CHAPTER 12

598 76 25
                                    


Thanks for the owner of this photo 👆👆 Kung sino ka man, high five sa iyo. Comment ka sa baba kung sino ka man 😍 Galing mo po. 🌼













***********

NAPALINGON silang lahat sa lalaking kanina pa pala nakikinig sa kanila. Namumula ang mukha nito. Mabilis na naglakad ito palapit sa kanila at pinulot ang mga damit na nasa lupa para ipasok sa maleta niya.




"J-joão, a-anong ginagawa mo ?" tanong niya. Ini-lock nito ang zipper ng maleta niya pagkatapos mapasok ang lahat ng damit niya.




"Tss. Don't ask me that question Kisses. Pinapalayas ka ng mga magulang po pagkatapos ay tatanungin mo ako ng ganyan ? You can sleep at my place. Don't worry, my parents are there. Kaya kung iisipin mong—"




"H-hindi." humarap siya sa mga magulang niya. Nakita niya kung paano nito titigan si João. Magsasalita sana siya ng biglang nagsalita ang ama niya.




"Huwag kang sumama sa kanya anak. Ibalik mo ang mga gamit mo loob ng bahay,"





"Ramon!" sigaw ng ina niya. "Gusto ko na ng tahimik na buhay! Siya ang may kasalanan kaya lalo tayong naghihirap! Kaya, ibalik mo na siya sa pamilya niya! Nang dahil sa tinanggap natin siya mas lalong nagka malas-malas na ang buhay natin."




"Dolores!"




"T-totoo ba ito t-tay ?" tanong ni Kisses sa itay niya. Nang akmang hahawakan nito ang braso niya ay inilayo niya iyon mula dito.




Huminga ng malalim ang ama niya. "Patawarin mo ako, anak. Kami ng nanay mo. Pero mahal na mahal kita alam mo iyon. Tinrato kitang parang tunay ko anak."





"S-sino ang mga tunay kong magulang ?"





"Patay na ang mga magulang mo Kisses. Patay na." wika ng ama niya na hindi man lang makatingin sa kanyang mga mata.




Bigla siyang nanlamig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng mga ito. "Bakit ngayon niyo lang sinabi ? Sana sinabi niyo na noon sa akin para mahanap ko pa ang mga magulang ko."





"Tss." biglang ngumiti ng mapakla ang ina niya. "Pasalamat ka pa nga at tinanggap ka kahit hindi ka namin totoong anak. Pinakain ka namin kahit hindi ka namin anak ni Ramon. Binihisan ka namin kahit hindi ka namin kadugo. At ngayon, nang nalaman mo lang na hindi ka namin anak ay kami pa ang sisihin mo dahil hindi man lang namin sinabi sa iyo noon ? Kisses! Dumilat ka! Wala nang nagmamahal sa iyo! at wala nang magmamahal sa iyo dahil malas ka! Iniwan ka ng isang lalaki sa amin noon dahil naaawa siya sayo dahil hindi ka daw inaalagaan ng totoo mong mga magulang. At pag binalik ka daw namin sa mga totoo mong magulang ay baka patayin ka niya. Pero alam mo, wala naman akong pakialam doon dahil hindi naman kita kaano-ano. Pasalamat ka kay Ramon dahil siya ang palaging pumipigil sa akin na gawin iyon!"




Naalala niya ang sinabi ng ama niya ng minsan ipalaba sa kanya ng ina ang mga damit nito. Kaya pala sinabi nitong para sa ikakabuti niya ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kanya.



"Diyan kayo nagkakamali !" sigaw ni João na nakapag palingon ulit nila dito. "Buhay pa ang mga magulang ni Kisses at kilala ko kung sino."




Humawak ang ama niya sa kanyang braso at naramdaman niya ang panginginig niyon. Nang tingnan niya ang mukha nito ay kumunot ang noo niya. Nanlalaki ang mga mata nito habang inilalabas ni João mula sa bulsa nito ang isang bagay.




"Is this your's ? My little sister ?"


Ang katabi nitong si Edward ay nailagay ang dalawang kamay sa bibig dahil sa pagka gulat.



GANGSTER BABE Where stories live. Discover now