Short Stories

By kaizlerSKIE

49.9K 804 44

short stories you want>? find it here. genre? -horror? -romance? -tragic? -etc try reading one.and you'll... More

relate ka
a sad story
gf and bf
tragic
teaser
wahhh!! SAD :'(
Bakit Tawa ng Tawa ang Bungisngis?
nasa bahay
si manang Itok
Lalakeng naka barong tagalog at naka-Itim na pantalo
Impostor ni Lola
Ang Albularyo
Hilot sa San Pedro
Kalabog sa Kuwarto
Gabi ng Lagim
Kaibigang Freelancer
Kababalaghan sa Gubat
Canyoneering
Batong Puti
Anino Sa Rooftop
Lumang Elevator
Tito Emilio
Punong Duhat
Bagong Nobyo
Make-up Artist
Babae sa Akasya
Malaking Aso sa Kalye
Lalaki sa San Roque Village
Bed Spacer
Lumang Double Deck
kaizler zion sandoval
Babysitter ni Ikoy
Si Aleng Dolores
a night to remember
Dahil sa CELLPHONE
KANTO
crush
SAD LOVE STORY
Kung Ako Na Lang Sana
True Love
tiwala
sweet convo
babaero
kapal
pag kaiba
joke time?
bestfriend
tight and cried
How you got HIV, my love?
The First Love
Our first kiss
kuntento
Till the day i die
Fake Smile and a Heartbeat
Kaibigan. Ka-ibigan.
Friendzone, Uto-uto at Oportunista
Deconstructing Kindness
pulubi
The Enchantress
in hogwarts school of witchcraft and wizardry.
pLs giVe mE cC
Ode to the Dallas View
Red Skies
try reading all
ibang position
buntis ako
ref
papaya
internet
toothpaste
HIGHSCHOOL LIFE
kaizler zion
NASA HULI ANG PAGSISISI😢
"PANANDALIAN"
PANGARAP O PAGIBIG
"PUTULAN NA YAN"
"THE PRODIGAL SON"
"KINABET-KABET"
tanong>?
"BITIW"
"LIGAW"
SI MARIANG MAPANGARAPIN
accounts

ldr

265 3 1
By kaizlerSKIE

"Basta, kung sino yung makikita ninyong pamilyar na mukha, siya ang bago kong boyfriend," sabi mo sa grupo mong tinatawag na G Friends (pinaiksing Ganda Friends). Hindi mo kasi alam kung ano yung magiging reaksyon nila kapag nakita ako. Kaya tinext mo ako ng Punta ka na dito, beb.

Kaya ayun, lumabas ako sa pinagtataguang pwesto sa kalapit na bar. Parang slow mo moment sa pelikula nga yata ang eksena ko, hinahawi yung buhok na hinahangin ng hanging galing sa Manila Bay. Sabay ngiti at kaway sa inyo. Parang Mr. Pogi contestant lang. Nakita ko yung hitsura nila, hindi makapaniwala. Nasamid pa nga yata ng iniinom na juice si Monette.

"Ano to, joke?" tanong ni Jane na nagtaas ng kilay nang makita ako tapos tumingin ulit sa iyo.

"What is this, Pagsy?" nakakunot na natatawa si Monette. "Like hello??? Halos ipagtanggol kita sa mga boss ko na naghihinalang kayo nga nitong si Erwin at sinabi kong hindi ka kumakain ng putik. Tapos, andito ngayon 'tong kenkoy na to?" dire-diretsong daldal ni Monette, sumasayaw pa ang balikat.

"Ahahaha, ahahaha, Akala ko pa naman si Russel, ahahaha," nakakalokong hirit ni Jaymee. Si Russel na tinutukoy niya ay yung guwapong Marketing Officer ng isang account natin sa kompanya.

"Wait, G Friends, okey lang yan, kahit naman ganyan ang hitsura nitong si Erwin, mabait naman yan, eh. Baka kasi natutuwa lang talaga sa kanya 'tong si Pags," pagtatanggol, kung pagtatanggol ngang matatawag ang sinabing iyun ni Yeng.

Ngiti lang ang isinagot mo sa kanila. Ako naman, natatawa lang din. Kung maka-react yang barkada mo, parang wala ako sa harap nila. Sabagay, nakakakatawa ngang naitago natin sa kanila yung relasyon natin samantalang palagi naman tayong nagkikita-kita sa opisina.

Sa isip ko, sinasakal ko na isa-isa ang miyembro ng G Friends. Napaka-feeling maganda talaga ng barkada mo. E, mga ordinaryong mukha lang din naman, nag-aarte-artehan lang para magmukhang sosyal.

"Paano nga ba nangyari?" Iisa nilang tanong sa atin na para bang suspek tayo ng isang krimen at sumasalang sa interrogation ng NBI.

Kunsabagay, hindi ko sila masisisi. Ikaw kasi yung tipong Crush ng Bayan sa opisina. Sabi ng iba, kamukha mo si Katya Santos. May nagsasabing kahawig mo si Jolina Magdangal, kasi ang kikay-kikay mo. Maamo ang mukha, mahaba ang buhok, maganda ang labi. Sa madaling salita, maganda ka. Mahilig sa Hello Kitty at pink na bagay. Basta kahit anong bagay, basta pink. Fashionista ka pa kung manamit. Sumasali ka pa ng beauty contest.

Sa kabilang banda, ako naman ang kwelang nerd sa opisina. Sabi nila, kamukha ko raw si Smokey Manoloto. May nagsasabing kahawig ko raw si Jet Li. Minsan, si Fanny Serrano. May kaibigan nga ako, sabi sa akin, kamukha ko raw si Long Mejia, na nakasalamin. Ganyan yung hitsura ko. Malabong ilarawan. Yung tipong kapag tinanong kung pogi ba? Sasagutin ka ng mabait naman. Tapos, tatanungin ulit ng Pogi ba? Sasagutin ulit ng palatawa at matalino. Kung bakit naman kasi parang bara-baranggay kung tumubo ang pimples ko. Malabo pa ang mata ko kaya kailangan kong magsalamin. Binabawi ko na nga lang sa hating Keempee de Leon ang buhok ko eh. Na para namang ang laki ng ipinagbago ng mukha kong kinagigiliwan ng G Friends.

Paano nga ba tayo nagsimula?

Parehas tayong galing sa break-up sa kani-kanyang relationship. Nagkalabuan kayo ng boyfriend mong businessman dahil wala siyang oras sa iyo. Biniro nga kita dati na baka may ibang business siya na hindi mo dapat malaman. Minura mo ako noon pero nakita ko natahimik ka pagkatapos.

Nagulat na lang ako nang sabihin mo, minsang naglalakad tayo papunta sa sakayan ng dyip na nagising ka na lang na parang tinatanong mo ang sarili mo kung talagang mahal mo pa ba yung tao o nasanay ka lang na parati syang wala. Naghihinayang ka pa sa apat na taon pero naisip mo rin na ano naman ang dahilan para magtagal ka sa isang relasyon na hindi mo na sigurado ang nararamdaman.
Ako naman, nagsawa na sa long distance relationship, kung long distance na matatawag ang Cavite at Quezon City. Sabihin man nilang malapit lang pero ayoko ng set up na isang beses isang buwan lang tayo magkikita. Hindi ko kaya yung sa text at boses lang tayo nagkakaintindihan. Ako yung tipong gusto kong parating nakikita at nakakasama ang taong mahal ko. Sa madaling salita, parehas tayong broken hearted. At ang teyorya, broken hearted plus broken hearted is equals to possible relationship.

Pero mali sila, hindi naman tayo ganun kadesperado. Ang sa atin ay isang relasyong nabuo hindi dahil parehas tayong basag na nanangangailangan ng ibang tao para muling mabuo. Nabuo ang TAYO kasi parehas tayong buo. Dumating ang isa't isa sa tamang panahon. Kung anong meron tayo ay bunga ng isang matibay na pundasyon. At iyun ay resulta ng pagiging malapit nating magkaibigan.


Nang magkaroon ng bakante sa HR, binalikan namin ang mga profile ng mga naging OJT sa kumpanya. Bilang isa sa mga senior staff, tinanong ni Sir Titan (HR Manager) ang rekomendasyon ko kung sino ang posibleng kunin ng kumpanya bilang HR Assistant. Binigay ko yung pangalan mo. Hindi dahil sa kung ano pa man, kundi dahil karapat-dapat ka naman talaga base sa ipinakita mong performance bilang trainee. Maagang pumasok. Tsek. Masunurin. Tsek. Madaling matuto. Tsek. Organized. Tsek. Magaling makisama. Tsek na tsek. Nagkataon din siguro na nakita nila iyun sa iyo. Kaya nga, natuwa kami nina Aila at Tere nang kunin ka ng kumpanya.

Simula noon, lalo tayong naging malapit. Ako ang nagturo sa iyo ng pasikot-sikot ng trabaho sa departamento natin. Requirement ng kliyente versus CV ng aplikante. Kung paano mag-interview at magsala ng mga tao. Kung paano ipaliwanag ang kontrata at benepisyo. Kung paano mag-organize ng mga events sa kumpanya.

Naalala mo tuwing unang Biyernes ng buwan, magkasama tayong naghahanap ng pari para mag-misa sa opisina. Tinutukso nga tayo ni Sir Titan na naghahanap tayo ng pari para magpakasal.

Naging constant textmate tayo at nagpalitan ng mga quotes at jokes. Nang magkaroon ng magic yung cellphone kong 5110, ikaw ang pinakamatagal kong kausap sa telepono. Magic kasi nga dalawang linggong unlimited ang tawag sa cellphone ko.

Doon ko nalaman na sa kabila ng kakikayan mo, marami rin pala tayong pinagkakasunduan tulad ng musika ni Gary Valenciano na ginagaya ko pa kahit nasa gitna tayo ng kalsada. Natatandaan mo noong minsang nag-bar yung HR team sa Cowboy Grill. Nang kumanta yung babaeng bokalista ng banda, nilapitan ako at pinasasayaw. Ako si engot, mas gusto pang sumayaw lang sa table natin. Tapos noong ikaw yung inaya nung lalaking bokalista, umakyat ka pa sa stage. Niyabangan mo pa ko at tinuksong walang kwentang ka-gimikan.

Sabay rin tayong naghahanap ng mga trip nating meryenda – fishball, barbeque, mais, pansit, pati na yung tinapay na binibili pa natin dalawang bloke ang layo sa opisina.

Sabay rin tayong umuuwi dahil parehas tayo ng jeep na sinasakyan. Wala ka na kasing nobyong de-kotse. Hindi muna ako bumababa sa kanto ng inuupahan kong apartment dahil sinasamahan pa kitang tumawid ng kalsada para sumakay ulit ng jeep papunta sa lugar ninyo. At kapag nakasakay ka na, parati kong hinihintay na tumingin ka ulit para kumaway. Maliit na bagay yun pero parati kong inaabangan. Tapos, ite-text kita ng ingat. Magre-reply ka naman kapag nasa bahay ka na.


Pebrero 14, 2004. Lovapalooza event noon sa Baywalk. Kasama natin ang G Friends, HR team at yung ibang barkada ko sa opisina. Gaya ng dati, magkasabay tayong umuwi. Nagtaxi tayo noon. Biniro ko yung drayber na ihatid tayo doon sa biglang liko. Ihahatid nga talaga tayo ni Manong kung hindi ko binawi yung joke. Binalingan kita, sabi ko, "Sabi sa iyo, e. Papasa tayong mag-syota." Ang sagot mo sa akin, "Feelers ka talaga."

Feeling. Assuming. Oo, kasi malayo naman talaga ako sa profile ng ex mo na guwapo, konyo at de-kotse. Ako, iba rin naman ang tinitingnan ko sa babae, ang gusto ko matalino, magaling magsulat, simple at hindi maarteng gaya mo. Parang sa trabaho lang natin sa HR, iba yung requirement na hinahanap natin laban sa mga katangiang meron tayo. Misfit para sa isang romantikong relasyon. Kumbaga, ikaw at ako ay talagang magkaibigan lang. Naglagay na tayo ng bakod sa simula pa lang.

Pero noong mga panahong iyun, espesyal na ang tingin ko sa iyo. Kumbaga, pinana na ako ni Kupido bago pa man ang Lovapalooza. Yung gabing iyun, may laman yung joke ko, tinantiya ko lang kung paano mo tatanggapin. At iyun nga, Feelers na salita ang isinukli mo.

Pero alam mo naman yang pag-ibig na yan, habang pinipigilan, lalong nag-uumalpas na makawala. Kapag lalo mong inililihim, lalong umiigting yung pagnanasang masabi sa taong pinag-uukulan. Kaya nagdesisyon akong sabihin sa iyo. Bahala na.

Birthday ko noon, sangkaterbang text ang natanggap ko mula sa mga kaibigan, kapamilya at kakilala. Sumagot ako sa kanilang lahat ng Salamat. Yung sa iyo, ang reply ko.... I love you and I mean it. Wala akong nakuhang sagot.

Kinabukasan, nagkuwento ka kay Tere. Iniiisip mo kasi biro lang ulit. Nagkwento ka sa kanya kung ano ba talaga ang meron tayo. Kung ano yung nararamdaman mo at kung ano ang sunod na dapat gawin. Ang payo lang sa iyo ni Tere, Go, Girl.

Biyernes noon, pagkagaling sa trabaho, pumunta ulit tayo doon sa Baywalk. Doon sa may fountain, sinabi mo ang sagot mo sa text ko. Para akong nanalo sa lotto. Sinong mag-aakala na ikaw na Crush ng Bayan sa opisina, ang girlfriend ko? Napaniwala ko tuloy ang sarili ko na ampogi-pogi ko pala. Napabilib ko tuloy yung barkada ko pagdating sa babae. May itinitago daw akong anting-anting.

Ikaw naman, ayun, kinumpronta ka ni Aila. Huwag na huwag mo daw akong sasaktan. Oo, ganyan ako ka-mahal ng taong yan.

Ang totoo, hindi naman natin inilihim ang ating relasyon. Hindi lang nila nahalata kasi nga parati naman tayong magkasama. At kung may magtanong man, sinasabi naman natin kung ano ako sa iyo at kung ano ka sa akin.

Bandang huli, natanggap naman ng G Friends ang desisyon mo. Kilala rin naman nila ako sa opisina. Palabiro ako pero seryoso sa trabaho. Alam nila yan dahil ako mismo ang nag-interview sa kanila noong mag-aplay sila ng trabaho sa pinapasukan nating kumpanya. Maaarte lang sila pero mababait naman.

At bilang paggalang, pumupunta na rin ako sa bahay ninyo. Salamat at napakabait ng mga magulang at mga kapatid mo. Ipinakilala naman kita sa pamilya ko.


Tinanong kita kung hindi ka nagsisi dahil walang kotse ang boyfriend mo. Sabi mo, basta parati tayong magkasama sa biyahe.

Tinanong mo naman ako kung hindi ako nadismaya dahil hindi ka naman nagsusulat. Sabi ko, ako ang magsusulat ng mga kwentong pagsasaluhan nating dalawa.

Ipinaalala mo sa akin ang usapan nating yan nang magdesisyon akong mangibang-bayan sa South Korea. Tatlong taon ang pinirmahan kong kontrata. Samantala, siyam na buwan pa lang yung relasyon natin. Babago pa lang yumayabong. Hindi pa handa sa malalakas na bagyo.

"Pero, beb... para sa Nanay ko," yan ang sagot ko sa iyo. Nasa apartment tayo nang naikwento ko sa iyo na labas-pasok sa hospital yung nanay ko dahil sa sakit sa atay. Kailangang-kailangan namin ng pinansiyal na pangtustos sa pagpapagamot niya. Dagdag pa yung ibang gastusin sa bahay at pang-tuition ng mga kapatid ko.

"Pero paano tayo?" tanong mo.

"Tayo pa rin," sagot ko. Yung sagot ko na yan, hindi ko alam kung kaya kong panindigan. Sumagot ako para lang mapanatag ka kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako naniniwala sa long distance relationship. Lumabas ako sa ganyang relasyon, sa ganyang relasyon din pala ako papasok.

Tiningnan kita. Hinawakan ko yung mukha mo. Pambihira, itong kakambal ni Jolina, inaaya ang kapatid ni Long Mejia na magpakasal nang ganun lang? Pambihira.

"Beb, huwag tayong magpadalos-dalos ng desisyon. Hindi naman ganun kadali yun. Kailangan nating paghandaan kung papasok tayo sa mas malalim na relasyon." Pilit kong ipinapaunawa sa iyo ang sitwasyon.

Nagalit ka sa akin. Noon nga lang kita nakitang magalit nang husto. Sumakit din ang dibdib ko hindi lang sa bigat ng dinadala ko, kundi dahil sa mga suntok mo. Pinabayaan lang kita. Kahit sa ganoong paraan man lang, mabawasan yung guilt feelings na nararamdaman ko. Hindi ko gustong saktan yung damdamin mo. Hindi ko alam kung matino ba ako. Baka mawala ka sa buhay ko. Baka ikaw na nga yung para sa akin. Hindi na siguro darating sa buhay ko ang isang tulad mo. Makakakita ng kasingganda mo, oo. Mamahalin, siguro. Pero yung mamahalin ako sa kabila ng mga pagkukulang ko, yun ang ikinakatakot ko.

Ayokong maging unfair sa iyo. Ayaw kitang itali sa isang relasyong may agam-agam. Paano kung hindi pala ako para sa iyo? Paano kung pagkatapos ng ilang buwan, makakalimutan mo rin pala ako? Paano kung isa lang pala akong joke sa mga relasyon mo at babalik ka na naman sa listahan mo ng ideal guy. Yung hindi lang mabait, guwapo at mayaman pa. At mamahalin ka nang higit pa sa kaya kong ibigay?

Pinipigilan mong umiyak noong inihatid mo ako sa agency. Pinipigilan ko ring umiyak. Hindi dapat iyakan yong sitwasyon natin. Baka naman ito yung paraan para mas lalo tayong tumibay. Sabi ko, hindi naman ito goodbye. Magkakahiwalay lang tayo pero hindi tayo maghihiwalay. Walang dapat iyakan.

Pag-andar ng bus na magdadala sa amin sa NAIA, nakita kita mula sa bintana, humahagulhol ka. Naantig naman ang puso kong nagkukunwaring bato. Iiwan ko ang babaeng minamahal ko para madugtungan ang buhay ng babaeng nagbigay sa akin ng buhay. Namalayan ko na lang, humihikbi na rin ako. Ang dami kong kinain na prinsipyo nang mahalin kita. Kinain ko yung sinabi kong hindi ako iiyak. Kinain ko yung prinsipyo kong kalokohan ang long distance relationship.

Tinanong ako ng katabi ko, "Pare, ano mo yung magandang babae?"

"Girlfriend, pare." Kahit kailan naman talaga, o. Lalo akong napahagulhol.

Sabi ng iba, mahirap ang long distance relationship. Sabi ko naman, sa una lang yan, syempre hahanapin mo lahat ng mga bagay na kinasanayan mo. Yung may kasabay kang umuwi, kumain, manood ng sine, gumimik, mamasyal. O yung simpleng kwentuhan lang ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Natural lang yung matulala ka minsan, mag-emo, mapangiti nang mag-isa.

Pero kalaunan, nasanay na rin tayo. Buti na lang, isang oras lang ang pagitan ng oras sa Pilipinas at South Korea. Paggising sa umaga, Good morning na text. Sa tanghali, kamusta ang lunch. Sa gabi, konting kwento tapos bye, sweet dreams na. Chat kapag day-off. Wala pang Facebook noon. Tuluyan ko ng pinangatawanan ang long distance relationship.

Walong buwan yung matuling lumipas – emergency. Kinailangan kong umuwi ng Pilipinas. Nawala ang taong dahilan ng pangingibang-bayan ko. Iyun na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Saksi ka kung paano ako nanlumo, para saan pa yung pag-aabroad ko. Wala na ang babaeng pag-aalayan ko.

Nag-usap tayo, muling tinimbang ang nararamdaman. Salamat naman, ganoon pa rin tayo. Nagtampo ka nga lang sa akin dahil wala akong pasalubong na may tatak na Hello Kitty para sa iyo. Napakamot na lang ako ng ulo, kikay ka pa rin talaga. Pero ang mas mahalaga, isang babae pa rin ang dahilan ng pagsisikap ko sa ibang bansa.

Bumalik ako ng Korea. Ilang buwan lang, nagtrabaho ka naman sa Qatar. Mula sa isang oras na pagitan, naging anim na oras ang pagitan nating dalawa. Ayos din naman, naging alarm clock natin ang isa't isa.

Sa kabila ng lahat, buo pa rin tayo. Natapos ang kontrata ko sa Korea, buo pa rin tayo. Nagdesisyon ako na magtrabaho muna sa Pilipinas, doon sa dati nating kumpanya, tayo pa rin. Hanggang magdesisyon ako na sumunod sa iyo sa Qatar at magtrabaho.

Sinong mag-aakalang darating tayo sa ganitong panahon?

Isang beses, lumapit ka sa akin. Sabi mo, nababasa mo yung blog ko. Paborito mo yung Meteor Shower. Yung kwento nung pumipili ka ng traje de boda.

Alam mo ba kung ano yung pinakapaborito kong naisulat tungkol sa ating dalawa? Heto yun.


Para Sa Iyo

Walang kasawaan. Walang kapaguran. Walang hangganan.

Ganito kita mamahalin. Hindi ako magsasawa sa aso't pusa nating pagtatalo sa araw-araw, dahil alam kong pagkatapos nito'y maglalambingan naman tayo. Hindi ako mapapagod sa pag-unawa sa mga mood swings mo at pagiging OC mo. Walang hangganan dahil ang pagmamahal ko sa iyo ay walang kinikilalang panahon maliban sa magpakailanman.

Pagkakaibigan. Diyan tayo nagsimula. Kaya naman umasa kang ako pa rin ang magiging bestfriend mo, numero unong fan at una ring kritiko. Kahit wala na tayong mga ngipin, asahan mong pupunuin ko pa rin ng halakhak at tawanan ang ating maghapon.

Respeto. Pag-unawa. Pagtitiwala. Iyan naman ang iaalay ko. Igagalang bilang kabiyak ng puso. Iingatan bilang karugtong ng buhay. Aalagaan bilang katuwang sa pagbuo ng pangarap nating dalawa. Walang iwanan. Walang lokohan.

Ang araw na ito ay simula ng bagong kabanata. Salamat. Sabay tayong matututo. Sabay tayong maglalakbay. Hawak-kamay. Magkasalo. Mag-asawa.

Mahal kita, beb. Mahal na mahal.

Iyan ang wedding vows ko sa kasal natin noong Disyembre 2010. At gaya ng pangako ko, patuloy akong magsusulat ng mga karanasang pagsasaluhan nating dalawa. (c) Erwin Aguila

Continue Reading

You'll Also Like

203K 6.2K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
1.8M 72.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
375K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...