[Part 1] KABANATA 5

54.1K 1.1K 104
                                    

I was in and out of my consciousness. Nakakaaninag ako nang bahagya, nakakaramdam, at nakakarinig, pero pagkatapos ng ilang saglit, ay magdidilim muli. Naramdaman kong ikinalong ni Art ang aking ulo. Naaninag ko rin sina Mitch, Jon at Benj na nakatayo sa gilid ng kama ko. Pakiramdam ko'y lumulutang naman ako, nang binuhat na ako ni Jason mula sa sahig, bago niya ako inihiga sa ibabaw kama ko. Ang nobya naman niyang si Helga ay nasa tabi niya. May hawak itong first aid kit, para lapatan ng unang lunas ang hindi mabilang na mga sugat sa aking buong katawan.

Naaninag ko si Nicole na nakatayo sa unahan ni Mitch. Si Mitch na nakatayo sa bandang likuran naman ni Jon. Matatalim ang mga titig niya sa akin, mga titig na nagsasabing hindi siya nasisiyahan na buhay pa ako.

Nangingibabaw sa aking pandinig ang tila tambol na pagtibok ang aking puso. Kumpirmado. Hindi nga siya tao. Pero hindi ko naman malaman kung bakit malakas din ang kutob kong hindi rin siya multo.

Paminsan-minsang napapasigaw ako sa sobrang hapdi, habang nilalapatan ni Jason ng unang lunas ang aking mga sugat. At sa aking bawat pagkurap, ay tila lumilipat-lipat naman nang puwesto si Nicole sa aking paningin. I am definitely disoriented, kaya naman hindi ko na rin sigurado kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko sa aking mga katropa, bago ako tuluyang nawala sa aking ulirat.

Nasa ospital na ako nang magising ako kinaumagahan. Nagising akong kasa-kasama ko na ro'n ang aking mga magulang, at ilang malalapit na pinsan.

"Naniniwala ako sa iyo, Cuz." Bulong sa akin ni Bernadette. Isa sa tatlong pinsan kong naroon. Hindi kasi naniwala ang mga magulang ko—at ang dalawa ko pang pinsang sina Derek at Lance, sa mga ikinuwento ko. "Palagay ko, kailangan na natin ng tulong ng mga espiritista o di kaya naman ay 'yung mga paranormal expert. May kakilala ako. Sigurado ako na matutulungan niya tayo."

Mabuti pa siya. Kahit na alipin siya ng siyensya, dahil sa pag-aaral niya ngayon ng medisina ay naniniwala pa rin siya na may mga bagay sa mundong ibabaw na hindi sakop ng lohikal na pang-unawa ng bawat tao. Mabuti naman, na kahit pa'no, ay may naniniwala sa mga kadugo ko; na hindi ako nababaliw o nagha-hallucinate, na hindi talaga tao ang may kagagawan ng mga nangyari sa akin.

"Magandang umaga po!" Bungad ni Luke sa may pintuan. Nakita kong nagkatinginan sila ni Bernadette—bagama't umiwas din kaagad ng tingin si Luke.

"Oh my gosh, Cuz." Kinikilig na bulong sa akin ni Bernadette. "Ang guwapo talaga niya." Nginisian ko lamang siya at saka umiling.

Matagal na kasi niyang crush si Luke. Nagsimula 'yun no'ng nakita niya si Luke sa bahay namin 3 years ago. Ang kaso, mukhang katulad din namin sila ni Rhea noon--Dead na dead si Bernadette, pero hindi naman siya trip ni Luke.

"Darating na rin po ang iba pa naming mga kaibigan," sabi ni Luke sa aking mga magulang, "Kami na lamang po muna ang magbabantay kay Tristan hanggang mamayang hapon, para makapagpahinga naman po kayo."

"Shit cuz, ang bait pa niya..." Kinikilig na bulong muli sa akin ni Bernadette.

"Sorry ka na lang cuz," pabulong na biro ko. "He just not into you." Bahagyang hinampas ako ni Bernadette, na tumama naman sa isa sa mga sugat ko. "Ugh!" Daing ko.

"Naku sorry, Cuz. Nakalimutan ko sorry," bulong niya. "Ikaw naman kasi, panira sa pantasya ko, hmp!"

Namimilipit man, natawa na lang ako. Maganda naman si Bernadette, pero hindi ko alam kung bakit hindi siya napapansin ni Luke. Malamang ay dahil 'yun sa medyo pihikan din kasi si Luke, bukod sa parati siyang pre-occupied. Si Luke kasi 'yung tipo na parating may iniisip. 'Yung tipo ba ng tao na kung minsa'y akala mo tinitingnan ka niya, pero 'yun naman pala, lumilipad lang ang isip nito.

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon