KAEDE (Way Back to Your Heart)

Da justbetch

443K 8.8K 539

"I miss you... and people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back. But I re... Altro

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN:
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
CHAPTER TWENTY-ONE:
CHAPTER TWENTY-TWO:
CHAPTER TWENTY-THREE:
CHAPTER TWENTY-FOUR:
CHAPTER TWENTY-FIVE:
CHAPTER TWENTY-SIX:
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
CHAPTER TWENTY-NINE:
CHAPTER THIRTY:
CHAPTER THIRTY-ONE:
CHAPTER THIRTY-TWO:
CHAPTER THIRTY-THREE:
CHAPTER THIRTY-FOUR:
CHAPTER THIRTY-FIVE:
CHAPTER THIRTY-SIX:
CHAPTER THIRTY-SEVEN:
CHAPTER THIRTY-EIGHT:
CHAPTER THIRTY-NINE:
CHAPTER FORTY:
CHAPTER FORTY-ONE:
CHAPTER FORTY-TWO:
CHAPTER FORTY-THREE:
CHAPTER FORTY-FOUR:
CHAPTER FORTY-FIVE:
CHAPTER FORTY-SIX:
CHAPTER FORTY-SEVEN:
CHAPTER FORTY-EIGHT:
CHAPTER FORTY-NINE:
CHAPTER FIFTY:
CHAPTER FIFTY-TWO:
CHAPTER FIFTY-THREE:
CHAPTER FIFTY-FOUR:
CHAPTER FIFTY-FIVE:
CHAPTER FIFTY-SIX:
CHAPTER FIFTY-SEVEN:
CHAPTER FIFTY-EIGHT:
EPILOGUE:
Thank You Note!!!

CHAPTER FIFTY-ONE:

7.7K 183 62
Da justbetch

CHAPTER FIFTY-ONE

Kaede's

Nagising nalang ako sa malakas na katok sa pintuan ng tinutuluyan kong kwarto. Pangatlong araw na namin sa Davao nila Ashton, Matt at Theo para sa isang one week business conference at para narin personal na makipagbusiness deal sa prospect client naming si mr. Suzuki.

Kaya ngayon masakit pa din ang ulo ko dahil naparami ang inom ko kagabi dahil matapos naming maisara ang deal with mr. Suzuki ay nag-yaya itong uminom. Hindi ko na nga matandaan kung paano akong nakabalik sa kwarto ko dahil sa sobrang kalasingan.

Nagpatuloy ang malakas na katok sa pintuan kaya naman napilitan akong bumangon at pagbuksan ang kung sino mang nandoon.

"Pare!" bungad agad ni Ash pagkabukas ko ng pintuan saka sila mabilis na pumasok ni Matthew sa loob ng kwarto ko.

"Bakit?" pupungas pungas na tanong ko habang pinagmamasdan silang bigla nalang iniinmpake ang mga gamit ko. "Ano bang ginagawa niyo?"

"Magshower ka na. Kailangan mo ng bumabalik ng Maynila." sagot ni Ash na nagmamadaling inilalagay sa maleta ang ilan kong damit.

"Ano?!" kunot noong tanong ko.

"Nagpadala na si Keiji ng private plane na sasakyan mo pabalik ng Maynila kaya mag-ayos ka na." sagot naman ni Matt na abala din sa pag-eempake.

"Ano bang nangyayari? Bakit nagmamadali kayong pabalikin ako ng--"

"Ngayon ang flight ng asawa mo papuntang Paris kaya kailangan mo siyang habulin." mabilis na sagot ni Ash.

"W-What?!" gulat na tanong ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa narinig.

"Putangina! Maligo ka na! Mamaya ka nalang magtanong kayla Darius paglapag mo sa Maynila. Kailangan mo munang maabutan ang asawa mo." sigaw ni Ashton sabay tulak sa akin papasokng CR.

Hindi na ako nakapagshower. Nagtoothbrush nalang ako at nagpalit ng damit saka kinuha ang maleta ko at nagmadaling umakyat ng roofdeck kung nasaan naghihintay ang private plane na pinadala ni Keiji.

"Bilisan mo. Sana maabutan mo siya." sigaw pa ni Ash habang pasakay ako ng eroplano.

Naguguluhan ako. Kinakabahan. Natataranta. Halo halo na ang nararamdaman kong emosyon.

Bakit siya pupunta ng Paris? Bakit hindi ko alam na ngayon ang flight niya. Bakit siya aalis?

Hindi pa nga kami nakakapagusap simula ng aksidente tapos aalis na siya ng bansa?

It only takes one hour and forty minutes bago nakalapag ang sinasakyan kong private plane sa manila pero pakiramdam ko ito na ang pinakamatagal na biyaheng naranasan ko.

Pagkalapag na pagkalapag ng private plane ay bumaba agad ako at tinakbo ang papunta sa information desk.

"Excuse me." hinihingal sa sabi ko sa babaeng nasa information desk. "Anong oras ang flight ng Manila to Paris?"

"Sir, kanina pa pong 10 minutes ago nakaalis. Mamayang 2 o'clock pm na po ang next scheduled flight." sagot ng babaeng staff kaya naman para akong nanlambot ng marinig ang sinabi nito.

"Hindi pwede." naiiyak na bulong ko sa sarili.

Hindi ko na siya naabutan. Nakaalis na siya ng tuluyan ng hindi manlang kami nakakapag-usap.

"Pare..." narinig ko nalang na boses ni Darius habang nakaupo ako sa waiting area. Kasama nito sila Cheska, Keiji at Art.

"Nahuli na ako ng dating." nanlulumong sabi ko. "Tuluyan niya na akong iniwan."

"Kagabi ka pa namin kinokontak pero out of coverage area ang cellphone mo. Kagabi lang din nalaman ni Cheska na ngayon na ang flight niya papuntang Paris." ani Darius pagkaupo nito sa tabi ko.

Tumango lang ako saka tumayo.

"Pare..." tawag ni Keiji.

"Gusto ko munang mapag-isa." sagot ko saka naglakad palabas ng airport.

Hindi ko na alam kung paano pa aayusin ang problema naming mag-asawa lalo pa ngayong umalis siya ng bansa at tuluyan ng nalayo sa akin. Ang akala ko kailangan niya lang ng kaunting panahon bago kami makapag-usap pero hindi pala. Dapat gumawa na ako ng paraan noon palang para makausap siya baka sakaling nakinig siya at hindi umalis ng bansa.

Sinubukan kong buoin ang ginawa naming vase ni George na nabasag nung araw nagtalo kami dahil sa pagtulong ko kay Bethany pero pakiramdam ko para itong relasyon namin na kahit anong pilit kong ayusin ay hindi ko na maibabalik sa dati dahil punong puno na ng mga lamat. Pero kahit ganoon ay ayoko pa din sukuan ang relasyon namin. Pipilitin ko pa din ayusin ito katulad ng basag na vase na binuo namin.

"Ang akala namin patay ka na ah." biro ni Swisso ng maabutan nila akong nakasalampak sa sahig ng kwarto namin ni George, nakasandal sa gilid ng kama at nagmumukmok.

Dalawang araw na simula ng nakaalis si George at heto ako sa kwarto namin, halos dalawang araw na ding nagmumukmok. Wala akong ganang kumain. Dalawang araw na din akong hindi pumapasok sa trabaho. Pakiramdam ko wala akong gana sa lahat ng bagay.

"Ano, papakagago ka nalang ba dito?" tanong pa ni Swisso.

Hindi nalang ako umimik.

"Ganitong ganito ka din nung naghiwalay kayo ni Bethany noon eh." maya-maya ay natatawang sabi naman ni Ashton. "Ilang araw ka ding nagmukmok sa kwarto mo at di nagpakita sa amin. Mauulit na naman ba yung nangyari noon sayo pare?"

"Pare hindi pa katapusan ng mundo." sabi naman ni Keiji. "Nagpunta lang ng ibang bansa si George, hindi naman siya namatay. Babalik din siya. Bigyan mo lang siya ng kaunting panahon para makapag-isip. Baka kailangan niyong pareho ng panahon para maayos ito. Kailangan mo lang maghintay."

"Hanggang kailan?" hindi ko na napigilang mapaluha. "Hanggang kailan ko kailangang maghintay? Hanggang sa bumalik siya na may mahal ng iba? Natatakot akong hindi na siya bumalik sa akin. Natatakot akong magmahal siya ng iba at tuluyan akong hiwalayan. Natatakot akong mawala siya ng tuluyan sa akin."

"Pero pare hindi habang buhay o habang wala si George magpapakagago at magmumukmok sa dito sa kwarto. Tangina, kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo hanggang sa makabalik siya." sabi naman ni Darius. "Ayusin mo ang sarili mo para sa pagbalik niya maging handa ka kapag nagkausap kayo."

Mahirap.

Mahirap hindi isiping babalik din siya. Mahirap isiping magiging maayos din ang lahat lalo pa at alam mo sa sarili mo na baka hindi na maayos pa. Lalo pa at sa tuwing uuwi ako sa bahay ay katahimikan ng kwarto ang sasalubong sa akin na lalong nagpapaalala sa gusot ng relasyon naming mag-asawa na mahirap ng ayusin.

Pero tama sila Keiji kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan kong bigyan ng panahon si George para humilom ang sakit na dulot ng pagkawala ng anak namin. Kailangan kong maghintay. Kailangan kong ayusin ang sarili ko at magpatuloy kaya naman ginawa kong abala ang sarili ko sa trabaho at sa coffeeshop simula ng umalis si George papuntang Paris para naman hindi ko masyadong naiisip na wala siya.

Makalipas ang tatlong linggo ng umalis si George ay sumunod din si Cheska sa Paris para sa project ng kaibigan kaya naman sa kanya nalang ako nakikibalita kung kamusta na si George.

"She's doing good. Nalilibang siya dito dahil sobrang busy sa pictorials at shoots." ani Cheska ng minsang makausap ko ito via Skype.

Okay na ako sa ganoon. Okay na akong malaman na okay siya sa Paris.

"She's happy staying here. Bumalik na din ang dati niyang gana sa pagkain kaya bumalik na ang dati niyang timbang." nakangiting sabi pa ni Cheska.

"That's great to hear." nakangiting sagot ko. "Masaya akong marinig na masaya siya diyan."

"We'll be back after a month pagkatapos ng project niya with Monique." biglang sabi pa ni Cheska kaya naman tumango nalang ako saka ngumiti.

"Thank you, Cheska." tanging nasabi ko nalang.

Pero lumipas ang isa pang buwan at natapos nga ang project ni George sa Paris pero si Cheska lang ang umuwi ng Pilipinas at walang Georgeina na kasama kaya nabigo na naman akong makausap ito.

"Sorry, Kaede." malungkot na sabi ni Cheska. "Hindi ko kasi talaga siya mapilit na bumalik dito sa Pilipinas kahit tapos na ang project niya. She wants to stay in Paris for a little while para libangin ang sarili niya nandun din kasi si tito Greg at lolo Morgan."

"I understand." mapait na nakangiting sagot ko.

Baka hindi pa ito ang panahon para makapag-usap kami.

"Hindi mo pa itinatapon ito?" maya-maya ay gulat na tanong ni Cheska kaya napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin siya sa basag na vase na muli kong binuo.

"Hindi ko magawang basta nalang itapon. Sabay kasi naming ginawa ang vase na yan." nakangiting sagot ko.

"It was broken into pieces pero muli mong binuo?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi naman ako umimik.

It takes almost a month for me to finally make it whole again. I glued the pieces together para mabuong muli ang vase. Mukha mang kabaliwan para sa paningin ng iba dahil dapat matagal ko ng itinapon ang vase na ito imbis na buohin pang muli pero para sa akin hindi lang ito basta vase. Binuo namin ito ni George ng may kasamang pagmamahal kaya hindi ko magagawang itapon nalang basta ang bagay na ito kahit pa kitang kita ang lamat at basag sa halos lahat ng parte nito.

Umaasa pa din ako na isang araw mabubuo ko din at maaayos ang relasyon namin ni George katulad ng vase na ito.

"Sana dumating yung panahon na pakinggan niya ang paliwanag mo." ani Cheska habang pareho kaming nakatingin sa vase. "Sana sa kabila ng lahat ng nangyari marealize niya kung gaano mo siya kamahal."

Patuloy pa din akong umaasa na dumating ang panahon na yun kahit na madalas naiisip ko na sobrang labo ng mapatawad niya pa ako.

*****

"Hahayaan mo nalang ba siyang mawala sayo?" narinig ko nalang na boses ni Dad habang tinitrace ko ang mga lamat at basag ng vase na muli kong binuo.

Nakita kong nakatayo ito sa pintuan ng kwarto namin ni George at nakatingin sa vase na nasa harapan ko.

"Hahayaan mo nalang bang dito matapos ang relasyon niyo?" tanong pa nito habang papalapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Muli ko namang ibinaling ang atensyon ko sa vase na nasa aking harapan.

"Hindi ko na alam kung paano aayusin ang gulong to sa pagsasama namin, dad." hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong mapaluha sa tuwing maiisp na baka hindi na maayos ang pagsasama namin.

"May ginawa ka na ba para maayos ang relasyon niyo, anak?" tanong ni dad kaya naman hindi agad ako nakasagot.

"Alam kong kailangan niya ng panahon, dad. Kailangan naming pareho ng panahon para maghilom ang mga sugat. Para kapag hindi na masyadong masakit maayos na kaming makakapag-usap." maya-maya ay garalgal na sabi ko. "Pero natatakot ako, dad. Natatakot ako na baka pagdumating ang panahon na yun imbis na mabuo ko pa ulit at maayos ang relasyon namin ay nakamove on na siya at nakahanap ng iba. Natatakot akong dumating ang araw na may mahal na siya ng iba."

"Then do something, son." sabay tapik ni dad sa balikat ko. "Gumawa ka ng paraan para maayos niyo ito kung ayaw mong tuluyan siyang mawala siya."

Muli akong hindi nakaimik.

"Your Granny and I will be leaving tomorrow morning." maya-maya ay sabi ni dad. "Birthday ng aunt Fe mo sa makalawa and she's inviting us to stay in San Franciso for a vacation."

Nginitian agad ako ni dad ng mapatingin ako sa kanya.

"Don't worry." nakangiting sabi ni dad. "Sinabi ko na sa kanyang hindi ka makakasama dahil may importante kang gagawin. Kami nalang ni Granny ang aalis."

"Dad..."

"Do something for your marriage, son." sabi pa ni Dad. "Huwag mong hayaang dito nalang matapos ito." sabay tapik niyang muli sa balikat ko saka nagpaalam na magpapahinga na dahil maaga pa ang flight nila bukas ni Granny.

Habang ako nagmadali agad na kinuha ang cellphone at dinial ko naman agad ang number ni Keiji.

"Pare..." sagot ni Keiji matapos ang dalawang ring. Mukhang nagising ito sa patulog dahil mag-aalas dose na din ng gabi.

"Book me a ticket to France."

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

124K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
10.7K 343 20
Si Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para mak...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...