CHAPTER 18

176 11 5
                                    

** Pasensya na talaga sa sobrang bagal ng update. I will try hard to work this story as soon as possible.**








NASA loob na ng kotse si Tony Labrusca pero hindi parin siya makaalis sa lugar. He was looking at the woman standing in front of his building. Ilang taon na nga ba niyang hindi nakita ?




Isa ..






Dalawa ..







Tatlo ..





Oo tatlo, tatlong taong hindi niya nakita ito dahil sa pagkaka comatose niya which never happened.




** Three years ago ***


Kulay puti ang unang nakita ni Tony pag bukas ng kanyang mga mata. Nasa langit na ba siya ? Si Kisses ? Nasaan ?



Inilibot niya ang paningin niya sa lugar na iyon at nakita niya ang mommy at daddy niya. Nanlaki ang mga mata ng magulang niya ng makita siyang nagising.


Sinubukan niyang igalaw ang katawan niya pero hindi niya iyon maigalaw.



Tumayo ang mga ito ng malamang di siya makagalaw at tinawag ang doktor para sabihing hindi niya maigalaw ang buong katawan.




Napagtanto niyang nasa hospital siya. Bumalik lahat ang mga nangyari noong nakaraang araw. Sasaksakin na sana ni Zeus si Kisses pero pinigilan niya ito kaya siya ang nasaksak nito. At hindi niya pinaghihinayangan iyon. Ayaw niyang ang babaeng mahal niya ang masasaktan. Biglang sumakit ang katawan at ulo niya ng alalahanin ang nangyari.




Ilang minuto lang ay dumating na ang doktor. Ineksamin muna nito ang mata niya, tenga at iba pa. Pagkatapos ay lumapit ito sa mga magulang. Dinig niya ang kung ano ang pinag uusapan ng mga ito.



"Kailangan pang mag stay ang anak niyo sa isang tahimik na lugar. As examining today, ay okay naman na siya pwede na siyang ma discharge. Kaya lang dahil connected ang sugat niya sa utak niya, di niya magalaw ang buong katawan. It was normal because his body and brain was traumatized for what happened. For now, iuwi niyo muna siya. And a gentle reminder, please ilayo niyo siya sa mga bagay na makakapag paalala sa kanya sa mga nangyari. Even persons, it's the worst." tumingin ang doktor sa kanya. "It's a miracle for your son, after the operation it was considered as fifty-fifty. Pero look at him, still fighting. Congratulations, Mister ans Misis Labrusca." Iyon lang sinabi ng doktor pagkatapos ay iniwan na sila nito.




Inilabas ng ina niya ang cellphone nito mula sa bulsa at nagsimulang tumapik sa screen.



"Hello Kisses," malungkot na wika ng ina.



Nang marinig niya ang pangalan ng sinabi nito ay ngumiti siya. Itinaas niya ang kamay para kunin dito ang awditibo pero iniwas iyon ng ina. Kumunot ang noo niya.



"Tony's dead. Ililibing namin siya sa LD Cemetery sa susunod na linggo. It's too late, Kisses. Too late .." iyon lang at pinatay na nito ang cellphone.



Nagsimula ulit na tumipa sa cellphone ang ina.



"What are you doing mom ? Ano ang ibig niyong sabihin na patay na ako ? Im freaking alive!" kumirot ng kaunti ang sugat niya kaya napapikit siya.




"Did you heard what the doctor just've said ? Kailangan kang ilayo sa mga taong nagpapaalala sa iyo sa mga nangyari ?" sagot naman ng ama na ikinagulat niya.



"Tss. Why the concern ? Diba si Donny lang naman ang anak mo ?" mahina pero galit na wika niya sa ama.


"No, Tony. Anak din kita. Masyado akong nasaktan ng makita kang nakahitaya dyan. Alam ko marami akong pagkukulang bilang ama mo. Patawarin mo ako anak. Mahal kita, mahal ko kayo ng mama mo pati na din si Donny. Gusto ka namin na protektahan kaya please lang, mag cooperate ka. This is also for your own good."




"I don't know what to say." ipinikit niya ang mga mata para hindi na ito sumagot. Nagtagumpay siya dahil hindi na nga ito nag salita.



Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kisses pag nalaman nitong patay na siya ? Sigurado siyang masasaktan ito. Ayaw niyang makita itong nasasaktan pero ano pa ba ang magagawa niya ? Kailangan niyang gawin iyon para sa pansariling proteksyon at kailangan niya ding gawin iyon para makaganti kay Zeus. Pag natapos na ang lahat ng iyon, sisiguraduhin niyang si Zeus ang isusunod niya. Gagawin niya ang lahat mawala lang ito sa landas nila ni Kisses. Kung pwedeng pumatay, ay gagawin niya.





**Present **


One ..


Two ..


Three ..



Three years siyang naghintay bago siya lumabas sa lungga niya. Nagdadalawang isip pa ang mga magulang niya ng iyon ang naging desisyon niya. Pero wala nang magagawa ang mga ito.



Nang malaman niyang nakalabas na pala ng kulungan si Zeus at ang mga kasamahan nito ay doon na niya ginawa ang desisyon-ang magpakita sa buong mundo. Alam niya kung sino ang unang hahanapin nito pagkatapos na makalabas, iyon ay si Kisses.



Nagpaka bait daw ang mga ito sa loob ng kulungan kaya after three years ay pinalaya na ang mga ito. Ngumiti siya ng mapakla. Zeus did it para mapaiksi ang buhay niya sa kulungan pero nagkakamali siya. Tatlong taon ang hinintay niya, isang taong nakahiga lang siya sa kama at isang taong nag ensanyo siya ng martial arts at kumilatis kung meron bang nakasunod.



Nahinto siya sa pag aalala sa nakaraan ng makitang naglalakad na si Kisses paalis sa lugar.






Namimiss niya na ang babae pero hindi niya pwede itong lapitan. Baka nasa paligid lang si Zeus at minamanmanan ito.



Nang makita niya ito kanina ay ginawa niya ang lahat para hindi nito mahalata na nagulat siya. Ang plano niya sana ay ito ang isusurprise niya pagkatapos na mahanap niya si Zeus at matapos na ang problema nila dito. Pero naunahan siya nito kaya nagpanggap nalang siya na hindi niya ito kilala gaya ng ginawa niya kay Edward. Baka madamay pa ang mga ito sa gagawin niya kay Zeus.






Isang lalaking naka itim ang lumapit kay Kisses. May ibinubulong ang lalaki dito. Pilit niyang inaaninag kung kilala niya ba ang lalaki.



Malaki ang katawan nito at bilugan ang mukha. Napansin niya din ang buhok nito na pamilyar ang pagkakagupit. Dahil nasa malayo siya nakapark ay di niya agad ito nakilala.




Ilang saglit pa ay humarap ang lalaki sa kanya. Nakita ba siya nito ? Paano eh ang layo-layo niya.





Nang ngumiti ito at kindatan si Kisses ay kinabahan agad siya. Si Zeus!



He was going to start his engine nang mabilis na tumakbo ang lalaki palayo kay Kisses.





Ibinalik niya ang paningin sa babaeng mahal niya. Nakita niya ang pamumutla nito at dahan-dahang pag pikit sa mga mata hanggang sa napahiga na ito sa lupa.



Mabilis na lumabas siya ng kotse at tinakbo ang babae.




"Kisses!" sigaw niya pagkatapos ay naglapitan na ang mga tao na nandoon din sa labas ng building.


His heart is beating so fast sa takot. Takot na mawala ang babae sa kanya.















**














Ano kaya ang gagawin ni Tony kay Zeus ? At ano kaya ang nangyari kay Kisses ? Make a guess here in comment box or abangan niyo nalang sa next chapter 🙊 Please also vote! 🙉 Thanky 💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GANGSTER BABE Where stories live. Discover now