The Wicked Liar 1: The Lying...

By kathipuneraaa

6.9M 96.6K 8.7K

[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. Bu... More

Heartless: The Wicked Liar
Lie #1: I ate noodles with a stranger
Lie #3: Dinner with school hotties
Lie #4: Everything happens in a day
Lie #5: The Bastard's bestfriend
Lie #6: Pocky Game, it's a shame
Lie #7: Untold Story
Lie #8: Ticklish moment
Lie #9: Intramurals [Part I]
Lie #10: Intramurals [Part II]
Lie #11: Why Me?
Lie #12: Family History
Lie #13: Date
Lie #14: Confused & Oblivious
Lie #15: Friendship Over
Lie #16: Riddles
Lie #17: Burned some witch's money
Lie #18: The Witch's comeback
Lie #19: Confession
Lie #20: Heartsick
Lie #21: Consoled
Lie #22: About love
Lie #23: Promise
Lie #24: Three Words, Eight Letters
Lie #25: Tattoo
Lie #26: Double date
Lie #27: Wolf
Lie #28: Wrong Girl
Lie #29: Let go
Lie #30: Blend in
Lie #31: Game over
Lie #32: Unexpected
Lie #33: Invitation
Lie #34: Worthless
Lie #35: Bracelet
Lie #36: Threatening
Lie #37: Black & White
Lie #38: How the world works
Lie #39: Stupid love
Lie #40: The Other Side
Lie #41: Camping
Lie #42: Valenciano
Lie #43: Epitome
Lie #44: Pretty Smiles
Lie #45: Disappear right now
Lie #46: Sadie Hawkins
Lie #47: Locked
Lie #48: Crying
Lie #49: Done
Not so Lie #50: Beginning
Frequently Asked Questions (FAQs)
Survey
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
Good news!
Heartless: The Wicked Liar Trilogy
SOON TO BE PUBLISHED BY POP FICTION
First Book Signing
Pop Fiction Version

Lie #2: Derick Lusterio

229K 3K 302
By kathipuneraaa

Its been a week since that incident sa loob ng dark room. May mga gabi na hindi ako makatulog kakaisip dun. Ewan ko ba, alam kong mali, alam kong kabaliwan pero ang totoo hinahanap hanap ng sistema ko yung labi niya.

Nababaliw na ata ako! Ugh to think na stranger yun tapos nagkakaganito ako. No it's not possible.

"Can we share table?" nabitin ang akma kong pagsubo nang may magsalita sa harapan ko. Si Derick. Nakangiti siya at may dalang tray. Iba't ibang pagkain ang nandun at may wine glass siya pero fruit juice ang laman.

Tinignan ko muna siya ng matagal. Sabay sa paligid namin. Lahat sila nakatingin sa gawi namin. May isang babae pa nga doon sa dulo na nakasabit yung pasta sa bibig niya.

Ganito ba talaga kasikat ang lalaking to dito? Pati katinuan ng iba kayang kaya niyang kunin


"I suppose its a yes" halos padabog niyang binagsak yung tray sa mesa at umupo. For a while natakot ako. Paano ba naman kasi magkasalubong na naman ang mga kilay niya.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Nakakahiya. Baka kasi akalain niya na wala ako sa katinuan


"Pasensya na" bago ko pa mapigilan nasabi ko na yun. Kinagat ko pa ang labi ko at yumuko

Tinignan niya ako at ngumiti. Ipinagpatuloy ko na lang din ang pag kain. Ayokong tignan yung mga kinakain niya. Mukha kasing masasarap at halatang sosyal. Beef steak at may leche flan pang kasama. Samantalang ako mula sa de lata ang ulam.

Hindi naman sa wala na kaming makain pero yun lang ang kaya kong lutuin. Kaysa naman kasi bumili ako dito sa cafeteria namin. Napakamahal. Naalala ko nga nung first day na pumunta kami ni Annabeth dito. Sobrang nabigla kami. Sa totoo lang ang cafeteria na to makakapasa na three star restaurant. At yung nagluluto pa, professional chef. Nakilala ko yun dahil may noontime show siya dati.

Buti na lang din na pwedeng maki table dito kahit hindi ka sa kanila bumili ng pagkain. Bawal naman kasing kumain sa loob ng classroom eh. Kaya no choice na dito talaga. Kahit na nga ba nakakahiya.


"Iyan lang ang kinakain mo? Hindi kaya magutom ka mamaya?" tanong sakin ni Derick. Ibinaba niya yung kutsilyo na pinanghihiwa niya sa steak at kumuha ng sanitary napkin para ipahid sa bibig niya


"Okay lang naman ako" ganti ko at mas pinagana ang pag kain ko. Hindi na siya kumilos. Hindi ko makita ang ginagawa niya dahil nakayuko ako. Pero pakiramdam ko pinagmamasdan niya ako. Nakakailang tuloy..

Kinumpas niya ang daliri niya at maya maya may lumapit sa amin. Yung chef


"Anything, sir?"


"Another order of beef steak. Pakisamahan na din ng leche flan"

Umalis na yung chef. Tinignan ko yung plato niya. May pagka magastos ata ang taong to. Hindi niya pa nauubos ang pagkain niya nagpakuha na naman siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang curiousity ko na tanungin siya.


"Bakit ka umorder ulit? Eh hindi mo pa nga halos nagalaw yan oh" nguso ko sa plato niya. Umismid lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

Bumalik na yung chef. May dala siyang tray katulad nung kay Derick. Sa gulat ko hindi na ako nakapag protesta. Hinawi niya kasi ang lunchbox ko at sa harapan ko mismo inilagay yung tray.

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon alam kong nakanganga ako. What the hell is this? Bakit niya ginawa yun?


"Eat a proper food, Manilla" untag niya sa pagka tulala ko. Pero hindi ko pa din makuhang gumalaw. Nagbubulungan na din yung mga estudyante na mukhang interesante na samin.


"See? Derick cant stand her cheapness kaya binilhan siya ng pagkain"


"She's poor"


"Kadiri. Ewww"

Yan yung mga naririnig ko ngayon. Doon lang ako natauhan. Gusto ko umiyak. Wala akong magawa. Kung tutuusin pwede ko naman silang patulan. Pero wala eh. Kasi alam ko naman na totoo ang sinasabi nila. Nakakainis lang na kailangan talagang ipamukha sakin.

Mabilis akong tumingala para hindi tumuloy sa pagbagsak yung mga luha ko. Pero may kumawalang isa kaya pinunasan ko yun ng palad ko.


"Damn what have I done?" he demanded. Mabilis siyang napatayo at tinabihan ako. Nakakainis siya! Hindi ko naman to hiningi sa kanya eh! Napahiya pa tuloy ako


"Aalis na lang ako" sagot ko at tumayo na. Pero hinatak niya ako pabalik sa kanya.


"Umiiyak ka ba dahil sa mga sinasabi nila? Okay then" tumayo naman siya at naglakad sa mesa ng grupo nung mga babae na nagbubulungan kanina. Nanahimik ang lahat. Pagdating niya dun kinuha niya yung isang baso na may lamang tubig. Iisipin ko pa lang kung anong gagawin niya dun ng ibuhos niya yun dun sa isa.

And everyone is in shock. Including me.


"Whoa, easy there dude" may dumating na lalaki at hinawakan sa balikat si Derick. Kilala ko siya. Si Nico Valdez. Kaklase din namin siya. Hindi ko siya nakakausap pero araw araw niya akong nginingitian. Sa pagkakaalam ko nga mag bestfriend sila. Katunayan pareho silang hindi nagsusuot ng uniform kapag nandito sa school. At walang sumisita sa kanila.


"You know what you did, Eunice" sabi niya dun sa binuhusan niya ng tubig at tumalikod na pabalik sa mesa namin.

Nakatingin pa din ang lahat sa kanya. Yung Eunice na tinawag niya umiiyak na. Sa pagkakaalam ko kaklase ni Annabeth yun. Speaking of my bestfriend, buti na lang absent siya kung di mage enjoy na naman siya kung nakita niya ang mga nangyari ngayon


"Pwede ka na ba kumain, Manilla?" tanong niya sakin. Ngayon ko lang din napansin na tinatawag niya ako sa una kong pangalan. Siya lang ang ganun sakin. Ang mga magulang ko ginagamit lang yun kapag galit na. Gusto ko siyang sitahin pero hindi ko alam bakit maganda ang pagbigkas niya sa pangalan ko at nagustuhan ko.


"Hindi mo kailangan gawin sa kanya yun" I snapped. Nakasunod pa din sa kanya si Nico na umupo na din sa pwesto ni Derick kanina. He sagged the leche flan at hindi kami tinitignan. Nasa tabi ko naman yung isa.


"They said something bad about you" mahinahong balik niya. Kinuha niya yung plato ko at siya ang naghiwa nung beef. Pagtapos nun inihain niya na ulit sa harapan ko.


"Kumain ka na. Utang na loob"


Napatid na ang pasensya ko. Hinampas ko yung mesa at nilapit ang mukha ko sa kanya "Hindi kasi ako yung klase ng tao na gagastos ng two hundred fifty pesos para lang sa beef steak!"


"Sinabi ko bang bayaran mo?"

Natahimik ako. Wala naman nga siyang sinabi pero wala din naman akong sinabi na bigyan niya ako ng pagkain. Hindi ko naman yun hiningi sa kanya!


"Kahit na nga ba! Mas gugustuhin ko pang kumain ng noodles!" ugh of all the foods na maiisip ko, noodles pa. Naalala ko na naman tuloy yung lalaki sa madilim na kwarto.

He playfully smiled "Okay. E di kakain tayo ng noodles" bago pa ako tumutol ulit naikumpas niya na yung daliri niya at lumapit ulit yung chef samin. He muttered something like stuffed noodles, whatever. Ugh ang lalaking ito!


"Wag mong isipin na kinaaawaan kita. Its not my style. Its just kasi mamaya PE class natin at baka mahimatay ka"

Kahit paano sa sinabi niyang yun napanatag ang loob ko. Ayoko din naman na tumatanaw ng utang na loob sa ibang tao.

Nang dumating ang chef pamilyar ang noodles na inihain niya samin. Ganitong ganito yung kinain namin nung lalaki sa madilim na kwarto. May itlog at crab sticks. Makakapal din yung noodles. Basta parehong pareho.


"Gusto mo ba na i Instagram pa tong kakainin natin?" putol niya sa iniisip ko. Binigyan niya ako ng chopsticks at sinabihan na kumain.

Wala na akong nagawa. Ayoko man talagang tanggapin to, wala naman na din akong choice. Kaysa naman masayang kakainin ko na lang.


VOLLEYBALL ang PE namin. Na super thankful naman ako. Well, varsity ako sa St. Dominic. Sabi nga nung teacher namin bakit daw hindi ko subukan mag try out. Malaking bagay daw yun dahil may scholarship. Kung ako ang tatanungin okay lang pero syempre kailangan ko muna hingin ang saloobin ng magulang ko.


"Let's divide the class in two. Si Dela Serna ang captain ball ng first team at si Romualdez naman sa isa" binigyan kami ng pagkakataon ni Sir Magno na pumili ng magiging kakampi. Hindi ko naman alam kung marunong sila kaya kung sino na lang ang itinuro ko. Anyway friendly game lang naman to.

Iba ang sports ng boys. Basketball. Kaya nakahiwalay sila samin. Naririnig ko nga sa iba kong classmates na sana maaga kami matapos dahil gusto nilang mapanood maglaro si Derick.

Kami ang first ball at ako din ang mags serve. Okay naman. Nakakangiti nga ako eh. Kapag nakakapuntos kasi ako niyayakap ako ng mga kakampi ko.

Natapos ang PE class namin ng ganon na lang. Nanalo ang team namin. Wala namang pikunang nangyari. Everyone seems so friendly. Parang nabura tuloy sa isip ko na matatapobre sila at masasama ang ugali. Kungsabagay yung mga babae naman sa cafeteria kanina hindi ko naman kaklase.

Mabilis na shower ang ginawa ko. Sasama kasi ako sa kanila sa panonood ng basketball ng mga boys. May isa samin na umakyat sa basketball gym at nag usisa na second quarter pa lang daw yung laro kaya makakaabot pa kami.

Isinuot ko yung jogging pants at yung spare shirt ko na nakalagay sa loob ng locker ko at nakisabay na sa iba.


"Hay, napaka gwapo ni Derick, noh?" kasabay kong naglalakad yung dalawa kong kakampi sa team kanina. Si Angeleen at Pauline.



"Gwapo nga saksakan naman ng sungit. Di siya tumulad sa bestfriend niya. Tignan mo si Nico, nakangiti sa lahat. Mabait" kontra ni Angeleen pero parang walang narinig si Pauline. Iniikot ikot niya pa nga ang dulo ng buhok niya at napapangiti. Napailing na lang ako. Wala naman akong masasabi. Ngayon ko lang naging kaklase si Derick kaya wala akong alam tungkol sa kanya.

Hindi pa man kami nakakapasok sa gym naririnig na namin ang mga sigawan. Hinatak ako ni Pauline para makasingit sa bulto ng mga estudyanteng babae. Hindi lang pala mga kaklase namin ang nandito.

Akala ko over acting lang ang sigawan pero nang makita ko ang dahilan, ugh gusto ko din sumigaw ng sumigaw..

Naka topless yung limang lalaki habang naglalaro


"Oh my god, oh my goodness!" sabay na sambit ng mga kasama ko. Habang ako ayun nakanganga.

Siguro para hindi magkalituhan ang mga magkakampi ganito ang ginawa nila. Kabilang si Derick dun sa mga naka topless


"Derick! Derick! Derick!" dumadagundong ang buong gym kakasigaw ng pangalan niya. Last time I had lunch with him tapos ngayon eto siya halos pinaglalawayan ng mga babae.

Napa facepalm na lang ako. Ano ba tong pinasok ko? Kahit pumikit ako nakikita ko pa din ang abs niya.

Naka shoot siya kaya kung kanina sigawan lang, ngayon may hampasan na din. Kahit ako hindi nakaligtas sa mga kamay ni Angeleen at Pauline. Gusto ko na lang maglaho sa mga oras na to.

Hawak na naman ni Derick ang bola. Naghahanap siguro siya ng mapapasahan nang magtama ang mga mata namin. Napahinto siya at nabitawan ang bola kaya naagaw yun ng kalaban nila. Natauhan naman ata siya at nagtatakbo na sa kabilang court.


"Unusual. Paano naagawan si Derick?" nagtatakang tanong ni Angeleen pero walang sumagot samin ni Pauline. Hindi ko pa din inaalis ang mga tingin ko kay Derick. Parang may nabago sa kanya. Para siyang naiinis na hindi ko maintindihan.


"Lusterio, focus naman!" sigaw nga sa kanya ni Nico na parang naninibago din sa kinikilos niya. Napapailing lang siya. Ipinasa sa kanya yung bola at binato sa ring pero hindi yun pumasok. Namatay ang mga sigawan.


"Damn!" hindi ko narinig ang sinabi niya pero alam kong yun ang lumabas sa bibig niya dahil sa hugis ng labi niya.

Tumalikod na ako para maglakad palabas. Hindi naman na ako napansin nung dalawa. Akala ko naman napakagaling ni Derick. Medyo nadisappoint lang ako. Siguro kaya lang nila sinasabi na magaling dahil nakikita nilang naglalaro ng walang pang itaas.

Dinala ako ng mga paa ko sa school grounds. Naglakad lakad ako hanggang sa soccer field naman ako nakarating. May mga naglalaro. Naalala ko si Annabeth. Gwapo daw yung captain ball ng soccer team.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Wala naman na kaming klase. Kapag friday free day sa umaga at PE kapag alas dose. Hanggang alas dos lang ng hapon ang klase.


"Watch out!" napatigil ako nang may sumigaw. Sa sobrang kabiglaan ko hindi na ako nakapag react. Tumama sa mukha ko yung bola at napahiga ako sa semento.

Ouch.


"Okay ka lang ba miss?" may lumapit sakin na lalaki pero hindi ko gaano makita ang mukha niya. Dumodoble ang paningin ko.


"Oh no you're not okay!" bago ako tuluyang mapapikit naramdaman ko na lang na may bumubuhat sakin at mabilis kaming gumagalaw.


Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahiga ako sa malambot. Unti unti ang ginawa kong pagdilat. Clinic.


"Ugh.." naramdaman kong masakit yung likuran ko. Bigla namang may lalaking sumulpot sa gilid ko


"Miss sorry kanina, hindi ko talaga sinasadya" hinging paumanhin niya. Hindi naman ako sumagot. Instead, humiga ulit ako at pinikit ang mga mata ko. Ang gwapo naman kasi eh! Nakakahiya yung katangahan ko kanina!


"Miss okay ka na ba?" tanong niya kaya dumilat ako. Ramdam ko na ang init init ng mukha ko. Ganito ba yung feeling na nagb blush?


"Ah oo, medyo nahihilo lang kasi ako" sabi ko sabay sapo sa ulo ko. Totoo din naman na sumasakit to


"Pasensya ka na talaga ha? Hindi kasi kita napansin kanina. Bihira lang naman kasi na may dumadaan sa field kapag tanghali. Yan tuloy may pasa ka sa cheekbone" nanlaki ang mga mata ko. May pasa ako sa mukha?!

Napahawak ako dun agad. Napangiwi pa ako dahil kumikirot nga.


"Gusto mo ba ng ice bag pa?" nagwo worry yung tono niya pero umiling ako. Pakiramdam ko nga na overslept ako. Teka anong oras na ba?


"Anong oras na pala?" I asked.


Sinipat niya ang wrist watch niya at tinignan ako ulit "Five thirty na ng hapon" he confirmed. I scrumbled to my feet. Naku hapon na pala! Lagot ako kay mama nito!


"Hey saan ka pupunta?" pigil niya sakin at hinapit ang siko ko


"Kailangan ko na umuwi. Hinahanap na ako samin" nagpupumiglas na sabi ko. Binitawan naman niya ako kaya nagtatatakbo na ako palabas. Ugh, kailangan ko na mag isip ng napakagandang dahilan kung bakit ako inabot ng ganitong oras dito sa school! Palubog na nga ang araw eh


"Ihahatid na kita" nakasunod pala siya sakin. Hindi na lang ako sumagot. Umakyat ako sa gym para magpunta sa locker room. Nandun ang mga gamit ko. Nang makuha ko na ang lahat ng yun tinignan ko agad ang cellphone ko. 200 missed calls galing kay papa!


"Im dead, im so dead!" sigaw ko na halos paiyak na


"Hinahanap ka na ba sainyo? Tara na nga kasi ihahatid na kita" hinatak niya na ako. Nagpatianod na lang ako. Siguro nga magpapahatid ako tapos kakasabwatin ko siya para magdahilan. Ugh patay talaga ako!


"Manilla.." napahinto kami nang may tumawag sakin. Si Derick. Nakasandal siya sa pader at nagyoyosi.

Medyo lumuwang yung pagkakahawak sakin ni.. Nino nga ba?


"Anong pangalan mo?" tanong ko


"Robie"

Ayun, ni Robie. Hindi naman kami tuminag sa pagkakatayo namin. Tinitignan lang namin si Derick habang sige pa din siya sa pagbuga ng usok. Ugh hindi niya ba alam na tuwing nagyoyosi siya nababawasan ng isang minuto ang buhay niya?!


"Halos mag gagabi na. Bakit nandito ka pa?" sa wakas nagsalita na ulit siya. Tinapon niya na lang yung stick kung saan at nilagay sa bulsa ng pants niya ang dalawang kamay niya.


"Galing ako sa clinic" sagot ko. Kahit na in the first place dapat hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. But wait, bakit siya din nandito pa?


"Clinic? Bakit ano ang nangyari sayo?" nakakunot na naman ang noo niya at dahan dahan na lumalapit samin. Napakapit naman ako kay Robie. Nararamdaman ko na pati siya nate tense.


"Ugh, wala may katangahan lang na nangyari sakin kanina" sagot ko at tumawa. Grr ang awkward naman kasi. Tapos kaming tatlo lang ang nandito. Sign na umuwi na talaga ang lahat

He smirked. Pumameywang siya at tinignan naman si Robie na parang sobrang kabado.


"Ihahatid ko sa kanila si Ms. Dela Serna" sabi niya kay Derick at hinatak na ako. Halos kaladkarin naman niya ako. Hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataon na lingunin si Robie. Kulang na lang buhatin niya ako!


"Oy ano ba naman nasasaktan ako!" singhal ko sa kanya. But he didnt even bother to slow down a bit


"Lusterio ano ba!" sigaw ko. Na parang nagpabalik naman sa katinuan niya. Huminto kami at tinignan niya ako


"What?" he growled


"Nasasaktan nga kasi ako!"


"Eh ano naman? Tara na!" I jerked my hand away at masama siyang tinignan


"What do you think you're doing huh?" hamon ko sa kanya


"Ihahatid lang kita. That's it. So snap out of this!"


"Hindi ko sinabing ihatid mo ako!"


"Pagtatalunan pa ba natin to? O sige gawin natin hanggang mamayang hating gabi. Walang problema sakin yun! Eh ikaw? Patay kang totoo sa magulang mo!"


"Kekekeke! Uuwi na lang ako mag isa!"

Nilagpasan ko na siya at mabilis naglakad. First it was the stupid beef steak. Ngayon naman itong paghahatid sakin. Ayoko ng pag uugali niya. Ginagawan niya nga ako ng pabor pero wagas siya kung pakitunguhan ako.


"It will take you forever kung maglalakad ka. Hop in" nakasunod siya sakin at nakasakay sa sasakyan niya. Whatever!


"Manilla ang tigas ng ulo mo!"


"Wala kang pakiilam! Get lost!"

Kung basta niya na lang hininto yung sasakyan niya at mabilis na bumaba. Hinarangan niya ang dadaanan ko.


"Sumakay ka na sabi"


Matagal ko muna siyang tinignan. Hinampas ko sa dibdib niya yung bag ko "Exactly bakit mo ba to ginagawa huh?"

For a while binuksan niya ang bibig niya na parang may sasabihin. But closed it again.


"Masama ba na ihatid lang kita? That's what classmates do!"


"Hindi mo ako kilala! Kaya kung pwede ba layuan mo ako! Kanina sa cafeteria nung binigyan mo ako ng steak kung ano ano sinasabi ng iba. Ano pa ngayon kapag ihahatid mo ako?!"


"Wala akong nakikitang mali dun Manilla! Kaya nilang umuwi mag isa!"


"At hindi ko kaya ganon?!"

Sinuklay niya yung buhok niya gamit ang palad niya at pabalik balik na naglakad sa harapan ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin.


"See, kung ayaw mong magpahatid e di huwag! Hindi ko kailangan ipilit ang sarili ko sayo!" sigaw niya sakin at padabog na bumalik sa sasakyan niya. Pinaharurot niya yun hanggang sa hindi ko na nakita.

I dont know what's gotten to him. Hindi naman kami nagpapansinan na talagang magkadikit. Ang nakikita ko lang naman na posibilidad eh baka naaawa siya sakin.

Anopaman, ayokong magtiwala sa kanya. Hindi basta bastang tao si Derick Lusterio.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...
1M 31.8K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
9.6K 113 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
179K 3.1K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED