Bakit Tawa ng Tawa ang Bungisngis?

1.3K 14 1
                                    

Bakit Tawa nang Tawa ang Bungisngis?ni Martin Tristan Carneo(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)Nasa harapan ko na ang halimaw ngunit hindi pa rin ako makapaniwala. Sadyang mayroon talagang mga bagay na hindi matanggap ng ating isipan kahit nakikita na ito ng sarili nating mata."Maki!" Isang malamig na kamay ang malakas na humatak sa aking braso."R-Robi." Sa sobrang takot at pagkamangha ko ay hindi ko na napansin na humakbang pala ako papalapit sa halimaw."Huwag kang lumapit diyan baka kagatin ka bigla."Tumango ako at agad na umatras sa tabi ng aking kababata. Muli kong tinignan ang halimaw na nakasalampak sa lapag. Nakatali ang buong katawan nito ng makapal na lubid. Malaki ito at nakatatakot ang hitsura. Marungis ang buong katawan nito na para bang gumulong sa putikan. Nagwawala ito at nagpupumiglas ngunit ang nakatatakot ay kahit na nakatali, tawa lang ito nang tawa."Ano ba iyan, Robi?" tanong ko."Hindi ko rin alam. Kaninang naglalakad ako sa kakahuyan ay nakita ko iyang nakahandusay sa lupa. Nang lapitan ko, nakita kong sugatan. Kaya inuwi ko rito."Tinignan ko si Robi, ang aking bibig ay napanganga."Inuwi mo? Bakit? Nababaliw ka na ba?""Sa totoo lang, tatakbo na sana ako sa takot nang makita ko ang mukha ng halimaw na iyan," nakangiti niyang sagot pagkatapos ay naupo sa isang bangkito sa kaniyang tabi. "Pero bigla kong naalala ang mga kuwento ni lola. 'Yung tungkol sa mga halimaw na nakikita raw rito sa bundok na ito. Naaalala mo pa ba iyon?""Oo naman," tugon ko. "Pero kuwento lang ang mga iyon, 'di ba?""Anong kuwento? Hindi mo ba nakikita iyang nasa harapan mo? Huwag mong sabihing kuwento lang iyan?"(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)Muli kong tinignan ang halimaw na tumatawa pa rin. Kahit hindi makapaniwala ay aaminin kong totoong-totoo ito.Tumayo si Robi at inakbayan ako. "Alam mo, pwede nating pagkakitaan iyan. Sisikat tayo!"Tinitigan ko lang ang aking kaibigan na mukhang binibilang na ang salaping kikitain."Huwag kang mag-alala. Hindi tayo mapapahamak. Mahigpit yata ang pagkakatali ko sa halimaw na iyan," nakangiti niyang sabi."Ano ka ba? Sino naman ang magbabayad para makakita ng halimaw?"Natawa lang si Robi. "Naku, tiyak na magugulat ka! Lahat tayo, aminin man natin o hindi, ay gustong makakita ng isang tunay na halimaw kahit isang beses lang sa buhay natin."Napailing lang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung mayroon ba talagang gustong makakita ng isang halimaw na ganito kapangit. Dagdag mo pa ang makapaninndig-balahibong halakhak nito."P-Pero, bakit ba iyan tawa nang tawa?" tanong ko.Naging seryoso ang mukha ng aking kababata. "Hindi ko rin alam pero kanina, sinubukan kong kausapin, pero tinawanan lang ako."Hindi ko alam kung gaano katagal naming pinagmasdan ang tumatawang halimaw. Nang hindi ko na makayanan ay nagpaalam na ako kay Robi."Basta sikreto lang natin ito, ha," masayang sabi ni Robi pagkahatid sa akin sa labas.Tumango lamang ako.(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)***"Parang awa ninyo na! Huwag ninyo akong sasaktan!"Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagmakaawa, pero hindi pa rin ako pinapansin ng dalawang halimaw na nakatayo sa aking harapan. Malaki sila, parang higante. Nakatatakot din ang kanilang hitsura, lalo na't iisa lamang ang kanilang mata na nasa gitna ng kanilang noo. Mayroon akong nabasang isang artikulo sa internet na may pagkakahawig sa mga nilalang na ito. Ang buong akala ko ay pamahiin o kuwento-kuwento lamang sila.Namamanhid na ang mga braso ko sa higpit ng pagkakatali sa akin. Pinilit kong makawala pero parang lalo lamang humihigpit ang lubid."Please! Pakawalan niyo na ako!"Hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Sa pakiwari ko ay nasa isang maliit na barung-barong ako na gawa sa pinagtagpi-tagping mga sanga at dahon. Ang huling naaalala ko ay napahiwalay ako sa aking grupo na nagha-hiking sa bundok na ito. Sinubukan ko silang hanapin ngunit parang lalo lamang akong naligaw."Ano bang kailangan ninyo sa akin?"Humakbang papalapit ang isang halimaw sa akin."Huwag kang lalapit!"Biglang tumawa ang pangalawang halimaw at hinawakan ang braso ng kaniyang kasama. Tumawa rin ito at humakbang paatras."Panaginip lang ito. Panaginip lang ito. Panaginip lang ito."Muling nagtawanan ang dalawang halimaw."Bakit ba kayo tumatawa?"Biglang naupo sa isang bangkito ang isa sa mga halimaw."Parang awa ninyo na. May pamilya ako!"Makalipas ang ilang sagilt ay tumayong muli ang halimaw at inakbayan ang kaniyang kasama. Pagkatapos ay napatuloy sila sa pagtawa."Tulong! Tulong! Kung may nakakarinig sa akin, tulungan ninyo ako!"Tumalikod ang dalawang halimaw at lumabas ng pintuan.Sumigaw ako nang sumigaw, ngunit wala akong ibang narinig kundi ang tawa ng dalawang bungisngis.

Short StoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu