CHAPTER 11

535 84 24
                                    

NOTE: WALA NA BANG NAGBABASA SA MGA STORY KO ? HAIST! ITIGIL KO NA KAYA ANG KAHIBANGANG ITO ?



ANYWAY, HAPPY READING.








********










  TONY's POV:

MABILIS na hinablot ni Tony ang tuwalyang nakasabit sa gilid niya at hinagis iyon sa mukha ni Kisses.





"Di ka ba marunong kumatok ? At ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko ?" kunot-noong tanong niya dito kahit alam niyang hindi naman siya nakikita nito kasi natatabunan ng tuwalya ang buong mukha nito. Nang hindi ito makasagot ay huminga siya ng malalim. Magsasalita pa sana siya ng makita niyang palapit sa kanila si Donny.





Lumapit ito kay Kisses at tinanggal ang tuwalyang nasa mukha nito. Napangiti ito ng makitang nakapikit si Kisses.





"Maligo ka na." wika ni Donny sa kanya habang hinagis sa kanya pabalik ang tuwalya at iniwan na siya doon. Inalalayan nito si Kisses na mag lakad na hanggang sa mga oras na iyon ay nakapikit pa din.





Ginulo niya ang buhok niya at tumingin sa salamin. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang mararamdaman niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay binuksan niya ang shower at hinayaan ang tubig na lamunin ang galit niyang damdamin.






KISSES POV:

"Pwede ka nang mag mulat ng mga mata Kisses." nang marinig ang boses ni Donny ay binuksan niya ang mga mata. Ang gwapong mukha nito ang nakita niya.





Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Hindi siya makapaniwalang bahay iyon ng mga Labrusca. She put a deep sigh and look at Donny. Hindi pwedeng magtrabaho siya doon, hindi pwede. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaklase niya kung malaman ng mga ito na nagtatrabaho siya sa bahay ni Tony ? Nang maisip kung ano ang sasabihin ng mga ito ay bigla siyang kinabahan. She can't take of what they will accused to her lalo na at sikat ang dalawang magkapatid sa SLU.





Tumayo siya. "Kailangan ko nang umuwi." wika niya at naglakad para hanapin ang matandang lalaki na naghatid sa kanya kanina.




Nang makita ito mabilis na lumapit siya dito. Kumunot naman ang noo nito ng makita ang hitsura niya.




"Hija, saan ka pupunta ?"





"Pasensya na po, pero hindi ko kayang magtrabaho dito. Kakausapin ko nalang si nanay na babayaran nalang kayo sa ibang paraan. Hindi ko lang talaga kayang magtrabaho dito, lalo na at pareho kami ng eskwelahang pinapasukan nina Donny at Tony. Pasensya na po talaga."





"P-pero hija, ang—"





"Huwag po kayong mag-alala di niyo na po ako kailangang ihatid sa amin." kinuha niya mula dito ang maleta niya at naglakad na palabas ng gate. Akmang bubuksan na niya ang gate ng kusang bumukas iyon.





Iniluwa doon si João at Edward. Nakakunot-noo ang una ng makita siya.





Hindi na siya nakipag-usap dito at nilagpasan lamang ang mga ito. Oh! she's life was a total mess. Ano ba ang naisip niya at pumayag siya sa ina ? Ayaw niyang magalit ito sa kanya pero mas lalo namang ayaw niyang malaman ng mga kaklase niya na tumira siya sa bahay ng mga Labrusca without the consent of Tony's parents na kasalukuyang nasa America dahil sa business ng mga ito. Iyon ang sinabi ng matandang lalaking naghatid sa kanya kanina habang papunta sila sa mansyon. Kapag nalaman kasi ng mga kaklase niya ang bagay na iyon at mabalitaan ng Dean ay baka i-kick out pa siya sa school o tanggalin ang scholarship na pinaghirapan niyang makuha. Hindi niya mapapayagan iyon. Education is more important to her. Magalit na ang ina niya sa kanya huwag lang mawala ang bagay na isa sa pinaka importante sa kanya. Importante din naman ang mga magulang pero importante din sa kanya ang pag aaral. Gusto niyang makapag tapos para tulungan ang mga ito. Gusto niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan para hindi na magalit ang ina niya sa kanya. Iyon naman ang gusto nito diba ? Ang mabuhay ng marangya. Kaya ibibigay niya iyon dito pagdating ng panahon. Susuklian niya ang mga ito dahil iyon dapat ang kanyang gawin.





Ilang sandali pa ay nasa labas na siya ng bahay nila. Kumatok siya at ilang sandali ay bumukas iyon. Iniluwa niyon ang ina niya na nang makita siya ay biglang kumunot ang noo.





Tumingin ito sa maletang dala niya. "Anong ginagawa mo dito ? Diba sabi ko na huwag ka munang bumalik hanggat hindi mo nababayaran ang utang natin ?"





"Nay, hindi ko kayang magtrabaho doon. Kilala niyo ba kung sino ang nakatira—"





"Wala akong pakialam kung sino ang nakatira doon, Kisses! Basta ang akin lang, bayaran mo ang utang natin sa kanila. At para mabayaran iyon, kailangan mong mag trabaho sa kanila. Hindi ka ba nakakaintindi ? Akala ko ba matalino ka ? Saan mo ba nilalagay ang utak mo ha ?" pumasok ulit ito sa loob at ilang segundo lang ay bumalik at dala na ang ibang damit niya. "Wala ka talagang kwentang bata ka! Umalis ka na dito at huwag nang bumalik!" inihagis nito sa kanya ang mga damit niya, nahulog iyon lahat sa lupa.





"Ano bang ginagawa mo sa anak natin ?" napalingon sila sa pinanggalingan ng boses na iyon.




"Tay .." mabilis na lumapit ito sa tabi niya.





"Ano bang nangyayari sa iyo, Dolores ? bakit mo ginagawa sa anak natin ito ?!"





"Anak ?" ngumiti ito ng nakakaloko. "Wala akong anak, Ramon! Hindi ako magkakaanak kailanman at alam mo iyon!" tumingin ang ina niya sa kanya. Nag ngangalit ang mga bagang nito. "Simula ng dumating ka sa buhay namin, puro nalang kamalasan ang ginawa mo, gaya ngayon .. paano ko mababayaran ang taong iyon gayong wala akong trabaho. Ang ama mo ay ubos na din ang income sa diyaryo at alam mo ba ang rason ? Akala mo siguro hindi ko alam na binibigyan ka niya ng pera pambaon mo ? Ano ba ang silbi ng pagtatrabaho mo sa bar kung manghihingi ka rin lang naman ng pera sa asawa ko ? Wala ka na ngang silbi, dagdag pasanin ka pa. Kaya, umalis ka na sa pamamahay ko! Hindi ka na namin kailangan ng asawa ko! Sawa na akong mabuhay sa kamalasan kaya umalis ka na!" hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng ina kaya hindi siya tuminag sa kinatatayuan. Nang ilang sandaling nakatayo pa din siya doon ay bigla itong lumapit sa kanya at akmang sasabunutan na siya. Pumikit siya.




"Tama na!" dumilat siya ng marinig ang boses na iyon. Tumingin siya sa ina na nahinto ang mga kamay sa ere habang nakatingin sa lalaking dumating. Napalingon din siya sa likuran nila. Kahit namamasa ang mga mata niya dahil sa mga luha ay kitang-kita niya kung sino ang lalaking nandoon.





Napakagulo ng pamilya ni Kisses no ? HAHAHA! Sa susunod na kabanata ulit. Huwag kalimutang bumoto :)

GANGSTER BABE Where stories live. Discover now