GANGSTER BABE

By thebluebird08

11K 1K 272

Pwede ba talagang magkasama ang langit at lupa ? a good and bad ? an ugly and not ? More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18

CHAPTER 8

769 79 20
By thebluebird08

SANA MAGUSTUHAN NIYO PO ANG CHAPTER NA ITO. HAPPY READING :)






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🙈







CHAPTER 8




"Lagot talaga sa akin ang tatlong iyon!" narinig nilang sigaw ng lalaki nasa labas. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang boses na iyon.






"Doon tayo sa kabilang kanto baka nandoon nagtago ang mga iyon." wika pa ni Jameson.





Ilang segundo lang at narinig na nilang paalis ang mga grupo nila Zeus. Huminga nang malalim si Tony at doon niya lang naisip kung ano ang posisyon nilang dalawa. Naramdaman niya ang init na nagmumula sa hininga nito which made her hot. Tony was covering her mouth with his at doon niya napansin ang amoy na nagmumula sa kamay nito. Biglang uminit ang mukha niya dahil sa pagkakadantay ng mabangong kamay nito sa bibig niya. Gusto niyang alisin ang kamay nito pero hindi iyon ang gusto ng isang bahagi ng katawan niya.





Sa huli ay ang nasa isip ang sinunod niya.





"Urrrggghhh !" sigaw ni Tony. Kinagat niya kasi ang kamay nito. "Bakit mo ako kinagat ?" tiningnan nito ang kamay na kinagat niya.




"B-binigla mo ako eh." pagsisinungaling niya. "At teka nga, bakit na naman kayo hinahabol ng Zeus na iyon ?"




"Dahil doon sa girlfriend nila." mahinang sagot ni Edward at masamang tiningnan ang dalawang lalaki.







Huminga siya ng malalim at tiningnan ang oras. "Sige na umalis na kayo at baka dumating na si nanay at makita pa kayo ayaw kong makita niyang nagpapasok ako dito ng lalaki. At isa pa ayaw kong madamay sa mga ginagawa niyo kaya umalis na kayo."





"Ano ? You mean, ikaw lang mag isa dito ngayon ? Nasaan pala ang mga magulang mo ?" si Joao.






"Wow cool! Hindi ko pa naranasang mag-isa sa bahay. And looking at this house," inilibot ni Edward ang paningin sa buong paligid. "Sigurado akong madali lang makakapasok ang magnanakaw."







"Oo . Sanay naman ako. Kaya please lang, umalis na kayo bago pa—"





Napatingin sila sa pintong bumukas. Iniluwa doon ang mga magulang niya. Nagulat naman ang mga ito nang makitang may ibang tao sa bahay nila.




"Hi Tita, Tito !" bati ni Joao na ikinakunot ng noo ng ina. Nakita niya din ang paglaki ng mga mata nito pero agad ding nawala. O guni-guni niya lang ? She shrugged her shoulders baka nga guni-guni niya lang iyon.





Tumingin ang ina niya sa kanya. Masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Bigla na naman siyang kinabahan. Kailangan niyang ihanda ang sarili dahil alam niyang pagagalitan na naman siya.




"Ahh, alis na po kami." paalam ni Tony at tumingin sa kanya. "See you around ?" napansin ata nito ang masasamang tinging ipinukol ng ina niya sa kanya.




Tumango siya pagkatapos ay nag unahan na ang mga itong umalis palabas ng bahay. Napangiti siya ng matumba pa si Edward dahil sa pagtulak ni Joao dito. Bago nawala ang mga ito sa harapan niya ay nag goodbye sign pa si Tony at ngumiti. May alaalang biglang lumabas sa isip niya pero agad ding nawala ng masamang nakatingin ang ina niya sa kanya. Nawala ang ngiti niya sa mga labi. Itinaas nito ang kamay nito sinampal siya sa mukha.




"Nay .. ano—" sinampal siya ulit nito. Tiningnan niya ang ama na halatang hindi siya ipagtatanggol ng gabing iyon.




"Malandi ka ! Nagdala ka pa talaga ng mga lalaki dito ! Wala ka talagang kwenta !" pinalo siya nito ng walis tambo na nasa gilid nito.





"Aray nayyyy .." hagulhol niya ng makitang namamaga ang paa niyang natamaan ng walis.




"Masakit ? Masakit ba ? Kulang pa iyan sa kamalasang dala mo sa pamilyang ito ! Ikaw wala ka talagang kwenta ! Nagdala ka pa ng mga lalaki dito para ano ? ha ? para sa kalandian mo ?! May pinagmanahan ka talaga ! Malandi ka !" sinabunutan pa siya nito at pinagsasampal.




"Wala namang nangyari nay .. nagtago lang talaga—" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sinampal siya ulit nito.




"At magdadahilan ka pa ! Tumayo ka diyan at labhan mo ang lahat ng damit ko, dahil sa ginawa mo hindi ka matutulog ngayon !" nang hindi siya tumayo ay hinawakan nito ang buhok niya at kinaladkad siya sa likod kung saan nakalagay ang mga duming damit nito. Iningudngud nito ang mukha niya sa balde at nagsalita. "Diyan ka nababagay, malandi !" wika nito at bumalik na sa loob ng bahay.




Tiningnan lamang niya ito habang naglalakad papasok. She was crying out loud pero hindi nito makita iyon. Hindi man lang ito naaawa sa kanya, para bang hindi siya anak nito ? Ano ba kasing nagawa niya para magalit ito ng sobra sa kanya ? Mahal niya ito at ang gusto niya lang naman ay mahalin din siya nito pero bakit hindi nito magawa iyon ?




Pinahid niya ang luha niya nang makita ang ama na lumabas at nagsimula na siyang maglaba. Lumapit ito sa kaniya.




"Saan mo nakilala ang mga iyon, anak ?"




"K-kaklase ko po ang isa sa kanila, tay."








"Eh yung nag ngangalang Joao ? Paano mo siya nakilala ?"







Kumunot ang noo niya at itinaas ang mukha para makita ito. "Bakit po ?"






Nakita niya kung paano nag iba ang emosyon ng ama. Sa paggalaw ng mga mata nito ay para itong kinabahan.




Bumuntong hininga siya ng hindi nito sinagot ang tanong niya. "Kaibigan siya ni Tony, tay kaya nakilala ko din siya." sabi niya ulit dito. "Bakit po tay ?"





"W-wala lang." wika nito at seryosong tumingin sa kanya. "Huwag ka na ulit lalapit sa kanila, Kisses."





"Pero tay, mabait naman sila at—"




"Para din ito sa kabutihan mo anak, kung ayaw mong mapahamak huwag ka nang lalapit sa kanila. Naiintindihan mo ba ?"





When she look at his father eyes ay seryoso talaga ito. May hindi ba sinasabi ang mga magulang sa kanya ?



"Naiintindihan mo ba Kisses ?" tanong ulit ng ama.



Bumuntong hininga siya at mahinang tumango.




Tiningnan nito ang namamaga niyang braso dahil sa pagbugbog sa kanya ng ina. "Pagpasensyahan mo na ang inay mo, anak, sadyang mainit lang talaga ang ulo niya ngayon."






"Palagi namang mainit ang ulo niya tay. Naiintindihan ko naman po siya, siguro ayaw niya lang po talaga sa akin."





"Mahal ka ng ina mo Kisses. Talagang nagalit lang siya ng makitang may mga lalaki sa bahay," tiningnan siya nito ng seryoso. "Basta pangako mo sa amin Kisses na huwag ka nang makikipag kita sa kanila. Para rin sayo ito kaya ko sinasabi ko ito ngayon sayo."




Tumango nalang siya para sa ikakatahimik nito. Wala naman sigurong mawawala kung iwasan niya ang sarili sa mga ito ? Ayaw niyang magalit na naman ang ina niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Pero imposible ang sinasabi ng ama lalo na at nahuhulog na yata ang loob niya sa isa sa mga ito.







  NAGLALAKAD si Kisses papunta sa SLU. Lutang ang isip niya dahil hindi pa siya nakakatulog. Natapos niyang lahat ng labahin ng ina at sumasakit ang mga kamay niya dahil napakarami talaga ng duming damit nito na ipinalaba sa kanya.





  Magpapaalam nalang siya mamaya sa boss ng bar na pinagtatrabahuan niya na hindi na lang siya papasok mamaya dahil inaantok talaga siya.





Habang naglalakad ay hindi niya napansin ang motorsiklong papunta sa direksyon niya. Nagulat siya ng may humawak sa bewang niya at iniwas siya na hindi siya mabangga sa paparating na motorsiklo.




  Na out-balance siya kaya natumba siya at hindi niya naiwasang madaganan ang lalaking sumagip sa kanya.



"Are you okay ?" tanong ng lalaking naka jacket ilang sandali ng mawala na ang motorsiklo. Nang tingnan niya ito ay kumunot ang noo niya. Tila pamilyar kasi sa kanya ang lalaki . Saan nga ba niya nakita ito ?




Oo nga. Ang lalaking naghahanap sa bahay ni Tony.



Tumayo siya nang makitang tumingin ito sa mga mata niya. She saw a sudden tenderness in his eyes.



"O-okay lang ako," tiningnan niya ang jacket na suot nito. Nadumihan iyon dahil sa pagsasagip sa kanya. "A-ang damit mo .. na dumihan tuloy."




Tiningnan nito ang suot. Ngumiti ito showing his white nice teeth. "It's okay. Ang importante ay naligtas kita. Anyway, pangalawang pagkakataon na natin na nagkita, right ?" nang tumango siya ay nagsalita ulit ito. "Im Donny, by the way." at inilahad nito ang kamay sa kanya.




Hindi naman siya bastos para hindi niya tanggapin iyon. "Kisses." sagot niya at nakipag kamay dito.






"Nice to meet you Kisses. You know Tony right ? Nakita kasi kita noon na lumabas sa bahay nila."



"Ahh, oo .. kaklase ko siya. Bakit ?"




Ngiti lang ang sagot nito. Nanayo ang balahibo niya nang pagmasdan  ang pag ngiti nito. There was something in his smile that make her goosebumps. Mabait namang nakipagkilala ang lalaki pero hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya iyon dito.




"See you around, Kisses." wika pa nito at tumalikod na para umalis sa harapan niya. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya.





What was that ? Para yatang may hanging dumaan at gininaw siya ng sobra ? Tiningnan niya ulit ang lalaki, ewan niya pero may kung ano dito na nakapagbibigay kaba sa kanya. Biglang naalala niya ang kabataan niya at parehong iyon mismo ang nararamdaman niya sa tuwing inaaway siya ng mga bata sa playground noon.








  Oh she hated that feeling !





HAHAHAHA BITIN BA ? PLEASE VOTE FOR CHAPTER 9.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 62.7K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
589K 18K 75
Hiraeth - A homesickness for a home to which you cannot return, a home which maybe never was; the nostalgia, the yearning, the grief for the lost pla...
1.1M 35.8K 62
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
1M 40.2K 93
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...