Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 52: Flashback

177K 2.8K 145
By chimchimimi

Chapter 52: Flashback

I was 15 years old that time. Halos limang taon na rin mula nung mamatay ang papa ko. At sa limang taon na yun ay sinubukan namin ni Mama na mamuhay na parang walang nangyari. Na parang hindi nawala si Papa sa amin.Alam kong mahirap pero dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid namin lalong lalo na ni Tito, ang kapatid ni Papa na isang pari at nung kinakapatid ko na si Joseph ay unti-unti naming natanggap ang lahat.

 

Hindi nila kami iniwan at mas lalo tinatagan ni Mama ang loob niya na buhayin ako mag-isa.

 

Sobra-sobrang sakripisyo ang ginawa niya sakin and I love her so much.

 

Araw-araw siyang nagtatrabaho para lang mabuhay ako. Sa tuwing wala siya, iniiwan niya ako sa simbahan at inihahabilin kay Joseph at Tito. Ayaw niya kasi akong palaging nag-iisa sa bahay lalo na’t palagi rin siyang wala.

 

Pagkatapos niya sa trabaho ay susunduin niya na lang ako dun at sabay na kaming umuuwi sa bahay namin.

 

Isang araw habang pauwi kami ni Mama ay nagulat na lamang kami nang may makita kaming isang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. Mukhang may sadya yata ito sa amin o sa nanay ko. Nakatanaw kasi ito sa bahay namin.

 

Hindi ko siya kilala pero kilala pala ito ni Mama.

 

“Ernesto? Ikaw ba yan?” lumapit si Mama sa kanya at bigla na lang itong niyakap.

 

“Eunice, akala ko hindi na kayo dito nakatira” sabi naman nung lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang yata ni Mama.

 

“Ano nga palang ginagawa mo rito? Halika, pumasok ka sa bahay. Malapit nang maggabi kaya lumalamig na” pumasok naman sila sa bahay. Patuloy lang ako sa pakikinig sa usapan nilang dalawa. Halatang masaya silang dalawa nang magkita sila.

 

“Pwede bang dito muna ako makituloy? Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Puro kasi usok ng tambutso ang nalalanghap ko sa Manila” napansin ko naman na may dala siyang malaking bag.

 

“Aba’y oo naman” hay. Si Mama hindi na ako napansin. Busy sa bisita niya. At ano daw? Makikitira dito yung lalaki? Eh hindi ko nga yun kilala.

 

Bigla akong nacurious. Sino kaya siya? Di kaya boyfriend siya ni Mama?

 

Pero wala namang sinabi sakin si Mama na may boyfriend siya at sinabi niya rin sakin noon na wala siyang balak mag-asawa ulit. Base rin sa narinig kong pag-uusap nila ay matagal na silang hindi nagkikita.

 

“Ma!” tawag ko rito at dun niya lang naalala ako.

 

“Ay! Siya nga pala Ernesto” lumapit sa akin si Mama “Siya si Euphy, ang nag-iisa naming anak ni Philip.Euphy, siya ang Tito Ernesto mo. Kapatid ko yan kaya magmano ka” nagulat na lamang ako sa sinabi ni Mama.

 

Kapatid?

 

“Ma, may kapatid ka po?” tanong ko sa kanya. Never kasing nabanggit ni Mama na may kapatid siya at sa pagkakaalam ko ay nag-iisa lang itong anak.

 

“Oo may kapatid ako. Sorry kung di ko siya naikwento sayo” lumapit na ako dun kay Tito Ernesto daw at nagmano sa kanya.

 

“Ang laki mo na Euphy ah. Dalagang-dalaga ka na. Huli kitang nakita noong baby ka pa lang” bigla ring naging kumportable ang loob ko sa kanya.

 

“Sorry din po kasi di ko alam na kapatid kayo ni Mama” sabi ko sa kanya.

 

“Ayo slang. Sikreto lang kasi na magkapatid kami. Ako, yung nanay mo at yung tatay mo lang ang nakakaalam. Half siblings lang kami, yung lolo mo kasi babaero” tumigil na sa pagsasalita si Tito nang nagsalita naman si Mama.

 

“Anak, alam mo kasi anak lang naman ako sa labas ng lolo mo kaya kailangang itago yung tunay kong pagkatao para hindi masira ang reputasyon ng lolo mo pero kahit ganun hindi masakit ang loob namin sa isa’t isa ng Tito Ernesto mo kasi magkapatid pa rin kami. Tingnan mo oh, close na close kami” sinabi niya yun ng walang pag-aalinlangan. Nakangiti pa nga siya nung sinabi niya yun eh.

 

Ibig sabihin anak sa labas ang nanay ko? Ang alam ko kasi lumaki si Mama na walang tatay pero hindi ko naman alam na ganun pala yung sitwasyon.

 

Lumipas ang ilang linggo at dun namalagi saamin si Tito Ernesto. Actually, ang bait bait niya. Sabi kasi ni Mama mayaman siya pero ang bilis niyang makaadjust sa buhay probinsiya. Siya na rin minsan ang gumagawa sa mga gawaing bahay. Tinatanong ko nga siya kung anong ginagawa niya sa probinsiya at ang palagi niyang sagot ay gusto niya munang magpahinga dahil nakakapagod daw ang buhay niya sa lungsod. Humingi rin siya ng paumanhin sa amin dahil hindi raw siya nakapunta sa libing ni Papa dahil nasa US daw siya nung mga panahong iyon.

 

I also celebrated mg 16th birthday kasama siya. Si Mama kasi ay may trabaho at hindi raw siya pwedeng magleave kaya naman ay pinasyal ako ni Tito Ernesto sa mall at binilhan ng mga damit.

 

Mula nung araw na tumapak si Tito sa buhay ko ay tinuring ko na siyang parang tunay kong ama. Ang bait-bait niya. Sobra.

 

Nakilala niya na rin ang Tito kong pari at si Joseph. Naging magkaclose nga sila ka agad eh.

 

One time, habang nasa bahay kami ay bigla na lang may sinabi sakin si Tito.

 

“Alam mo Euphy, sana may anak rin akong babaeng tulad mo. May anak rin kasi ako kaso isa lang. Si Henry” nagulat ako sa sinabi niya.

 

“May anak po kayo?” tumango ito.

 

“Meron. Lalaki at mas matanda siya sa iyo ng mahigit isang taon at may asawa rin ako” 

 

“Talaga ho? May pinsan pala ako! Pero, anong ginagawa niyo pa rin dito at bakit hindi pa kayo umuuwi sa pamilya niyo?” ilang linggo na siya dito. Kamusta naman kaya yung naiwan niyang pamilya?

 

Sasagot na sana siya nang biglang tumunog  yung cellphone niya.

 

“Euphy, sasagutin ko lang itong tawag” sabi niya. Sinagot niya yung tawag pero hindi ko naman narinig yung usapan nila kasi lumabas siya ng bahay.

 

Bat ganun? Feeling ko may mali eh. Sinundan ko siya sa labas pero hindi ako sa kanya nagpakit. Nagtago lang ako sa may dingding at pinakinggan ko si Tito.

 

“Ano ba?Di ba sinabi ko na sayong magpapalamig lang ako ng ulo ko?!” mula sa naririnig ko ay naiinis at nagagalit siya.

 

“Linoko mo pa rin ako. Nakipagrelasyon ka sa ibang lalaki kahit may asawa ka na! Sa tingin mo kaya kitang patawarin?”

 

“Gusto mong patawarin kita? Sige, sabihin mo muna kay Henry ang lahat! Aminin mo yung kasalanang nagawa mo! Aminin mong may kabit ka! Ano kaya ang mararamdaman ng anak natin kapag nalaman niyang may kabit ang nanay niya?”

 

Tahimik lang akong nakikinig.

 

“Gusto mo talagang malaman kung nasaan ako? NANDITO AKO SA KABIT KO KASAMA ANG ANAK NAMIN! Ano?! Masaya ka na?! Ha?!” at sinarado niya na yung cellphone niya.

 

Nagulat naman siya ng makita ako. Puno naman ng lungkot ang mukha niya.

 

“Euphy, pasensya ka na sa mga narinig mo ha? Sa sobrang galit ko sa asawa ko, kung anu-ano na ang mga nasabi ko”

 

“Naiintindihan ko po” hindi na ako nagsalita pa.

 

Buong gabi na hindi ko nakausap si Tito. Malala talaga yung naging away nila. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nandito si Tito. Siguro gusto niya munang makalayo sa asawa niya pero naiisip ko yung anak nila. Kawawa naman siya walang kaalam-alam sa sitwasyon ng mga magulang niya.

 

The next day, kaming dalawa lang ang nasa bahay ni Mama dahil umalis si Tito. Hindi namin alam kung saan nagpunta basta ang huli niyang sinabi ay maglalakad lakad lang daw siya. Nirespeto na lang namin yung desisyon niya dahil alam namin ni Mama na kailangan niyang mapag-isa. Alam pala ni Mama yung sitwasyon ni Tito.

 

Narinig na lang namin na bumukas yung gate. Akala ko si Tito na yun pero bigla na lang may kumatok. Nasa kusina si Mama kaya ako na ang nagbukas.

 

Nagulat na lamang ako nang makita ang isang matangkad na lalaki. Mukhang kaedad ko lamang siya o di kaya’y mas matanda pa ito sa akin ng isang taon.

 

Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita ito.

 

“Ikaw ba ang bastadong anak ng tatay ko?” nagulat na lamang ito ng maglabas ito ng baril at itinutok sa akin. Bigla na lang akong hindi nakagalaw. Natatakot kasi ako sa anumang pwede niyang gawin sa akin.

 

“S-sino ka?” mahina kong tanong dito.

 

“Umamin ka! Ikaw ang bastadong anak ng tatay ko, diba?!” sigaw niya. Nakatutok pa rin ang baril sa akin.

 

Napaisip naman ako bigla. Sa pagkakaalam ko, isa akong legal na anak ng namayapa kong ama. Wala naman itong ibang pamilya bukod sa amin. Imposible naman ang pinagsasasabi ng lalaking ito.

 

And then bigla kong naalala yung narinig ko kahapon.

 

“Ikaw si Henry, diba? A-ano, nagkakamali ka! Hindi totoo ang sinasabi m-“ hindi niya na ako pinatapos ng bigla siyang sumigaw.

 

“SHUT UP!” mas lalo niyang tinutok ang baril sa akin.

 

“Anak! Anong ingay yan?!” Shit! Si Mama!

 

Lumabas si Mama galing kusina at nagulat na lang sa nakita niya. Bigla namang tinutok ni Henry yung baril kay Mama.

 

“At ikaw naman yung kabit ng magaling kong ama diba?”

 

“Henry! Nagkakamali ka! Hindi totoo ang mga sinasabi mo!” pigil ko sa kanya. Pero huli na pala…

 

“Ang dapat sa inyo napupunta sa impyerno” at bigla na lang akong nakarinig ng putok ng baril. That was the moment na gumuho ang mundo ko.

 

“Malapit na tayo” nabalik ako sa sarili ko nung magsalita si Henry. Kasalukuyan kaming nasa kotse niya at papunta sa bahay nila.

Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. Tahimik lang ako the whole time. Si Henry lang yung nagsasalita sa amin.

Medyo maluha-luha ako nung maalala ko ulit yung mga pangyayari noon. Nung time ma binaril ni Henry ang nanay ko. Yung napagkamalan niya kaming pangalawang pamilya ng tatay niya.

“You know what, di ko talaga sinasadya na mabaril ang nanay mo. Lasing lang ako nun. Akala ko kasi may ibang pamilya ang dad ko. Nakita ko kasing umiiyak si Mom at nasabi daw ni Dad na kasama niya ang kabit niya at anak sa labas. Akala ko nasa business trip yun. Nagalit ako kaya inalam ko kung nasaan si Dad at buti na lang napagtanungan ko yung kaibigan niya kaya nalaman ko kung nasaan siya. Yun pala hindi naman totoo na may ibang pamilya si Dad. Si Mom pala ang nanloko.” Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Gusto ko siyang sigawan kaso pagod na akong makipag-away sa kanya. Ayoko na.

Hindi siya nakulong dahil sa Tito kong pari. Iniurong niya yung kaso sa kanya dahil menor de edad pa lang ito nung panahon na iyon at saka bigyan daw siya ng second chance. Hindi ako sumang-ayon sa kanya. That was the biggest fight I’ve ever had with my uncle.

Sa huli ay wala akong nagawa. Masakit man sa loob ay tinanggap ko ang desisyon niyang iurong ang kaso laban kay Henry.

Matapos nun, hindi ko na nakita pa si Tito Ernesto at nabalitaan ko na lang na umalis daw si Henry patungong ibang bansa.

“Nandito na tayo” sabi niya. Tumigil kami sa isang malaking bahay.

Bumaba kami sa kotse at pumasok sa loob. Maganda ang bahay pero nararamdaman ang lungkot dito.

“Mom, nandito na ako.  Kasama ko rin po si Euphy” sabi ni Henry dun sa babaeng papalapit.

“Ikaw pala si Euphy. Ako ang Mommy ni Henry at ako ang asawa ng Tito Ernesto mo” pakasabi niya nun ay niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Kahit na alam ko ang ginawa niya sa pamilya niya noon ay parang wala akong maramdamang pang-uuyam sa kanya. She looks kind and sweet.

Matapos ang ilang sandal ay dinala na ako ni Henry sa kwarto kay Tito and it broke my heart nang makita ang kalagayan niya.

“Anong nangyari?”

“Naparalyzed ang half body niya at mahina na rin ang lungs niya.  Iwan na muna kita dito.” sagot ni Hnery sakin.

Unti-unti naman akong lumapit kay Tito.

“Tito” sambit ko sa kanya.

Minulat nito ang mata at laking tuwa siya nang makita ako.

“Euphy” mahinang sabi niya.

“Euphy.. kamusta na?” hinawakan niya ang kamay ko. Tuluyan nang umagos ang mga luha ko kaya naman ay niyakap ko siya.

“Tito..” ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko.

Ilang oras din akong nagstay dun para makausap si Tito pero dahil kailangan niya nang magpahinga ay aalis na rin ako. Pero nangako ako sa kanya na madalas ko na siyang bibisitahin.

Dun na din ako nagdinner sa kanila at mas lalo kong nakilala ang nanay ni Henry. Mabait siya at sabi niya naman ay pinagsisisihan niya na ang nagawaniya sa pamilya niya noon.

Hinatid na rin ako ni Henry sa bahay ko. Habang nasa kotse marami akong naisip at narealize.

Kung tutuusin, halos pareho din ang napagdaanan naming sakit ni Henry. Nawalan ako ng mga magulang samantalang siya muntik nang magkawatak watak pero nandyan pa rin. Hindi rin siguro biro yung time na umalis siya ng bansa.

Hay! Naalala ko lang tuloy yung mga pinag-usapan namin ni Tito Ernesto kanina.

Naiintindihan niya raw kung bakit hindi ko pa mapatawad si Henry pero sana ay makuha ko sa puso ko ang kapatawaran sa kanya. Maging siya ay napatawad niya na ang anak niya. Nakikita ko sa mga mata ni Henry na mabait siya pero oras na nga ba para sa akin na gawin ang bagay na iyon?

Nakarating na kami ng building at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

“Euphy, alis na ako. Maraming salamat kanina. Tinupad mo ang hiling ni Dad” sabi niya. Aalis n asana siya ng atwagin ko siya.

“Henry, wait” pinuntahan ko siya at bigla ko siyang niyakap.

“Salamat din sayo at dinala mo ko kay Tito Ernesto.” Sincere ko siyang niyakap.

“Eh tayo? Kailan tayo magkakaayos? Kailan mo ko mapapatawad?” tanong niya.

“Alam mo, napag isip isip ko na masama ang magtanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa gaano man kalaki ang kasalanan nito sayo. Sa loob ng maraming taon ay nabalot ang puso ko ng pagkamuhi sa puntong parang ako na tuloy yung naging masama. Ako nga dapat ang patawarin mo…” bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

Napakalas siya ng yakap sakin.

“Ibig sabihin ba nito..?” tanong niya na may kaunting pag-asa sa kanyang mga mata.

“Kalimutan na natin yung nangyari noon. Magsimula tayo sa umpisa. Alam ko namang nagsisisi ka na sa mga nagawa mo noon. Sa tingin ko naman ay enough na yung mga naranasan mo. Ayoko nang magalit pa. Pagod na pagod na ako. Gusto kong mabuhay na walang galit na kinikimkim. Tapos na yung noon, isipin na lang natin yung mangyayari ngayon. Masama man yung nangyari noon eh di gumawa tayo ng bagong alaala” bigla na lang siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit.

“Thank you, Euphy. Thank you! It’s a miracle. I can’t believe na mangyayari ito”

“Pinsan kita. At sigurado akong may maganda kang puso kaya deserve mo ang kapatawaran ko. Yung Tito ko ngang pari napatawad ka maging ang Diyos ay nagpapatawad, eh ako pa kaya na isang ordinaryong tao lang?”

Pakiramdam ko ay para akong nabunutan ng isang libong tinik sa puso ko.

************

Sorry sa typos. Inaantok na kasi ako eh kaya di ko naedit. Kung may mali or di kayo naintindihan just comment below. Alam kong maraming mali sa chapters na ito kaya edit ko na lang bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

5.7M 55.3K 48
Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang...hindi ito alam ni Jeff. Kaya naman ngayo...
5.3M 12.7K 5
Si Khloie Sandoval ay baliw na baliw kay Drake Palermo. Si Drake ay isang malanding lalaki, may laging ka-sex at dahil nga gusto siya ni Khloie ay ha...
189K 11.4K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
103K 1.9K 20
A bestfriends journey of friendship and love. Paano kung ang isang taong nangakong magiging kakampi mo sa lahat ng bagay biglang iwan at layuan ka ng...