Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 48

1.8K 76 79
By swaegmonster


Chapter 48 - Change

Soundtrack: I Need U by BTS


Siguro dahil masaya ako.

Kaya gaya ng birthday ko, mabilis lang lumipas ang pasko. Kila Roxy kami nag-Noche Buena. Tinulungan namin si Nanay at si Tita na mag-prepare at magluto. Sila Tatay at Tito naman ang naghanda ng mga barbecue at gumawa ng ilang medyo mabigat na gawain. Si July? Tumulong sa pag-ubos ng pagkain.

Pinagpapahinga at pinapauwi kasi nila ang maids tuwing pasko para makasama ng mga ito ang kani-kanilang mga pamilya.

Nang mismong araw ng pasko, nag-road trip lang kami maghapon ni Roxy. Nilibot namin ang magagandang lugar sa Galax City. Naiwan sila Nanay at Tatay sa bahay dahil pinupuntahan sila ng mga inaanak nila, ganoon din sila Tito at Tita sa mansion nila. Si July naman kasama ang teammates at ilang barkada niya. Si Yuan nasa Paris, kasama ang ilang miyembro ng Polaris. Hanggang bagong taon sila roon, pero uuwi rin once the semester resumes.

Matapos ang pasko, lalong hindi na kami mapaghiwalay ni Roxy. Sinulit namin ang last week niya rito sa Pilipinas. Malamang daw kasi, sa isang pasko pa ulit siya payagang makauwi ng lolo niya.

Dalawang araw bago magbagong taon, kasama ni Roxy ang parents niya na pumunta ng Greece. Binatukan ako ni Bes dahil umiyak na naman ako nang ihatid namin sila sa airport, kahit naiyak din naman siya.

Naging masaya pa rin naman ako sa pasalubong ng bagong taon. Umuwi kasi ang mga pinsan namin galing ibang bansa. Sobrang cute nila at sobra din ang kukulit. I became an instant babysitter pero ayos lang naman sa'kin. Na-enjoy ko naman ang pagbabantay at pag-aalaga sa kanila, kaming dalawa ni July.

They're all so cute!

Sa kanila natuon ang buong atensyon ko. Hindi ko tuloy napaghandaan ang araw ng pasukan. Hindi ko naihanda ang sarili ko.

We belong in the same section and we're classmates.

Magkikita at magkikita kami.

Hindi pa yata ako handang makita siya.


Nakailang lunok ako bago pumasok ng classroom. I walk with my head down para hindi ko siya makita. Pero kahit hindi ko siya makita, I know he's here. His scent is all over the classroom.

Pinigilan ko ang sarili kong mag-react. But my heart won't listen kaya ginawa ko ang lahat para hindi tumingin sa gawi niya. Umupo rin ako sa kabilang dulo ng classroom, malayo sa kanya. But even from here, I can still smell his W.Dressroom perfume.

Pumikit ako ng mariin bago hinawakan ang dibdib ko.

Kailangan na natin siyang kalimutan. 'Wag mo naman akong pahirapan please.


Mabuti na lang dumating agad si Yuan, natabunan ng pabango niya ang W.Dressroom na nagsisimula nang manuot sa ilong ko.

"Long time no see, June. How have you been? Tu me manques tellement." tanong niya pa, na para bang hindi kami madalas magkatawagan o magka-video call. Umupo siya sa tabi ko, pinisil pa ang pisngi ko.

Ngumiti ako. "Tu me manques aussi."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?"

"Tu me manques aussi."

"You know what it means? Did you study French?"

Umiling ako. "Sabi sa'kin ni Jackson Happy New Year daw ang ibig sabihin no'n."

Napapikit siya ng mariin while cursing Jackson. "Don't believe everything Jackson says."

"Bakit? Ano bang ibig sabihin no'n?"

Dumilat siya at sinalubong ang mga mata ko. "It means I've missed you... so much."

"Oh."

"We haven't seen each other since last year," sabi niya na para pang nagtatampo. "Didn't you miss me too?"

"I've missed you too!" natatawang sabi ko. Oo nga naman. Birthday ko pa noong huli kaming nagkita, at last year pa 'yon.


"Guys! Bakit magkahiwalay si June at si Jacin?"

"They don't talk or even look at each other!"

"Break na kaya sila? Gosh, I hope so!"

"Something must have happened in Christmas vacation!"

