Kaibigang Freelancer

685 5 0
                                    


Kaibigang Freelancer

Araw ng Sabado noon, pahinga ko sa trabaho bilang isang web designer sa isang Creative Company sa Makati. Halos ika-dalawang taon ko na ito sa kompanya. At dahil marami na rin akong mga nagawang personal design artworks na naka-upload online, nakakakuha ako ng mga local clients.

Isang linggo palang ako sa unit na bago kong nilipatan at niri-rentahan sa Cubao. Medyo naninibago pa ako dahil ako lang ang nakatira sa buong unit na iyon. Pero dahil hindi naman ako matatakutin, balewala lang sa akin ang mga kwentong multo kagaya ng kapag nabakante daw ang isang lugar o tahanan, tinitirahan ng mga maligno.

Pagkatapos maghapunan sa isang kainan sa baba ng building, inihanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagbuo ng website design – papel at lapis para sa layouting, printed na instructions galing sa kliyente, mainit na kape, bottled water, at kung ano-ano pa para tuloy-tuloy ang trabaho.


Masakit sa mata kapag masyadong maliwanag ang mga fluorescent lights. Kaya pinatay ko ang ilaw sa sala at binuksan ang nasa banyo. Habang ino-on ko ang mac, halos panawan ako ng ulirat ng makita kong may anino ng taong nakatayo sa aking likuran. Dali-dali akong lumingon at kabadong kinompirma ito. Napabuntong-hininga ako ng wala akong makita.

Posibleng namamalikmata lang ako. Pero para sa kasiguraduhan, binuksan ko nalang ang ilaw sa sala at pinatay ang nasa banyo.

Matapos ang isang set ng mga kanta mula sa Spotify, nakalimutan ko ang anino kanina na halos nagpahimatay sa akin.

Natapos ko na rin ang mga unang sections ng website – hero banner at services part. Maya-maya, nakaramdam ako ng pagka-ihi.

Uminom muna ako ng kape at dali daling nagtungo ng banyo para umihi. Binuksan ko ang ilaw at pagkatapos umihi, binuksan ko rin ang bintana ng banyo at nagsindi ng sigarilyo. Umabot ako sa tatlong posporo bago ko nasindihan ang Marlboro. Para bang may sadyang pumapatay ng apoy nito. Kinilabutan ako sa isiping iyon, naalala ko ang anino sa repleksyon ng monitor kanina lamang. Mabilis na isinara ko ang bintana at lumabas ng banyo.

Laking gulat ko ng maupo ako sa harap ng mac dahil sira-sira na ang designs ko. Nagkalat ang mga icons at images. Iba-ibang copy na din ang nakalagay.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyari kung bakit nagka-ganoon. Imposible naman gumalaw ng kusa ang mouse o ang keyboard. Pinaghalong kaba at galit ang naramdaman ko. Takot na baka nga minumulto ako at galit dahil sayang ang pagod ko sa paggawa ng design.

Ini-restart ko ang mac. Naisip kong ulitin nalang lahat total may ideya naman na ako kung paano siya ilalatag.

Pagpatay ng monitor, napasigaw ako sa takot ng makita ko na naman ang anino sa repleksyon. Halos mawalan ako ng malay ng makita ko ang hitsura nito. Maligno. Maitim ang muka na para bang naligo ng grasa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Naiiyak na ako sa takot. Ayokong lumingon dahil baka nga nandoon talaga ang maligno. Dahan dahan nalang akong tumayo at mabagal na naglakad papuntang kuwarto.

Ramdam na ramdam ko ang mainit na likido na tumatagas sa aking boxing short habang ako'y naglalakad. Dala ng sobrang takot.

Pagdating sa kuwarto, hindi na ako lumingon. Isinara ko kaagad ito, ini-lock at hinanap ang aking cellphone. Nasa isip ko ang magtawag ng kahit sino para papuntahin sa unit.

Napaluha ako sa saya ng makita ko ang aking cellphone sa mesa na nasa gitna ng kabinet, naka-charge. Dali-dali ko itong kinuha at nag-dial ng numero. Numero ng admin ng building.

Habang nagri-ring ang aking cellphone, iginagala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Sobra akong nababahala na baka nasa loob na din ang maligno.

Pagharap ko sa salamin sa ginta ng dalawang kabinet. Isang ma-grasang maligno ang aking nakita sa aking likuran, nakabukas ang mga kamay nito at niyakap ako. Nawalan ako ng lakas habang nararamdaman ko ang kanyang malamig na hininga sa aking batok.

Short StoriesWhere stories live. Discover now