[Part 2] KABANATA 13

15.3K 578 80
                                    

Wala pang sampung segundo nang biglang nag-fluctuate ang mga ilaw sa corridor. Nasa tantiya kong pitong segundo bago tuluyang namatay ang mga ilaw.

Sa mismong pagkamatay ng mga ilaw ay nadinig ko ang pagsigaw ni Zia sa corridor, dahil doon ay humangos na pinuntahan ko siya. Pero dahil madilim, ay ginamit ko na lamang ang aking pandinig at pandama, para mahanap siya.

"Zia..." Mahinang pagtawag ko sa kanya. Niyakap ko naman siya kaagad nang nakapa ko na siya sa dilim. "O-ok ka lang ba?"

Umiiyak na sumubsob siya sa aking dibdib, bago niya ibinulong sa akin ang, "I-I saw s-someone, o-or something..."

"You saw what?" bulong ko sa kanya pabalik.

"M-may nakita akong nakatayo roon." Nanginginig siya.

"S-saan doo—?"

Muling nabuhay ang mga ilaw. Nagpalinga-linga kami ni Zia sa magkabilang direksyon ng corridor. Pero wala namang tao roon kundi kaming dalawa.

"Let's get out of here," sabi ko, habang kumakalas ako sa kanya—

para mahawakan ko ang kanyang kaliwang kamay.

Hindi naman siya tumutol nang hinila ko na siya papaalis doon, bagama't halata sa facial expression niya na nagtataka siya sa mga nangyari.

"Anong nakita mo?" tanong ko sa kanya, nang makalabas na kami ng building na iyon.

"May nakita akong nakatayong lalaki sa pinakudulo ng corridor, sa direksyon kung saan sana ako pupunta kanina." Tumahan na siya. Hindi na rin nanginginig, bagama't bakas pa rin sa kanyang mukha ang matinding takot.

"Anong hitsura niya."

"M-matangkad. Balinkininatan, p-pero..."

"Pero ano?"

"Pero nakakatakot ang mukha niya. Maputla a-at..."

"At?"

"At parang naagnas na. Tapos, p-parang may itinuturo siyang classroom sa tapat kung saan ko siya nakitang nakatayo kanina."

"At pagtapos?"

"At pagkatapos bigla na lang namatay ang ilaw."

"Do you think, it meant something?" tanong ko sa kanya. "Ano kaya ang nasa classroom na 'yun?"

Tiningnan muna ako ni Zia sa mukha bago niya sinabing, "Don't tell me you want to find out?"

Hindi ako nasalita. Nag-gesture lang ako sa kanya, na I am considering it.

"Oh no... no... I am not coming with you." Mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"That's ok," sagot ko. "Ako na lang." At akmang aalis na.

"Wait lang, teka, Enrico." Hinawakan n'ya ang kanang braso ako. Napatingin ako sa pagkakahawak niya. Agad siyang bumitaw nang mapansin niyang nakatingin ako ro'n. "Sige na nga, I'll come with you, pero sandali lang ha?"

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon