[Part 2] KABANATA 4

21.4K 651 43
                                    

Ayon kay Kyla, naging biktima raw ang Daddy ng isang demonyo sa may crossing. Isa raw itong Succubus na kinuha ang katauhan ng isang babaeng namatay na. Well I know what a Succubus is.

A Succubus is a female demon or supernatural entity in folklore that appears in dreams, and takes the form of a woman in order to seduce men, usually through sexual activity. As defined, 'it is an entity in folklore'.

Folklore refers to the traditional beliefs, customs, and stories of a community, passed through the generations by word of mouth. Passed through word of mouth lang. So ibig sabihin, sabi-sabi lang ng mga taong hindi ko naman alam kung nagsasabi ng totoo. Puwede naman kasing imbento lang, o guni-guni.

Baka naman kasi lasing lang si Daddy nung ma-engkuwentro niya 'yung tinutukoy na babae, o di kaya nama'y imagination lang niya. Knowing him, he is such a creative and imaginative type of person. A borderline genius, my Dad actually seems like a hairline away to schizophrenia. May mga pagkakataon kasi na naririnig ko siyang sinasabi kay Mommy na may naririnig daw siyang mga bumubulong sa kanyang tenga; sometimes, meron din daw siyang nakikita sa gilid ng kanyang mga mata. Kaya nga hindi na rin ako nagtataka, kung bakit may pagkaganun din si Ate Lindsay.

Ano nga ba 'yung tinutukoy niya na meron siya? Hayun! Oo, meron daw siya nung tinatawag na third-eye—na hindi ko naman malaman kung saan niya tinutukoy na nakalagay. As far as I am concerned, dalawa lang ang mga mata niya; well, that's except kung mayroon siyang pigsa.

To make my ranting really short, I didn't ask my Dad. Why should I? Malay ko ba kung isa lang 'yun sa mga horror stories na madalas niyang ikinikuwento sa amin ni Ate Lindsay, simula no'ng mga bata pa kami. 'Yun pa! Ang dami-daming kuwento nun eh, ang mahirap pa'y parati siyang sinesegundahan ni Mommy, na isa pa ring paniwalang-paniwala sa mga kathang-isip ni Daddy.

Naalala ko tuloy 'yung ikinuwento niya dati. Isa raw itong tunay na pangayayaring naganap noong mga panahong naligaw sila sa bandang Norte sa paghahanap nila kay Tita Mitch—Zia's Mom. Magkakasama raw sila noon nina Tito Benj at Tito Luke sa Aklan, nang diumano'y dinukot daw si Tita Mitch, ng mga maligno't aswang. Si Tita Mitch... na natagpuan rin naman daw nila diumano sa bandang Tuguegarao. Malay ko ba kung nasaan ang Aklan at Tuguegarao noon. Malay ko ba na napakalayo pala ng agwat no'n. So paanong nangyari na nawala siya sa Aklan pero nakita siya sa Tuguegarao? Parang ang labo, 'di ba? Halatang gawa-gawa lang!

Hindi na ako nagtataka kung bakit napakamapaniwalain ni Kyla sa mga mga ganyang kababalaghan. Eh gano'n din kasi sina Tito Luke at Tita Dette. At isa pa 'yang si Zia, kaya no wonder na magkasundo sila.

Gano'n din sina Tito Benj at Tita Mitch—Zia's parents. Akalain mo ba naman kasing back-upan pa nila sina Daddy at Tito Luke sa mga kuwento ng misadventures nila. As if naman, maniniwala ako basta-basta kung magkakampihan sila?

I am a consistent honor student and a dean's lister. Hindi ako bobo para basta-basta na lang umayon sa kahit anong sabihin ng ibang tao. Kahit na sa mas matatanda. Kahit na sa mismong mga magulang ko.

"Ano? Tinanong mo na ba ang Daddy mo?" tanong ni Kyla sa akin kinabukasan.

"No." Nakasimangot na sagot ko, habang umuupong muli sa harapan niya, sa loob ng cafeteria—ang usual tambayan naming dalawa

"Why not?"

"Just because. Period." Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon