[Part 2] KABANATA 5

22.1K 661 52
                                    

Wow. Zia has really changed. Hindi naman niya ako ini-snub. In fact, she is very nice to me, pero hindi na talaga siya kagaya ng dati. Hindi na siya makulit at annoying. Hindi na rin siya maingay. Kahit na kapag magkasama sila ni Kyla.

Madalas, lalo na't kapag kaming dalawa na lamang ang magkasama sa cafeteria—waiting for Kyla to arrive from her classes, nakatutok lamang siya sa binabasa niyang e-book—at kung anu-ano pa sa kanyang tablet. Usually, Naka-ear plugs ang kanyang mga tenga—probably listening to some sort of music.

"Tapos na ba ang klase mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm sorry, what?" tinanggal niya ang ear plugs niya.

"Ang sabi ko, kung tapos na ba ang klase mo?"

"Nope. I have one more subject."

'Yun lang, at ibinalik na niyang muli ang ear plugs sa kanyang tenga. Ang tipid na niyang magsalita. Kung tutuusin, mas mahaba na nga ngayon ang sagot niya. Kung minsan kasi, 'yes' or 'no' na lang talaga ang sagot niya. Kung minsan, 'sure' lang o kaya 'bye.'

I know I am supposed to be happy about that, because that's exactly what I wished for. Kaya naman hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit masyado akong bothered sa biglang pagbabago niya. I am hoping na dahil lamang ito sa naninibago lang ako, pero posible rin kasing, nagi-guilty rin ako dahil sa pangit na pagtrato ko sa kanya, only because... she liked me.

"Hi Zia." Pagbati ng isa sa mga varsity players ng basketball team namin sa university.

Sa pagkakakilala ko, 'yun si Travis Guerrero. Ang medyo maangas—na feeling guwapo, na team captain ng aming basketball varsity team. Kaidaran din namin 'to, graduating na rin this year.

"Oh hi, Travis." Tinanggal niyang muli ang ear plugs niya, bago tumingala sa matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ng aming lamesa.

"Ahm." Kunwari'y mahiyain pa ang loko. "Pwede ba kitang makausap?"

"Ha?" sagot ni Zia. "Tungkol naman saan?"

"Ah, eh." Sumusulyap-sulyap pa sa akin ang kapre. "Privately sana, kung pwede."

Parang nag-isip muna si Zia. "Saan naman?"

"Do'n lang naman sa kabilang table." Habang itinuturo nito ang medyo mas malayong table—na natatanaw pa rin naman from where we're sitting now.

"Ah, ok. Wait lang." Tinipon ni Zia ang kanyang mga gamit, bago niya inilagay ang mga 'yon sa kanyang bag. "Ahm, Enrico," pagbaling nito sa akin. "Ok lang ba na maiwan muna kita? Parating na naman siguro si Kyla anytime."

Like may difference kung sabihin kong, ok o hindi ok? Hindi na ako nagsalita, bagkus ay tinanguan ko na lamang siya; nagpanggap na I don't really care, at busy ako sa binabasa ko.

I know I am not supposed to. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tuksong-tukso akong sulyapan nang pasikreto kung ano ang ginagawa nila ni Travis sa kabilang lamesa. They were talking face to face, with a rectangular table in between them. Ok naman. Wala namang kakaiba sa kanilang mga ikinikilos. Well, not until that Travis held Zia's right hand on the table.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Wow. Ang bilis niya ha? Mukhang ngayon lamang naman sila nakapag-usap nang solo ay duma-da-moves na siya kaagad? Matinik talaga. Kilala naman kasi ang Travis na 'to sa pagiging chickboy. Palibhasa, popular, kaya't kahit sinong babae'y madali niyang nakukuha, kahit na hindi pa siya dumaan sa normal na panliligaw. Kadalasan, siya pa ang hinahabol. Lalo na nung mga babaeng gusto ring sumikat. 'Yung mga babaeng tinatawag nilang 'Fame Whore'. 'Yung mga sumasabit sa kanya, para lamang masabi na, popular din sila, o di kaya nama'y, para maipagmalaking sila ang current girlfriend ng isang sikat na hunk. Mga babaeng katulad ni Isabelle, who, by the way, is one of his exes.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon