Status: Single But Married [U...

By OfficiallyYours143

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... More

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter FiftyFive-55.1

20.3K 295 17
By OfficiallyYours143

Chapter FiftyFive

Mag-iisang buwan na yung lumipas simula nung huli kong makita si Hanna at pagkatapos nun hindi nya na kami ginulo pa ni Kyle. Mabuti naman, dahil kung hindi hindi na ako magdadalawang isip labanan sya.

"Honey, ready ka na?"

Si Kyle yun. Hinihintay nya ko sa labas para ihatid sa trabaho ko. Sa totoo lang mamaya pa yung trabaho nya, pero dahil seven yung pasok ko hinahatid nya na ako at maaga na rin syang pumapasok sa trabaho nya. Ang sweet diba? Sobrang swerte ko talaga sa husband ko. "Oo anjan na honey." Sigaw ko sakanya. Naglagay na lang ako ng red lipstick ko tapos lumabas na.

"Halika na."

"Wait lang hon." Huminto sya at lumapit ako sakanya para ayusin yung necktie nya. "Tabingi kasi eh." Sabi ko at ngumiti sakanya.

"Ang sweet nyo naman. Baka pareho na kayong ma late nyan."

Si Jacob yung nagsalita. Palabas sya ng kwarto nya at bitbit yung bag nya, papasok na sya sa school.

"Sumabay ka na samin ng ate mo Jacob."

"Hindi na kuya baka ma late kayo ni ate."

"Okay lang. Maaga pa naman. idadaan ka na namin ng kuya mo sa school nyo."

"Sige, kayong bahala."

Sumakay na kami sa kotse ni Kyle at mauuna naming ihahatid si Jacob dahil hindi naman kalayuan yung school nya sa hotel.

"Mukhang busyng busy ka sa school mo ngayon Jacob ah."-Kyle

"Ah hindi naman masyado kuya."

"Pag minsan samahan mo naman mag lunch yung ate mo."

"Oo sige ba."

Tumingin ako kay Jacob at ngumiti. Oo nga hindi na kami masyadong nagkaka bonding, kasi kahit na nakatira kami sa iisang bahay hindi naman sya lumalabas ng kwarto nya, palagi syang busy tapos ako rin busy sa trabaho kaya wala na din kaming time mag bonding ng pinsan ko. "How about later?" Suhesyon ko.

"Sige ba ate basta ba libre mo."

"Sure. Itetext na lang kita kung saan ha."

"Sige."

"Ako honey hindi ako makakasama ha, may meeting ako at marami din kaming tatapusin sa work and baka hindi rin pala uli kita masundo mamaya honey. Sorry."

"Okay lang mag ji-" Hindi pa man ako tapos magsalita inunahan nya na ako sa sasabihin ko.

"Huwag kang mag jeep, mag taxi ka. Oh kaya ipapasundo na lang kita kay Katrina."

"Huwag na, iistorbuhin mo pa yung tao. Isa pa busy yun sa school nya kaya hayaan mo na lang sya, mag ta-taxi na lang ako."

"Sorry hon ha, busy lang talaga."

"Okay lang." Oo nga napansin ko nitong mga nakaraang araw lagi syang over time, kung minsan nga nakakatulugan ko na at hindi ko na sya nahihintay.

"Dito na lang ako kuya. Salamat sa paghatid, mag-iingat kayo."

"Mag-iingat ka ha? See you later."

Bumaba na sya sa kotse at pumasok na sa loob ng campus nila. Ako naman yung ihahatid ni Kyle sa hotel nyan. Kawawa naman sya ang dami nyang hinahatid. "Baka naman ikaw yung ma late nyan."

"Eight pa naman yung pasok ko kaya don't worry."


***

Kasalukuyan akong nag ta--type ngayon para sa mga presentations na ipapasa ko nang biglang tumawag yung secretary ko at ang sabi nya nandito daw si mama, yung mama ni Kyle.

Sinave ko lang yung ginagawa ko at inayos ko yung sarili ko bago humarap sakanya. Pagpasok nya humalik ako sakanya at umupo kami sa may sofa.

"How are you hija?"

"Okay naman po mama. Kayo po?"

"I'm good." Sabi ny at umikot yung mata nya sa office. "Mukhang busy ka, did i disturb you?"

"Naku hindi ho mama."

"Huwag kang masyadong magpa stress at alagaan mo ang sarili mo ha, ikaw din baka mahirapan kang magbuntis."

"Opo." *Ulk* Tinakpan ko yung bibig ko. *Ulk* Nasusuka ako. Tinapay lang naman yung kinain ko kanina pero bakit parang bumabaliktad yung sikmura ko. *Ulk*

"Are you okay?"

Tumango ako at tumakbo papuntang cr, hindi ko na talaga kaya at nasusuka na talaga ako. Dumiretso ako sa cubicle at doon ko in ilabas. Hindi ko namalayan na sumunod na pala sakin si mama at hinahagod nya yung likod ko ngayon.

"Hindi kaya.. Buntis ka?"

napatingin ako sakanya..

"Maybe you are pregnant!" Masayang sabi nya at parang tatalon na sya sa sobrang saya nya. "Let's go."

"Ho?? Pero marami pa po akong dapat tapusin at chaka may meeting po ako bago mag lunch."

"Ipa cancel mong lahat ng yun at sumama ka sakin."

Hinihila nya ako pero hindi ako pumayag. "Saan po tayo pupunta?"

"Saan pa edi sa hospital. Ipapa check-up kita."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya. Pupunta kami sa ospital?? "Naku mama huwag na ho." Pinigilan ko sya. Ayoko talagang pumunta sa ospital dahil.. Dahil baka malaman nya yung tungkol sa sakit ko..

"Paano natin malalaman kung ilang buwan na yang dinadala mo kung hindi tayo ppupunta ng ospital?"

Hinawakan ko yung kamay nya at pinaupo ko sya pabalik dun sa may sofa. "Hindi pa naman ho tayo sigurado na buntis nga ho ako at chaka isa pa.. Ang totoo ho nyan ayoko na hong pumunta sa ospital, dahil madalas ho ako doon pakirandam ko na trauma na po ako. Natatakot na ho talaga akong magpunta sa ospital mama."

"I understand." Hinawakan nya yung pisngi ko. "Kung ganun mag pregnancy test ka na lang. Magpapabili ako sa secretary mo." Tumayo sya at lumabas para kausapin daw yung secretary ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Huwag kang mag panic Lorraine, alam mo naman na posibleng mangyari to diba? kaya nga hininto mo na yung mga gamot mo. Huwag kang kabahan sa resulta.

"May malapit na pharmacy dito and within ten minutes dadating na yung secretary mo."

Hindi ko namalayan yung pagpasok ni mama dahil sa sobrang kaba ko. Kinakabahan talaga ako sa magiging resulta nung PT..

"Hija are you okay? masama parin ba yung pakirandam mo?"

"Mejo ho."

"Normal lang yan sa nagdadalang tao Lorraine."

Lalo lang sumasakit yung ulo ko kapag naiisip ko yun. Habang hinihintay namin yung secretary ko lalo lang lumalakas yung kaba sa dibdib ko. Paano kung malaman nila yung tungkol sa sakit ko?? paano pa matutuloy yung pagbubuntis ko??

Noong araw na na-ospital ako dahil nakakain ako ng bawal saakin doon ko lang nalaman na may sakit pala ako. Noong araw na yun sinabi saakin ni Jacob anng lahat.

*Flashback..*

Umalis si Kyle at Nathan at kaming dalawa na lag ni Jacob ang naiwan dito sa kwarto. Patuloy parin ako sa pag-iyak habang tinutulungan nya kong tumayo at ibinabalik sa kama.

"Jacob ayoko na.. gulong gulo na ko. Naiinis ako sa sarili dahil wala akong maalala. Sarili kong asawa hindi ko kilala, napaka tanga ko!! bakit pa kasi ako nagka amnesia!!" Siigaw ko habang umiiyak parin ako.

"Ate tama na please." Niyakap lang ako ni Jacob at patuloy na pinapakalma. "Huwag kang mainis sa sarili mo ate, hindi ka tanga at mas lalong.."

Tumingin ako sakanya dahil hindi nya itinuloy yung sinasabi nya. "Anong sasabihin mo?" Tanong ko sakanya. Nauguluhan kasi ako sa sitwasyon ko ngayon.

"Ate makinig ka sakin." Humarap sya sakin at umupo sa may gilid ng kama. "Ate wala kang amnesia."

"Ano??" Gulat na tanong ko sakanya. Pinunasan ko yung luha na pumatak sa mukha ko. Anong ibig nyang sabihin? "Ano bang sinasabi mong wala akong amnesia?" Tanong ko uli sakanya ng makabawi na ako sa kiyak ko.

"Ang totoo nyan ate.."

Huminto na naman sya sa pagsasalita nya. "Jacob huwag mo na akong paikutin. Hindi kita naiintindihan. Kung wala akong amnesia bakit wala akong maalala?"

"Dahil may brain tumor ka.."

Parang nanghina yung katawan ko nung marinig ko yung sinabi nya sakin. "Totoo ba yang sinasabi mo?" Hindi sya sumasagot. "Sabhihin mo sakin na nagbibiro ka lang."

"Hindi ako nagbibiro ae, alam yun ni kuya Nate."

"Alam ni Nathan?" biglang bumagsak yung katawan ko sa higaan ko, parang mas lalo akong nanghihina sa mga nalalaman ko. "Kailan pa to?" tanong ko.

"Bago ka lumuwas dito mag-aabroad ka na sana kaya lang lumabas sa medical mo na may brain tumor ka kaya ang akala mo hindi ka na makakaalis. Pero dahil fake lang pala yung agency na inapplian nyo hinayaan lang nila yun at hindi pinansin, tuwang tuwa ka dahil aalis ka na at hindi mo sinabi kina tito yung tungkol doon dahil sabi mo magpapagamot ka na lang kapag nandoon ka na. Kaya lang hindi ka na natuloy. Nung nalaman ko yun  nag-alala ako at agad kitang sinundan dito at nung magkita tayo hinayaan mo ko na tumira kina kuya Nathan without knowing na sa mga panahon palang iyon may asawa ka na at sakanya ka na nakatira."

Ganun pala yung nangyari. "Pero hindi pa naman malala diba? at chaka isa pa.. Walang alam si Kyle dito diba?"

"Hindi pa sya ganun kalala dati, pero pagkatapos ng aksidente mejo lumaki na yung tumor kaya naapektuhan na yung ibang memorya mo. Sa tingin ko rin ate inilihim mo yun sa asawa mo."

Nakahinga ako ng maluwag. "Ayoko na munang sabihin to kay Kyle, hangga't hindi pa nakakabalik yung alaala ko."

"Bakit? ayaw mo bang ipagamot ka nya?"

"Saka na, hihintayin ko na munang bumalik yung mga alaala ko."

"Paano kung hindi na bumalik?"

"Huwag kang mag-alala sakin. May mga bagay lang muna akong kailangang maalala bago ko sabihin sakanya to, sigurado akong may dahilan ako kaya hindi ko muna sinabi sakanya." Ngumiti ako sakanya "Huwag ka ng mag-alala sakin. Kausapin mo na lang si Nathan na isikreto muna yung tungkol dito."

*End of flashback..*

Sa totoo lang ang daming beses kong gustong sabihin kay Kyle yung tngkol sa sakit ko, pero kapag sinasabi nya na yung mga plano at pangarap nya sa buhay biglang nagbabago yung isip ko. Paano kung ayaw nya pala ng sakitin na asawa? paano kung ayaw nya akong makita na nasa ospital palagi? paano kung hindi ko sya mabigyan ng anak? at paano kung hindi ko sya maksama hanggang sa pagtanda?

Ayokong sirain yung mga pangarap nya kaya habang maaga pa gusto ko sana na gumaling na ako, pero paano?? paano kung...

*Knock knock*

Bumalik ako sa sarili ko ng biglang bumukas yung pintuan at nakita ko ng pumasok yung secretarya ko na may dalang maliit na plastic. Alam ko na kung anong laman nun at alam ko na din kung anong magiging resulta.

"Mam eto na po yung pinabili nyo."

Kinuha ko yun at nagpunta na ako sa cr para gawin yung test. Pagkatapos kong hintayin yung result lumabas na ako, paglabas ko.. O_____O bakit ang daming tao dito sa office??

"Anong result hija?" Lumapit sakin si mama at tinignan nya yung resulta. Nakita kong nag-iba yung mukha nya. "Lorraine.." Tumingin ako sakanya at yung mga tao sa office ko naki usyoso na rin dun sa resulta.

"Ano ho yun mama?"

"Your not pregnant." Malungkot na sabi nya sakin.

Nakita ko rin na nalungkot yung mga mukha nung mga employee na nasa loob ng office ko at isa isa na rin silang nagsilabasan nung marinig yung resulta. Yung iba nagsabi pa sakin na 'okay lang yan' na 'huwag kang ma disappoint'.

"Sorry po kung na disappoint ko po kayo mama."

"It's okay, no need to say sorry. It's my fault, masyado lang akong na excite sa magiging apo ko sainyo ni Kyle. But it's okay, bata pa naman kayo ni Kyle at pwede pa kayong magkaroon ng mga anak." Mayamaya tumayo sya. "I guess kailangan ko ng umalis, masyado na kitang naiistorbo."

"Sorry po uli mama."

"I told you it's okay." Lumapit sya sakin at ngumiti. "Basta once na nalaman mong buntis ka, saakin mo unang saasbihin. Okay?"

"Sige po. Mag-iingat po kayo mama."

Nung maka alis na sya doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Kinuha ko yung resulta nung pregnancy test kanina at itinago yun sa cabinet. Tingin ko kailangan ko ng pahinga.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Jacob, tingin ko hindi muna matutuloy yung lunch namin dahil masama talaga yung pakirandam ko.

[Hello ate?]

"Jacob hindi matutuloy yung lunch natin mamaya ha, bigla kasing nagkaroon ng emergency meeting dito. Okay lang ba kung sa ibang araw na lang?"

[Okay lang yun ate. Basta pagkatapos ng meeting nyo kumain ka ha? tapos yung mga gamot mo huwag mong kalimutang inumin.]

"Ikaw din kumain ka ng maayos. Oh sige na, tinatawag na nila ako eh."

[Okay ate. Ingat ka lagi mwaaa.]

Natawa naman ako sakanya. Napaka sweet talaga sakin ng pinsan ko na yun, kahit kaninong pinsan sa mundo hinding hindi ko sya ipagpapalit. Sa totoo lang wala naman talaga kaming meeting at hindi rin naman ako ganun ka busy. Gusto ko lang talagang magpahinga ngayon at mag-isip isip.

Sigh.. Bumalik na ko sa swivel chair ko at nag umpisa ng gawin yung mga dapat kong tapusin. Pero hindi pa man ako nag-uumpisa sa ginagawa ko ginugulo na ako ng utak ko. Kinuha ko yung bag ko at mula doon kinuha ko yung resulta nung sonography. 

"Sigh.." Hinawakan ko yun tiyan ko. "Baby, paano ko sasabihin sa daddy mo na darating ka na sa buhay namin, kung yung tungkol sa sakit ko hindi ko kayang sabihin sakanya?"

Ayoko ng umiyak dahil baka makasama pa to sa baby ko. Ano nang mangyayari sakin?? Paano ko sasabhin kay Kyle??

***

Maaga akong lumabas mula sa trabaho ko dahil hindi talaga maganda yung pakirandam ko. Nakasakay ako ng taxi ngayon at pauwi na ng bahay. Kanina ko pa pinag-iisipan kung sasabihin ko ba to kay Kyle o ano. Talagang hindi ako mapakali. "Ah manong iliko nyo ho." Ewan ko ba kung bakit pero tingin ko kailangan ko nang sabihin kay Kyle, may karapatan syang malaman ang totoo dahil anak nya tong pinagbubuntis ko.

Pagdating ko sa tapat ng building na pinag tatrabahuhan ni Kyle hindi muna ako pumasok. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung tutuloy ba ako o hindi. "Lord please bigyan nyo po ako ng sign kung dapat ko na ho bang sabihin sakanya o hindi." Bulong ko sa sarili ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. Papasok na ako.

Pagpasok ko sumakay na ko ng elevator papunta sa floor kung nasaan yung office ni Kyle. Magsi-six pa lang baka busy sya. Kung huwag na lang kaya.

*Ting tong*

Biglang bumukas yung elevator. Wala na talaga akong kawala. Lumabas na ko doon at pinuntahan ko yung secretary nya.

"Good evening mam." bati nya sakin.

"Hi, good evening din. Anjan ba si Kyle?" Tanong ko dun sa secretarya nya..

"Kanina pa po syang five umuwi mam."

"Five o'clock?" Tumango yung secretary nya. Bakit hindi man lang nya sinabi sakin na maaga pala syang lalabas, ang sabi nya over time sya. "Ah ganun ba. Oh sige aalis na ko, maraming salamat." Bigla tuloy akong nag-alala sakanya, may sakit kaya sya kaya maaga syang umuwi at hindi man lang tumawag sakin??

Agad akong sumakay ng taxi paglabas ko ng building at pagdating ko sa bahay agad kong chineck kung nanjan na yung kotse nya pero wala yun doon. Pumasok na ako ng bahay at hinanahp sya doon "Honey..?" Wala sya sa living room kaya umakyat ako sa kwarto para i-check baka natutulog sya doon. "Honey?" pagbukas ko ng pinto wala sya. Tinignan ko din yung cr at walang tao doon. "Saan sya nagpunta?"

Kinuha ko yung selepono ko at dinial ko yun number nya.

[The number you dial is cannot be reached please try your call later..]

"Cannot be reached??" Lalo tuloy akong kinabahan dahil doon. Nasaan ka na ba Kyle? huwag mo naman akong pakabahin ng ganito please... Tinext ko sya.

'Kapag nabasa mo to tawagan mo ko agad honey.'

Hihintayin ko na lang muna sya dito sa couch hanggang sa dumating sya. Hindi talaga ako mapakali, nag-aalala na ko sakanya.

***

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock sa may side table, kukunin ko sana yun para patayin ng bigla kong maalala si Kyle. Pagmulat ko nandito na sya sa harapan ko at mahimbing na natutulog. Sa sobrang sarrap ng tulog ko hindi ko na namalayan yung pagdating nya pati yung pag lipat nya sakin dito sa kama.

"Good morning." Masayang bati nya sakin. Hindi ko namalayan na gising na pala sya.

"Anong oras ka dumating kagabi?" Tanong ko sakanya na kunwari nagtatampo ako.

"Hiindi ko na namalayan yung oras eh. Bakit dun ka sa couch natutulog? diba sabi ko sayo huwag mo na akong hintayin dahil male-late ako ng uwi?"

"Uhm.. bakit hindi ka man lang nag text? uminom ka?"

Lumapit sya sakin  tapos hinawakan nya yung mukha ko. "Na battery empty po yung cellphone ko at nakalimutan ko yung charger ko. Hindi ako uminom hon."

"Eh bakit late kang umuwi?"

"OT."

"Nag OT ka?"

"Oo. Diba sinabi ko naman sayo? Ulyanin ka na ata honey." Sabi nya sakin at pagkatapos hinawakan nya yung ulo ko at niyakap ako.

Ang sabi nya nag overtime sya pero pumunta ako sa office nya kahapon at sinabi nung sekretarya nya na maaga daw syang umuwi. Anong ibig sabihin nun?? 

 "Oh, bakit honey?"

Tumingin ako sakanya. Kailan pa sya natutong magsinulang sakin? "Kailangan ko ng bumangon, magluluto pa pala ako ng agahan." Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom. Naghilamos ako at humarap sa salamin pagkatapos. "Baka pinuntahan lang nila yung site at doon nila tinapos yung trabaho nila." o kaya naman.. "Nag meeting sya at hindi doon sa building na yun yung meeting nila." Maraming pwedeng dahilan Lorraine kaya huwag kang mag-isip ng kung ano ano. Pagkatapos kong maghilamos pumunta na ako s kusina para magluto ng agahan.

"Good morning ate!"

Nakita ko si Jacob na hinahanda na yung mesa. "Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ko sakanya habang papalapit ako sa may dining. Aba, at nagluto pa talaga sya.

"Gusto lang kitang ipagluto ate, masama ba yun?"

Pumunta sya sa may oven may kinuha sya doon. Anong gimik na naman ba to?? kailan pa sya natutong magluto??

Inilapag nya sa harapan ko yung baked mac na niluto nya at may nakasulat doon. Happy birthday. Napatingin ako kay Jacob. "Birthday?? Anong araw ba ngayon?"

Tumingin sya sakin ng parang nagtataka. "Hindi mo talaga alam?"

Umiling ako sakanya dahil nakalimutan ko na kung anong araw ngayon  ehe.

"Birthday mo ngayon, hindi mo natatandaan?"

Ha?? Ou nga no, hindi ko naalala na birthday ko ngayon. Ano bang nangyayari sakin?? pati importatnteng araw sa buhay ko nakalimutan ko na.

"Happy birthday ate." Lumapit sya sakin at niyakap nya ako. "Thank you sa lahat ng kabaiitan mo sakin ate. Wish ko na sana gumaling ka na at magkaroon pa ng maraming maraming birthday."

Naiyak ako sa sobrang tuwa dahil sa sinabi nya sakin. Sana nga Jacob, dahil ako ganun din yung wish ko. Sa buong pamilya kasi namin si Jacob lang yung nakakaalam ng sakit ko at maliban pala sakanya meron pa palang isa at si Nathan yun..

"Oh bakit ka umiiyak?"

"Kasi naman imbes na cake yung ibigay mo sakin baked mac. Tignan mo tuloy ang pangit nung happy birthday." Tinuro ko yung cheese na ginamit nya para mabuo yung slitang happy birthday.

"Mahirap kasing mag bake ng cake chaka ma trabaho kaya yan na lang yung ginawa ko. Ayaw mo ba?"

Pinunasan ko yung luha ko. "Syempre naman gusto ko noh."

"Nagluto rin ako ng paborito mong pansit." Inilapag nya yun sa mesa.

"Wow paborito ko nga yan. Teka lang tatawagin ko lang yung kuya mo ha."

"Sige ate."

Pumunta na ako sa taas para tawagin si Kyle, pagpasok ko nakita ko sya na may kausap sa selepono nya pero agad nya namang ibinaba yun nung nakita nya ako. "Honey kakain na tayo, bumaba ka na."

"Sige hon susunod na ko."

Bakit ba parang gulat na gulat sya nung makita nya ko?? Ang weird nya ha. Pagbaba sa kitchen inayos ko na yung mga plato at naglagay na ko ng pagkain.

"Asan na si kuya?"

"Susunod na sya, naghilamos lang." Umupo na din si Jacob sa may tapat ko at kumuha na rin ng pagkain nya. "Kumain ka ba kagabi? nakatulog ako kaya nakalimutan ko ng magluto."

"Kinain ko yung tirang pagkain jan sa ref. Teka, hindi ka kumain?"

"Hindi na ako kumain dito sa bahay dahil kumain na ko sa trabaho." Dahil sa pag-aalala ko kagabi kay Kyle nawala sa isip ko yung hapunan.

"Mabuti naman. Eh yung mga gamo--"

"Jacob.." Sabi ko sakanya. "Diba napag-usapan na natin yan? na hindi mo babanggitin yan kapag nasa bahay?"

"Sorry ate."

"Huh?? Anong okasyon? bakit ang dami mo naman atang niluto honey?"

Nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Kyle at npatingin kami pareho ni Jacob kay sakanya na papalapit na saamin ngayon. Hindi nya alam kung anong okasyon ngayon?
Tinignan ko si Jacob at parang nauguluhan yung mukha nya.

"Ano ka ba naman honey, napaka palabiro mo talaga. Diba binati mo na nga ako kanina? Hinalikan mo pa nga ako diba?" Naka tingin lang sya sakin na parang naguguluhan at dahan dahang umupo sa tabi ko. "Kumain ka na nga, gutom lang yan." Hahatiin ko na sana yung baked mac pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko at tumingin sya sakin. "Oh bakit? ayaw mo ba nito?"

"I'm sorry, i forgot." Bulong na sakin. 

Seryoso ba sya na nakalimutan nya yung birthday ko?? Parang bigla akong nalungkot sa narinig ko. Hindi lang pala ako yung nakalimot sa birthday ko ngayon, pati rin pala sya. Nakakalungkot namang isipin.



Author's Note:
                       Hellooo000!! Gust0 kong pasalamatan yung mga patul0y na nagbabasa ng SSBM and i just wanna tell y0u guyz na less than 10 chapters na lang p0 it0ng st0ry na to. Marami pang revelati0ns na magaganap sa mga next chapters, abangan na lang ahaha. Kaya please v0te.. c0mment... and rec0mmend :)

Thank y0u :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 491 50
Si leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Mara...
982K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
108K 2.4K 52
ā I didn't expect that I will be in love once again. āž TPMMM Sequel: Lyron Shin and Yassi Jhae
909K 29.6K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...