The Falling Game (EndMira: Ic...

By alyloony

35.5M 725K 170K

Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang... More

Prologue
Chapter 1 *Timi*
Chapter 2 *Transfer Students*
Chapter 3 *Mr. Ice*
Chapter 4 *voice *
Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (06/14/14)
Chapter 15 (7/7/14)
Chapter 16 (08/18/14)
Chapter 17 (08/27/14)
Chapter 18 (09/07/14)
Chapter 19 (09/16/14)
Chapter 20 (09/29/14)
Chapter 21 (10/03/14)
Chapter 22 (10/15/14)
Chapter 23
Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 25 (11/3/14)
Chapter 26 (11/05/14)
Chapter 27 (11/6/14)
Chapter 28 (11/16/14)
Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 30 (11/24/14)
Chapter 31
Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 33 (12/5/14)
Chapter 34 (12/7/14)
Chapter 35 (12.7.14)
Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 37 (12/19/14)
Chapter 38 [Last Chapter]

Chapter 11

846K 17.8K 4.5K
By alyloony

Chapter 11

 

[Timi’s POV]

 

 

“Congratulations Sir Lester, successful ang pageant niyo!” sabi ko kay Sir Lester

 

“Naku thank you. At salamat din sa inyo ni Ice ah? Sobrang galing niyong dalawa!”

Natapos na ang beauty pageant. Nakakanta naman kami ng maayos ni Ice kahit sobrang naiilang ako. Oo, pakshet, tinamaan na ako ng pagka-ilang. At eto na nga, unti-unti ko nang nararamdaman ang pag ri-rigodon ng puso ko kada mag tatama ang paningin namin. Yung tipong kinikilig ako na ewan. Hindi naman ako ganito eh. Oo, kinikilig ako sa mga gwapo at hot na mga lalaki pero hindi yung ganitong sobra.

Siguro dahil sa lahat ng nakilala ko except sa tatay ko, si Ice na ang pinaka gwapo at hot sa lahat?

Pero for Pete’s sake! Napaka suplado niya! Ni wala pa nga kami masyadong moments dalawa eh. Puro pakilig pa lang. Ni hindi ko pa siya nakikilala nang husto. Pero paano niya napapa-tibok ng ganito ang puso ko?

Kahapon ko pa na-iisip na malala na nga itong sitwasyon ko na ganito. Mamaya ako ang matalo. May mga target na dapat nilalayuan kasi delikado---tulad ni Ice. Doon na lang ako sa mas ligtas. Sa alam kong walang commitment. Kay Kite.

Siguro nga, dapat ko nang layuan si Ice Monasterio, mamaya mapahamak pa ang puso ko.

“Anyway, mag su-swimming ka ba?” tanong ni Sir Lester sa akin. “Si Ice kasi mukhang nag eenjoy na doon.”

Napalingon ako doon sa direksyon na tinitignan ni Sir Lester at nakita ko sa may pool si Ice---napapaligiran ng mga babaeng sumali doon sa beauty pagent. Lahat sila naka two piece. Si Ice naman poker face lang pero kitang-kita ang pamumula ng tenga niya.

B’at namumula ang tenga niya?! Ano’ng ginagawa sa kanya ng mga lintang ‘yan?!

Dali-dali akong lumapit sa kinalulugaran nila at natanaw ko na agad yung isang chinitang babae na naka-itim na two piece at halos lumuwa ang dede sa laki na pinipisil-pisil ang braso ni Ice.

“Nag g-gym ka ba?”

“H-ha? Ah…”

“Ang macho mo eh!”

“Oo nga pwede kang pang model! Gwapo!” sabi naman nung isang babaeng morena na may maikling buhok.

“At ang cute ng tenga, ang laki oh,” sabi naman nung isang babaeng nasa-gilid ni Ice at hinawakan nito ang tenga niya na mas lalo nang namula ngayon.

“At may abs siya mga te!” sabi ulit nung babaeng naka itim na bikini sabay himas sa tyan ni Ice.

What the hell are they doing to my Ice?!?!

Ok, alam kong nangako na ako sa sarili ko na iiwasan na siya. Pero pwede naman ipostponed ‘di ba?! Kahit pag uwi na namin o kaya kahit pagtapos ko lang siyang mailayo sa mga higad na ‘yan!

Nang tuluyan na akong makalapit sa kinalulugaran nina Ice, hinatak ko bigla ang braso niya.

“What?” kunot-noong taong niya sa akin.

At ba’t naka-kunot ang noo niya?! Wag niyang sabihin na-istorbo ko siya dahil nagugustuhan niya ang atensyong ibinibigay ng mga babaitang to na akala mo ke gaganda porket nakasali lang sa beauty contest?

“Come with me. I need to talk to you.”

“About what?”

“Basta!”

Kunot-noong tumayo si Ice sa kinalulugaran niya at sumunod sa akin. Nag-lakad naman ako doon sa kabilang side ng pool---malayo doon sa mga higad.

“What now?” tanong niya sa akin.

Hinubad ko ang robe na suot ko at ibinalandra kay Ice ang red bikini ko na ipinabili ko pa kay Ninang France sa Hawaii nang mapunta siya doon dati. I gave him my most seductive look at tinignan ko ang expression ng mukha niya.

Ice look at me from head to toe atsaka ibinalik ulit ang tingin niya sa mga mata ko. Ni-hindi man lang na-unat ang naka-kunot niyang noo.

“So ito lang ang gusto mong sabihin? Napakita mo na ang swim suit mo, could I leave now? I want to swim.”

Anak ng tinola! Ni-hindi manlang ba siya na-akit?! Naka two-piece na dyosa na ang nasa harap niya, siya poker face pa rin?! Watdapak! Bakla ba ang isang ‘to?!

Pero kanina namumula siya nung napapaligiran siya nung mga babae.

Ayaw ba niya talaga sa alindog ko?! Baka chaka ang taste niya sa mga babae!

“Tulungan mo ako mag lagay ng sun block sa likod.”

“May kamay ka.”

“Eh hindi ko abot eh!”

“That’s not my problem.”

Tinalikuran na ako ni Ice at nag lakad na siya papunta doon sa pool kung saan wala yung mga higad at wala rin ako.

Ang suplado talaga ng isang ‘yun!

I grab my robe at padabog akong naglakad papasok sa cottage namin ni Ice at dali-dali kong ni-lock ang pinto. Bahala siya diyan kumatok ng kumatok mamaya!

Pumunta ako sa harap ng full length mirror at tinignan ang sarili ko. Napailing na lang ako. Ang ganda ko kasi talaga. Ang sexy ko pa. Kung tutuusin mas maganda, makinis at sexy pa ako doon sa mga sumali sa beauty pageant na ‘yan. Sadyang mas may boobs lang yung isa.

Pero bakit lagi na lang akong dinededma ng Ice na yun?! Ano ba talagang meron sa taste ng lalaking yun?!

Napa-buntong hininga ako.

Kung sabagay, panget nga pala talaga ang taste niya. Magka-gusto ba naman siya kay Erin eh. Sa lahat talaga ng babae, doon pa sa bruhilda, impakta, santa-santitang Erin na yun nahulog ang loob niya.

Napa-higa na lang ako sa kama.

Bahala siya sa buhay niya. Kung ayaw niya ako pansinin, di wag. ‘Di siya kawalan. Maghahanap na lang ako ng ibang malalandi. Ayoko na talaga mag tyaga sa isang katulad niya. Masyado akong maganda para mag mukhang desperada at mag habol.

Sanay akong ako ang hinahabol, not the other way around.

Ipinatong ko ang braso ko sa may noo ko at pumikit ako.

Bakit nga ba ako naiinis eh iiwasan ko na nga si Ice bago pa ako lumala. Dapat hindi na ako maapektuhan dahil kailangan ko ng itigil ang pakikipag-laro ko sa kanya bago pa ito maging seryoso.

Tumayo ako sa kama at nag palit na ng pantulog. Alas-syete pa lang ng gabi at alam kong napaka-aga pa. Ni hindi pa ako kumakain ng dinner. Pero gusto ko na lang matulog. Ayoko rin intayin ang kasama ko sa kwarto dahil mukhang enjoy na enjoy pa siya sa pag n-night swimming kasama yung mga linta na yun. Basta ako matutulog na!

Dahil medyo pagod na rin naman ako ngayong araw, both physically and mentaly, pag lapag pa lang ng likod ko sa kama nakatulog na ako agad.

Mga bandang 11:54 ng gabi, bigla akong naalimpungatan gawa ng kumakalam na sikmura ko. Wala pa si Ice. Mukhang enjoy na enjoy niya ang pag p-party ah.

Nag palit ako ng maayos ng damit at lumabas. Late nag sasara yung bar dito sa loob ng resort. Makabili nga muna ng pag kain at kumakalam na ang sikmura ako.

Pag dating ko doon sa bar, hindi na ako nagulat na sobrang daming puma-party ngayon doon. Katatapos lang ng coronation night. Nag c-celebrate na ng husto ang mga contestants. Siguro yung iba nag luluksa kasi talo sila.

Papunta na ako sa may counter area nang bigla akong mapatigil dahil nahagip ng tenga ko ang isang pangalan.

“Ice, you’re such a great kisser. Knowing na nineteen years old ka pa lang?”

“Just because you’re older than me, it doesn’t mean that you have more experience, beautiful.”

Napalingon ako bigla sa gilid ko at nakita ko si Ice, may kasama na namang ibang babae, and they’re kissing torridly.

What the hell?!

Kelan pa naging wild nang ganyan si Ice?! Kelan pa siya natutong lumandi ng ibang tao?! Why is he kissing that girl?!

Pakshet naman oh!

Ok,Timi, calm down. Wag mo na isipin yan. Di ba sabi mo iiwasan mo na siya?

 

Tinalikuran ko ulit siya at nag lakad na palayo. Bahala siya sa buhay niya. Makipaghalikan siya diyan buong mag damag. Wag na wag lang niya dadalhin yan sa kwarto namin, masasapak ko sila pareho. Mamaya pareho pa silang lasing---

Bigla ako napahinto sa paglalakad. Naalala ko yung sinabi ni William. Mahina ang tolerance ni Ice sa alcohol. Madali siyang malasing.

 

Napatingin ako ulit ako sa side nila. Busy pa rin mag halikan ang dalawa. Yung kamay ng babae, gumagapang na sa dibdib ni Ice. Napatingin ako doon sa may counter, may apat na empty rock glass na nakapatong doon. Apat.

What the hell did that guy drank?!

Wala ng dalawang pag-iisip pa, dali-dali akong lumapit sa kinalulugaran nila at hinatak ko si Ice palayo doon sa babae.

“Who are you?!” yamot na tanong nung babae.

“Oh, hi Timi!” Ice smile sheepishly at me. This guy is really drunk.

Tinignan ko ng masama yung babae. “I’m his wife! Baket aangal ka?! Gusto mo ipakulong kita?! Inaakit mo ang asawa ko! Balak mo pa sirain ang pamilya namin! Lalo na ngayon magkaka-baby pa kami!”

“What?! Eh he told me he’s only nineteen!”

“Oh eh ano nakakagulat sa mga teenagers na nagkakabuntisan ngayon?”

Hindi na nakapagsalita yung babae. I rolled my eyes at her at hinatak ko na si Ice palabas ng bar.

“Hey, Timi, nabuntis kita?” tanong ni Ice sa akin habang inaalalayan ko siya papunta sa kwarto namin.

“Bakit gusto mo ba?” tanong ko rin sa kanya.

Ay hayop na yan! Ano ba Timi! Hindi mo ba titigilan ang kalandian mo?! Iiwasan mo na nga siya eh. Ano ba!

