CHAPTER 13

437 70 4
                                    

HUHUHU WALA NA PO ATANG NAGBABASA ? PASENSYA NA PO SA MATAGAL NA UPDATE. SOBRANG BLANGKO AKO DAHIL SA GANAP NG KISSTON EH 😍😍









---------😂❤❤











Nalaglag sa lupa ang hawak na maleta ni Kisses. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula kay João. Napaka imposible talaga ng sinasabi nito.





"Huwag kang maniwala sa kanya, anak. P-patay na talaga ang mga magulang mo." nanginginig na sabi ng ama ni Kisses.





"Bakit niyo ba siya niloloko ? Ayaw niyo na sa kapatid ko diba ? Kaya pakawalan niyo na siya. I saw how your wife treat Kisses at hindi na ako magtataka kung malalaman kong noon palang ninyo ginagawa ito sa kapatid ko. Ipinagkait niyo siya sa akin at sa pamilya ko for many years! At ngayon dahil alam ko na ang totoo, I will not let my sister to be near with you again." mabilis na lumapit si João sa maleta niya na nahulog sa lupa at hinawakan ang braso niya. "Let's go home, mother is waiting for you."




Maglalakad na sana sila paalis ni João ng sumigaw ang ama niya.





"Bitawan mo siya!" huminga ito ng malalim. "Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya kaya nagmamakaawa ako, bitawan mo ang anak ko." dahil sa mga nalaman ay hindi niya na alam kung paano mag rereact. Hindi niya alam kung kanino maniniwala.




Tiningnan ng masama ni João ang ama niya at inalalayan na siyang maglakad. "Let's go, Kisses."




"Bitawa-"




"Pabayaan mo na siya, Ramon ! Buhay niya iyan at hindi natin siya kaano-ano kaya wala dapat na tayong pakialam sa kanya !"





"Dolores! Ano bang-" hindi na natuloy ang sasabihin ng ama dahil nahimatay ito. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa lupa kung saan nakahandusay ang ama niya.




"Ramon !" sigaw ng ina niya.





"Tay !" sigaw din niya at sa malalaking hakbang ay nilapitan niya ang ama. Her eyes shed into tears ng makita ang nangingitim nitong labi. "Tay!"






Tumawag si Edward ng ambulansya at agad na dumating naman ang mga ito. Mabilis nilang nadala ang ama sa hospital na malapit lang sa lugar nila. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip niya ang mga nangyadi kanina pero mas nangibabaw ang pag aalala niya sa ama.






"Pag may nangyaring masama kay Ramon, hindi talaga kita patatahimikin Kisses!" nag iigting ang mga bagang nito sa pagitan ng pag luha nito.



"Paano naging kasalanan ni Kisses iyon ? Ikaw ang-" itinaas niya ang kanang kamay para pigilan ang susunod na sasabihin ni João at para pigilan din ang pag lapit nito sa kanilang mag-ina.






Nag uunawang tiningnan siya nito sa mga mata at umupo. Lumapit siya sa ina at hinawakan ang kamay nito. Akmang aalisin nito ang kamay nito mula sa kamay niya pero hinigpitan niya ang pagkakahawak niyon. "Walang masamang mangyayari kay Tatay, nay. Huwag po kayong mag-alala."





"Dapat lang dahil kung may mangyari sa kanya, ikaw talaga ang sisihin ko." nag wagi itong alisin ang kamay nito mula sa kamay niya. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa bench na nasa harapan na kinauupuan nina Edward at João.






Lumapit siya sa mga ito. "Pwede na kayong umalis." matabang na wika niya.





Mabilis na tumingin si Edward at João sa kanya. "Anong ibig mong sabihin ? Hindi ka ba uuwi sa atin ?"





GANGSTER BABE Where stories live. Discover now