CHAPTER 1

1.7K 59 10
                                    

NOTE : COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER. SA INYO NAKASALALAY IF IPAGPAPATULOY KO PA BATO 😂😂

NOTE 2 : IMAGINARY KO LANG PO ITO LAHAT HUWAG MAGALIT OKAY ? I LOVE YOU PO 💪



GANGSTER BABE
PROLOGUE





NAGLALARO si Kisses sa bagong tayong playground sa lugar nila. Sa edad na anim na taong gulang ay namulat na siya sa kahirapan ng buhay niya. Dahil sa walang pera ay nagtitiis siya sa butas-butas na damit niya na napakaluma na, sa tsinelas niyang parang isang lakaran nalang at mapipigtas na at sa mga laruan na napupulot niya lang minsan sa daan o sa basurahan. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit sa tuwing naglalaro siya mag isa ay walang lumalapit sa kanya kahit isang bata. Lahat ng nakatira sa subdibisyong iyon ay may kaya sa buhay, ang pamilya niya ay nakikitira lamang sa kaibigan nito na sinisingilan pa din sila ng renta. Maganda sana kung malaki iyon, pero hindi, para silang tinapa sa tuwing natutulog sila tuwing gabi.




Nag iisa lamang siyang anak at ang nanay niya ay nagtatrabaho bilang labandera sa isang mayamang pamilya sa subdibisyon din na iyon. Ang ama naman niya ay nagbebenta ng diyaryo sa tuwing may kapital ito.





Kung minsan ay isang beses lang sila sa isang araw kumain. Lahat ng iyon ay dahil sa kahirapan. Pero naiintindihan naman niya iyon.





Kaya hindi na siya nagtataka kung kahit isa sa mga bata na nandoon sa playground ay ayaw makipaglaro sa kanya.





  "Bakit ka nandito ?" napatingin siya sa nagsalita. Isang grupo ng batang lalaki ang lumapit sa kanya. Nang hindi siya sumagot ay sinipa nito ang laruan niya kaya nasira iyon.





"Bakit mo ginawa-" naputol ang sasabihin niya dito ng kinuha ng isa ang laruan niya at itinapon sa di kalayuan.





Sinipa ulit ng isa ang natitirang laruan niya.





"Pulubi!" sigaw ng isang lalaki na kasama sa grupo.





Nang marinig iyon ng ibang bata na nandoon ay lumapit sa kanya ang mga ito.





Tinapunan siya ng mga ito ng masasamang tingin.





"Pulubi! Umalis ka dito!" sigaw ng isang batang babae na pumulot ng maliit na bato malapit dito.





Itatapon na sana nito iyon sa kanya ng may sumigaw sa likuran nila.





"Anong ginagawa ninyo sa kanya ?!" sigaw ng isang mataba at kulot na bata. Napakalaki ng katawan nito pero dahil sa mamula mula nitong pisngi ay nagmukha itong cute.




Nang makita ng mga ito ang matabang bata ay nagsitakbuhan ang mga ito papunta sa mga yaya na kasama ng mga ito.





Lumapit ang matabang bata sa kanya nang wala na ang mga bata na nandoon. Ngumiti ito ng tumingin siya dito.




"Okay ka lang ba ?" tanong nito sa kanya.



"O-okay lang ako." sagot niya habang pinupulot ang mga natapong laruan niya. Nasira na iyon dahil sa pagsipa ng bata kanina pero pwede pang maayos. Tinulungan siya nitong pulutin ang mga nasira niyang laruan.





Pagkatapos ay ibinigay nito sa kanya ang mga iyon at ngumiti. Nakita niya ang mga bulok na ngipin nito sa harapan.





"Ako nga pala si Anthony, ikaw ?"





GANGSTER BABE Where stories live. Discover now