"Baka naman nagising na sa wakas si Jacin na wala siyang mapapala kay June?"

"Look, mukhang si Yuan ang pinalit niya! Gosh, I so hate her!"


Hindi ko pinansin ang pagbubulungan ng mga kaklase ko. Nginitian ko na lang si Yuan at sinabihan siya na 'wag silang pansinin.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Jacin. Katabi niya si Ayu at parehas pa silang naka-earphones. Si Jacin nakatingin sa labas ng bintana, si Ayu naman sa screen ng phone niya. Sabay silang nag-alis ng earphones nang dumating ang teacher para sa first period.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Sir. He greets us a happy new year, inamin niya ring wala pa siya sa mood mag-discuss kaya kinuwento niya na lang sa'min ang nangyari sa kanya noong Christmas vacation. Halos ganoon din ang ginawa ng ibang teachers na sumunod sa kanya. Kaunti lang ang nag-discuss, dahil lahat kami, mapa-teacher man o estudyante, may hangover pa sa bakasyon.


Natapos ang araw na hindi kami nagpapansinan o nag-uusap man lang ni Jacin. Wala naman nang dahilan para gawin pa namin 'yon 'di ba?

Parang bumalik kami sa umpisa. Hanggang tingin na lang ulit ako. Pero ngayon sinisikap ko ang sarili ko na 'wag na siyang tingnan pa. Siya nga ni minsan sa maghapon hindi ako sinulyupan o kahit man lang ang gawi ko. Ano bang inaasahan ko? Na titingnan niya ako kahit saglit lang?

Tulad ko ba nasasaktan siya? O tulad ng pinapakita nang expression niya ngayon, wala na lang sa kanya? Kahit pa nasasaktan siya o wala nang pakialam. Wala nang magbabago.

I set him free. Wala na kaming dalawa.

Kinabog-kabog ko ang dibdib ko.

Kailan mo ba maiintidihan 'yon?


"June, you okay?" tanong ni Yuan na pumutol sa pag-iisip ko.

"Okay lang." sagot ko sabay thumbs up.

Nasa tapat kami ng malalaking gates ng Luxford Academy, sinasamahan niya akong hintayin si Tatay na susundo sakin. Gusto sana ni Yuan na siya ang maghatid sa'kin pauwi pero tumanggi ako. Ayoko siyang maabala. Mapapalayo siya kung ihahatid niya pa ko sa bahay.

Nang dumating si Tatay ay nagpaalam na ko kay Yuan. Hinintay niya muna kaming makalayo bago siya sumakay sa sasakyan niya at nag-drive sa kabilang direksyon.


Kinamusta ni Tatay ang araw ko.

"Ayos lang po," ang sagot ko habang nakangiti. Nang kinamusta niya si Jacin, unti-unting nawala ang ngiti ko. "Hindi ko po alam."

Saglit niya akong tiningnan, hinawakan at pinisil din ako nang bahagya sa balikat. Ramdam kong nauunawaan ni Tatay ang nararamdaman ko.

Nang sumunod na araw na sinundo ako ni Tatay, hindi na ulit siya nagtanong tungkol kay Jacin.


Ang isang araw na hindi namin pag-uusap ni Jacin ay naging isang linggo, na parang kumpirmasyon sa hinala ng mga classmates ko. Kaya naman sa second week ng pasukan, ang break up namin ni Jacin ang usapan. Kalat na agad sa buong school ang balita, parang 'yong time na nabalitaan namin ni Roxy na break na ang perfect couple. May ibang hindi naniniwala, na baka daw may tampuhan lang kami at ayaw nilang umasa. May iba namang natutuwa na halos magpa-party pa at kulang na lang pati ako imbitahan sa party nila.

Sa wakas daw kasi, natauhan na si Jacin.

Ako naman daw, sawa na kay Jacin dahil may panibago akong target: Si Yuan.

Tinawanan ko na lang sila. Nagulat nga ako sa sarili ko eh. Hindi ko alam kung sanay na ko o sawa na ko sa kanila. Ayoko nang magpa-apekto, nakakapagod din pala. Wala naman silang alam sa nangyari, basta lang sila nagpapakalat ng mga baseless rumors.

Bago na ang taon, kailangan magbago na rin ako. Ayoko nang magpaapi. Hindi naman sila mahalagang parte ng buhay ko, hindi naman nila talaga ko kilala. Wala naman silang alam. Ang alam lang nila, husgahan ako at pag-usapan ako.

Kahit naman noong hindi pa kami ni Jacin, madalas na nila akong pag-usapan. Bawat kilos ko hinuhusgahan nila just because I'm a commoner.

Pagod na kong intindihin sila. Simula ngayon, wala na akong pakialam. Hahayaan ko na lang sila. Ang hindi ko lang hayaan ay pati si Yuan madamay.


"Look, she's with her new target."

"Poor Yuan."


Pagbubulungan na naman ng mga etusyante pagpasok namin sa cafeteria. Matapos naming umorder, pumuwesto kami ni Yuan sa parteng walang gaanong tao; hindi para maiwasan ang tingin ng mga estudyante sa'kin, kundi dahil gusto ko siyang makausap.

Hinintay ko munang maubos ang pagkain naming dalawa bago ako nagsimula.

Yuan takes a deep breath and stares intensely into my eyes, "Is this your way of pushing me away? I thought you're gonna let me be with you?"

Mariin akong umiling. "No! Yuan, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ayoko lang kasi na pati ikaw pag-usapan ng mga tao. Okay nang ako na lang—"

"Stop being a saint, June." Madiing sabi niya, nakakuyom ang dalawang kamay na inihampas sa lamesa. "Wala akong pake kung pag-usapan tayo ng mga tao. Don't tell me to stay away from you because I can't."

Natigilan ako. He looks so hurt... and his eyes... they're teary. "Sorry... I shouldn't have said that." Iniisip ko lang ang kalagayan niya, bakit hindi ko inisip ang mararamdaman niya?

"And don't ever say that again, understood?"

Tumango ako.

"Lalayo naman ako ng kusa sa'yo... once I can." He says gently while looking outside. "Hindi ko pa lang kaya ngayon."

"Yuan..."

Binalik niya ang tingin sa'kin... at napakalungkot ng mga mata niya. "I know where I stand, June. Don't worry about me. I know you can't reciprocate my feelings... but let me dream for a while. I'll wake up soon. Hayaan mo muna 'ko." Ngumiti siya, pero hindi nabawasan ang lungkot sa mga mata niya.

"Yuan..." kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang mapahikbi. My heart aches for him... for the both of us. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, at hindi ko mapigilang masaktan at maawa para sa aming dalawa.

"No, no, no." Umiling-iling siya. "Don't look at me with those eyes June, or I'll really get angry."

"Bakit kasi ako pa?" Why do we have to fall for the wrong people? Magmamahal na lang kami, doon pa sa alam namin na may mahal nang iba.

"Bakit kasi hindi na lang ako?" tanong niya pabalik.

Katahimikan ang sumunod.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Sabay kaming napangiti... but it isn't because we're happy.


Later that afternoon, pumunta kami sa gymnasium para sa PE. Wala kaming PE last week dahil wala si Sir Venegas, dahil kakarating lang daw nito kahapon galing Italy.

Isipin na lang daw namin na nasa beach kami dahil Beach Volleyball daw ang lesson namin ngayon. Sa halip na anim, dalawang tao lang ang magka-team. Best-of-three ang labanan, each game played to 21 points. 100 agad ang score ng mananalong team, 90 naman para sa matatalo.

Bago kami mag-umpisa sa laro, nagpahapyaw muna si Sir ng kaunti tungkol sa history at origin ng beach volleyball, na sinundan ng discussion sa basics, rules, positions at tamang postura. Binigyan niya kami ng 45 minutes para makapag-practice ang mga pairs.

Siya na ang nag-pair sa'min dahil magtatagal pa raw kung kami ang pipili ng pair namin.


At si Jacin ang pair ko.


"I'll be fine." I assure Yuan. Ang higpit ng hawak niya sa braso ko na para bang ayaw niya kong papuntahin kay Jacin. Ngumiti pa ko para mas makumbinsi siya.

Bumuntong hininga siya bago ako binitawan. Kailangan niya na rin kasing pumunta sa pair niya.

"We only have thirty minutes, we better start." malamig ang boses na sabi ni Jacin mula sa likod ko.

Napalunok ako bago siya hinarap. His eyes are as cold as his voice. Tumango na lang ako bilang sagot.

Dalawang bola ng volleyball ang hawak niya, inabot niya sakin ang isa. "Have you played this before?"

Umiling ako.

"It's easy—"

Lahat naman madali sa'yo eh. Bulong ng isang bahagi ng utak ko.

—kung hindi ka takot sa bola."

Ilang segundo matapos niyang sabihin 'yon, may mabilis na bola ang papunta sa'kin. Pero mas mabilis si Jacin dahil naiharang niya ang katawan niya bago pa ko tamaan ng bola.

Napalunok ako. Tuwing PE kasi namin noong middle school, madalas nila kong batuhin ng bola at nadadamay pa si Roxy. Pumikit ako ng mariin at bahagyang pinilig ang ulo ko para mawala ang masasamang aalala.

"Sorry! Oh my gosh, hindi ko sinasadya!" sabi ni Lea, classmate namin, habang pinupinulot ang bolang muntik nang tumama sa'kin. "Sorry, Jacin!"

"Don't apologize to me." madiing utos ni Jacin at saka ako itinuro. Kahit kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko, kitang-kita ko pa rin ang talim ng tingin niya kay Lea. "Apologize to her."

Napalunok si Lea bago tumingin sa'kin, niyukuan pa ko. "S-sorry, June."

Tumango na lang ako. Wala na ang tingin ko kay Jacin, pero ramdam ko ang titig niya sakin hanggang sa balat ko.

Nakatingin ako kay Yuan. He's worrying again kaya nag-thumbs up ako while mouthing, "I'm fine."

Tumango si Yuan at ngumiti bago bumalik sa practice kasama ng ka-double niya.

Binaling ko ang atensyon ko sa bolang hawak ko dahil nararamdaman ko pa rin ang titig ni Jacin. Para bang hininhintay niya akong tumingin sa kanya para siguraduhin kung ayos lang ako. Hindi naman ako ang tinamaan, siya. At mukhang wala lang sa kanya ang pagtama ng bola sa broad at matikas niyang dibdib.

Ayokong salubungin ang titig niya kaya hinagis ko ang bola, pinagsalikop ang mga kamay para sa akmang pagtira nang bigla itong saluhin ni Jacin.

"We're teammates. Don't practice alone." he says coldly again.

Magso-sorry sana ako, pero pingilan ko ang sarili ko. Isa sa new year's resolution ko na bawasan ang pagsasabi ng sorry. Lalo kung hindi ko naman kasalanan o kaya kung maliit na bagay lang naman ang nagawa ko. Iyong mga nambully nga sa'kin noon, ni minsan hindi sila nag-sorry sakin.

Hindi naman sa gusto kong gumaya sa kanila, gusto ko lang patigasin nang kahit kaunti ang puso ko.


This year, I want change.


And I'm going to get it.


Hindi ko inasahang hahawakan ni Jacin ang kamay ko, kaya naman para akong aatakihin sa puso. My whole body, including my stubborn heart reacts to his touch. They like it, and they miss it.

"Your palms, do they still hurt?" nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa mga patuyong sugat sa palad ako.

Umiling ako. "H-hindi na gaano." Pero ang puso ko, Jacin. Masakit pa rin.

Bumitaw siya bigla. Para bang noon niya lang din na-realize ang ginawa niya. "Sorry, didn't mean to." His cold voice and gaze are back in an instant. "Still, be careful. They might open again."

Hindi ko pinansin ang bahid ng pag-aalala sa boses niya. Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

Dahil magaling naman na siya sa volleyball, tinuruan niya na lang ako. I'm only half listening, hindi ako makapag-focus. His voice that used to be warm and soft when he talks, now as cold and as serious as ever. His emotionless face is a distraction too. Sana kasing galing niya rin akong magtago ng emosyon.

Buti na lang kahit papano, nakakasunod ako sa mga sinasabi at tinuturo niya. Nang medyo kaya ko na, iniwan na niya ako. Kinausap niya si Sir Venegas at lumabas ng gymnasium.

Nagpatuloy ako sa pagp-practice. Nakikita ko ang iba, ang gagaling nila at ang lalakas pumalo. Ayaw akong papaluin ni Jacin dahil sa mga sugat sa palad ko. Siya na raw ang bahalang gumawa noon mamaya.

Pero gusto kong subukan.

Isa ang volleyball sa favorite kong sport. Bukod sa painting at drawing, isa ito sa gusto kong pagtuunan ng pansin ngayong taon.

Hinagis ko ang bola at pinalo ito ng malakas.

"Nice one, Velasco." sabi sa'kin ni Sir Venegas. Hindi ko napansin ang paglapit niya. "Hindi halatang injured ang palms mo. But Mendes is right, your wounds might open again. Sigurado ka bang gusto mong maglaro? Pwede naman kitang i-excused."

Paano nalaman ni Sir ang tungkol sa mga sugat ko?

"Gusto ko pong maglaro Sir." sagot ko.

Tumango si Sir. Ngumiti bago ako tinalikuran. "Hindi din halatang break na kayo."

Hindi ako nakasagot dahil naglalakad na siya palayo sa'kin. Wala rin naman akong maisasagot. Nagbibiro ba si Sir Venegas? Narinig niya na pala ang balita, bakit pinag-pair niya pa kami ni Jacin?


"Velasco." says the too familiar cold voice from behind.

Velasco... last name basis na ba kami simula ngayon? Dapat ko na rin ba siyang tawaging Mendes?

Humarap ako at sinalubong ang tingin ni Jacin. May hawak siyang bandage... at nakatingin siya sa kamay ko.

"May I?" tanong niya.

Nauna pang tumango ang puso ko. Umiiling ang isip ko, pero nakita ko pa rin ang sarili kong tumatango sa tanong niya.

Hinawakan niya ang pulso ko at hinatak ako paupo sa bleachers. Inuna niyang bendahan ang kanang kamay ko, sunod ang kaliwa. He's holding my hand and wrist too gently, as if he's too afraid to break me.

Ginawa mo rin sana 'yan sa puso ko, Jacin.

Kaya pala siya umalis, para ikuha ako ng bandage. Kaya rin siguro nalaman ni Sir Venegas ang tungkol sa sugat ko.

I know I shouldn't, but my heart feels warm again.

"Salamat." sabi ko nang matapos siya sa pagbebenda ng kamay ko.

Hindi ko alam kung ngumiti siya, pero tumaas ng bahagya ang isang dulo ng bibig niya.


When it's our time to play, kulang na lang habulin ko ang hininga sa sobrang kaba. Unang beses akong maglalaro ng volleyball, at sa harap pa ng mapanghusgang mga matang kaklase ko.

"You got this, Velasco." Jacin assures me. Ang seryoso niya, at mukhang handang-handa nang lumaro.

Tumango ako at humugot ng lakas ng loob sa sinabi niya.

I will trust myself this time.

"Kawawa naman si Jacin siguradong matatalo sila."

"Ang lakas pa ng kalaban nila! Si Kyla from the volleyball team tapos si Ron from basketball team!"

"Kaya kaya sila ni Jacin nang mag-isa? Kung si Ayu sana ang partner niya, patas ang magiging laban!"

"Ang kaso si Superweak ang kakampi niya eh. Poor Jacin."

Superweak, ang bansag sa'kin nila Angeline. Kahit wala na sila rito sa school, iyon pa rin ang tawag ng ibang classmates ko sa'kin.

"Velasco, listen." pukaw ni Jacin sa atensiyon ko. "I don't care if we lose but those guys," turo niya sa mga kaklase naming nakaupo sa bleachers. "You have to prove them wrong."

Puno ng kumpiyansa akong tumayo.

\Dahil gusto ni Sir Venegas ng twist, sa halip na toss coin, jump ball ang gagawin. Kung sino ang makakakuha ng bola, sa kanila ang service.

Mas matatangkad si Ron kay Jacin, pero mas mataas tumalon si Jacin.

Kaya sa'min ang service.

Wala sa sariling nangitian ko siya pagbalik niya sa pwesto namin. Sa gulat ko, nginitian niya rin ako.


I got this and I'm going to prove them wrong.  



* * *

note: *deep breaths* I miss the old bangtan days!!! lalo na yung HYYH era. Bumalik ang feels nang mapakinggan ko ulit ang I need U, it's one of their best songs and is also one of my faves with Save Me and Hold Me Tight. Those were the days, man. 

salamat sa walang sawang pag-aabang ng update! 'wag na magpuyat! lol. don't forget to vote and comment! x

Continue Reading

You'll Also Like

63.8K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
6K 1.3K 45
BOOK 1 of 2 [COMPLETED] Wesia Fajardo is drowning in her own past love-problems and in order to save herself, she must understood the word 'let go'...
523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...