CHAPTER 14

553 83 16
                                    

"You can't have everything you want."












*******************KISSTON*******











"Kumain ka muna!" wika ng ina niya ng pumasok ito sa isang silid ng hospital kung saan nag papahinga na ang ama  niya. Kagabi ay sinabi na ng doktor sa kanila na ayos na ang kalagayan ng ama niya. Hinimatay lang talaga ito dahil sa hypertension. Huwag lang daw i-stressin ang ama para hindi iyon maulit at baka lumaki pa daw ang epekto. "Hindi ka pa kumain kagabi, siguradong gutom ka na." inilagay nito ang isang supot ng pansit at kanin sa harapan niya. Pabalang ang pagkakasabi nito sa kanya pero masaya na siya, at least nag aalala pa din ito sa kanya pag tungkol na sa pagkain. Palagi itong nagagalit sa kanya at pinag iinitan ng ulo pero palagi naman siya nitong pinaalalahanan tuwing oras na ng pagkain.





Ngumiti siya at sinimulan na ang pagkain. "Kayo nay, kumain na kayo ?"





"Kumain na ako kanina," tipid na sagot nito at lumapit sa nakapikit na kanyang ama na nakahiga sa hospital bed. "Galit pa din ako sayo, Kisses. Simula kasi ng dumating ka sa buhay namin ni Ramon nagka letse-letse na ang buhay namin. Oo, mahirap kami sa simula pa lang. Pero mas lalo kaming naghirap ng tinanggap ka namin. Hindi dahil sa pera kundi sa takot. Takot na baka dumating ang mga totoo mong magulang at pag nalaman nilang nasa amin ka ay baka kung ano ang masamang gawin nila. Tinanggap ka namin dahil ang sabi ng lalaking nagbigay sayo ay palagi ka daw pinaiiyak ng mga magulang mo huli na nang nalaman namin na hindi pala makakatohanan iyon. Niloko niya kami dahil may muhi siya sa mga magulang mo kaya simula ng araw na iyon ay natakot na kami ni Ramon. Aaminin kong napakasaya ko ng mahawakan kita noon, dahil biniyayaan ako ng bata. Hindi ako makaanak Kisses, baog ako. At iyon ang totoo. Pero pagkatapos na malaman namin ang katotohanan, doon nag bago ang lahat. Hindi na kami masyadong maka galaw o makalabas dahil sa takot na baka makita ka nila." umayos ito ng upo at tumingin sa kanya. "Naalala mo noong bata ka pa ? Noong kailangan natin ng pera dahil sinisingil na tayo ng may-ari ng bahay ? Pinilit kong lumabas ng araw na iyon para mag labada kahit takot akong baka makilala ka ng pamilya mo. Isinama kita noon kasi walang magbabantay sayo dahil ang ama mo ay nagbebenta pa ng dyaryo. Hinayaan ko na suotin mo lang ang lumang damit mo at hinayaan ko din na makita ang mukha mo na madungis para hindi ka nila makilala kung makita ka man nila sa daan. Naging mahirap sa aming mag asawa ang buhayin ka, Kisses. Napakahirap."






Ang kutsarang hawak niya ay nabitin sa ere. Nagulat siya sa pinahayag ni João kahapon pero mas nagulat siya dahil ang ina niya mismo ang nag sabi. Ilang sandali ay inilagay niya ang kutsarang hawak sa mesa at hinarap ito.





"K-kung nahirapan pala kayo bakit hindi niyo ako ibinigay sa mga totoo kong magulang ? Nang sa gayon ay hindi na kayo mahirapan ?"






"Gustong-gusto ka naming ibalik ni Ramon noon pa, pero binantaan kami nang lalaking iyon, Kisses." huminga ito ng malalim at hinawakan ang kamay ng asawa na nakapikit pa din. "Papatayin niya kami maging ikaw kung ibabalik ka namin sa pamilya mo. Ayos lang sa amin kung kami lang ang masasaktan pero ikaw ? Hindi makakaya ni Ramon iyon. Binigyan niya kami ng pera pansimula ng buhay natin pero hindi makakaya ni Ramon na gamitin iyon. Masamang pera iyon, Kisses. Pinipilit ko si Ramon gamitin nalang namin ang pera pero, ayaw niya talagang gawin. Mahal ka ni Ramon, Kisses. Itinuring ka niyang tunay na anak."





"K-kilala niyo po ba kung sino ang—"






"Hindi namin siya kilala. Pero naalala ko pa din hanggang ngayon ang mukha niya, hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon." Tumingin ito sa kanya. "A-anong balak mo ngayong gawin, Kisses ? Ibibigay ko na sa iyo ang kalayaan mo. Kami ng tatay Ramon mo."






GANGSTER BABE Where stories live. Discover now