[Part 2] KABANATA 19

20K 622 33
                                    

May tatlong pahinang papel na ibinigay sa amin si Kuya Jasper. Sa mga pahinang 'yon nakalagay, sa kanyang sulat kamay, ang lahat ng mga bagay na maaaring makatulong sa amin sa aming suliranin. At bagama't photocopy lamang ang mga pahinang 'yon, ay malinaw naman ang mga nakasulat.

"Sandali lang Zia." Pagtawag ni Kuya Jasper kay Zia, bago kami makalabas ng kanilang gate.

"Ano po 'yun?" tugon naman ni Zia.

Biglang inilapat ni Kuya Jasper ang palad niya sa noo ni Zia. Nagtataka man ako sa ginawa niya ay pinili ko na lamang na manahimik.

"Kailangang gumaling ka na," sabi ni Kuya Jasper kay Zia, matapos niyang tanggalin ang kanyang palad sa noo nito. "Kailangang sagutin mo na rin daw 'to," anito habang inginunguso ako. "Huwag kang mag-alala, hindi naman 'to katulad ng Daddy mo." Natatawang sumulyap-sulyap pa ito sa akin. "Manyakis lang 'to, pero sa palagay ko naman'y isa-isa lang 'to kung magmahal."

Ugh! Am I supposed to be grateful for that statement? Nalito kasi ako kung binibitbit ba niya ako o inilalaglag.

Natulala si Zia. Sapo-sapo nito ang dibdib niya. Ang hitsura niya ay tila mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kaloob-looban niya. Makalipas ang ilang segundo'y napatingin ito sa akin.

"Are you ok?" tanong ko sa kanya.

"I-I think so." Marahan niyang sagot. Tila natutulala pa rin.

"O siya, mag-ingat na lang kayo." Si Kuya Jasper. "Basahin niyong mabuti ang mga nakasulat diyan, pero ipangako niyo sa akin na pagkatapos niyong basahin at memoryahin ay susunugin niyo ang mga pahinang 'yan. Huwang niyong hahayaan na mapunta 'yan sa kamay ng kahit sino. Maliwanag ba 'yon?"

"Opo, Kuya." Magkasabay na sagot namin ni Zia.

And then we left. Tumingin ako sa aking relo. Ala sais y media na pala. Kailangan na naming pumunta sa bahay. Pero bago ko binagtas ang daan papunta sa bahay namin ay nagpalinga-linga muna ako. Pilit kong minamataan kung nasaan na ang itim na pusang sumusunod sa amin kanina. Sinubukan kong lumiko sa isang pribadong subdivision, pumarada sa lugar na wala masyadong tao, at doon naghintay kung may itim na pusa pang lilitaw.

Paulit-ulit kong sinipat ang rear view mirror, pati na rin ang side view sa panig ko, at matiyaga ring sinipat ang labas sa lahat ng bintana ng aking kotse. Wala na ang pusa sa abot ng aking paningin.

"Salamat Enrico," biglang sambit ni Zia.

"Salamat saan?"

"Sa pagdadala mo sa akin kay Kuya Jasper." Napansin kong sapo-sapo pa rin niya ang kanyang dibdib. "Ibang-iba na ang pakiramdam ko ngayon. Maluwag na rin ang aking paghinga."

"Ano ka ba?" Hinawakan ko ang kamay niya. "Sa kanya ka magpasalamat, hindi sa 'kin."

"No, salamat din sa 'yo, 'cause you're here. Right beside me, sa mga panahong kailangan kita."

"Mas salamat sa 'yo," sagot ko, bago ko dinampian ng halik ang likuran ng kamay niyang hawak-hawak ko. "Because in spite of everything, 'yung pagiging asshole ko, 'yung pambabalewala ko sa 'yo at pananakit, you still allowed me to be with you right now." Inilapit ko sa kanya ang aking mukha. "I love you, Zia. I really do."

Imbes na sumagot ay napaiyak siya. Tumutulo na ang kanyang mga luha nang inilapit din niya ang kanyang mukha sa akin hanggang sa magkatagpo na ang aming mga labi.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon