Kalabog sa Kuwarto

790 13 0
                                    


Kalabog sa Kuwarto

Tuwing ika-alas tres ng madaling araw, palagi nalang nakakarinig ng mga kalabog sa kabilang kuwarto ng kanilang boarding house si Ella. Nagsimula ito noong bumalik ang boardmate niyang si Amanda mula sa kanilang baryo.

Magda-dalawang linggo nang tuloy tuloy ang nasabing insidente. Hindi man sila ganoon ka lapit sa isa't isa dahil hindi sila pareho ng kurso, pero batid ni Ella na tig-iisang babae lamang kada kwarto sa kanilang boarding house kaya hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang mga kalabog sa kwarto ni Amanda.

Minsan ay naitanong niya na rin ito sa isa pa nilang boardmate kung sila ba ay nakakarinig din ng mga kalabog tuwing alas tres ng umaga. Subalit wala sa mga ito ang sumang-ayon sa kanya.


Hindi mapakali si Ella hanggat hindi niya mapatunayan sa mga kasamahan sa bahay na kumakalabog talaga tuwing madaling araw kaya may naisip siyang gagawin.

Nagsimula siyang bantayan ang mga kilos ni Amanda. Mula paglabas nito ng kuwarto, habang kumakain, pagkatapos maligo at pati sa paghahanda nito para pumasok.

Isa lang ang napansin ni Ella. Lagi itong nagsusuka. Naisip tuloy niya na baka buntis ang boardmate.

"Amanda, may project ba kayo sa Philippine Arts? Pwede bang makitingin ako para makakuha ako ng ideya?", minsa'y alok ni Ella para makapasok siya sa kuwarto nito.

Pinapasok naman siya nito kaagad. Ibinigay nito ang isang folder na maraming magagandang guhit sa loob bago ito bumaba para maligo.

Habang nasa banyo si Amanda, mabilisang nag-imbestiga si Ella sa loob ng kuwarto. Laking pagkabigo niya ng wala siyang makitang kahit anong pwedeng pagdudahan.

Gabi, araw ng Huwebes. Alas-dose palang ng hatinggabi ay nakahanda na si Ella sa gagawing imbestigasyon. Nakahanda na ang kanyang video camera at recorder.

Dalawampung minuto bago mag-alas tres, nakabantay na siya sa butas na kanyang ginawa kaninang umaga. Mabuti nalang at gawa sa plywood ang mga dingding ng kanilang boarding house kaya hindi naging mahirap sa kanya ang pagbutas dito.

Halos lumuwa ang dalawang mata ni Ella sa takot ng makita niya sa butas ang apat na anino. Literal na mga anino na may dalawang pares ng pulang mata. Nakapaikot ang mga ito sa higaan ni Amanda.

Walang tunog na nililikha ang mga ito subalit nakikita ni Ella na parang nag-uusap.

Nakakapanindig balahibong makita ang mga itong naglalakad-lakad paikot sa kama ni Amanda. Meron pang lalapitan ng mukha ng isang anino ang mukha ni Amanda.

Pigil na pigil si Ella na sumigaw sa pangambang baka siya ang puntahan ng mga nakakatakot na nilalang sa dilim.

Ilang sandali pa ay lumutang ang katawan ni Amanda. Laking pagtataka ni Ella ng hindi man lang nakikitang nakakaramdam si Amanda. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog.

Napaiyak nalang sa takot si Ella sa sumunod na nakita. Pinagsasamantalahan ng apat na anino ang hubad na katawan ni Amanda habang ito'y mahimbing na natutulog at nakalutang.

Saktong alas tres, tumunog ang mahinang alarm ni Ella kasabay ng pagbagsak ng hubad na katawan ni Amanda sa kanyang kama. Isang malaking kalabog.

Nagmamadaling pinatay ni Ella ang alarm.

Halos mawala ang pintig ng puso ng babae ng pagbalik na kanyang mga mata sa butas ay nakatingin ang apat na maligno sa kanya.

Short StoriesWhere stories live. Discover now