Since You've Been Gone

بواسطة TheLadder89

96.2K 5.8K 8K

⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime I will never forget you, my love. I hope you're happy wherever you are. ... المزيد

Snippet
Introduction
SYBG 1
SYBG 2
SYBG 3
SYBG 4
SYBG 5
SYBG 6
SYBG 7
SYBG 8
SYBG 9
SYBG 10
SYBG 11
SYBG 12
SYBG 13
SYBG 14
SYBG 15
SYBG 16
SYBG 17
SYBG 18
SYBG 19
SYBG 20
SYBG 21
SYBG 22
SYBG 23
SYBG 24
SYBG 25
SYBG 26
SYBG 27
SYBG 28
SYBG 29
SYBG 30
SYBG 31
SYBG 32
Happy April Fool's Day
SYBG 33
SYBG 34
SYBG 35
SYBG 36
SYBG 37
SYBG 38
SYBG 39
SYBG 40
SYBG 41
SYBG 42
SYBG 43
SYBG 45
SYBG 46
SYBG 47
SYBG 48
SYBG 49
SYBG 50
SYBG 51
SYBG: Epilogue

SYBG 44

870 44 13
بواسطة TheLadder89




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"What's the Story?"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"SINO kayo?!" Malakas na tanong ng lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan na tadtad ng tattoo. Nakaramdam ng takot sila Brielle kaya mahigpit na napakapit sa mga kasama. "Ano ang kailangan n'yo kay Teacher Crystal?!" Hindi man nakasigaw pero malakas ang boses ng lalaking nagtanong sa kanila. Si Ella at Brielle ang humarap dito kahit na may takot na nararamdaman.

Nilingon nila si Dean at Siege na kumalma lang dahil wala silang laban kung sakali. Tondo ito. Hindi nila ito teritoryo at mukhang hindi naman gagawa ng masama ang lalaking kaharap nila kahit na tadtad nga ito ng tattoo ay malinis at mukhang matino namang itong tingnan. Hindi na ito kamukha ng mga nadaanan nilasa kanina na walang mga damit pangtaas. Nakasando ang lalaki at mukhang malinis ang suot na nitong pantalon kaya hindi nakakabastos.

"Hello po, Kuya. Hinahanap lang po namin si Teacher Crystal." Panimula Brielle. "Hipag ko po siya at ito naman po ang Kuya niya." Sabay turo kay Siege. Nakatitig pa rin sa kanila ang lalaki. Kinikilala ba sila o kinikilatis?

"Ganun ba?" Tumango-tango ito. "Bogart! Nakita mo bang umuwi si Teacher Crystal?" Sigaw nito sa kung sino man tinanong nang hinid inaalis ang mata sa kanila.

"Kanina! Nagmamadali at mukhang umiiyak yata!" Sigaw naman ng isang lalaking marami ring tattoo. Nakatayo ito mula sa kabilang bahagi ng eskinita. Mga limang bahay mula sa kinatatayuan nila ang distansiya nito. Hinarap nilang muli ang lalaking una nilang kausap.

"Umiiyak? Bakit daw po?" Inuhan na ni Ella ng tanong bago pa mapunta kung saan ang uspan kung hahayaan niya na ang mga lalaki ang magsasalita.

Ang alam ni Ella na katulad ng dati nilang tinitirhan sa Valenzuela, ganito ang mga kapitbahay nila. Mga nakakatakot ang mga hitsura ng mga tambay dahil sa mga tattoo ng mga ito. Gayunpaman ay hind isila nabastos sa dinadaan nilang eskinita bago makarating sa mismong tirahan. Mababait ang karamihan sa mga ito at maaasahan din. Naisip niya na baka ganun din dito.

Sa mga ganitong klaseng lugar, katulad ng lugar nila dati, kung mabait ka lang sa kanila walang magiging problema at walang pwedeng lumuko-loko na kung sinuman dahil ang mga ito na ang bahala. Maaaring ganito rin dito sa lugar ni Quinn kaya kailangan maisip ni Kuyang ma-tattoo ang katawan na wala silang masamang pakay kay Quinn.

"Bakit daw umiiyak, Bogart?! Ipagtanong mo doon sa labasan kung may bumastos sa prinsesa ni Glenda, my labs!" Sigaw nitong muli doon sa lalaking kasigawan.

"Sandali!" Bweltang sigaw nito.

"Anong sandali?! Baka gusto mong kumain ng kamao sa hapunan!" Sigaw nito kay Bogart na nakaharap na dito.

"Oo na! Kahit kelan talaga, Mang Lino kapag ang Prinsesa ni Aling Glenda ang pinag-uusapan..." Ibinitin nito ang sasabihin dahil may lumabas na babaeng naka-lipstick ng pagkapula-pula at naka-tube top at pekpek shorts ito.

Napaubo si Erica sa nakita. Nilingon ni Virgil ang kasintahan, iniharap ito sa kanya at bahagyang isinubsob ito sa dibdib. Itinalikod ni Dean si Ella sa babaeng konti na lang ay nakahubad na at malanding nakangiti sa kanila, ngumunguya ng kung ano. Nagdilim ang mukha ni Siege na halos ikatawa ni Brielle.

"Sino ba ang hinahanap n'yo mga pogi? Ako ba?" Mapang-akit na tanong nito sa kanila ng babaeng nanggaling sa pintuan sa likuran ni Mang Lino

"Hoy, Bebot! Pumasok ka nga doon sa loob baka maabutan ka na naman ng nanay mo ay magtatalak na naman yun dahil diyan sa suot mo!" Sigaw ni Mang Lino sa babaeng biglang na lang sumulpot. Di nila mawari kung anong klaseng style ng pananamit ang.

"Alam mo T'yong, panira ka ng moment. Kaya hindi ako magka-boyfriend dahil sa inyo nitong mga siraulong ito. Kung ano-ano na nga ang sinusuot ko para mapansin ako pero kayo harang ng harang!" Pabalik na singhal nito sa lalaki. Muntik nang matawa si Brielle kung hindi lang napigil ang sarili.

"Siraulo! Hindi mo ba nakikitang kasama ng mga poging yan ang mga asawa nila, oh!" Turo sak anila ni Mang Lino. Ang hihilig ng mga tao ditong magsigawan kahit magkakaharap lang ang mga ito. Tiim-bagang napahugot ng malalim na paghinga si Siege. Ganito ba ang kinalakihan ng kapatid ko? Naisip niya.

"Ewan ko sa inyo, T'yong. Kinamatayan na lang ni Aling Glenda ang panliligaw n'yo hindi pa rin kayo nasagot. Palibhasa kasi puro kayo tattoo!" Tumatawa itong pumasok sa bahay. Naiiling na lang si Mang Lino.

"Pagpasensiyahan n'yo lang yang pamangkin kong yan, kulang kasi sa buwan nang ipinanganak ng kapatid ko eh." Panimula ni Mang Lino. Bahagya nang bumaba ang boses at angas nito. Magsasalita pa sana si Mang Lino nang may sumigaw uli mula sa labasan.

"Tandang Lino! Wala naman daw may nakakitang bumastos diyan sa anak-anakan ng "my labs" mo." Sigaw ng hindi nila kilalang lalaki.

"Tarantado ka, Emong. Baka hindi ka na sinagan ng madaling araw mamaya!" Bweltang sigaw ni Mang Lino doon sa lalaking Emong ang pangalan. Tumawa lang ito at kumaway tapos bigla na lang nawala.

"Mang Lino, paano po naming makakausap ang hipag ko?" Tanong ni Brielle. Hinayaan ng mga lalaki na ang mga babae ang kumausap sa mga tagarito, mukhang kaya naman kasing dalhin nila yun, lalo na ni Brielle.

"Teka sandali, Ineng. Ako ang gigising sa kanya." Sabi ni Mang Lino. "Crystal ng buhay ni Glenda my labs, pwede naman sigurong lumabas ka muna diyan sa lungga mo, Ineng!" Mahabang litanya ni Mang Lino. Napabungisngis si Erica sa mga lumabas sa bibig nito at pati na sa tono ng pagsasaslita nito. Kalalaing tao, mukhang hindi pahuhuli ng buhay pero ang kalambing ng boses kapag hindi nakasigaw.

"Ang cute pala ni Mang Lino. Akala ko kanina kakainin na ako ng lupa dahil sa sobrang takot, yun pala napakalambot ng puso nito. Hindi lang halata dahil sa laki ng katawan at mga tattoo nito." Napalakas yata ang pagkakasabi ni Erica kaya mabilis at seryosong lumingon si Mang Lino dito. Napaatras ang dalaga. Parang gustong lumukin ang dila dahil sa matapang na tingin ni Mang Lino.

"Ineng, wag mong masyadong lalakasan ang pagkakasabi dahil baka mamaya hindi na matakot ang sanggano dito." Ngumiti naman ito ng bahagya pagkatapos nitong magsalita. "At saka isa pa, Ineng, wag mo akong masyadong pakatitigan at baka mapaglihian n'yo ako, Diyos kong mahabagin! Lalaking pangit ang mga anak n'yo." Napatawa ng malakas si Erica na sinundan ni Ella at Brielle. Magsasalita pa sana si Erica ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang nagulat na si Quinn. Isasara na sana nito ang pinto ngunit naagapan ito ni Siege.

"Quinn, can we talk, please?" Parang walang pag-asa na nitong pakiusap sa kapatid. Matalas ang tingin na itinapon nito sa direksyon ni Mang Lino.

"Ineng, kung hindi lang sila maayos na nakiharap sa akin ay hindi ko sila papansinin. Alam ko naman na ayaw mo talagang buksan ang pinto, pero kung ganitong halos maiyak na itong lalaking may dimple na ito na sinasabing kapatid mo, maawa ka naman. Pakiharapan mo sila ng mabuti. Hindi matutuwa si Glenda my labs kung ganyan kang makitungo sa kapwa mo lalo pa at pamilya mo pala ang mga ito." Mahabang paliwanag ni Mang Lino kay Quinn. Bagsak ang balikat nitong tumabi para makapasok sila Brielle sa maliit niyang bahay. "Oh siya mga bata, kung may kailangan kayo nandito lang ako sa kabilang bahay." Dugtong pa nito. Ngumiti lang ang mga ito at yumukod sila bilang pasasalamat sa matanda.

"Mang Lino." Tawag ni Brielle bago pa ito tuluyang tumalikod. "Maraming salamat sa pagpoprotekta sa hipag ko. Nag-iisang babae lang po kasi yan ng pamilya nila kaya ganun kami sa kanya." Nakangiting sabi ni Brielle.

"Ayos lang yun, Ineng. Wag na wag n'yo lang ipahahalta dito sa looban na may mga kaya kayo kasi baka mapagtripan kayo. Tapos kung may magagara kayong mga sasakyan, naku. I-lock ninyo kasi alam n'yo dito sa amin, kahit mahirap lang kami ay maayos naman kaming namunuhay pero hindi maiwasan na meron ding hindi matino, hindi marunong makisama at meron ding hindi namin masuheto." Mapapakamot sa ulo na sabi ni Mang Lino.

"Hindi naman ho siguro nila gagawin yun. Tsaka isa pa, doon naman po sa kalsada naka-park yung mga sasakyan namin." Nakangiting sabi ni Brielle ngunit sa loob niya, umaasang sana ay hindi nga ito gawan ng kalokohan. Nagulat na lang siya ng biglang sumigaw ang lalaki.

"Bogart! Emong!" Malakas at buo ang boses na sumigaw si Mang Lino. Mabilis namang inilabas ng mga lalaki ang mga ulo nila sa mga bintana ng bahay nila. "Lumabas kayo doon. Bantayan n'yo yung mga sasakyan ng kapatid ni Teacher Crystal! Bilis! Nandun ngayon si Tonyong Tirador sa labas baka magpatripan ng gagong yun ang sasakyan nila!" Mabilis pa sa alas kwatrong pito ng pier na tumalon sa bintana si Bogart at mabilis na sumampa sa katabing bakod at tuluyan na itong nawala.

Namangha sila Brielle sa nakita. Si Emong naman ay sumampa sa binata nito at inabot ang isang kable ng bakal, sumampa sa bubong at nawala na lang sa kanilang mga paningin. Napapahanga si Siege sa sistema nila dito sa looban. Maaaring mukha ngang mga kriminal ang mga nakatira dito sa looban sa parteng ito ng Tondo pero mas mukhang mapagkakatiwalaan pa ang mga ito kumpara sa ibang taong kakilala nila s altasosyudad.

"Maraming pong salamat, Mang Lino. Pasok na po kami." Paalam ni Siege na lalaki.

"Sige na. Pumasok na kayo at kami na ang bahala sa mga sasakyan n'yo. Pamilya na rin namin ang pamilya ni Crystal." Malamlam nitong sabi. Ngumiti si Siege sa kanya sabay lahad ng kamay niya sa lalaki. Nagulat man ito ay malugod naman na tinggap ang kamay ni Siege. Napahanga si Siege ng tatlong taong nakilala niya ngayon. Kakaiba sila. Nakakatuwa.

"Tara na, Hon." Sabi ni Brielle sabay hila sa kanya papasok ng bahay ni Quinn. Nakaupo na sila Ella at Erica sa dalawahang upuang sofa na gawa sa kawayan habang nasa isahan naman si Quinn na nakaharap sa pinto. Pinaupo niya si Brielle sa isahang upuang malapit lamang sa pinto at isinara na ito.

"Quinn, what happen? Sino yung taong kumausap sa iyo?" Malumanay na tanong ni Siege. Nakayuko lang si Quinn. Ayaw magsalita.

Humugot ng malalim na paghinga si Siege. Halatang pinipilit kalmahin ang sarili. Nawawalan na siya ng pasensya sa inaarte ng kapatid. Hindi niya alam kung paanong haharapin ang kapatid lalo pa at hindi ito nag-o-open up sa kanila. Napansin yun ni Brielle.

"Quinn, gusto ka naming tulungan sa problema mo hindi dahil gusto naming mapalapit ka sa amin. Gusto naming gawin yun dahil yun ang dapat at miyembro ka ng pamilyang ito. Walang ibang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang." Panimula ni Brielle. "Alam kong hindi namin mapapantayan ang pagpapahalaga at pagpoproteka sa iyo ng mga tao dito sa looban pero sana bigyan mo naman kami ng pagkakataon na maipakita namin sa iyo na kaya ka rin naming gawin yun." Malungkot na pahayag ni Brielle.

"Quinn, I know you may not trust us right away. Naiintindihan namin yun. After all, you just met us. It's not even a whole month yet. Aling Glenda and Aling Belen are not here anymore, maliban sa mga tagarito, kami na lang ang meron ka. Quinn, please give us a chance to help you." Si Siege. Hindi na kinakaya ng puso niya na makitang ganito ang kapatid. Bakit ba ganito ang kailangan mangyari? Hindi na ba talaga matatapos ang mga luhang nasasayang dahil sa mga walang katuturang pangyayari?

Patuloy lamang sa pag-iyak si Quinn. Mula sa kaninang bahagyang paghikbi sa ngayong papalakas na ng papalakas. Awang-awa na si Brielle dito kaya mabilis siyang tumayo at dinaluhan na si Quinn.

"It's okay, Quinn. Magiging maayos din ang lahat. It will be best kung mailalabas mo yang bumabagabag sa iyo. Hindi ka namin pipilitin kung alam naming kaya mo pa, pero sa nakikita ko ngayon ay nasa dulo ka ng hangganan mo." Hindi alam ni Brielle kung ano ang magiging epekto ng sinabi niya kay Quinn.

Iisa lang naman ang iniisip niya eh, hindi nila pwedeng pilitin ang dalaga na magsalita kung hindi pa talaga ito handa. But she has to try her luck. She wants to give her a little push, pero bago pa niya magawa iyon ay naunahan na siya ng asawa.

"Quinn naman, for God's sakes! Hindi namin kayang hulaan ang nandiyan sa utak mo. Hindi namin kayang basahin ang laman niyan. Hindi mo ba ako pwedeng papasukin diyan sa puso mo bilang kapatid mo para matulungan kita?" Nababalot na ng galit ang isip at puso ni Siege. He becoming more frustrated with Quinn's situation. Wala siyang makuhang kahit ano dito. Konting-konti na lang at magwawala na siya. Konting-konti na lang at sasabog na siya. "Quinn! Ano ba?! Ganito na lang ba tayo?! Uupo kami dito at ikaw, iiyak na lang diyan?!" Ayan sumabog na nga. Hindi na napigil ni Siege. Mabilis na tumayo si Virgil na may galit sa mata nito.

"Ano ba, Siege?! Ganyan ka ba makipag-usap sa babae?? Kapatid mo yan, for crying out loud, Siege, alam mong may pinagdadaanan yan! Alam mong nahihirapan siya tapos dadaanin mo sa pwersahan?!" Galit na singhal ni Virgil sa bayaw.

"Pwede ba, Gil? Walang pakialaman. Kapatid ko 'to kakausapin ko siya sa paraan na alam kong tama at kung hindi siya magsasalita ngayon, sa ilog Pasig pupulutin yang kaibigan mong gagong nagpa-iyak sa kanya!" Mabilis na tumayo si Brielle at Dean para awatin ang dalawa. Tumayo naman si Ella at Erica para lapitan at aluin si Quinn.

"At ano ang mapapala mo sa gagawin mo kay Luis, Siege? Malulutas ba nito ang problemang kinakaharap ni Quinn? Malalaman mo ba talaga ang nangyayari sa kapatid mo sa gagawin mong yan?" Nagpapalitan ng malakas ng salita ang dalawang alpha male. Si Virgil bilang nakatatanda kay Brielle at si Siege bilang nakatatanda kay Quinn.

"Hey, Bro. Magsitigil nga kayo. Nagtatalo na kayo diyan at kung sino-sino pa ang dinadamay n'yo. Pareho kayong sira! This issue? This situation? Is not about the two of you or whoever. This is about her. Kung nasasaktan at nahihirapan kayo, mas higit na nasasaktan at nahihirapan yang kapatid mo. Bakit hindi n'yo na lang muna hayaang makapag-isip siya ng maayos. Kung ayaw niyang magsalita eh di wag muna." Kalamdong sabi niya Dean sa dalawa.

"Easy for you to say dahil wala kayong dalawa sa posisyon ko!" Singhal ni Siege.

"Ano kamo, Siege? Kami? Ako? Wala sa posisyon mo? Ano sa palagay mo ang nararamdaman ko noong maaksidente kayo ni Brielle na wala man lang akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya, nila Papa. Hinihiling ko sa Diyos nung mga panahon na yun na kung pwede lang sana na ako na lang dahil hindi ko kayang nasasaktan siya, physical man o emotional! Hiling ko na sana ako na lang dahil wala naman kong pamilya. Kung meron man, they don't even know I exist! Ilang taon akong nasa anino lamang ng mga Villasis pero hindi ko inisip na mapagod, Siege. Hindi ko inisip na mainis. Inisip ko na lang na basta masaya si Brielle, masaya na rin ako. Ginawa ko ang lahat Siege kahit na ang hindi ko dapat gawin nagawa ko. Naging tagasunod ako sa maling gawain ng ibang tao para lang malaman ko kung ano ang katotohanan sa likod ng kasinungalingan! Kung makapagsalita ka parang akala mo ikaw lang ang may pinagdadaanan!" Galit na bwelta ni Virgil kay Siege. Mabilis na hinarap ni Brielle si Virgil.

"Kuya, tama na. Iba pa rin yung sa atin Kuya. Mas matagal mo akong nasundan. Mas nakilala mo ako kahit hindi kita kilala. Hindi ko man alam na may kapatid ako, pero ikaw alam na alam mo. Hindi naman siguro ganun ang ibig sabihin ni Siege." Malambing na saad ni Brielle at hinaplos pa ang braso ng kapatid.

"Siege, wala naman ganyanan. Wala naman sigurong comparison dito? Pareho kayo ni Virgil na mahal ang parehong kapatid, iba nga lang ang naging sitwasyon nila sa inyo ngayon ni Quinn, kung ayaw pa munang magsalita ni Quinn, siguro naman magagawan natin ng ibang paraan para malaman ang dahilan niya. Mahahanapan nating ibang solusyon. Tama si Virgil, Bro. whether you agree to disagree, may punto si Virgil, hindi mo pwedeng daaanin sa pilitan a sigawan." Hirap man sa pagpapaliwanag si Dean dahil nga hindi sanay sa mga ganito, siguro ay naging malinaw na rin kay Siege ang punto ng lahat.

"Ang dami n'yo pang sinabi. Oo na. Mali na ako. Alam kong hindi ko siya dapat na pilitin pero gusto ko rin namang maintindihan niya na may pamilya na siya ngayon. Oo at naghirap siya noon pero hindi na ngayon. Nandito na ako, mgamagulang namin, kayo. Tayo na ang pamilya niya. At kung anong meron mang nagyari sa pagitan nila ng Luis Bergante na yun ay hindi natin ito maiintindihan hangga't hindi niya sasabihin para makatulong tayo." Bumunot ng malalim ng hininga si Siege. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Virgil.

"Sorry, Bayaw. Medyo tumaas lang ng konti ang excitement level ko, ang init eh." Napabungisngis si Erica sa tinuran ng kasintahan. Ipinapaypay naman ni Virgil ang kamay sa sarili na parang akala mo ay talagang init na init.

"Baliw ka talaga, Bayaw." Nakangiting sagot ni Siege at pabirong sinuntok pa si Virgil sa braso. Bahagya silang nagkatawanan. Nag-handshake at nag-side hug pa. Ganun din ang ginawa ni Dean at Siege, Virgil at Dean. Yun lang. Tapos na ang pagtatalo. Napatunganga lang ang tatlong babae sa kanila.

"So, ayos na kayo? Okay na? Pwedeng ito naman ang harapin natin?" Mataray na pag-i-interrupt ni Ella sa namumuong bromance ng tatlo.

"Mabuti na lang wala dito si Kuya Alvin, eh di sana apat pa kayo ngayong sasawayin namin." Puna ni Erica. Humagikhik ito.

"Tama na muna yan. Lumalayo na tayo sa ipinunta natin dito." Titig na titig lamang si Brielle kay Quinn habang sinaway ang mga ito.

Humahagulgol pa rin ito. Sinisinok ng dahil sa sobrang pag-iyak. Itinaas niya ang kamay sa lima para matahimik bahagya. Naririnig nilang may sinasabi ito. Lumapit siya sa tabi nito. Tumayo naman si Erica para bigyan ng daan si Brielle. Pinakinggan ni Brielle na mabuti kung ano ang binubulong bulong ni Quinn.

"Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko pwedeng gawin ang hinihingi niya. Hindi ko siya pwedeng pagbigyan." Yun ang paulit-ulit na sinasabi ni Quinn.

"Sino ang ayaw mong pagbigyan, Quinn?" Malambing at malumany na tanong ni Brielle sa hipag.

"Hindi ko siya pwedeng pagbigyan." Paulit ni Quinn sa sinabi. "Hindi ako papayag. Hindi ko siya pagbibigyan." Humagulgol uli si Quinn. Tahimik lamang na hinaplos ng banayad ni Brielle ang likod nito.

Tahimik lang itong naghintay sa kung ano pa ang pwedeng sabihin ng hipag. Maaaring kumalma na si Siege pero hindi ibig sabihin na hindi na ito napipikon. Naiinis pa rin ito dahil ayaw pa ring magsalita ng buo ni Quinn.

"Alam mo, Bayaw. Alam kong mali itong iniisip ko pero siguro kung ikaw ang nasa kalagayan ko at nakikita mo ang kapatid mong nasasaktan ng dahil sa isang lalaki ganito rin ang mararamdaman mo." Panimula ni Siege. Tumango-tango si Virgil bilang pagsang-ayon.

"Sorry kanina at medyo nataasan kita ng boses." Mahinang siniko ni Virgil si Siege.

"Ano na naman yang usapan ninyo diyan? Baka mamaya niyan mahulog na naman kayo sa pagtatalo." Puna ni Dean na nakaupo sa kabilang gilid ni Siege.

"Nah, hindi na mauulit yun. Alam ko naman ang limitasyon ko. I understand what he had said earlier and I chose not to do it again. I chose to be more sensitive for her." Nakatingin ito kay Quinn habang sinasagot si Dean. Sabay na bumagsak ang mga kamay ng dalawa sa magkabilang tuhod na niya. Tinapik-tapik nila ito. "And Virgil did say that I can find out their story in another way." Gumuhit ang masamang ngiti sa mga labi ni Siege na hindi nakaligtas sa mga mata ni Dean at Virgil.

"Ano ang pinaplano mo?" Mabilis na tanong ni Dean, pabulong. Ayaw niya ang ngiting sumilay sa labi ng kaibigan. It's threatening and he is now feeling some goosebump crawling up his spine to his nape and it is not a good thing.

"Siege, ano ang binabalak mo?" Virgil asked in a defensive manner. Kita niya ang ngiting may pagbabanta. Parang sinuntok siya sa dibdib sa biglang pagtambol ng kanyang puso dahil sa kaba.

"Kung hindi ko siya mapapagsalita..." Medyo nilakasan ni Siege ang pagsasalita. "Makukuha ko ang sagot kay Luis Bergante at hindi ko siya titigilan hangga't hindi sa gumagapang sa pagmamakaawa!" Madilim ang mukha na sabi ni Siege. Napanganga ang dalawang lalaki. Mabilis na napatingin ang mga babae sa kanya. Natulala ang luhaang Quiin dahil sa narinig.

"Kuya, please. Please. Wag. Walang kasalanan si Luis. Ako ang umalis. Ako ang nang-iwan. Ako ang humiwalay." Mabilis pa sa hangin habagat ng signal number one ang kilos ni Quinn at bigla na lang itong lumuhod sa harapan ng nakaupong kapatid. "I will tell you everything you wanted to know. Lahat-lahat... wag mo lang siyang saktan, Kuya. Mahal na mahal ko siya, please." Parang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ni Siege dahil sa kahabag-habag na hitsura na kapatid sa harap niya. Mas lalo siyang nagagalit. Bahagyang ikinapatda ng lahat ang ikinilos ni Quinn.

"Well..." Halos hindi makapag-isip ng maayos si Siege dahil sa sobrang awa sa kapatid. Hilam na hilam na ito sa luha at parang hindi ito nauubusan nun. "I will spare him, but give me a good enough reason as why I won't do what I want to do to him? Siguro naman, kapag kinausap ko si Mang Lino diyan sa labasan, siya na mismo ang gumawa ng gagawin ko. Alam kong mahal ka ng mga tagarito, Quinn. Alam mo naman siguro kung ano ang kayang gawin ng mga yan para sa anak ni Glenda at Belen." Hindi alam ni Siege kung saan at kanino niya nakuha ang mga pinagsasabi niya.

Wala naman talaga siyang planong saktan si Luis. Hindi niya yun magagawa. Alam niya kasing mas masasaktan ang kapatid kapag yun ang rutang pipiliin niya. But there is no rule anywhere in the world that says he can not bluff. Nakuha naman ni Brielle ang pinnupunto ng asawa. Lihim siyang napailing. Artista talaga itong asawa niya kahit kelan.

"Quinn, I know my husband, your Kuya, too well. He is not a violent man but when pushed against the wall and there's no other way to go, he will be forced to do just that." Malambing at puno ng pag-aalala ang boses ni Brielle. Napakagat ng labi si Siege.

Gusto niyang suntukin ang sarili ngayon dahil sa kung ano-ano ang pumapasok sa kanyang isip. Nakatuon lang sa asawa ang kanyang paningin. Oh God, why is she made so beautiful and captivating. Lihim niyang ipinilig ang ulo dahil kung hindi ay baka may kung anong babangon sa kanya at hindi ito ang tamang lugar.

"Kuya, please. Ipangako mo muna sa akin na hindi mo siya sasaktan." Pagmamakaawa ni Quinn.

"Hindi ko magagawa yun." Seryosong turan ni Siege. Nanlaki ang mga mata ni Quinn dahil sa narinig. "Sabihin mo muna sa amin ang lahat, ang totoo, then I'll think about it." Last bargain niya. Poker face lang siya.

Lihim na pinagkrus niya kanyang mga daliri. Sana kumagat siya. Sana kagatin niya ang bluff ko. Piping dasal ng isang Timothy Siegfried Scott. Mahirap itong ginagawa niya. Nakaluhod sa harap niya ang kapatid at nagmamakaawa para isang taong nanakit dito ngunit patuloy pa rin nitong minamahal at ang kanyang asawang hindi man lang nag-iisip na yang kamay niyang nakahawak sa kanyang tuhod bilang suporta ay hindi nakakatulong sa kanyang alagang sundalo.

"Quinn, will you please stand up from there. Sit down here. Ikwento mo sa amin lahat. Masyado na akong nag-aalala sa iyo eh. Kanina ka pa iyak ng iyak. Baka ma-dehydrate ka na niyan eh." Sabi ni Brielle na puno ng pag-aalala.

"Kuya, magpa-order ka ng makakain." Baling ni Brielle sa kapatid. Malalim na ang gabi at wala pa silang hapunan.

Tumayo si Ella para pumunta sa kusina ni Quinn. Naghalungkat ito sa kusinang hindi kabisado para sa isang basong tubig o isang bottled water man lang. Swerte namang may nakita ito isang pitsel ng tubig sa lamesa at mga nakataob na baso kaya mabilis na bumalik ito sa sala at inabot tubig kay Quinn.

"Quinn, start talking." Hindi galit pero malamig na utos ni Siege sa kapatid. Sumigok pa ito bago pa makapagsimulang magsalita. Kinakabahang naghihintay ang lahat.

Ano ang kwento ng dalawang ito?












--------------------
End of SYBG 44: What's the Story?

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
04.04.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

18.4K 497 13
We had made a mistake. What could be its aftermath? Copyright © 2013 by LittleFangirl
587 77 37
May mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa ka...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...