The Mafia: The Real Heirs

By QuinnHara

262K 6.7K 796

Secrets that have been kept for too long. Now it's time to reveal the untold secrets. Highest Rank Reache... More

The Mafia: The Real Heirs
Prologue
Chapter I: Transaction
Chapter II: Introduce
Chapter III: Philippines (Pt. I)
Chapter IV: Philippines (Pt. II)
Chapter V: Philippines (Pt. III)
Chapter VI: First Day of School (Pt. I)
Chapter VII: First Day of School (Pt. II)
Chapter VIII: Untitled
Chapter IX: Little Present
Announcement!
Chapter X: Library
Chapter XI: Sophia Chloe Hamilton
Chapter XII: Three Older Brothers
Message
Chapter XIII: Friday (Pt. I)
Short Message From Author
Chapter XIV: Friday (Pt. II)
IMPORTANT MESSAGE (PLEASE READ THIS!)
Chapter XV: Unknown Caller
Chapter XVI: Twin's Date
Chapter XVII: Stalker?!
Chapter XVIII: Death Threat
Chapter XIX:
Chapter XX: News
Chapter XXI: Italy (Pt. I)
Chapter XXII: Italy (Pt. 2)
Chapter XXIII: Grandpa
Chapter XXIV: What's in there?
Chapter XXV: Letters
Chapter XXVI: Tournament (Pt. I)
Chapter XXVII: Tournament (Pt. II)
Chapter XXVIII: Unexpected
Chapter XXIX: Inferno Island
Chapter XXX: Mixed Emotions
Chapter 31: Code
Chapter 32: Tournament 1st Day (Pt. III)
Chapter 33: Tournament 2nd Day (Pt. III)
Chapter 34: Tournament Last Day (Pt.III)
Chapter 35: Sudden Changes
Chapter 36: Unexpected Visitors
Chapter 37: Skepticism
Chapter 38: Explosion
Chapter 39: Intruders
Chapter 40: I thought
Chapter 41: Preparation
Chapter 42: Auction
Chapter 43: Lost but found
Chapter 44: She is awake
Chapter 45: Again
Chapter 46: Another Day
Chapter 47: Abduct
Chapter 48: Talk
Chapter 49: She's Back
Chapter 50: Sudden Deaths (Pt. 1)
Chapter 51: Sudden Deaths (Pt. 2)
Chapter 52: Sudden Deaths (Pt. 3)
Chapter 53: 7th Person
Chapter 54: Uno
Chapter 55: Confrontation
Chapter 56: ...
Chapter 57: Change
Chapter 58: Gone
Chapter 59: Invitation
Chapter 60: Party
Chapter 61: They are a De Luca
Chapter 62: Attack (Pt. I)
Chapter 64: Attack (Pt. III)
Announcement

Chapter 63: Attack (Pt. II)

1.7K 48 8
By QuinnHara

Kiefer's POV

Nakita namin kung papaano bumalagta si Kiana. Balak sana namin lumapit ng biglang nagsilapitan lahat ng mga kasama ni Claudette at kinalaban kami. Kaya wala kaming nagawa kundi ay lumaban.

I faced three armed men and all of them aimed to punch me at the same time mabuti nalang ay mabilis ang reflexes ko at nagawa kong iwasan ang suntok nila. Kaya ang nangyari nasuntok nila ang bawat isa. Binigyan ko naman ng tag-iisang upper cut at jab silang tatlo. Sinipa ko naman sa ari ang nasa gitna kaya ay iniinda niya ang sakit. Niround house kick ko naman ang nasa kanan ko habang pinaulanan ko ng suntok ang nasa kaliwa kaya tulog. Hindi pa ako nakontento kaya binaril ko sa ulo ng tatlong beses.

Kaya hindi ko napansin ang naka ambang suntok para sa akin mula sa kaliwa. Kaya ginantihan ko siya ng mga suntok sa mga vital parts niya at binaril ng ilang beses. Napahawak naman ako bigla sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa pagpukpok sa akin ng kalaban ng baril.

"Walang hiya ka." Usal ko at sinapak diretso sa mukha yung nagpukpok sa aking ng baril. Tinadyakan ko naman sa may tiyan. Pagkatapos ay binutterfly kick ko kaya tumumba at binaril ko sa noo para tapos na.

Pero hindi pa ako nakakalingon sa kaliwa ay may naka amba nang suntok na tumama sa mukha ko kaya nalasahan ko na ang dugo sa aking bibig. Wala akong pagpipilian kundi ay harapin sila. Sinuyod ko muna ng tingin ang buong lugar bago nagseryoso at nakipagbakbakan.

"Emperor, they got her. And they're heading to the basement kung saan nakapark yung kotse nila." Pagbibigay alam ni Hailey sa akin dahil siya ang aming mata sa lahat ng nangyayari dito.

"Dark Princess and Dark Prince, head now to the basement. Nasa kamay nila si Queen. Buy us some time and we will help you." Utos ko  sa kanila.

"Yes, Emperor/As you wish, Emperor." Sabay nilang sagot kaya nagfocus na ako sa mga kalaban ko para matapos na ito.

Dominic's POV (Before sila inutosan ni Kiefer)

"Ano ba talaga ang nangyayari Patricia at Dominic?" Tanong sa amin ni Zach.

"It's none of your business." Ani ko. "At kung pwede ba umalis na kayo. Umuwi na kayo gaya ng ginawa ng mga magulang niyo at lahat ng bisita na kalmado at walang inaalala." Pagpapatuloy ni Tricia sa sinabi ko na mas lalong ikinakunot ng kanilang mga noo.

"Sa anong paraan kami uuwi na kalmado at hindi mag-aalala? Bakit normal ba itong nangyayari? Bakit walang mga pulis? Bakit hindi nag-aalala ang lahat?" Sunod-sunod na tanong ni Ken. "Si Narissa ba't andoon?" Dugtong na tanong ni Ken.

"Ano ba Ken! Isa-isa lang mahina ang kalaban. Lahat ng tao dito ay hindi mga commoner. Lahat sila ay alam na mangyayari ito at walang koneksyon ang mga pulisya dito. Para naman sa mga customer sa hotel na ito ay hindi nila alam ang nangyayari dahil sound proof ang function hall at lahat ng mangyayari doon ay mananatili lamang doon." Sagot sa kanya ni Tricia.

"Kaya gumaya na lamang kayo sa inyong mga magulang at umuwi ng matiwasay para matulungan na namin sila sa loob. At kaya rin andoon si Narissa ay dahil parte siya doon. Laban ito sa pagitan ng pamilyang Hamilton at De Luca. Kaya umuwi na kayo." Sabi ko sa kanila at tiningnan sila ng blangko.

Nang biglang nagsalita si Hailey sa aming earpiece.

"Emperor, they got her. And they're heading to the basement kung saan nakapark yung kotse nila." Pagbibigay alam ni Hailey kay Kiefer.

"Dark Princess and Dark Prince, head now to the basement. Nasa kamay nila si Queen. Buy us some time and we will help you." Utos niya sa amin ni Tricia.

"Yes, Emperor/As you wish, Emperor." Sabay naming sagot kaya tumingin kami sa kanila.

"Emperor? Sino si Emperor at sino ba talaga kayo?" Tanong sa amin ni Matthew.

"Infernum Empire." Usal ni Tricia na ikinabigla nilang lahat sa kanilang nalaman.

"Kaya wag kayong makikialam kung ayaw niyong mapahamak ang mga pamilya niyo." Ani ko at mabilis kaming tumakbo papunta sa basement.

Pabilisan kami ng takbo ni Tricia may silbi talaga yung tindi ng pag eensayo na dinanas namin sa kamay ni Kiana. Nang makarating kami sa basement ay timing palang na isasakay nila si Kiana sa van. Kaya pinaputokan namin sila habang nag iingat na hindi tamaan si Kiana.

"Saan niyo siya dadalhin?" Tanong namin sa kanila. Pero tinawanan lamang nila kami.

"Sa kanyang huling himlayan." Sagot ng isa at tumawa ng malakas nang bigla siyang dumaing dahil natamaan siya ng bala.

"Sinong lintek na poncio pilato ang bumaril sa akin?!" Galit niyang tanong pero isang tawa lang ang nakakuha sa kanyang atensyon kaya lumingon kami sa likod at napabuntong hininga na lamang kami sa katigasan ng kanilang mga ulo.

"Masakit ba, panget?" Mapang-asar na tanong ni Matthew sa lalaki na binaril niya.

"Mga hangal! Atakihin niyo sila, bilis!" Asik ng lalaki na nabaril.

Nagsisilputan naman silang lahat sa aming mga harapan at inatake kami. Sinipa ako sa paa kaya natumba ako at binaril ang kaaway ko sa paa.

"Ngayon patas na tayo." Ani ko at ngumisi. Sinuntok ko naman yung isa ko pang kaaway sa vital part at sinipa sa tiyan.

"Ugh," Daing niya habang naka hawak sa tiyan niya. Kaya binutterfly kick ko siya at knockout. Pinaliparan ko naman siya ng isang shuriken na may lason na nakakamatay.

"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Galit na asik ng binaril ko sa paa at umambang susuntok pero mabuti nalang ay naagapan ko at pinihit patalikod ang kamay niya kaya namalipit siya.

"Aray aray." Daing niya at may kinapa ako sa kanyang liig at may pinindot kaya tumumba siya.

Tiningnan ko ang lahat at napansin kong naka amba ng isasakay na nila si Queen sa van kaya nagmadali akong tumakbo pero may humarang sa akin.

"Saan ka pupunta?" Mapang-asar na tanong sa aking ng lalaki nang bigla siyang tumumba at dumudugo ang noo. Kaya lumingon ako sa likod at nakita ko si Tricia na maayos. Pero umamba akong ng pagbaril ng may lumitaw na kalaban sa likod niya kaya binaril ko iyon at tumumba.

"Ako ng bahala dito." Aniya sa akin kaya tumango ako at hinarap na niya ang mga kalaban.

"Mag ingat ka." Ani ko at tumakbo pero huminto ako bigla at lumingon sa pwesto niya. "Dahil liligawan pa kita." Dugtong ko at nagpatuloy sa pag takbo.

Bawat madadaanan kong kalaban ay mabilis kong pinaparilisa ang katawan gamit ng mga karayom kong delikado. Bawat isa sa kanila ay tumutumba kaya mabilis akong nakalapit sa kanila at nagsimulang umatake. Binaril ko yung isang kasama nila sa noo at tumumba.

"Harangin niyo bilis!" Utos ng leader ata nila na binaril ni Matthew na nakasakay na sa van. Nagsilitawan naman ang mga kasamahan niya at sabay sabay na umatake kaya yumuko ako at pinagsisipa sila habang nasa ilalim ako kaya nagsitumbahan sila. Pero sa aking pagtayo ay may naka-amba pa lang suntok sa akin sa magkabila kaya napadura ako ng dugo.

'Fuck! Ang mukha ko!'

"Need a hand?" Tanong naman ni Matthew sa akin kaya tinitigan ko lang siya at sabay namin pinatumba ang mga kalaban. At nang tumba na ang lahat ay siyang pag-alis ng van kaya mabilis ko itong hinabol at pinagbabaril sa gulong pero walang chamba hanggang sa hindi na namin sila makita. Humawak ako sa aking earpiece.

"Nakatakas sila. Nakuha nila si Kiana." Pagbabalita ko sa kanila kaya nakatanggap ako ng samu't saring reaksyon.

"Fuck!" Mura ni Jacob.

"Tang-inang buhay to!" Mura rin ni Kiefer.

"Nakita mo ba ang plaka, Dark Prince?" Tanong sa akin ni Hailey.

"Walang plaka yung van, Lilith." Sagot ko kay Hailey.

"Find ways, Lilith. We need to find her as soon as possible! Ask some help from Talavera." Utos ni Kiefer kay Hailey.

(Owen Sceven Talavera from Chapter 45: Again.)

"But the Queen won't like it, Emperor." Pagkontra ni Hailey sa utos ni Kiefer.

"No more buts. I am your Emperor and follow my lead. Do you understand?" Matikas na sabi ni Kiefer na puno ng awtoridad. Ito na nga ba at gagamitin niya rin ang kapangyarihan niya.

"Affirmative, Emperor." Pagsuko ni Hailey.

"Dark Prince, bring them here in the function hall." Utos ni Kiefer sa akin.

"As you wish, Emperor." Ani ko at tumingin sa kanilang lahat.

"Bumalik daw tayo sa function hall. Dumaan nalang tayo sa secret passage para walang makapansin." Ani ko sa kanila na mabilis nilang tinanguan.

Kaya mabilis kaming gumalaw at lumusot sa secret passage at ilang minuto ng paglalakad ay nasa function hall na kami. Sinalubong kami ng lahat. Sinuyod ko ang buong function hall at parang umulan ng dugo dahil sa dami ng dugo. Everyone is okay naman at napansin kong wala dito sila Claudette at Sophia. Si Harold Bautista lang ang natitira dito.

"Nasaan sila Sophia at Claudette?" Tanong ni Tricia. Naunahan niya ako sa pagtatanong.

"Naka-alis sila habang bitbit nila si Kiana." Sagot ni Jacob kay Tricia.

"Is everyone okay?" Tanong ni Kiefer sa lahat na mabilis naman kami sumagot ng 'okay lang' kaya tumango siya. "Thanos," Seryosong tawag niya kay Jacob.

"Yes, Emperor?" Sagot ni Jacob ng puno ng galang.

"Call our men and let them clean this mess very careful and quiet. Do you understand?" Utos ni Kiefer kay Jacob.

"Affirmative, Emperor." Sagot ni Jacob at nagbow. "Excuse me," Aniya at kinuha ang telepono para tawagin ang aming mga tauhan na sila Red.

(Si Red po ay nasa Chapter 1: Transaction.)

"Dark Prince and Dark Princess." Tawag sa amin ni Kiefer.

"Yes, Emperor?" Sabay naming sagot.

"Bring the high council to the Mansion. Even Lord Derrick and our father and brothers." Utos niya sa amin. Ang ibig niyang sabihin ay ang mga magulang namin dahil sila ay parte ng high council sa Infernum Empire. "Keep them safe." Dagdag niya sa amin.

"No! We're not going anywhere." Pagmamatigas ni Mr. Hamilton.

"Dad's right. We will help you." Pag gatol ni Klein sa sinabi ng kanilang ama.

"Don't bother to be a hard headed Dad, Trevor. Kiefer knows what he has to do and he is the Emperor we have to follow him." Ani ni Lord Derrick. "But Klein if you want to help your younger brother then it's fine with me except you Trevor dahil hindi nila gugustohin na mapamahak ka. Nawalan na silang ng ina ngayon pa ba ay mawawalan rin sila ng ama?" Dugtong ni Lord Derrick kaya wala ng nagawa si Mr. Hamilton kundi ay magpa-ubaya.

"Guard them there, Dark Prince. I will entrust them to you and to Dark Princess. Do you understand?" Ani ni Kiefer.

"Affirmative, Emperor." Sabay naming sagot ni Tricia at iginaya ang high council, si Lord Derrick at si Mr. Hamilton sa secret passage papunta sa private parking lot. Ilang minuto lang nasa parking lot na kami at iginaya sila sa isang bullet proof van at pinasakay. Sumakay na rin kami at umalis papunta sa Mansion.

'Sana maging ligtas silang lahat lalo na si Kiana.' Ani ko sa aking isipan at napabuntong hininga.

Hailey's POV

"What are we gonna do, Kiefer?" Tanong ni Matthew. Andito pala sila hindi ko man lang nahalata.

"Shh stop pestering him, Matthew." Pagbabawal ni Narissa kay Matthew. Ngayon ko lang ulit narinig mag salita itong pinsan nila Kiana.

"Hailey, did you contact him already?" Tanong sa akin ni Kiefer.

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanina ko pa hinihintay na dumating.

"Looking for me?" Mayabang na tanong ni Owen Sceven Talavera na ikina-irap ko.

"Help us find her. Help us find, Queen." Pakiusap ni Kiefer na ikinaseryoso ni Owen.

"Together, let's find her." Aniya sa amin at mabilis namin tinanguan na handang lumaban. Lumaban para sa aming mahal na reyna at mahal na kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

350K 6.8K 88
Isang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya a...
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
470K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...