[Part 2] KABANATA 10

19.3K 605 27
                                    

I can't believe I have been staring at my laptop for almost three hours now. Ganito na ako after I arrived home. Tatlong oras na akong nakatulala, tatlong oras na rin akong nag-iisip, kung papatulan ko na ba talaga ang pagsasaliksik sa isang bagay na ni sa panaginip ko ay hindi ko inakalang pagkakainteresan ko.

Thanks to 'that' element slash ghost, or whatever you may call it sa bahay nina Zia. Dahil maghahatinggabi na'y hindi pa rin ako dalawin ng antok.

"O, bakit mukha ka na namang puyat diyan?" Pamumuna kaagad ni Kyla, habang papaupo ako usual na puwesto ko sa regular naming tambayan, kinabukasan.

Imbes na sumagot ay napasulyap ako kay Zia, na nakaupo naman sa kanyang tabi.

"Wala," sagot ko. "May tinapos lang akong project."

"Ano namang klaseng project 'yang tinutukoy mo?" Si Kyla pa rin.

Darn it. Mukhang sinusumpong na naman si Kyla ng kakulitan. At kung bakit nga naman kung kailan ko ipinagdarasal na huwag siyang makulit, ay saka naman siya sinusumpong ng pagiging usisera.

"Ano ka ba naman, Best! Leave him alone."

Wuow! Is that Zia saving me from irritating Miss Uzi?

"Aba-aba!" Nakangising pagbaling ni Kyla kay Zia. "At mukhang may bagong lawyer na si Mr. Enrico Cuevas, ah."

Hindi naman sumagot si Zia. Hinapyawan lamang niya ako ng patagilid na sulyap, bago ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.

"Well, well." Si Kyla ulit na tagusan namang nakatingin sa bandang likuran ko. "Look who's here Zia." Siniko nito nang bahagya si Zia, dahilan para mapatingin ito sa kung sino man 'yung inginunguso ni Kyla. Napalingon din tuloy ako.

Well, look who's really there. It was Travis. Nakaakbay ito sa isang magandang babae na hindi naman pamilyar sa akin. Kasunod niya ang kanyang mga asungot-este, mga ka-teammates sa basketball team ng university. Nakabubuwisit na walang kasing angas na tiningnan pa nito si Zia, nginisian, bago walang kahihiyan na hinalikan nito sa leeg ang kanyang kasamang babae.

"What an ass!" Himutok ni Kyla.

Hindi naman nag-react si Zia. Nagbuntong-hininga lamang ito, bago bumalik sa kanyang pagsusulat.

"Mabuti na lang pala, hindi ka nagpagoyo sa walanghiyang 'yan." Pagpapatuloy ng pagmamaktol ni Kyla. "Akala ko pa naman, he's the one for you na. 'Yun naman pala'y super fakeness to the next level ang manyak na 'yan. I guess, once a playboy, will always be a playboy. Don't worry best, you deserve better. Hmp."

Nakapagtatakang hindi naman siya pinapansin ni Zia. Nagdire-diretso lamang ito sa kanyang ginagawa na parang wala siyang naririnig.

"Oh wait!" Si Kyla ulit, habang tinitingnan ang kanyang wrist watch. "Maiwan ko na muna kayo, may klase pa ako." Tinipon na n'ya ang kanyang mga gamit at saka dali-daling umalis.

There was an awkward silence after that-awkward for me-specifically. Dahil kaninang-kanina pa ako napapatingin kay Zia, but for some reason ay sobrang focused siya sa isinusulat niya. Kanina pa siya walang imik.

"May klase ka pa ba?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Meron pang isa." Hindi man lamang siya huminto. Ni hindi siya tumingin sa akin. "Ikaw?"

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon