teaser

2.2K 31 1
                                    


Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consunji's turf. Witness how Sheena's life turns around because of the ruthless man who have marked her twice.
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Just a night with him
*******************************************
I never thought I'll have him for the night...

*******************************************
[2] Prologue: One night
*******************************************
Napalunok ako nang marinig ko ang dalawang salitang isinisigaw ng lalaki sa aming harapan. Hindi ko siya makita at hindi ko rin kilala ang boses niya, pero rinig na rinig ko ang tono ng boses niya, nakakatakot, nakakakaba. Muli ay isinigaw niya ang pagpipilian ng mga neophytes na tulad ko.

"Hirap o Sarap!"

Muli akong napalunok. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ganito? Isa lang naman akong ordinaryong college student, taking up Bachelor of Science in Business Management, hindi ako scholar pero pinapaaral ako ng amo ng Nanay ko sa isang magandang unibersidad na ito. Pero kahit gaano ako magpakabuti, napasok pa rin ako sa sitawasyong ito.

"Hirap o Sarap!"

Sigaw muli ng lalaking kanina pa lumuligid sa amin. Alam kong may mga kasama ako sa loob ng maliit na kwartong iyon. Hindi ko alam kung nasaan kami, o ako. Basta kinakabahan ako, pinapipili nila kami sa dalawang bagay na alam kong mahirap pareho, paano hindi? Virgin pa ako at kung sarap ang pipiliin ko, mahihirapan din ako. I sighed hard. Naramdaman kong may huminto sa tapat ko.

"Sheenalyn Marien Ybarra." Sabi niya sa akin. "Hirap o Sarap?"

I swallowed hard. Naikuyom ko ang mga palad ko. Bigla kong naalala si Nanay, kung uuwi akong hindi makalakad dahil sa pasa sa likod ng binti ko, mag-aalala siya, kung uuwi naman akong hindi makalakad dahil lang doon, mas madali kasi kayang kong magpanggap na hindi masakit, isa pa, how hard can it be? I mean, sex isn't really that bad.

Naiiyak na ako, nahihirapan pa akong huminga, sex lang iyon, pero masakit pa rin kung iisipin dahil iniingatan ko ang sarili ko para sa taong pakakasalan ko but right now, I will have to compromise myself because of the situation I am in.

"Hirap o Sarap?" Muling tanong niya sa akin. Bakit pa kasi ako sumali dito sa fraternity? "Tinatanong kita!"

"S-sarap! S-sarap!" Sigaw ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.

"Sasagot din pala." Sabi niya sa akin. "Dalhin iyan sa kwarto. Siguraduhin ninyong hindi matatanggal iyong blindfold." Sabi pa niya sa nakahawak sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad kami patungo kung saan. Naramdaman kong may bumukas na pinto at pumasok kami roon. The one holding me made me sat on the bed.

"Relax ka lang." Naulinigan kong sabi niya. Napasinghap ako. Babae ang may hawak sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "Huwag kang mag-aalala, mabilis lang iyon. Iiwan na kita, huwag mong tatanggalin ang blindfold." Paalala niya. Gusto ko sana siyang pigilan pero narinig kong lumapat na ang pinto. Naiwan akong mag-isa sa loob ng silid - mag-isa nga ba? Hindi ko alam. Naiiyak ako, sana hindi ako nagpadala sa mga kaklase ko na nagsabi na sasali rin sila dito sa fraternity, pwede naman akong tumanggi pero nagpadala ako ngayon, naiipit ako sa sitwasyon.

Napasinghap ako nang malakas nang marinig kong bumukas ang pinto. Palagay ko ay dumating na ang lalaking makakasama ko ngayong gabi. I bit my lower lip.

"Hi." He greeted me. His voice was sensual and kind. I don't know how I knew that but I just knew that he was kind. I felt his hand on my shoulder, he started massaging it. "Are you nervous?" He asked me. Umiling ako. Gusto kong makita niya na hindi ako natatakot. His hands started travelling down my neck. His palm was warm and soft. Para tuloy nawawala ang iyak ko. Naramdaman kong lumundo ang kama, naupo siya sa tabi ko, inalalayan niya ako paharap sa kanya. I was really scared but I had to make it look like I am strong.

Short StoriesМесто, где живут истории. Откройте их для себя