[Part 2] KABANATA 6

19.8K 591 30
                                    

All classes were cancelled that day, and the day after. Bagama't tikom ang bibig ng school admin tungkol sa nangyari kay Jay ay kabi-kabila naman ang bulung-bulungan tungkol sa nangyari.

Ayon sa kanila, hindi lamang daw kasi ang hitsura ang nagbago kay Jay. Nagbago rin ito ng pag-uugali. Kung dati'y magulo ito at masayahi'y bigla na lamang daw itong naging tahimik at parating nakatulala. At ang siste pa, mas gusto na lamang daw nito ang parating nag-iisa.

Ayon sa mga haka-haka ng mga mapaniwalain sa kung anu-anong kababalaghan, baka raw na-engkanto 'to, o di kaya nama'y, sinapian ng masamang espiritu. Ang sa akin naman, hindi kaya nag-da-drugs lang siya? Dahil kung facts lang ang pag-uusapan, hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na isa si Jay sa mga atleta na may record nang paggamit ng performance-enhancing drug o 'yung mas popular sa tawag na 'Anabolic-Androgenic Steroid'—na may neuropsychiatric adverse effect, na nagko-cause ng mood and anxiety disorders, na nagreresulta naman sa aggression, hyphomania, depression and suicide.

"Pati ba naman tungkol do'n, may logical and scientific explanation ka?" Nakangusong winika sa akin ni Kyla matapos kong sabihin sa kanya ang cynicism ko sa 'supernatural' aspects daw ng nangyari kay Jay. "Mabuti pa pala ang Daddy ko kumpara sa 'yo. Dahil si Daddy, kahit napaka-logical na tao, mas di hamak na matalino siya para tanggapin na may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng science."

"Anong magagawa ko, eh sa hindi nga ako naniniwalang sinapian o namaligno si Jay eh. Katulad na nga ng nasabi ko na buti sana kung wala siyang record ng paggamit ng steroids na posibleng dahilan kaya tuluyan nang nasira ang kokote niya. Kundangan ba naman kasing mga bobo 'yata ang mga atletang 'yan." Medyo napasulyap ako kay Travis na mag-isang naghihintay yata kay Zia sa kabilang table.

Mukhang nahalata 'yun ni Kyla. "O, bakit mo naman nilalahat? At bakit nakatingin ka kay Travis?" Nakabungisngis na siya ngayon na parang nang-aasar. "Wala namang record si Travis ah?"

"Hindi porke walang record, hindi gumagamit. Malay mo naman kung magaling lang magtago."

"Sus," nakangising sagot niya. "Ang sabihin mo, pinag-iinitan mo na ngayon si Travis, dahil nagseselos ka."

"Sinong nagseselos? Ako? Bakit naman ako magseselos?"

"Hay nako, cuz." Itinaas niya ang isang kilay niya. "Hindi ako kasing talino mo, pero alam kong nagseselos ka 'no. Dahil kung hindi, bakit ang sama parati ng tingin mo sa kanila? At saka, bakit parang inis na inis ka na ngayon kay Travis?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Excuse me, hindi personal 'yon 'no," sagot ko, habang nakatingin sa libro ko. "Naiinis lang ako sa mga varsity players na 'yan, dahil puro mga walang amor sa pag-aaral. Puro nga mga sikat, wala namang laman ang mga kokote. Tinitilian ng mga babae, pero 'wag ka, puro naman mga bagsak sa klase. Hindi ko nga alam kung bakit napaka-lenient ng university sa mga katulad nila. Na para bang, ok lang na magsi-graduate silang walang laman ang ulo, basta't masiguro lamang nila na panalo ang mga 'to sa kanilang mga laro."

"Ah basta, sa tingin ko bitter ka lang." Tatawa-tawang sagot ni Kyla. Sinulyapan ko siya. Mukhang busy rin naman siya sa pagkutingting sa cellphone niya. "Ang sabihin mo, naiinggit ka lang kay Travis dahil kanya na si Zia."

"I beg your pardon?" biglang uminit ang ulo ko. "Bakit naman ako maiinggit sa kanya? Mabuti nga at nasa kanya na 'yung babaeng 'yun, para walang nang mambu-buwisit sa buhay ko." Tumingin si Kyla sa akin na parang may isinesenyas, pero hindi ko 'to pinansin. Tumingin lamang akong muli sa librong binabasa ko. Napikon kasi ako sa sinabi niya, kaya't parang nawalan na ako ng pakialam sa kung ano man 'yung isinesenyas niya. "At saka, bakit naman ako maiinggit sa mga lalaking nakakakuha sa mga babaeng easy to get? Wala nga akong bilib sa mga gano'n eh, at lalong ayoko sa mga babaeng nabola lang ng kaunti'y bumubuka na kaagad ang mga hita. Ang gusto ko sa babae, ay 'yung may pagpapahalaga sa sarili. 'Yung nagpapaligaw muna ng medyo matagal-tagal bago bumigay. Hindi 'yang napapasagot na kaagad sa isang kalabit—" Napatingin na ako kay Kyla. Hindi na siya sumesenyas pero may inginunguso naman ito ngayon sa aking likuran.

Lumingon ko. It was Zia. Mukhang nadinig niya ang lahat ng mga sinabi ko. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha—tila maluha-luha na rin ang mga mata. Dahil doo'y napabalik kaagad ako sa pagtutok ko sa aking libro. Pilit na nagpapanggap na busy ako sa pagbabasa.

Shit. What have I done? I mean everything I said, pero hindi ko naman intention na marinig niyang lahat ang mga 'yon.

"B-best?" Nakangibit na utas ni Kyla habang nakatingin sa direksiyon ni Zia. Napasulyap kasi ako sa kanya.

"O-ok lang ako. D-don't worry." Malumanay na sagot ni Zia, bago ito nagdire-diretso papunta sa table nila ni Travis.

"I so hate you, Cuz!" pabulong na singhal sa akin ni Kyla. "You're the meanest person I have ever known. How could you say those things? Kanina pa kita sinesenyasan na manahimik ka na, nagdire-diretso ka pa rin sa pagsasalita. Kawawa naman ang bestie ko." Sandaling lumingon at sumulyap ito kay Zia sa kabilang lamesa, na sa tingin ko ba'y tila nakatulala habang inaalo siya ni Travis. "Ang sama talaga ng ugali mo!"

Hindi na ako sumagot. Ano pa ba ang masasabi ko?

"Alam mo ikaw?" Dagdag pa ni Kyla. "Huwag lang sanang dumating 'yung araw na kakainin mo ang lahat ng sinabi mo. Huwag lang sanang ma-karma ka sa pagmamaltrato mo sa best friend ko. Dahil kung magkataon, ako ang unang-unang tatawa diyan sa pagmumukha mo! Kawawa naman ang bestie ko, I'm sure, na-hurt 'yon. Naku, kung sa akin nangyari 'yun, sasampalin talaga kita, ang yabang mo! Isusumbong kita kay Tito Tristan!"

Hindi pa rin ako nag-react. Pinabayaan ko lang siyang magsalita. Aminado naman ako na sablay nga ang ginawa ko. Mas maganda nga siguro kung itinikom ko na lamang ang bibig ko. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Nasabi ko na eh. Alangan namang bawiin ko pa? At kung babawiin ko naman, eh paano? Kataasan niyan, magmumukha lang akong tanga.

Pasimpleng napasulyap akong muli sa table nina Zia. Mukha ngang nasaktan ko ito. Umiiyak na kasi ito ngayon, pero napansin ko naman na hindi naman siya nagsusumbong kay Travis. Inaalo lamang siya nito, bagama't nanatili siyang walang kibo.

Shit talaga. Kung bakit nga ba kasi may pagkatakleso ako? Tiyak na lagot na naman ako kay Daddy kapag nalaman niya 'to. Ilang araw na lang, reunion na ng tropa nila, parang ayoko tuloy pumunta. Dahil kung isusumbong nga ako ni Kyla, tiyak na tiyak na papagalitan ako ni Daddy. And worse, baka pilitin pa niya akong mag-sorry kay Zia sa harapan ng maraming tao.

[ITUTULOY]

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon