ThePast
MCCO 35 - #Deserve
MCCO 36 - #Slipper
MCCO 37 - #Melt
MCCO 38 - #BackedOut
MCCO 39 - #NamePlate
MCCO 40 - #Ravished
MCCO 41 - #Prince
MCCO 42 - #GiveIn
MCCO 43 - #Tonight
MCCO 44 - #Family
MCCO 45 - #Try
MCCO 46 - #Asks
MCCO 47 - #Object
MCCO 48 - #Archenemy
MCCO 49 - #Anonymous
MCCO 50 - #Path
The Ending (Castielle)
Special Chapter
Special Note

MCCO 34 - #Mad

3.2K 105 41
By Miss_Aech

Chapter 34

I took off my black aviator while looking outside the window. I'm already home after three years.

It wasn't that easy to get back. President Kang didn't allow Jackson to go with me, dahil marami pa siyang aasikasuhin pero next month ay pwede niya nakong samahan dahil sasamahan ko ito sa isang expo.

Jackson help me once again. Ipagpapatuloy ko ang pagiging intern doctor ko sa isang kasosyong hospital ng Seoul Hospital dito sa Pilipinas. Ang Montañez Group Hospital.

Hinila ko ang isang maleta ko palakad lakad sa loob ng airport. Konte lamang ang dinala kong gamit dahil babalik akong Korea. I don't intend to stay. Kung pupwede ay pabibilisan ko na ang kasal ng makabalik na.

Hindi ko alam kung sino ang susundo sakin. Si Papa ba o si Erene. Napagdesisyunan kong pumunta munang comfort room at pagkalabas ko ay namataan ko ang isang lalakeng matangkad at may itim na buhok na may kausap sa telepono.

Hindi ko ito pinansin ngunit bigla kong naalala si Castielle. Ipinilig ko ang ulo ko at umiling-iling. Why would I even thought of him? Maybe because the man kinda resemble the devil I once knew.

Tumunog ang cellphone kaya 'yun ang pinagkaabalahan ko. It was Papa who called kaya kaagad kong sinagot.

"I'm already here, Pa. Where are you?" I asked habang hila-hila ang maleta ko.

"I'm sorry, nak. Hindi kita masusundo. Galing akong Laguna, hindi kita mapupuntahan kaagad." anito.

Napabuntong hininga ako. "All right, Pa. Marunong naman akong umuwi. Si Tuning?"

"Nasa bahay. She already cooked your favorite Sinigang."

Napangiti ako. "Alright. See you later, Pa. Love you."

"Love you too, anak." sagot nito bago maputol ang linya.

Ibubulsa ko na sana ang cellphone ko ng may mabangga ako. Inangat ko ang mukha ko at halos matutop ko ang bibig ng makita kung sino ang nabangga ko.

"Stave!?" di makapaniwalang tanong ko.

Nanlaki ang mata niya ng makita ako. "Nari!?" ganoon din ito.

The last time we saw each other was when we talked inside a coffee shop for a closure. Wala na kaming naging koneksyon pagkatapos nun.

Hindi niya malaman kong ngingiti ba siya o ano. Bigla nalamang niya kong hinila at niyakap ng napakahigpit. Napangiti ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

I miss him. I know he tried to contact me dahil nabanggit ni Erene na hinahanap ako ni Staven pero hindi ko pinasabi na nasa Korea ako. I was hiding. Ayokong magpakita dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko.

"Damn, Nari! Ilang taon kitang hinanap!" bulalas nito ng kumalas siya ng yakap.

Kumunot ang noo ko. "Hinanap mo ko?"

Tumango siya. "I went to America, para ipagpatuloy ang pag-memedisina. Kakarating ko lang..." aniya at sinulyapan ang kabuoan ko.

"How are you? San ka nanggaling? We really need to talk." testimonya nito.

Tumango ako at hinawakan ang braso niya para pakalmahin. "Yes, we'll talk. But, first, we need to eat." sagot ko.

Staven and I went to a restaurant near NAIA dahil pareho kaming gutom. I didn't expect that he will be the first person na makaka-encounter ko dito sa Pilipinas.

Staven is still Staven. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. Pawang magkaibigan lamang at walang namamagitan sa isa't-isa.

Staven changed though. Well, lumaki ang katawan niya. His face became matured but his handsome face is still there. Mas lalo siyang gumwapo. And from my deepest thoughts, ano na kaya siya ngayon?

I don't want to think of him. But, it was like, everything I'm doing right now is for him. Binalikan ko siya dito para tuloyan akong maka-move on, ika nga ni Jackson, I should face my past para tuloyang masabing naka-move on na nga.

He woke me up. Para akong nabubuhay ng patago. Three years I've been hiding from reality. Taking advantage of my Tita's kindness of keeping me in Korea kahit pa noo'y ayaw pa kong tustusan ni Papa.

"Why didn't you contact me, Nari? I was dying to know where you are. Erene shoved me away hanggang sa mag-aral nako ng medisina sa abroad." aniya habang naghihintay kami ng order namin.

Bumuntong hininga ako. "Stave... Alam mong matapang ako at palaban. But, I also have my weakness. I hid myself because I'm ashamed of myself." sagot ko.

"But I could have been there for you. Alam mong mahal kita, diba?" seryoso nitong sinabi.

Napakagat labi ako at tumungo. "Ayoko ng idamay ka."

"Damn it, Nari. Three years hindi kita nakita. Wala akong pakialam, three years ago, kahit anong gawin mo, damay parin ako. Ginawa ko ang lahat maipagtanggol ka lang sa kanila. If only you could have stayed and fight." mariin nitong sinabi.

"Nandito lang naman ako sa tabi mo." dugtong nito at naging mahinahon ang boses.

Gusto kong maluha sa sinabi niya. But, I remained strong. I don't want to be weak again.

"I'm sorry, Staven. I'm sorry." yun lang ang tanging nasabi ko, full of sincerity.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Staven habang kumakain na kami.

"Internship sa Montañez Group Hospital. After Papa's wedding babalik rin akong Korea." sagot ko.

"Your Papa is getting married?" gulat nitong tanong.

"Mmm. I'll meet her tonight sa Laguna. Nasa family vacation daw ang magpamilya."

"May pamilya narin ang mapapangasawa ng Papa mo?"

Nagkibit balikat ako. "Siguro, hindi ko lang alam kung hiwalay o byuda. Pero ang alam ko ay may mga anak."

"Ikaw, kamusta kana? After three years?" tanong ko sa kaniya.

He sighed heavily. "I was fine... I guess. I tried forgetting you, Nari. I met an amazing person, she's pretty much like you. Nerd." anito at ngumisi.

I rolled my eyes. "So? Who's this girl?"

"Susaine Wilson. She's already a doctor. Fresh graduate."

I don't know why I feel happy while watching Staven talked about this certain girl in abroad. Nakakatuwa dahil mukhang tinamaan na siya ulit. I'm glad about it. It's so funny that we could have been something, but we didn't end up together.

Hinawakan ni Staven ang kamay ko kaya nagulat ako. "I'm happy that I saw you again, Narian. Now, my heart feels at east and I felt like I already closed my heart." anito.

Alam ko ang ibig sabihin ni Staven. Maybe he already moved on and the only thing his heart wants was to see me again so he could have a closure. A mental closure for himself.

Siguro ito nga ang sinasabi ni Jackson na kailangan kong gawin. Ang harapin ang tinakasang nakaraan para tuloyan ng isarado ito at harapin ang panibagong kabanata ng buhay.

Right. The only thing for me to have my peaceful life back is to face those damn people who made my life a living hell. Maybe if I could get there apology, magiging maayos ako.

Staven insist in taking me home kaya doble pa ang kaniyang pamasahe. Hindi na kasi siya nagpasundo sa kapatid niyang si Kriston ng makita ako.

"Babalik rin akong abroad. Mamimiss kita. Don't cut your communication with me ever again, Nari. I tell you." banta niya bago ako yakapin ng mahigpit.

Alam kong wala ng malisya 'yun. Dahil pakiramdam ko ay huling yakap niya na'yun ulit sa akin. Yakap ng isang kaibigan.

Kumaway ako sa kaniya bago siya tuloyang makapasok sa taxi. Papasok na sana ako ng may dumaang sasakyan, halos kasunod lang ng taxi ni Staven. Napakagarang na sasakyan. Naalala ko naman ang sasakyang ginasgasan ko noon para makaganti lang.

Umiling-iling ako. Ayoko na siyang isipin pa.

Sinalubong ako ni Tuning. Kumain muli ako dahil ayokong magtampo si Tuning dahil hindi ko kakainin ang niluto niya sakin. At mukhang namiss narin niya ako.

"Nako, napakaganda mo talaga Ma'am! Mabuti at nagkabalikan na kayo ni Sir Staven, Ma'am." anito habang kumakain ako sa island table namin sa kusina.

"Hindi naman naging kami. May girlfriend na siya sa abroad." sagot ko at humigop ng sabaw.

"Ay sayang! Pero, alam mo? Hindi naman kayo gano'n ka bagay, Ma'am Narian! Alam mo bang palaging may gwapong lalakeng nakaabang diyan sa labas ng bahay noong umalis kayo? Mabuti at hindi naabutan ni Sir Nate." kwento ni Tuning.

Kumabog ang puso ko. Biglang nangining ang kamay ko habang hawak hawak ang kutsyara para sa paghigop. Lalake? Di kaya...

"Mas bagay kayo nun! Mas gwapo pa kay Sir Staven, Ma'am. Kinausap ko nga, hindi naman kumikibo. Tulala lang sa labas. Pero hinanap ka niya, kaya lang bilin ni Sir ay wag kong ipagsabi."

Binitiwan ko ang kutsyara at napalabi. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Tuning, wala ka paring kupas magluto. Aakyat na muna ako sa kwarto, ha? Sumakit bigla ang ulo ko." sabi ko at ngumiwi pa.

"Nako! Sige, Ma'am Narian! Ako na mag-aakyat ng maleta mo." aniya at agad umalis.

Pagkasara na pagkasara ni Tuning ay agad akong sumalampak sa kama at tumitig sa kisame. I remember how I always do this whenever I'm upset and nothing to do. I always stare at my ceiling like it was a perfect diversion for pain.

Napakagat labi ako ng muling alalahanin ang mga kwento ni Tuning tungkol sa lalake. Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi.

Why did he come here? Para saan pa? Gusto niyang humingi ng tawad? Na-guilty siya ganoon?

Gusto kong magpatawad pero galit na galit parin ang puso ko. Nararamdaman ko ang muling pag-alab nito. At hindi ko alam kung tama nga ba na harapin ko siya dahil baka mas lalo lang akong magalit.

Tonight was the night. Sinundo ako ni Papa, magkasama kaming pupunta ng Laguna para puntahan ang paboritong restaurant ng kaniyang girlfriend.

Pagkatapos ng Laguna ay magbabakasyon kami papuntang Siargao. Yun ang sabi ni Papa dahil gusto niya raw mag-bonding kami ng kaniyang girlfriend na si Sarah at ang mga anak nito.

Hearing her name comforts me. Pakiramdam ko ay magiging mabuti siyang asawa at pangalawang ina.

Nakatulog ako sa byahe papuntang Laguna. Ginising nalamang ako ni Papa ng makarating kami at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang familiar na kainan.

Were in front of Brussel Bistro. Ang paboritong kainan ni Castielle. Ito ang lugar kung saan kami nag-usap dito sa Laguna. Napakagat labi ako. Fuck, memories.

Suot ang champagne dress at si Papa ay pormal na two piece suit ay pumasok kami sa loob. Hindi katulad nung unang punta ko rito kasama si Castielle ay payapa ang lugar ngunit ngayong gabi ay napakaraming tao at mukhang mas pinalaki pa ang lugar at nagmistualng mini bar.

Dire-diretsyo ang lakad namin papunta sa isang VIP room. Akay-akay ako ni Papa papasok at ng makapasok ay halos hugutin ko ang aking hininga.

When the room opened, kaagad kong nakita ang tatlong pares ng matang sinalubong kami ng tingin. A three lovely girls. Kaagad kong nakita ang girlfriend ni Papa na napakaganda sa kaniyang suot na baby blue dress.

Tumayo ito upang salubungin ako. Lumapad ang ngiti ko lalo na't napakaamo at napakaganda niya. Kahawig niya ang dalawang babaeng mukhang kambal.

Humalik siya sa pisnge ko kaya ganoon din ako sa kaniya.

"Good evening po." bati ko.

"Hello, Narian. I'm your Tita Sarah. I'm so glad to finally meet you." anito at niyakap pa ako.

"I'm glad to finallymeet you too, Tita." sagot ko at niyakap siya pabalik.

Napayakap nalang ako. Tumayo rin ang dalawang babaeng kambal.

"Meet my twins. Vale and Dale. Vale, Dale... this is your Ate Nari." pagpapakilala ni Tita Sarah sakin.

Nginitian ko ang dalawang batang nakangiti sakin. Ramdam mo ang sinseridad nilang dalawa.

"Nice to meet you two." sabi ko at nakipagkamayan sa dalawa.

"Where's your son, hon?" tanong ni Papa kay Tita Sarah ng umupo na kami sa lamesa.

It was a 10 person seat at tanging lima lang kami. At anim kung dadating ang anak pa ni Tita Sarah.

"Oh, he'll come. Mukhang nakakita nanaman ng magandang babae. Natangay nanaman." biro ni Tita Sarah.

Napangiti ako. I didn't expect that she could talk carelessly dahil postura niya'y mukhang sopistikada at maingat sa salita but I could see how different she is from what I expected her to be.

Si Papa ang nakaupo sa gitna habang ako naman ay nakaupo sa tabi ni Papa at sa kabila ay si Tita Sarah. Tumabi ang tinawag na Vale kay Tita habang si Dale naman ay tumabi sakin.

Kasundo ko si Dale dahil mahilig siya sa libro habang s Vale ay mahilig gumuhit. Hindi mahirap alamin kung sino si Vale at si Dale dahil nakapony-tail si Dale habang si Vale ay nakalugay at kinulot pa sa dulo.

11 years old na ang dalawa at nagulat ako dahil sa Thaguro University sila nag-aaral. What a small world, ha? Kailangan ay marinig ko pa ang paaralang 'yun ngayon.

But, no offense. I just don't want to hear things that connects me in the past, like right now, ayoko munang isiping nasa Brussel Bistro kami.

Lalo na't nagawi pa ng mata ko ang lamesa kung saan kani pumwesto ni Castielle. Pwesto kung saan malapit ang stockroom, at sa stockroom kung saan may nangyaring make out session.

This is killing me. Tama nga't ang pagbabalik dito ay pagharap sa nakaraan kaya kailangan kong indahin ito.

Dumating ang order namin. Wala parin ang anak ni Tita Sarah na hinihintay para tuloyang makakain.

"Nandito na siya. He must have brought her girlfriend with her." ani Tita Sarah habang nakadungaw sa phone niya.

"Ate, your name sounds familiar." sabi ni Dale sa gilid ko.

Tumaas ang kilay ko. "Hmm? Why?"

"It's like I heard your name before..." nag-iisip nitong sagot.

"Ate Narian's name is like Narnia right? Put the last n in the middle. Kuya loves watching Narnia. Nakakasawa na nga eh." reklamo ni Vale.

Natigilan ako sa sinabi ni Vale. Again, may naalala nanaman ako. Hindi ba talaga ako titigilan ng tadhana? Why is it kanina pa ipinagduduldulan sakin ang mga nakaraan ko?

Biglang bumukas ang pintuan. My eyes automatically drift into the man who open the door. Tall guy with a body too stiff and musculine. His perfect chiseled jaw, aristocrat nose, and thin lips. But the most intriguing part was his jet black hair and his cold and but surprised eyes.

Namilog ang mata kong makita muli ang lalakeng kanina pa gumugulo sa isip at puso ko. Hindi, hindi lamang kanina. Kundi buong tatlong taon.

Nang tuloyan siyang pumasok ay umawang ang labi ko ng makitang may nakalingkis sa kaniyan braso. A familiar woman.

"Castielle! You're here!" ani Tita Sarah at tumayo na sabay tingin sakin.

"Narian, meet my son, Castielle Angelo and his..." tumigil si Tita at tumingin kay Castielle at sa babaeng kasama.

Gulat rin ang mga mata ng babae. I looked at Castielle's raging cold eyes looking at me and to his mother but a fake smile crept on his lips.

"This is Loraine Ponce, my girlfriend." sagot ni Castielle at muli ay tinaliman ako ng tingin.

Kumabog ang puso ko. Sobrang bilis na para akong nawawalan ng lakas. Hindi ko alam ang gagawin. I could feel my tight gripped on the chair.

"N-Nice to meet you." tanging nasambit ko habang sinubukang ngumiti.

"Nice to meet you too." matigas at mariin niyang sinabi at hindi mawala ang masama niyang pagtitig na parang kami lamang dalawa ang narito ngayon.

Na para bang ako ang may kasalanan sa aming dalawa. I tried to maintain my posture and calm face kahit ang totoo niyan ay gusto ko ng pantayan ang masamang pagtitig ni Castielle sakin.

Bakit parang siya pa ang galit?

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 100 23
Dala ang poot at pagkamuhi, gagawin ni Veronica ang lahat makuha lang ang inaasam na hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ina. Isang dignidad ang...
205K 3.8K 21
Dice and Madisson
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
92.3K 2.4K 43
The youngest among the Stallix, Trek Stallix fall hard at the young age and when his first love broke up with him it makes him wanting her more. He'l...