Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 42

1.6K 63 28
By swaegmonster


Chapter 42 - Ice Cream

Soundtrack: Crush by: David Archuleta


"GO JULY! WE LOVE YOU!"

"KAYA MO 'YAN MAHAL!"

"PAPAKASALAN PA RIN KITA, MATALO MAN KAYO O MATALO!


Napangiti na lang ako. Ang daming fangirls ni July. Halos lahat ng babae rito sa gymnasium ng Luxford sa middle school division, pangalan niya ang sinisigaw.

Nakakamiss ang middle school division. Ang dami naming memories ni Roxy dito. Nami-miss ko na naman tuloy siya. Kahit halos araw-araw kaming magka-video call, pakiramdam ko hindi sapat 'yon. Gusto ko ang totoong si Roxy, ang physical na katawan niya, hindi ang image niya lang sa screen. Nami-miss ko na ang ka-ingayan niya, pati ang pagbatok niya sakin.

Bukod kay Roxy, namimiss ko na rin si Jacin. Kahit malapit siya physically, hindi ko naman siya madalas makasama. Gusto ko na siyang makasama. Gusto ko siyang makasama ngayon na manuod ng laban ni July...


"Kalalabas ni Jacin at Ayu dito, kayo naman ang pumalit... 'Wag kang mag-alala Ms. Velasco. Binantayan niya lang talaga si Ayu."


Pinilig ko ang ulo ko. Palagi ko na lang naaalala ang sinabi ng nurse no'ng isang araw. Ayokong mag-isip ng magsama. Binantayan niya lang si Ayu, may sakit ito at teammates sila. Natural lang na bantayan ito ni Jacin.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng selos. Natural lang din naman 'yon di ba? Girlfriend ako ni Jacin, at may karapatan naman akong mag-selos 'di ba?


"Excuse me?"

Naputol ako sa pag-iisip dahil sa nagsalita.

"Are you July's sister?" tanong ng babae sa tabi ko. Kaparehas ko siya ng uniform, pero sa halip na tie, ribbon ang nasa dibdib niya. She's a middle schooler, like July. "You look a lot like him! You're June Velasco, aren't you?"

Dahan-dahan akong tumango. "Ako nga."

"Oh my gosh!" sigaw niya, sabay bigay sa'kin ng hawak niyang box. "Could you please give this to July?"

Matapos niya, nagsunod-sunod na ang mga babaeng nagbigay sa'kin ng boxes at gifts, hindi na ako halos makaahon at makatayo sa dami nila. Ginigitgit at pinagkukumpulan nila ako habang patuloy sila sa pagbibigay ng mga regalo.

Magsisimula pa lang ang game, hindi pa nananalo sila July pero ang dami na niyang regalo.

"H-hindi ko kayang ibigay 'to lahat sa kanya." sabi ko pero walang pumansin sakin.

Hanggang sa may humawak sa braso ko, hinatak ako palayo sa mga fangirls ng kapatid ko. Nabitawan ko tuloy ang mga regalo.


"Hey! Where are you taking her?!"

"Pa'no 'yong mga gifts namin?!"


"Shut your cake holes." sabi ng humahatak sa'kin. Dinala niya ko sa kabilang side ng gymnasium kung saan walang gaanong fangirls si July.


"Oh my gosh, wait! Is that Yuan?"

"Yuan? As in Yuan La Croix of Polaris?"

"Is Yuan her boyfriend?"

"No, he's not! From what I heard Jacin's her boyfriend!"


Likod lang ni Yuan ang nakikita ko habang hatak niya ako. Nang humarap siya, parehas pang nakasalubong ang kilay namin.

"July's your brother?"

Tumango ako, nagpipigil ng ngiti. "Fan ka rin ba ng kapatid ko?"

"What? No." sabi niya sa 'what-the-hell' na tono. "My brother's here too, he's the coach of Laurent's basketball team, middle school division."

Laurent nga pala ang kalaban nila July sa championship!

Katulad ni Yuan, matangkad din ang kuya niya. Maganda ang tikas ng katawan nito, he looks authoritative, sa bawat buka ng bibig nito ay tumatango at sumusunod ang buong team.

"And I shouldn't be here." Puro mga supporters ng Laurent ang nakaupo sa side na ito ng gym. Ako lang ang kaisa-isang naka-black, dahil lahat sila naka-white. Kasama na si Yuan do'n na napakagwapong tingnan sa na white t-shirt niya. Medyo maluwang ito sa kanya at maraming maliliit na butas, naka-tuck in ito sa itim niyang jeans na may ilang hiwa sa binti at tuhod, na tinerno niya sa black din na Vans.

"If you go back to that side pagkakaguluhan ka lang ulit ng fangirls ng kapatid mo." hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, na ngayon ko lang napansin na hindi niya pa pala binibitawan. "I'll protect you from now on, June."

"T-thank you." Ang tangi kong nasabi. My heart feels warm and happy dahil nandito si Yuan. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Binitawan lang ako ni Yuan nang makaupo kami ng maayos sa bleachers.

Nakita ko sa court si July na palingon-lingon sa paligid. Wala ako sa lugar na sinabi ko sa kanyang pupwestuhan ko. Siguradong hinahanap niya ako.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at winagayway ito. Nakita ako ng isa sa teammates ni July at tinuro ako sa kanya.

Agad na nagsalubong ang kilay niya, nagtataka kung bakit ako nasa side ng kalaban.

Nginitian ko na lang siya at nag-thumbs up.


Pumito ang referee at nagsimula na ang laro.


The whole gymnasium looks like a Yin Yang, dahil white din ang uniform ng Blue Sparrows na meron lang blue lining sa edge ng kanilang jerseys. Kahit ang burda ng ibon at mga letrang Blue Sparrow ay kulay blue din, kaya twitter tuloy ang tukso sa kanila nang ibang basketball teams.

Naka-black naman ang Black Hawks pati kaming mga supporters nila, gold ang nakaburdang ibon at ang mga letra maliban sa mata nito na kulay pula.


"BLUE SPARROWS! BLUE SPARROWS!"


"BLACK HAWKS! BLACK HAWKS!"


Hindi ako makasigaw ng Black Hawks dahil lahat dito sa side namin Blue Sparrows ang sigaw. Wala akong laban.


~*~


Nang matapos ang laro, makahulugan ang mga tingin sa'kin ni July habang palapit kami ni Yuan sa kanya. Medyo nahirapan pa nga kami dahil bukod sa fangirls niya, napapalibutan din siya ng teammates niya.

"Congratulations!" masayang bati ko sabay yakap sa kanya.

"Bakit ka nasa side ng kalaban, Ate?" nagtatampong bulong niya bago ako pinakawalan.

"Doon lang ako ligtas mula sa fangirls mo."

"Eh bakit kasama mo si Yuan? Taga-Laurent 'yan eh! Kapatid niya ang coach ng Sparrows!" reklamo pa niya.

Natawa na lang ako. Hinatak ko palapit sa'min si Yuan at pinakilala sila sa isa't isa. Bigla naman akong hinatak ni July, ilang hakbang palayo kay Yuan.

"Ate." seryosong sabi niya, nakahawak pa sa magkabilang balikat ko. "Kay Jacin ka lang ha?"

"Eh?"

"Kay Jacin ka lang!" ulit niya, "Mas boto ako kay Jacin!"

Kusang nagsalubong ang mga kilay ko, "Ano?"

"May gusto sa'yo si Yuan!"

"A-ano?" ulit ko naman. Hindi ko kasi siya maintindihan. Ngayon niya lang nakilala si Yuan, kaya paano niya nasabi 'yon? "July, pagod ka lang sa game n'yo. Magpahinga ka na, pumunta ka na sa locker room. Sundan mo na 'yong teammates mo." Tinulak-tulak ko siya pero inakbayan niya lang ako. Palibhasa mas matangkad siya sa'kin eh.

"Hay Ate, lalaki ako kaya alam ko! May gusto sa'yo 'yang si Yuan. Unang tingin pa lang! Sa paraan pa lang ng pagtingin niya palang sa'yo eh!" sabi niya sabay hatak ulit sakin pabalik kay Yuan. "Hindi ko masasabayan si Ate kaya papayagan kita na ihatid mo siya pauwi. You have a car for sure, right?"

"July?" Ano bang nangyayari sa kapatid ko?

Ngumiti lang si Yuan. "Thanks, and yes I have a car."

"Ang Ate June ko, ay para kay Jacin lang."

"July!" suway ko pero tumalikod na siya at tumakbo paalis.

"It's the truth, isn't it?" Yuan is still smiling, pero hindi ko masabi kung masaya ba siya o malungkot. "You belong to Jacin. I better take you home now. Jacin might get jealous if he sees us. You should be with him... not with me."

Tinalikuran niya ako at lumakad na palabas ng gymnasium.

Napayuko na lang ako.

Tingin ko hindi naman magseselos si Jacin... hindi naman ako ang mahal niya... hindi pa...

"Then when?" Yuan asks, huminto sa paglalakad at muli akong hinarap. Wala nang gaanong tao sa gymnasium. Kaming dalawa na lang ang nasa gitna ng court. "When is he going to love you?

Natutop ko ang bibig ko. Nabasa niya ba ang nasa isip ko? O nasabi ko na naman ng malakas ang nasa isip ko?

"Aren't you his girlfriend? Is your relationship a fake? You said he doesn't love you. It fucking makes sense now." He run his fingers in his hair, na pansin kong palagi niyang ginagawa kapag frustrated siya. "I'm sorry to say this but from what I see now, he's just using you get Ayu back."

"Mahal ko siya, Yuan." sagot ko and I can feel my heart agreeing. "Mahal niya man ako o hindi, mahal ko pa rin siya. Gamitin niya man akong panakip butas kay Ayu, mahal ko pa rin siya."

"Why? Why do you love him so much, June?" Yuan looks even more frustrated now.

"Hindi ko rin alam... Hindi ko alam na posible pa lang mahalin mo ang isang tao nang higit pa sa sarili mo. Alam kong masama 'yon, na dapat magtira ako para sa sarili ko... but I just can't help it. I can't help but love him every time I think of him, every time I see him or even when I don't, every time I'm with him or even when I'm not... mas lalo ko lang siyang minamahal." Natawa ako ng mapait, "Nakakaawa ako 'di ba?"

"I do get what you feel..." malungkot siyang ngumisi, "Nakakaawa rin pala ako... because I feel the same way for you... I'm falling in love with you June and I can't fucking help it anymore."

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko maintindihan siya kaya nagbase na lang ako sa emosyon ng mga mata niya. They're lonely... and for some reason, hurt.

"Jacin's the luckiest guy on earth." Pagapapatuloy niya, "The stupidest too, and I guess I'm stupid too." he looks intently into my eyes and says, "Because I know how much you love him and yet I fell for you..."

"Mag-aaral na ako ng French, para maintindihan ko na 'yang mga sinasabi mo."

Pinitik niya ang ilong ko. "You better not."

Tumalikod siya at tuluyan nang lumabas ng gymnasium.

Nakahawak sa ilong na sumunod ako sa kanya.


"It's too early to go home yet, don't you think?" Yuan asks when we get into his car—a white Audi A5 Cabriolet with black roof. "I mean, we should both treat our pathetic selves buckets and buckets and buckets of ice creams."

Natawa ako. Si Yuan at ang pagmamahal niya sa ice cream. "Sasakit ngipin natin o kaya baka magka-diabetes tayo."

"Just a tub then." Bumuntong hininga siya. Mukhang mabibitin siya ng husto sa isang tub lang.

"Rocky road please."

He smiles, "Call."

Pumunta kami sa 7 – Eleven para bumili ng ice cream na doon na rin namin kinain. Nag-unahan pa kami sa pag-ubos kaya parehas ding sumakit ang ulo namin.