“Tara na nga!” iniakbay ko si Ice sa akin. Pa gewang-gewang pa ang lakad niya at ilang beses na kami muntik-muntikanan na matumba. Grabe palang malasing ang isang ‘to! Ba’t ba kasi siya uminom?!

Nang makarating kami sa room, agad-agad ko siyang inihiga sa kama niya at mukhang the moment na nahiga siya, nakatulog na agad. Tinignan ko si Ice at napa-iling na lang ako.

Sanay na ako mag uwi at mag alaga sa lasing, knowing na apat na lalaki ang mga best friends ko. At alam na alam ko ang unang gagawin.

Kailangan kong tanggalin ang polo niya dahil pawis na pawis siya.

 

Lord, hindi po ako lumalandi ah? Ayoko lang magka-sakit ang isang ‘to kasi kakanta pa kami sa Aquaintance Party. Ayoko mag solo doon.

Naupo ako sa gilid ng kama ni Ice at isa-isa kong tinanggal ang butones ng polo niya. First button, second button, third button. Shet, yung dibdib niya! Fourth button, fifth button. Oh my gosh! The abs! The abs!

Kaya pala enjoy na enjoy yung babae kanina sa pag gapang ng kamay niya sa parte nito ni Ice. Ang ganda ng view ko! Shaks!

Hinubad ko na ng tuluyan ang polo ni Ice at pinagmasdan ang abs niya—este—kinuha ko yung kumot at ipinatong ko ito sa kanya. Mahirap na, baka magkasala ako.

I was about to turn my back at him nang bigla niyang hawakan ang wrist ko.

Napalingon ako at nakita kong nakatingin sa akin si Ice ng seryoso.

“W-why?”

“Everything’s okay…” halos pabulong niyang sabi sa akin.

“H-ha?”

“Everything’s okay. Nakakaya ko naman eh. But you ruined everything.”

“A-ano ba yang sinasabi mo Ice?! Lasing ka eh. Let me go,” pilit kong kinalag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero sobrang higpit.

“I-ice ano ba--!”

Bigla-bigla ay hinila ako ni Ice papalapit sa kanya. The next thing I knew, naka-higa na ako sa kama at puma-ibabaw na siya sa akin.

“Ah I-ice..?”

“Everything’s okay but you came and you ruined everything.”

“Ano ba yang sinasabi mo?! Is it about the girl you are kissing earlier?! Then I’m sorry if I ruined your moment!”

Inilapit ni Ice ang mukha niya sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Para akong nanlamig. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“You’re so beautiful.”

Bago pa ako makapag-react, bago pa mag sink-in sa akin ang sinabi niya, he already claimed my lips.

Sa dinami-rami ng lalaking nahalikan ko, sa kanya ko unang naramdaman na halos humiwalay na ang puso ko sa katawan ko.

Why the hell is he making me feel this way?!

“You are so beautiful…” pag uulit niya sa sinabi niya kanina.

Naramdaman kong bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Napapikit na lang ako.

“You’re so beautiful…”

 

Bigla akong napadilat. This time, hindi boses ni Ice ang narinig kong nagsasabi nun. Isang boses na kahit kailan, ayoko nang marinig.

Boses na galing sa aking ala-ala.

Bigla kong tinulak palayo si Ice sa akin.

“Stop, please…”

“I’m sorry,” rinig kong sabi niya.

Tumayo ako at dali-dali akong lumabas ng kwarto namin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko then I called Jasper.

“Hey, Timi, what’s up? Napatawag ka ng dis-oras ng gabi?”

“Jasper…”  napahagulgol na ako ng iyak.

 

“Timi, why are you crying? What’s wrong?”

“J-jasper, I-I think I’m falling for Ice….. at hindi ko na ‘to mapigilan.”

***


A/N : Opo, bitin :D ... Syempre lahat ng update ko ay bitin kasi on-going pa ito XD 

Salamat po pala sa patuloy na pag babasa. 

Tweet me here --> @iamalyloony 

:)

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...
49.4M 1.2M 81
I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his ever...
45.9M 779K 50
(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...