CHAPTER 10

507 61 10
                                    



"Ano ba Kisses, bakit hindi ka mapakali ?" napalingon siya sa boses na nagmumula sa likuran niya.




"Iyong kwintas kasi na bigay ni tatay, hindi ko mahanap. Suot ko pa iyon kanina eh." wika niya at hinalungkat ulit ang bag niya. Wala talaga doon.





"Iyon ba iyong palagi mong suot ? Baka na misplace mo lang sa inyo Kisses, hanapin mo nalang mamaya."





"Hindi Maris, sigurado akong sinuot ko iyon kanina." Importante sa kanya ang kwintas na iyon dahil ibinagay iyon ng ama niya.





Nang hindi talaga mahanap ang kwintas sa bag ay napayuko siya. Ano nalang ang sasabihin niya sa ama niya ? Sigurado siyang magagalit ito. Inukit pa nito ang pangalan niya sa likod ng kwintas na iyon sa harapan niya para ipakitang napaka importante ng bagay na iyon.





Hanggang sa matapos ang klase niya ay nasa kwintas ang atensyon niya. Bumuntong-hininga siya at lumabas na nang classroom.






JOÃO'S POV :

NAKAHIGA na siya sa kama niya nang maalala ang kwintas ni Kisses. Inilabas niya mula sa bulsa ang kwintas.





There was something in that necklace that make it so familiar to him.





Inilibot niya ang buong paningin sa paligid. Nang makita ang larawan ng ina suot ang kwintas na katulad ng kay Kisses ay napatayo siya. His heart beat so fast when after a few minutes, he realized na hindi imposible ang iniisip niya.





Mabilis na tinawagan niya ang ina. Nang sumagot ito ay napangiti siya.




"Mom, I think I found our princess already."






KISSES POV:



NANG makarating na si Kisses sa bahay nila ay nakita niya agad ang ina. May kausap itong matandang lalaki, hindi niya kilala ang matanda. Pero base sa hitsura nito ay nakatira ito sa isang mayamang pamilya. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa ina niya at naglakad na paalis. Nilampasan lamang siya nito.




"Sino iyon, nay ?"





"Mabuti at nandito ka na pala. Ang matandang iyon ang magiging amo mo simula bukas, may ari siya ng mansyon sa kabilang kanto.





"Po ?! P-pero bakit ako magtatrabaho sa kanya ?"






"Dahil sa kamalasang dala mo, natalo ako sa sugal. Nanghiram ako sa kanya ng pera para may maitaya ako para pag nanalo ako, may makain tayo. Pero dahil sayo, natalo ako. Kaya ikaw ang magtrabaho para sa pamilyang ito. Puro nalang kamalasan ang dala mo, alam mo ba iyon, Kisses?"





"Nay, paano ko—"





"Wala kang karapatang mag reklamo, dahil ako ang nagpapakain sa iyo. Naintindihan mo ba ? At wala kang karapatang mag tanong. Basta sundin mo lang ang inuutos ko!"





"Paano ang pag aaral ko nay ?"





"Pwede ka namang mag aral habang nagtatrabaho sa kanila. Hindi ka naman palaging magtatrabaho doon kaya may oras ka pa para sa klase mo. At ang trabaho mo sa bar, iwan mo na iyon. Wala ka namang mapapala sa trabahonh iyon eh, kulang ang sweldo mo doon para sa atin." Nang hindi pa siya tumitinag sa kinatatayuan ay nanlaki ang mga mata nito. "Ano pa ang tinutunganga mo diyan ! Mag empake ka na!"






"A-anong ibig niyong sabihin nay ? Doon ako titira ?"











TONY'S POV :

NAKAUPO si Tony sa sofa na nasa sala habang nanonood ng movie nang bumukas ang pinto ng bahay niya. Pumasok ang driver ng ama niya sa America na driver na niya ngayon. Matanda na ito pero base sa hitsura nito ay para pa itong nasa edad kwarenta.




"Saan ka galing, Borj ?" Borj na ang nakasanayan niyang itawag dito.




"Pinuntahan ko ulit ang papalit kay Imelda." Ang tinutukoy nitong Imelda ay ang katulong niya na bigla nalang umalis ng bahay niya isang linggo na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Kinokontak nila ito pero out of reach na ang babae.





"Hindi pa rin ba pumapayag ?" Bumuntong hininga siya. "Hindi ko naman na kailangan ng katulong dito, Borj. Kaya ko naman mag laba .." tumingin siya sa labahin niya na malapit nang papantay sa taas niya. "At maghugas ng plato .." lumingon siya sa lababo kung saan nakalagay doon ang maraming pinggan na hindi pa nahuhugusan simula ng umalis si Imelda hanggang sa ngayon.




"Stop dreaming step brother." lumabas mula sa silid nito si Donny. Wala itong suot na damit kaya kitang-kita ang magandang katawan nito. Pero the hell, mas maganda pa ang katawan niya dito. Nag gi-gym kaya siya araw-araw. "Gusto mo bang ako na ang maglaba ng damit mo, Kuya ?"




Nang umupo ito sa tabi niya ay tumayo siya. "Huwag mo akong matawag-tawag na kuya, dahil hindi tayo magkapatid." wika niya at naglakad na papasok sa silid niya. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo niya sa tuwing sinasabi nitong magkapatid sila. Alam niya galit siya dito dahil mas malapit ito sa ama kaysa sa kanya. Mas nasusunod ang gusto nito kaysa sa kanya. At mas nakukuha nito ang gusto kaysa sa kanya na hanggang ngayon, wala pa ring maipagmamalaki sa ama.





He locked the door at humiga sa kama. Bakit ba nag punta si Donny sa Pilipinas ? Bakit umalis ito sa poder ng ama nila para pumunta sa kanya at guluhin siya. Wala na sana siyang pakialam kahit mas lumapit pa ang loob nito sa ama nila. Oh he hated his life !





KISSES POV:

MAAGANG sinundo siya ni Mr. Rodrigues kinabukasan, driver ng bago niyang amo. Kahapon ay nagpaalam siya sa manager ng bar na pinagtatrabahuan niya na aalis na siya at sinabi nitong pwede siyang bumalik kahit kailan niya gusto, magaling daw siyang mag serve kaya sayang daw ang talent niya. Tumango na lamang siya sa manager niya at ibinigay dito ang resignation letter.




Nang umalis siya ay hindi niya nakita ang ina niya pero ang ama niya ay nandoon para paalalahan siya na tatawag siya dito kung may mangyaring masama sa kanya.






"Okay ka lang ba, hija ?" tanong ng matanda habang nagmamaneho na sa Honda Civic nito. "Namumutla ka yata ?"





"Ahh.. ehh .. ayos lang naman po ako .." pagsisinungaling niya. Kanina pa talaga siya naiihi. Nakalimutan niyang mag banyo muna sa bahay nila bago siya umalis dahil sa kakaisip sa ina niya. Siguro tatawagan na lang niya ito pag nakarating na sila sa mansyon na tinutukoy nito.





  Nang huminto na ang kotse sa isang malaking gate ay mabilis na bumaba siya ng kotse. "Kanina pa kasi ako naiihi, saan ba ang banyo dito ?" nang ituro nito ang itaas na bahagi ay walang lingon likod na tumakbo na siya papasok ng bahay. Dahil sa nararamdaman niya ay hindi na niya nakita ang hitsura ng buong bahay.





Nang makaakyat na siya sa itaas na bahagi ay nabasa niya agad sa isang pinto ang "comfort room", mabilis na binuksan niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaki na walang suot na damit. Napalingon ito sa kanya at nanlaki din ang mga mata.





"Ahhhhhh!" tili niya ilang saglit nang makita ang hubad na katawan nito.



TONY POV :


Linggo at maagang nagising si Tony dahil pupunta siya sa laundry shop malapit sa kanila. Paubos na ang damit niya kaya kailangan na niyang ipalaba iyon.





Tumayo siya at lumabas ng silid para pumunta sa banyo. Hinubad niya ang damit niya at nakita niya mula sa salamin ang maganda niyang katawan. He smile at the thought. Sinunod niyang hubarin ang boxers niya at akmang ibababa na niya iyon ng bumukas ang pinto. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa katawan niya. Kinabahan siya ng malam kung ano ang susunod na gagawin nito.






"Ahhhhhh!" tili ng babae na ikinagulat niya.

GANGSTER BABE Where stories live. Discover now