Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 53: False Issue

166K 2.7K 230
By chimchimimi

Chapter 53: False Issues

 

 

CHARLES’ POV

 

Napahinga ako ng malalim. Finally, I’m home again. I can’t wait na makita ulit si Euphy.

Mabilis akong bumaba ng eroplano at dali-daling pumunta sa area kung saan pwede ko nang makuha ang maleta ko. Tiningnan ko ang orasan ko. It’s already 6:00pm. I’m hoping na nasa bahay na si Euphy. Gusto ko siyang sorpresahin. Ang alam niya kasi ay bukas pa ako uuwi. Hindi ko sinabi sa kanya na ngayon ang uwi ko kaya alam kong mabibigla na lang yon pag nakita niya ako ngayon.

Papalabas na ako ng airport ng bilang may tumawag sakin.

“Chaaaarles! Wait for me!” at nakita ko ang babaeng dali-daling lumapit sakin.

“Hindi ka ba nagsasawang sundan ako?” tanong ko dito.

“Ano ka ba! I told you nagkataon lang talaga na nagkasabay tayo ng flight” sabi nito sakin.

Hindi ko na siya inintindi. Bigla na lang akong umalis sa harap niya.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Alice ang lahat o nagkataon nga lang ba. Buti na lang at hindi na kami nagkita pa sa Japan matapos ko siyang makita noong isang araw. At kanina lang ay nakita ko siya sa eroplano, nagulat nga ako na magkasabay kami ng flight eh. Buti na lang hindi ko siya katabi. Iniiwasan ko na nga ang babaeng iyon, siya naman iyong lapit ng lapit.

Pumara ako ng taxi. Balak ko nang dumiretso na sa condo ko. Malamang nandun na rin si Euphy.

Pakasakay ko nang taxi, buong akala ko ay aalis na ang kotse pero bigla naman itong huminto. Maya-maya ay nagulat na lamang ako nang biglang pumasok si Alice.

“I told you hindi mo ako malalayuan” and she smirked at umupo sa katabi ko.

Napabuntong hininga  na lang ako. Kanina pa ako nagtitimpi ng galit sa babaeng ito. Sa dami ng taxi na pwede niyang sakayan, bakit dito pa.

“Charles, gusto mo ng coffee?” umiling ako.

“Gusto mo dumaan tayo sa restaurant? Gusto kong kumain eh” umiling ulit ako.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang kumapit sa braso ko.

“Charles, please?” dahil sa nairita na ako ay binalingan ko ito ng masamang tingin.

“Alice, pwede ba? Bitawan mo ako! Hindi kita kaano-ano para kumapit sa braso ko!” sigaw ko dito.

“Ano ka ba naman! Nagpapasama lang ako!”

“AYOKO! Hinihintay na ako ng asawa ko” sabi ko dito. Konting tiis na lang at makakalayo na ako sa babaeng ito.

“Talaga? Sigurado ka?” at tumawa siya ng nakakaloka.

Naiinis na talaga ako sa babaeng ito. Hindi ko na siya inintindi at kinuha ko na lamang yung ipad ko para magcheck ng mga emails.

Hinayaan ko na lang siyang magsalita.

“You know what Charles, what if niloloko ka na pala ng asawa mo? Malay mo, nanglalalaki na pala siya habang wala ka” napatigil ako sa sinabi niya.

“Anong sabi mo? Ako? Lolokohin ni Euphy? Dream on Alice, sinasabi mo lang yan para siraan kami” kating-kati na akong itapon ito sa labas ng  taxi na sinasakyan ko.

“Wala naman akong sinabing totoo yung sinasabi ko. WHAT IF lang. What if kung nanlalalaki ang asawa mo habang nasa Japan ka. Hindi mo ba naisip yon? Alam mo na, malapit rin sa tukso ang mga babae. Tinatraydor ka na pala ng asawa mo at ang malala pa nito sa kaibigan mo pa pumatol” narinig ko ang mga sinabi ni Alice pero hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.

Kaibigan? Sino namang kaibigan ko ang susulot sa asawa ko? Napailing na lang ako.  Bakit naman ako mapapraning sa mga pinagsasasabi ni Alice?

I was busy browsing my email nang bigla kong makita ang hindi familiar na email address sa inbox. May ipinadala ito sa akin kaya naman ay binuksan ko ito. At nagulat na lamang ako sa nakita ko. Mga pictures.

Pictures ng asawa ko kasama ang best friend ko.

Tiningnan ko ang iba pang pictures. Puro ito mga imahe nilang dalawa na magkasama.

Parang may kumirot sa dibdib ko nang makita ko yung ibang pictures. Si Henry hawak ang kamay ni Euphy habang palabas ng hotel tapos meron ding isang picture na magkayakap sila dun pa mismo sa labas ng building ng condo ko.

Parang hindi ako makagalaw sa mga nakita ko. Imposible. Imposible talaga.

 

“Oh Charles! Ba’t natigilan ka dyan? May problema ka ba—OH MY GOD! Sinasabi ko na nga ba. Hindi nga ako nagkakamali. Akalain mo yun, niloloko ka ng asawa mo at bestfriend mo pa yung nahuthot” para akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ko ang mga sinabi ni Alice kaya naman ay hinawakan ko ang braso niya ng pagkahigpit-higpit.

“Don’t you dare say something about my wife dahil wala kang alam” pagkasabi ko mismo nun ay siya namang nagsalita ang driver.

“Sir, nandito na po tayo” nandito na nga kami sa parking area ng condo unit ko. Tiningnan ko ng masama si Alice saka lumabas ng taxi. Kinuha ko na rin yung maleta ko. Hindi ko na liningon pa ito kahit na ilang beses niya akong tinawag.

Sa ngayon, wala akong ibang gustong ibang gawin kundi ang makausap si Euphy. Ayokong magconclude agad. May tiwala ako sa kanya. May tiwala din ako sa kaibigan ko. Gusto ko munang mapakinggan ang side nila.

Habang nasa elevator ako ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang daming katanungan sa isip ko na naghahanap ng katanungan. Ayokong isipin na niloloko ako ng asawa ko. May tiwala ako sa kanya.

Nakarating ako sa bahay namin ng walang katao-tao. Wala si Euphy. I tried calling her pero hindi siya sumasagot.

Ilang beses na akong tumatawag pero hindi pa rin niya sinasagot.

Sh*t! Hindi kaya..?

No! No! Ayokong mag-isip ng ibang bagay. Hinding hindi ako magagawang lokohin ni Euphy. She loves me.

Naghintay ako ng ilang sandali at nang wala pa ring Euphy na umuuwi ay lumabas na ako. Naisipan kong pumunta sa office namin dahil baka nandun siya. Ang alam ko kasi nitong mga nakaraang araw sa tuwing nagtatawagan kami ay nababanggit niya sakin na nag-oovertime siya.

Dali-dali akong pumunta sa parking area dala ang ipad ko at sumakay sa kotse ko. Ilang linggo ko rin itong hindi nagamit, buti na lang at may laman pang gas.

Dali-dali akong nagdrive at pumunta sa kompanya namin. Maniniwala lang ako kapag nagsalita na si Euphy.

Dahil sa oras na malaman kong totoo ang hinala ko, baka makapatay pa ako.

Nakarating na ako sa kumpanya pero hindi pa rin ako bumababa ng kotse ko. Kinuha ko ulit yung ipad ko at tiningnan yung mga picture don. Hindi ko alam kung sino ang nagsend nun sakin. Nasasaktan ako pero dapat ko munang makausap si Euphy. Dapat ko siyang makausap.

Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla kong makita si Euphy at Henry na magkasabay na papalabas ng building. Hindi lang yon, nagtatawanan pa sila at bigla ko na lang naihampas ang manibela ng makita ko silang magyakapan ng mahigpit. Pagkatapos nun ay sumakay na si Henry sa kotse nya at umalis na samantalang naiwan namang nakatayo at kumakaway pa sa papaalis na kotse.

Napangiti na lang ako ng matabang. Parang may namuong galit mula sa dibdib ko nang makita ko sila sa ganung eksena.

Ibig sabihin totoo? TOTOONG NILOLOKO NILA AKO?!

Kinuha ko ang maliit na kahon mula sa bulsa ko. Ito sana yung singsing na ibibigay ko sa kanya kapag nakauwi na ako.

Bullshit! Yung plano kong magpropose ay mukhang hindi na matutuloy.

Pinagmukha nila akong tanga. Mga walang hiya.

EUPHY’S POV

 

Dumaan sa office si Henry at inabot siya doon ng ilang oras. Suppose to be ay si Kelly daw ang bibisitahin niya kaso hindi naman pumasok yun kaya ako na lang ang kinulit niya ng kinulit. I was glad na okay na kami ni Henry.

Hindi naman pala siya kasama tulad ng iniisip ko noon. Ngayong mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo akong nagsisisi na nagtanim ako ng galit sa kanya noon. Pinatay niya man ang nanay ko noon, aminado akong nakikita ko sa kanya ang pagbabago niya.

Awkward at first pero gumawa si Henry ng paraan para maging close kami. Kaya heto, feeling ko nagkaroon ako ng isang big brother.

Sabay na kaming umalis ng opisina. Nakakahiya nga eh kasi nag overtime ako pero hinintay niya pa rin akong makaalis. He insisted na ihatid ako sa bahay kaso sabi ko ay maggogrocery pa ako dahil bukas na uuwi si Charles. Gusto ko siyang ipagluto.

“Bye Euphy. Sigurado kang hindi ka na magpapahatid?” umiling ako at saka lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit.

“Hindi na. Ingat ka ha saka pakideliver naman kay Tito Ernesto itong yakap na ito. Sabihin mo sa kanya bibisitahin ko ulit siya next week” bigla namang napatawa si Henry.

“Opo Ma’am. Masusunod” nagpaalam na kami sa isa’t isa at hinintay ko munang makaalis siya.

Pag-uwi ni Charles bukas, sasabihin ko na rin sa kanya yung tunay na relasyon namin ni Henry. Ayoko nang maglihim pa.

Naglakad na ako papalayo nang may makita akong bulto ng isang tao na napakapamilyar katabi ng kotse..ni Charles?

Lumapit ako lalo para makita ito at hindi ako nagkakamali dahil si Charles nga iyon.

“Charles?” lumapit ako sa kanya. Yayakapin ko na sana siya nang bigla niya na lang hinablot ang braso ko.

“Ilang linggo lang akong nawala tapos itong makikita ko?!”

“Ano?” hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.

“Kung hindi ko pa pala inagahan ang uwi ko, hindi ko pa mahuhuli kayo ng lalaki mo” bigla niya na lang akong hinila papasok ng kotse.

“Anong lalaki? Charles, wala akong lalaki!” Hindi ko alam kung bakit niya yun nasabi. Sa tingin niya ba niloloko ko siya?

“Wala?! Sinungaling! Umalis lang ako, nilandi mo na yung bestfriend ko!” nagulat ako sa narinig ko. Dun ko narealize kung bakit sinasabi niyang may iba ako.

“Charles, nagkakamali ka. Yung nakita mo kanina—“ hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi bigla siyang sumigaw.

“SHUT UP! Wala akong oras pakinggan ang mga hinaing mo. I have seen enough.” Bigla niya na lang pinatakbo ang kotse ng napakabilis. OH GOD! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Charles, listen to me” he just misinterpreted everything!

“Don’t you ever dare!” bigla niya lang inabot sakin yung ipad niya at nakita ko yung mga picture namin ni Henry? Teka, huwag mong sabihing may kumukuha samin nun?

“Ano ‘to?” tanong ko.

“Obviously, nakita ko sa mga litrato na yan kung gaano ka kalandi. Seriously, yung bestfriend ko pa ang tinira mo?” para akong offend sa sinabi niya. Ba’t baa yaw niyang makinig?

“LISTEN TO ME FIRST! Iba ang pagkakaintindi mo dun”

“I SAID SHUT UP! Paano ko nagawang pakasalan ang babaeng tulad mo? Galing ka nga sa relihiyosong pamilya pero ganyan ang ugali mo. Tell me, may nangyari na ba sa inyo?” bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

“Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Isang mababang tao? Hindi totoo ang mga naiisip mo. Just listen and I will explain everything” humahagulhol na ako.

“Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Nagcheck in kayo sa isang hotel tapos lumabas ng magkaholding hands. Magkayakap rin kayo sa labas mismo ng bahay natin!”

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi naman siya makikinig eh. Kinakabahan din ako kasi ang bilis niya kasi magdrive.

Lumingon siya sakin.

“Ang ayoko sa lahat ay yung niloloko ako” at may isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya.

Charles, kung makinig ka lang sana sakin…

Magsasalita sana ulit ako pero ibang salita ang lumabas sa bibig ko.

“CHARLES!” may isang malaking truck ang humarang sa daraanan namin at huli na para makaiwas ang sasakyang sinasakyan namin.

NO!

********************************

Pasensya na po. Wala ako sa sarili ko nang tinatype ko ito so expect a lot of mistakes. XD

Continue Reading

You'll Also Like

44.1M 402K 112
Arranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1M 29.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
138K 1.8K 16
Villafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gag...