Pagka-ubos ng ice cream ay nilibot naman namin ang katabing mall ng 7 – Eleven, at bumili ulit kami ng ice cream sa nadaanan naming ice cream parlor.

Ang tagal ko na palang hindi nakakapag-mall at nakakapaglibot. Last sem pa no'ng huli kaming pumunta ni Roxy dito.

"Ma'am and Sir! Fifty percent sale po ang couple shirt namin! Baka po gusto n'yong i-try." Tawag sa'min no'ng isang sales lady pagdaan namin sa harap niya.

Ngumiti ako, "Friends lang po kami."

"Ay, sayang naman po! Bagay na bagay pa naman kayong dalawa!"

"We'll buy it." biglang sabi ni Yuan,

Napatangin tuloy ako sa kanya. "Eh?"

"For you and Jacin. If he doesn't want it, give it to me. I'll wear it."

"Sa cashier na lang po." Inabot sa'kin ng sales lady ang couple shirt. Simpleng white shirt lang ito na parehong may cute doodle heart sa kaliwang part ng dibdib, na may nakasulat sa loob na His sa isa, at Hers naman sa isa pa.

Simple lang pero cool.

Naglibot pa kami ni Yuan sa mall. Naglaro sa Wonder Park ng race cars, basketball at halos lahat nang mga laro doon.

Nakaka-enjoy at nakakapagod.

"Stress ba tayo? Bakit parang pareho tayong galing sa stress?" tanong kokay Yuan. Nasa race cars ulit kami, hindi ko na mabilang kung pang-ilang race na namin 'to.

"We're stressed because of our stupid hearts, we need to unwind." seryosong sagot niya.

"Stress ka rin dahil sa puso mo?" Kaya ba ganoon ang expression ng mga mata niya kanina?

"You have no idea."

"You can tell me."

He pauses for a while bago nagsalita. "I'm falling in love... for the first time, I think." Dahan-dahan niya akong nilingon. His eyes are so intense. "And I don't know what to do with her."

Napangiti ako. Whoever she is, she's really lucky. "Does she know?"

Umiling siya.

Hindi ko alam kung bakit ko biglang naalala ang sinabi ni July kanina.

"May gusto sa'yo si Yuan!"

Ako naman ang umiling-iling. Imposible. Bakit naman ako magugustuhan ni Yuan? Gusto niya siguro ako pero bilang kaibigan lang. Gustong-gusto ko rin naman siya bilang kaibigan eh.

"Gusto kitang bigyan ng magandang advice, pero hindi ako magaling mag-advice at wala pa akong gaanong experience sa 'love' kaya 'wag mo sanang gaanong seryosohin ang sasabihin ko sa'yo." Nag-peace sign ako, dahil masyado siyang seryoso. "May dalawang kang pagpipilian: C or DC."

"C or DC?" kunot noong tanong niya.

"Confess or don't confess. Magtapat ka sa kanya, para malaman niya ang nararamdaman mo. Malay mo may pag-asa ka 'di ba? Take chances, take risks."

"And the DC?"

"Don't confess. Makunteto ka na lang kung anong meron kayo. Kung ano ka sa kanya at kung ano siya sa'yo."

"She's a friend."

"Makuntento ka na lang sa pagkakaibigan niyo... pero kasi 'di ba hindi mo malalaman kung hindi ka magtatapat? Malay mo may pag-asa ka pala."

"May mahal siyang iba... and she loves him so much." Hindi niya inaalis ang tingin niya sa'kin, gano'n din ako sa kanya.

"Ang pagmamahal, natutunan naman 'yon 'di ba?" I give him a hopeful smile, "Malay mo matutunan ka rin niyang mahalin."

Hindi na nakapagsalita si Yuan dahil nag-announce na ang mall na magsasara na sila.

Hala!

Anong oras na pala! Ang bilis lumipas ng oras! Buti na lang na-text ko si Nanay kanina, kundi siguradong nag-aabang na 'yon ngayon sa pinto namin para pagalitan at sermonan ako, dahil anong oras na hindi pa rin ako umuuwi.


