[Part 2] KABANATA 15

17.6K 645 32
                                    

"Manyak!" Na sinundan ng tampal niya sa aking pisngi. Hindi naman iyon masakit, at nakabungisngis naman siya. Namumula.

"Sige na naman Zia, please?" panunuyo ko. Pilit inilalapit ang mukha ko sa mukha niya kaya naman lalo siyang naiilang.

"Basted ka na nga sabi eh." Tumatawa siya.

"Ah ganun!" Sinundot ko siya sa tagiliran. Napaiktad siya. Mukhang may kiliti siya roon.

"Oo ganun." Sabay tulak niya sa akin paalis sa aking kinauupuan. Hindi naman ako natinag. "Alis ka nga diyan, ang sikip sabi eh!"

"Aalis ako, sa isang kundisyon."

"Kung tungkol sa pagdalaw na naman 'yan, kalimutan mo na."

"Hindi 'yun, though I still insist on that."

"Eh ano?"

"Kiss muna." Itinuro ko ang aking kaliwang pisngi. "'Yung wet ha?"

Hinataw niya ako sa braso. "Ang laswa mo!"

"Buti nga wet lips lang ang hinihingi ko, hindi kasama 'yung tongue."

Hinataw niya akong muli sa braso. "Bastos!" At saka humagikhik.

"Sige na. Bilis na." Itinuro kong muli ang aking pisngi.

"Ayoko nga." Paismid na sagot niya.

"Kung hindi ikaw ang hahalik, ako ang hahalik sa 'yo sige ka." Panunukso ko. "At kapag ako ang hahalik, ako ang mamimili kung saan."

Hinataw niya akong muli sa braso. "Tumigil ka na nga! Ang kulit mo."

"So ayaw mo talagang humalik?" Itinuro kong muli ang aking pisngi.

"Ayoko." Nakangusong sagot niya.

"Ok, eh di ako na lang."

Ilalapit ko na sanang muli ang mga labi ko sa pisngi niya, nang dinakma niya ng kaliwang kamay niya ang buong mukha ko at saka tatawa-tawang itinulak 'yon ng bahagya.

"Alis sabi!"

"Ayoko." Agad naman akong nakawala sa pagkakadakma niya sa mukha ko. Walang isang kurap na hinawakan ko ang batok niya, at saka ko biglang hinalikan ang mga labi niya. Smack lang naman—at mabilis na mabilis lang.

Natulala siya at tila hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"I love you." Nakabungisngis na sabi ko sa gitna ng kanyang pagkatulala sa akin. Hindi siya makapagsalita.

"Wala man lang bang I love you too, Enrico?"

Imbes na sumagot, ay naging seryoso ang ekpresyon ng kanyang mukha.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan, Enrico?" Nakasimangot na tanong niya. "I'm sick, and I am not getting better."

"Yes, of course you will," nakangiting sagot ko.

"I will what?"

"Get better."

"Sinabi ko sa 'yo, huwag mo akong kaawaan!" Mangiyak-ngiyak na siya ngayon.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon