[Part 2] KABANATA 8

18.8K 634 27
                                    

"Good afternoon po, Tita Mitch," bungad ko kay Tita Mitch, na siyang nagbukas ng gate matapos kong mag-doorbell ng makailang beses.

"O, Enrico!" Gulat na gulat siya to see me, "What a pleasant surprise."

Napakamot ako. Medyo nahihiya. "Ahm, nakaabala po ba ako?"

"Naku, hindi. Nagulat lang ako. Ngayon ka pa lang kasi napadaan dito sa 'min. Ano bang sadya mo, hijo?"

"Ah, eh... nandiyan po ba si Zia?"

"Ha? Oo, bakit, gusto mo ba siyang makausap?"

Napakamot akong muli. Medyo yumuko. "Opo sana, kung hindi po ako makakaabala sa kanya."

"Naku, hindi. Halika dit—" Napasilip siya sa likuran ko. Mukhang nakita niya ang kotse kong nakaparada sa harapan ng kanilang gate. "Bubuksan ko na lang 'tong buong gate, para maiparada mo ang kotse mo rito sa loob. Mahirap na, may mga luko-luko kasi rito sa amin. Baka mapagtripan pa ang sasakyan mo, mukhang bago pa naman." Tatawa-tawa ito.

"Ah, hindi naman po. Pinaglumaan na po ni Daddy 'yan. Alaga ko lang po ng linis kaya mukhang bago."

"Gano'n ba?" Nakangiti siya? "O siya, bubuksan ko na itong gate, para maiparada mo na rito sa loob."

"Salamat po, Tita." Ako, bago ako bumalik sa kotse ko, para maiparada ko na ito sa kanilang garahe.

"O, halika na hijo." Pagyaya sa akin ni Tita Mitch habang lumalabas ako sa kotse ko. "I think she's at the pool side." Habang maglalakad na kami papunta sa tinutukoy niyang parte ng bahay nila. "Meron kasi siyang hammock do'n na paborito niyang tambayan to take a nap."

The poolside she was talking about is an indoor swimming pool. Hindi man 'yon kasing laki ng outdoor swimming pool namin, ay mas nagustuhan ko ang pool nila. May bubungan kasi ito at enclosed sa fiber glass walls and sliding doors. It was very cozy and warm, na para bang ang sarap tambayan; puwedeng mag-swimming at magbabad lang sa tubig kahit tag-ulan.

Zia's asleep on the hammock when we got there. Gigisingin sana siya ni Tita Mitch, pero pinigilan ko ito. Pabulong na sinabi ko sa kanya, na maghihintay na lamang ako sa paggising niya, tutal, may mga dala naman akong e-book reader and music player, to entertain myself.

"Are you sure?" Pabulong na tanong niya sa akin.

"Yes, Tita," bulong ko pabalik.

"O siya, padadalhan na lang kita ng meryenda rito ha? Meron lang akong aasikasuhin sandali. Kung kailangan mo ako, nando'n lang ako sa living room, ok?"

"Opo, Tita. Salamat po."

As planned, in-entertain ko na lang ang sarili ko gamit mga dala-dala kong gadgets. I was putting my earplugs nang dumating ang katulong nila na nagdala ng isang tray ng refreshments. I'm not really famished kaya hindi ko nagalaw 'yun. Itinuloy ko na lamang muna ang pagbabasa ko sa e-book ko while I am listening to my playlist.

I was in the middle of my reading when I thought I saw something quick, passed by the corner of my eye. Nagulat ako. Tumingin ako sa paligid, pero wala namang tao ro'n kundi ako at si Zia. Thinking it might just be my imagination, bumalik na lang ako sa pagbabasa ko ng e-book—at pakikinig ng music. Akala ko, ok na. Pero wala pang isang minuto, nang parang may shadowy figure na mabilis na dumaan. Tiningnan ko ang paligid at location ng windows, walls at ang pagtagos ng liwanag sa mga bintana. Hoping that Physics could explain why there's a shadowy figure that seems to come back and forth by my side-while I am facing Zia.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon