CHAPTER 6

586 57 8
                                    

NOTE : HAPPY READING PO ;)











~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🙈🙈









CHAPTER 6






PAPASOK na si Kisses sa bar na pinagtatrabahuan niya ng makita ang pamilyar na mukha na nakamasid sa kanya. Si Zeus ! Nakalabas na pala ito ng hospital.




Masama ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Kinabahan siya kaya mabilis na pumasok siya ng bar.


"Hi Maris, hi Loisa." bati niya sa dalawang babae na nasa counter.


"Oh bakit ganyan ang mukha mo ? Para kang nakakita ng multo ?" tanong ni Maris sa kanya.



"Si Zeus kasi nasa labas. Paano kung dahil sa ginawa ko ay gagawan niya ako ng masama ?"




Isang buntong-hininga ang ginawa ni Maris. "Kasalanan din naman niya iyon, kung hindi niya sinipa ang inosenteng lalaki na iyon ay hindi siya masasaktan."



"Pero binuhusan ko parin siya ng tubig at iyon ang ikinagagalit niya sa akin ." nang hindi mag salita ang dalawa ay mas kinabahan ulit siya.


Habang nagtatrabaho ay iyon parin ang iniisip niya. Kasalanan mo din Kisses eh, kung bakit kasi nakialam ka pa ?!


Pagkatapos ng shift niyang iyong ay lumabas na siya ng bar. Gabi na at inaantok na siya. Pagkalabas niya ay dahan-dahan niyang nilinga ang lugar kung saan niya nakita si Zeus kanina. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na doon ang lalaki.


Malayo-layo na siya sa bar ng makaramdam na may sumusunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Malamig nang gabing iyon pero pinapawisan siya.


Lumingon siya sa likod niya pero wala namang tao. Sana mali itong nararamdaman niya.



Nanlaki ang mga mata niya ng sa di kalayuan ay may nakita siyang grupo ng lalaki. Nakatingin lamang ito sa kanya at naghihintay kung kailan siya makakalapit sa mga ito. Masama ang mga tinging ipinukol ng mga ito sa kanya.



Kailangan niyang tumakbo. Pero paano ? Saan siya pwedeng tumakbo para takasan ang mga ito.


Tumalikod siya at hinanda ang sariling tumakbo pero nagulantantang siya ng may grupo ding lalaki ang naghihintay sa kanya sa likuran niya.


What should she do ? Wala siyang kalaban-laban sa mga ito. Nang ilabas na ng isang lalaki ang makintab na kutsilyo ay mas lalong lumakas ang tibok ang pulso niya. Wala siyang mahagilap na kahit isang tao sa lugar na iyon. Base sa mga tindig ng mga ito mukhang malalakas ang mga ito at base din sa mga titig nito sa kanya ay alam niyang siya ang puntirya ng mga ito. Naglakad ang lalaking may dalang kutsilyo papunta sa direksyon niya.



Nakalapit sa kanya ang isang lalaki at mabilis na hinawakan nito ang magkabilang braso niya.



"Huwag kang gumalaw miss." basag na sabi nito sa kanya.





Pinilit niyang manlaban pero nakatutok sa kanya ang kutsilyo nito.



"B-bitiwan mo ako .. a-ano bang kasalanan-" nasugatan nito ang braso niya at lumabas mula doon ang dugo na nagmumula sa sugat sa braso niya. Wala ba talagang tutulong sa kanya ? Ito na ba ang huling araw niya ?



Kinagat niya ang kamay nitong nasa mga braso niya kaya natanggal nito ang pagkakahawak sa kanya. Pero sumunod naman ang mga kasama nito at mabilis na nakalapit sa kanya para hawakan ulit siya.


GANGSTER BABE Where stories live. Discover now