Lumabas kami ng mall at bumalik sa sasakyan ni Yuan. Gaya ng inaasahan ko, Chris Brown ang pinatugtog niya.

At dahil nangako ako sa kanya na kakanta o sasayaw na rin ako kapag kasama siya, sinabayan ko si Chris Brown. Nangako rin naman siya sakin na 'he won't judge' kaya buong puso talaga akong sumabay sa pagkanta ni Chris Brown. Kung wala lang kami sa loob ng kotse ay baka sumayaw na rin ako ng buong puso. Siguro dahil komportable talaga ako kay Yuan kaya nagagawa ko 'to nang hindi nahihiya.

Kita ko pa ang paglingon ni Yuan sa'kin, bahagyang nanlalaki ang mga mata. "Hey, you actually have a nice voice."

"'Wag mo akong bolahin please." sabi ko matapos kong bumirit.

"I'm telling the truth. Your voice is nice."

Natawa tuloy ako. "Kumanta ka rin! Gusto kong marinig ang singing voice mo, narinig mo na 'yong sa'kin."

"Let's sing together then. I'll sing Chris' part and you'll sing Keri's."

"Game!"

Tumugtog ang Superhuman and he starts singing...

"Week, I have been crying and crying for weeks. How'd I survive when I can barely speak, barely eat on my knees..."

Whoa! Ang ganda ng boses niya! Tumikhim ako, hindi ako papahuli! "But that's the moment you came to me. I don't know what your love has done to me, think I'm invincible I see, through the me... I used to be..."

We sing our parts at muli, sobra akong nag-enjoy. Ang saya palang kumanta. Tapos sa may bandang chorus, vinideo pa ni Yuan ang pagkanta namin.

Pagdating namin sa tapat ng bahay, lumabas kami ng sasakyan at naupo sa hood. Doon namin pinanood ang video. Nagkatinginan na lang kami at sabay pang natawa. Ang seryoso kasi namin habang kumakanta! Papikit-pikit pa kami habang inaabot ang matataas na part.

Ang ganda talaga ng boses ni Yuan!

Ang boses ko naman... hindi naman pala gano'n kasama gaya ng akala ko.

Tawa pa rin kami ng tawa habang pababa ng sasakyan. "We looked so funny. I have a feeling that if I upload this on Youtube, we will go viral."

"'Wag mong i-upload please!"

Sumeryoso ang itsura niya. "Don't you wanna be famous? I wanna be famous!"

"You're already famous!"

At sabay ulit kaming natawa, mas malakas pa kaysa kanina. Ang sakit na ng tiyan ko.

"Kung gutom ka na, dito ka na lang sa'min kumain. Masarap magluto si Nanay." Pag-aya ko kay Yuan. I enjoy this day so much, gusto kong makabawi sa kanya.

"If I knew you'd invite me for dinner, I wouldn't have eaten that much ice cream. Nagtira sana ako ng space sa tiyan ko."

"May next time pa naman."

"Next time then... it's a promise right?"

Kinawit ko sa nag-aabang niyang pinky finger ang akin. "It's a promise."

He smiles softly, "Good night, June."

Ang gwapo niya lalo sa ngiting 'yon.

"Good night Yuan." I say, smiling back.

"See you on Monday."

"See you on Monday."

"Don't repeat after me."

"I won't repeat after you."

He rolls his eyes before getting into his car.

Kumaway ako hanggang mawala sa paningin ko ang kotse niya. It's all thanks to Yuan, kaya naging masaya ang araw ko.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay, nang may biglang tumawag sa pangalan ko.


"Andrea June."


And my heart reacts at once.


"J-jacin..."



Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.3K 164
Sml? An epistolary.
531K 9K 54
06.04.13 (tag/eng)[BOOK 2 is UP!] EXO Fanfic. Dahil sa letter na ipinadala ng principal mo sa section niyo..NAGBAGO ANG LAHAT. This is about an excha...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.7K 68 20
Serez Series #1 "Now, there's no shutting down the lens because this is where I found her. I found her with my eyes and she's the one who captured my...