Ang Babae sa Crossing [PUBLIS...

By DyslexicParanoia

1.1M 25.4K 1.9K

Katropa Series Book 2 [Completed] Language: Filipino May babaeng nagpapakita, nanunukso at pumapatay sa isan... More

Ang Babae Sa Crossing
Ang Babae sa Crossing Part 1
[Part 1] KABANATA 1
[Part 1] KABANATA 2
[Part 1] KABANATA 3
[Part 1] KABANATA 4
[Part 1] KABANATA 6
[Part 1] KABANATA 7
[Part 1] KABANATA 8
Ang Babae Sa Crossing Part 2
[Part 2] KABANATA 1
[Part 2] KABANATA 2
[Part 2] KABANATA 3
[Part 2] KABANATA 4
[Part 2] KABANATA 5
[Part 2] KABANATA 6
[Part 2] KABANATA 7
[Part 2] KABANATA 8
[Part 2] KABANATA 9
[Part 2] KABANATA 10
[Part 2] KABANATA 11
[Part 2] KABANATA 12
[Part 2] KABANATA 13
[Part 2] KABANATA 14
[Part 2] KABANATA 15
[Part 2] KABANATA 16
[Part 2] KABANATA 17
[Part 2] KABANATA 18
[Part 2] KABANATA 19
[Part 2] KABANATA 20
[Part 2] KABANATA 21
[Part 2] KABANATA 22
[Part 2] KABANATA 23
[Part 2] KABANATA 24
[Part 2] KABANATA 25
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

[Part 1] KABANATA 5

54.2K 1.1K 107
By DyslexicParanoia

I was in and out of my consciousness. Nakakaaninag ako nang bahagya, nakakaramdam, at nakakarinig, pero pagkatapos ng ilang saglit, ay magdidilim muli. Naramdaman kong ikinalong ni Art ang aking ulo. Naaninag ko rin sina Mitch, Jon at Benj na nakatayo sa gilid ng kama ko. Pakiramdam ko'y lumulutang naman ako, nang binuhat na ako ni Jason mula sa sahig, bago niya ako inihiga sa ibabaw kama ko. Ang nobya naman niyang si Helga ay nasa tabi niya. May hawak itong first aid kit, para lapatan ng unang lunas ang hindi mabilang na mga sugat sa aking buong katawan.

Naaninag ko si Nicole na nakatayo sa unahan ni Mitch. Si Mitch na nakatayo sa bandang likuran naman ni Jon. Matatalim ang mga titig niya sa akin, mga titig na nagsasabing hindi siya nasisiyahan na buhay pa ako.

Nangingibabaw sa aking pandinig ang tila tambol na pagtibok ang aking puso. Kumpirmado. Hindi nga siya tao. Pero hindi ko naman malaman kung bakit malakas din ang kutob kong hindi rin siya multo.

Paminsan-minsang napapasigaw ako sa sobrang hapdi, habang nilalapatan ni Jason ng unang lunas ang aking mga sugat. At sa aking bawat pagkurap, ay tila lumilipat-lipat naman nang puwesto si Nicole sa aking paningin. I am definitely disoriented, kaya naman hindi ko na rin sigurado kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko sa aking mga katropa, bago ako tuluyang nawala sa aking ulirat.

Nasa ospital na ako nang magising ako kinaumagahan. Nagising akong kasa-kasama ko na ro'n ang aking mga magulang, at ilang malalapit na pinsan.

"Naniniwala ako sa iyo, Cuz." Bulong sa akin ni Bernadette. Isa sa tatlong pinsan kong naroon. Hindi kasi naniwala ang mga magulang ko—at ang dalawa ko pang pinsang sina Derek at Lance, sa mga ikinuwento ko. "Palagay ko, kailangan na natin ng tulong ng mga espiritista o di kaya naman ay 'yung mga paranormal expert. May kakilala ako. Sigurado ako na matutulungan niya tayo."

Mabuti pa siya. Kahit na alipin siya ng siyensya, dahil sa pag-aaral niya ngayon ng medisina ay naniniwala pa rin siya na may mga bagay sa mundong ibabaw na hindi sakop ng lohikal na pang-unawa ng bawat tao. Mabuti naman, na kahit pa'no, ay may naniniwala sa mga kadugo ko; na hindi ako nababaliw o nagha-hallucinate, na hindi talaga tao ang may kagagawan ng mga nangyari sa akin.

"Magandang umaga po!" Bungad ni Luke sa may pintuan. Nakita kong nagkatinginan sila ni Bernadette—bagama't umiwas din kaagad ng tingin si Luke.

"Oh my gosh, Cuz." Kinikilig na bulong sa akin ni Bernadette. "Ang guwapo talaga niya." Nginisian ko lamang siya at saka umiling.

Matagal na kasi niyang crush si Luke. Nagsimula 'yun no'ng nakita niya si Luke sa bahay namin 3 years ago. Ang kaso, mukhang katulad din namin sila ni Rhea noon--Dead na dead si Bernadette, pero hindi naman siya trip ni Luke.

"Darating na rin po ang iba pa naming mga kaibigan," sabi ni Luke sa aking mga magulang, "Kami na lamang po muna ang magbabantay kay Tristan hanggang mamayang hapon, para makapagpahinga naman po kayo."

"Shit cuz, ang bait pa niya..." Kinikilig na bulong muli sa akin ni Bernadette.

"Sorry ka na lang cuz," pabulong na biro ko. "He just not into you." Bahagyang hinampas ako ni Bernadette, na tumama naman sa isa sa mga sugat ko. "Ugh!" Daing ko.

"Naku sorry, Cuz. Nakalimutan ko sorry," bulong niya. "Ikaw naman kasi, panira sa pantasya ko, hmp!"

Namimilipit man, natawa na lang ako. Maganda naman si Bernadette, pero hindi ko alam kung bakit hindi siya napapansin ni Luke. Malamang ay dahil 'yun sa medyo pihikan din kasi si Luke, bukod sa parati siyang pre-occupied. Si Luke kasi 'yung tipo na parating may iniisip. 'Yung tipo ba ng tao na kung minsa'y akala mo tinitingnan ka niya, pero 'yun naman pala, lumilipad lang ang isip nito.

Ilang minuto ang lumipas, nagsidatingan na rin ang iba pang mga katropa ko. Dahil do'n, ay pansamantalang nakauwi ang mga magulang ko't mga pinsan.

Ilang araw din akong na-confine. Pero do'n na muna ako pinauwi ng mga magulang ko sa amin. Para raw mas maalagaan ako ng Mama ko, at para na rin may regular na kasama at tumitingin-tingin sa 'kin. Dahil sa kalagayan ko, ang dami kong na-miss. Bukod sa ilang linggong lessons, na-miss ko rin ang secret marriage ng matalik kong kaibigang si Jason at ng kanyang nobyang si Helga.

"Hindi na raw doon nakatira sa dorm si Rhea." 'Yun ang balita sa akin ni Luke, nang minsang dinalaw niya ako sa bahay. "Namatay daw ang Lola niya no'ng mismong madaling araw na dinala ka sa ospital. At simula no'n, hindi na rin siya nakapasok sa school. Pinuntahan namin ni Benj 'yung sinasabi nilang bahay ni Rhea at ng Lola niya, pero paupahang bahay din lamang pala 'yun, at hindi na rin daw sila do'n nakatira.

Ayon sa kapitbahay, pinaalis daw do'n si Rhea isang linggo matapos mamatay ang Lola niya. Halos kalahating taon na raw pala kasi silang hindi nakakabayad ng renta. Maging ang kuneksyon ng kanilang tubig at ilaw, ay putol na.

Napapaiyak na lamang ako sa mga nababalitaan ko. Bukod kasi sa sakit ng katawa'y nag-aalala ako kung nasaan na ang Rhea ko.

Ok lang ba siya?

Sinaktan din ba siya Nicole?

Nasa maayos ba siyang kalagayan?

May nasisilungan ba siya?

"Luke," Nang mahulasan na ako sa pag-iyak. "Tulungan niyo ako. Kailangang mahanap ko si Rhea. Nag-aalala ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya."

"Huwag ka nang mag-alala Tristan," sagot ni Luke sa akin. "Magpahinga ka na lang muna at magpagaling. Humahanap na kami nina Benj at Jason ng paraan para mahanap siya."

Dumaan ang tatlong buwan, at halos isang buwan na rin akong nakabalik sa iskwela'y wala pa rin kaming nababalitaan kay Rhea. Nakapagtataka naman na maging si Nicole ay hindi na rin ako ginagambala.

Hindi ko maipaliwanag ang depression ko. May mga panahon na napapaiyak na lamang ako na tila isang siraulo. Kasalanan ko 'to. Kung hindi dahil sa 'di mapigilang libog ko, hindi mangyayari sa amin ni Rhea 'to.

* * *

"I'll see what I can do," sagot ni Jonathan sa akin. Ayoko sana siyang isali sa mga problema ko, dahil hindi naman kami masyadong close. Pero desperado na akong mahanap si Rhea, at si Jonathan lamang, bukod kay Luke, ang kilala kong maraming kuneksyon at kaparaanan, para mahanap ang isang tao—o makakalap man lamang ng mahahalagang impormasyon sa mga bagay-bagay. Si Luke ang eksperto sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay, si Jon naman, sa mga tao.

Hindi ko inaksaya ang panahon ng aking paghihintay, kumalap din ako ng mga impormasyon tungkol kay Nicole. Inimbestigahan ko ang iba pang mga kalalakihan na nakaingkwentro sa kanya. Tinanong ko sila isa-isa, partikular na sa kung anu-ano ang mga ginawa nila para lubayan na sila ni Nicole.

"Nawala na lamang siya at hindi na ako ginambala." Ang sabi ng isa.

"Tumigil siya ng kusa," ang sabi ng isa pa. "Ang tanging paraan daw para lubayan ka niya ay ang hintayin na makahanap siya ng ibang taong mapagbubuntunan niya ng galit."

"I learned it the hard way na hindi siya si Nicole," ang sabi naman ng isa pa sa mga nabiktima--na mukhang marami na ring nakalap na impormasyon tungkol sa babae sa crossing. "Ang totoong Nicole ay matagal nang patay, at ang espiritu niya ay matagal nang nanahimik simula nang humingi ng tawad ang lalaking diumano'y nang-iwan sa kanya." Ipanikita pa niya sa akin ang ilang litrato ni Nicole, kasama ng ilan pa sa mga dokumentong nakalap niya. "Ang nilalang na nanunukso sa mga lalaki sa may crossing ay napag-alaman kong isang... Succubus. Isang uri ng babaeng demonyong malibog, sadyang nanukso sila ng mga kalalakihan para makipagtalik sa kanila. Ginamit lamang nito ang hitsura ni Nicole para makapang-akit. Kung tinigilan ka na niya, maaring nakahanap na siya ng ibang mabibiktima."

Oh shit! Ang ibig sabihin ba no'n ay nakipagtalik talaga ako sa isang... demonyo? Ulk!

"Hanep naman pala ang sex appeal mo pare, pang-supernatural!" Pangangantyaw sa aking ng alaskador na si Benj. "Pang-out of this world, astig!" Sabay halakhak.

"Hindi ka nakakatawa!" Singhal ko sa kanya, sabay sipa sa kanyang binti.

"Aray ko naman!"

"Kasalanan mo, g@go ka eh!" sabi ko.

"Ano bang pakiramdam nang maka-sex ang isang Succubus?" Nakangising tanong ni Mitch.

Hindi ako sumagot. Sinimangutan ko lamang siya. Ayokong sagutin, dahil paniguradong kakantiyawan na naman ako ni Benj. Pero ang totoo, naalala ko pa ang pakiramdam... it was weird from the very beginning. Hindi ko maintindihan kung bakit parati akong nanghihina pagkatapos ng bawat naming pagtatalik. Isang round lang, pero parang pagod na pagod na agad ako. Kaya naman pala, hindi naman pala kasi siya tao, hindi rin multo, kung hindi isang... demonyo.

Shit! Demonyo ang first time ko?

Habang-buhay na akong gagambalain ng masamang alaalang 'to, isang masamang alaala na naganap dahil sa katangahan ko. Isang masamang karanasan nang dahil sa pag-iwas ko sa babaeng dapat noon pa ma'y minahal ko na sana.

Rhea.

Miss na miss na kita.

Nasaan ka na ba?

* * *

"Rhea Castro ang ibinigay mo sa aking pangalan 'di ba?" Si Jon. Sa wakas ay ipinatawag na niya ako upang ibalita ang mga nakalap niyang impormasyon

"Oo, bakit?"

"Hindi 'yon ang tunay niyang pangalan."

"Ha?"

"Ang tunay niyang pangalan ay Andrea Romina Uy Castro. Isang Filipino-Chinese na pangalawa sa dalawang anak ng yumaong Lucia Uy-Castro at ng mayamang negosyateng si Romeo Castro na nagmula sa Malolos, Bulacan."

"M-May nakalap ka bang impormasyon kung nasaan siya?"

"Napag-alaman ko na wala na siya rito sa bansa."

"H-ha? Alam mo ba kung nasaang bansa siya?"

"Nasa Amerika."

Umalis siya? Umalis siya at hindi man lamang nagpaalam sa akin? Bakit ganun? Ayos naman kami no'ng huli kaming nagkita ah?

Nahalata yata ni Jon ang pagsimangot ko.

"Girlfriend mo ba 'yung babaeng ipinahanap mo sa akin?"

Hindi ko siya sinagot, at hindi naman niya ako pinilit na sagutin 'yung tanong niya. Mabuti naman. Dahil ayokong sabihin sa kanya na girlfriend ko nga ang babaeng ipinahanap ko, na basta na lamang naman akong iniwan. Kahit ganito ako, may pride ako. At katulad ng kahit sino, napapahiya rin ako na basta na lamang ako iniwan ng isang tao.

Napag-alaman ko kay Jon na matapos mamatay ang Lola ni Rhea—na ina ng kanyang nasirang ina, ay kinupkop na siya ng kanyang tiyahin, na kapatid naman ng kanyang Ama. Ang tiyahin pala niyang ito ay nasa Amerika, at siyang nagsisilbing tagapamahala ng lahat ng mga naiwang ari-arian ng kanyang yumaong mga magulang. Matagal na pala siyang hinahanap ng kanyang tiyahin, na nawalan naman ng kumunikasyon sa kanya, dahil inilayo siya dito ng kanyang Lola; inilayo raw siya ng matanda, dahil sa malalim na alitan nito at ng kanyang tiya.

"Huwag ka nang malungkot," pag-alo sa akin ni Jason. "Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin no'ng mga panahong parati akong nababasted na... marami namang mga isda sa dagat?" pabirong sabi ni Jason sa akin. "Kita mo naman ang nahuli ko sa pagsunod ko sa advice mo, and the best part? Naging misis ko na ang nahuli ko!"

Hindi ko na siya sinagot. Tumahimik na lamang ako. Aanhin ko naman kasi ang napakaraming isda sa dagat, kung 'yung gusto kong mahuli ay 'yung ayaw namang kumagat! Lintek na buhay, parati na lang akong sablay! Ang unang karanasan ko, sa demonyo pa. Nagka-girlfriend nga ako ng totoo, pero iniwan naman ako.

* * *

Bumilang ako ng araw, na naging linggo, na naging buwan, na naging taon. Ni anino ni Rhea ay hindi ko na nakita. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng internet, pero ni isang litrato niya'y wala akong makuha. Sa ikatlong taon ng paghahanap ko sa kanya gamit ang web search engines... sumuko rin ako.

Nakalulungkot na nasa memorya ko lamang talaga ang hitsura niya. At para na lamang din siyang si Nicole na nabubuhay na lamang sa aking alaala.

Ang hirap. Ganito pala ang pakiramdam ng naiiwan sa ere. 'Yung pakiramdam na, hindi mo alam kung aatras ka, o aabante. Ang problema'y hindi ko naman makuhang maghanap ng ibang babae, lalo't higit dahil siya pa rin ang laman ng aking kokote.

Ngayon ko higit na pinagsisihan ang mga panahong inaksaya ko. 'Yung mga panahon na hinahabol-habol pa niya ako. Kung alam ko lang na magiging gano'n kabilis ang pagkawala niya sa akin, sana no'n pa ma'y pinansin ko na siya at inangkin.

Para na akong baliw na umiiyak sa kawalan. Hinahanap ang wala, umaasa sa wala. Nangangawit ang leeg, sa pagkatingala.

* * *

"Are you gay?" Walang patumanggang tanong sa akin ni Mama. "Ok lamang naman anak kung bakla ka, gusto ko lamang malaman ang totoo kung bakit twenty-seven years old ka na'y wala ka pang ipinakikilala sa aming nobya."

Ako? Bakla?

Sabay-sabay na halakhakan ang aking mga pinsan. Narinig pala nila ang tanong ni Mama. Anniversary party kasi nila ngayon ni Papa, kaya't may kaunting pagsasalo-salo ng kakaunting mga inimbita sa aming bahay.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Si Tristan? Bakla?" Pagsingit ni Luke na ngayon ay boyfriend na ng pinsan kong si Bernadette, "No. Tita." Pagtatanggol niya sa akin. Mabuti naman. "He's straight. May girlfriend nga 'yan dati, Rhea ang pangalan." Sinulyapan niya ako at kinindatan. Pinandilatan ko siya ng mga mata, dahil ayokong mapapag-usapan man lamang si Rhea.

"Eh nasaan na ba ang Rhea na 'to?" tanong ni Mama kay Luke.

Eto na nga po ang iniiwasan ako. Ang maungkat kung sino si Rhea, pati na rin ang aming napakalungkot na istorya.

"Nasa States po, kaya wala rito," sagot ni Luke kay Mama, sabay sulyap at kindat sa akin.

"Gano'n ba? Patingin nga ng litrato ng makilatis ko." Si Mama ulit.

Noon ko na sinamaan ng tingin si Luke, sabay pakita ng aking kamao. Tado! Pahamak talaga! Paano na ngayon, kung wala akong maipakitang litrato man lamang ni Rhea?

"Sandali po," sagot ni Luke. Nagulat ako. May kinalkal siya sa kanyang messenger's bag, inilabas ang isang Magazine, binuklat 'yun ng ilang pahina at saka iniharap sa aming lahat ang tinigilan niyang pahina.

Isa iyong article, na may litrato ni Rhea. Ang titulo ng article: A Young Multi-Billion Filipino-Chinese Entrepreneur Conquers Asian Market.

Nanlaki ang mga mata ni Mama, nakangiting sumulyap naman sa akin si Papa. Parang kapwa sila hindi makapaniwala na ang isang gano'ng kalaking tao'y siya ko palang nobya; erase that—dating nobya. Kung alam lamang nila na ngayon ko rin lang uli ito nakita. At sa kasamaang palad, sa isang litrato pa sa magazine.

"Huwag ka nang magalit 'tol." Paghingi ni Luke ng paumanhin sa akin. "Totoo namang naging girlfriend mo si Rhea, 'di ba?

"Ano pang magagawa ko, eh nasabi mo na?"

"Ginawa ko lang naman 'yun para hindi na nila isiping bakla ka."

"Wow, Thank you ha." That was sarcastic.

"You're welcome." Nakangisi pa ang gago.

Umiiling-iling na tinalikuran ko siya, pero hindi pa man din ako nakalalayo nang...

"Huwag kang mag-alala pare," sabi ni Luke mula sa aking likuran. "Balita ko, uuwi na raw si Rhea rito sa Pilipinas next month. Malay mo, magkabalikan kayo."

Lumingon ako at tinapunan siya nang matalim ng tingin.

"After leaving me in the dark for 7 years? No thanks," sabi ko bago ako tuluyang nag-walk out.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

58.9K 5.6K 129
"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."
94.4K 2K 34
CDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit...
101K 3.3K 25
Napatunayan ni Justeen na trulaloo ang chismaks na kumakalat sa kanilang schoolembang na bekibels ang classmate niya na heartthrob na si Josef nang m...
77K 5.3K 31
The body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfi...