a night to remember

559 6 1
                                    

Sa umpisa ay isa lamang paghanga ang nararamdaman ni Ayessandra kay Tyler Fuentabelia ang pinakasikat at hinahangaan ng halos lahat ng kababaihan sa university nila.
Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman niya dito, bakit Hindi Ito Na ata ang pinakaguwapong nilalang Na nakita niya bukod pa sa matalino at nanggaling sa mayamang pamilya.
Kaya isang gabing di inaasahang makita nila ng mga kaibigan niya si Tyler sa bar kasama ang mga Kabarkada nito, she take that chance to get him notice her even just for that night.
And she succeed she didn't only make him notice her she also gave herself to him, But did she really win to get his attention or just a mistake that will lead her with long road full of heartache?

Story:

Third year na sa kursong law si Ayessandra bagamat matalino at matataas ang grado ay di pa rin siya makadama ng kaligayahan dahil na rin siguro sa di naman talaga yun ang gusto niyang kuning kurso dahil mula pagkabata ay pangarap na niyang maging writer na lubos na tinututulan ng kanyang magulang .

At isa pang dahilan kung bakit kahit gusto niyang maging writer ay abogasya pa din ang kinuha nya ay dahil parehong kinikilalang abogado ang kanyang mga magulang at sumunod na din sa yapak ng mga ito ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at dahil gusto niyang makuha ang loob ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na sa simula pa lang ay hayagan ng pinapakita sa kanya na di pantay ang pagtingin nito sa kanilang dalawa ng Ate niya.

Kung lagi nitong pinupuri ang Ate Lira niya ay kabaliktaran naman nito ang kanya lahat na lang ng lait at pintas ay natitikman niya sa ama kahit minsan sa buhay niya ay di niya pa naranasan ang mapuri at mahalin ng ama samantalang ang Ate Lira niya ay sagana sa pagmamahal at atensiyon nito mabibigyan lang siya ng pansin pag may napuna nang mali sa kanyang ginagawa, Tulad na lang ngayong araw

Tok! Tokk! Tok!
"Bukas yan" mabagsik na sabi ng kanyang ama at nang pumasok siya ay nakita niya itong nakaupo sa table nito at mukhang may tinitignan.

"Good Evening dad pinapatawag nyo daw po ako?" ang ninenerbiyos niyang bati dito dahil di siya nito pinapatawag Kung di rin lang siya nito pagagalitan or pupunahin.

"Anong klaseng grado ito ha ? May gana ka pang ipakita ito sa akin!". ang mabalasik nitong sigaw sabay hagis sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang kanyang grado muntik pa ngang tumama ito sa kanyang mukha.

"Sorry dad I really try my best but ......."
Ang mangiyak ngiyak niyang sagot bagamat matataas naman ang kanyang marka ay di pa din ito sumapat sa pamantayan nito.

"But you are no good!" ang sigaw nito sa kanya na talagang walang bilib kahit noong una pa man naalala pa nga niya na sinabihan siya nitong wag nang magabogasya dahil hindi raw yon para sa mga katulad niya na walang utak naalala pa nga niya hanggang ngayon ang sakit na lumatay sa kanyang puso.

"I told you already that you will fail you are nothing compare to your sister! Ang Ate mo nagtapos ng magna cum laude sa law school, nagtop pa sa bar exam at lagi kaming binibigyan ng karangalan ikaw ano? Puro kahihiyan ang inaabot namin ng mommy mo"
Ang galit Na galit Na litanya nito halos sumabog na ang kanyang tenga sa sobrang lakas nang pagkakasabi nito.

"Im just wasting my money on stupid like you" ang mas masakit na dagdag pa nito na halos magpalambot na sa kanyang mga tuhod dahil sa sobrang emosyong nararamdaman niya pero pilit siyang nagpakatatag hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay sa mga masasakit na salita nito.

"Sige lumabas ka na at lalo mo lang pinagiinit ang ulo ko" ang sigaw nito habang nakaturo pa ang mga kamay sa pintuan.

Kaya dali dali siyang lumabas ng study room muntik pa siyang madulas sa hagdan dahil sa walang hintong pagpatak ng luha mabuti na lang at nakahawak siya sa railing ng kanilang hagdan kung nagkataon ay bumagsak na siya dahil sa pagmamadaling makarating sa kuwarto niya.

Short StoriesWhere stories live. Discover now