Things I Cannot Say

By JeromeCaliente

9.3K 267 49

Can two broken people, mend each other's hearts? Makayla Zobel doesn't have any idea that the travel to Stras... More

Things I Cannot Say
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
KabanKata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 7

306 13 1
By JeromeCaliente

Kabanata 7

Lumikha ng ingay ang mantika nang ilagay ko na ang omelet. Lumayo ako nang unti at umilag upang hindi matalsikan. Alam ko, ito lagi ang kinakatakutan ko sa tuwing nagluluto ako ng pagkain na involve ang mantika.

"Anak, para kang tanga." Natatawang sabi ni Papa nang makita akong may hawak na kumot habang nagluluto. Ito ang nagsisilbing panangga ko sa masakit na talsik ng mantika sa balat.

Napangiti ako sa lumang ala ala. Nag hatid iyon ng kung anong saya sa puso na pinalitan agad ng pait. I will never hear my papa's voice again. Nasaan na kaya siya? Those questions remained unanswered until now. I tried everything that I can do. I already chat everyone I know para lang malaman kung nasaan si Papa. Pero lahat sila. . . walang alam.

Kinuha ko na ang omelet sa loob ng frying pan. Maingat na maingat upang hindi mapaso. Nang mailagay ko na ito sa plato ay nilapag ko ito sa counter. I don't have anything here that I can add with it kaya nilagyan ko na lang ng brioche sa tabi. Sana naman ay mabusog siya rito.

Narinig kong unti unti nang napawi ang tunog na ginagawa ng shower sa loob ng banyo. Inilapag ko na ang plato sa lamesa at nilingon siya na kakalabas pa lamang sa loob. Mahigpit na nakapalibot sa kaniyang baywang ang tuwalya at sa kaniyang kamay ay maayos na nakatupi ang mga damit. Ngumiti siya sa akin. He is skinny and not that toned but that's understandable. Nahabag tuloy ako lalo nang isipin na isang beses lang siya nakakakain sa isang araw o minsan ay wala.

I placed the note beside the plate. Tinabunan ko iyon kutsara upang hindi liparin.

Eat :)

Lumapit siya roon at tumingin sa akin. Umangat ulit ang bigote at balbas niya dahil sa kaniyang pag ngiti. I get it. Its his one way of saying thank you to me.

Tinanguan ko siya at iminwestra na ang upuan sa kaniya upang makaupo na siya. Nang makaupo na siya ay nagmadali na akong pumunta sa loob ng kwarto upang humanap ng pwedeng ipasuot sa kaniya.

Hinalukay ko ang box ko upang  makahanap ng pwedeng ipahiram. Kumalat na ang mga damit sa sahig dahil sa paghahalungkat ko nang madampot ko ang over sized t-shirt na kulay white. Iniangat ko iyon sa ere, sinusubukang tansyahin kung magkakasya sa kaniya. Yes, he is skinny but he is so tall kaya hindi ko pwedeng basta basta ipasuot na lamang sa kaniya ang aking mga damit.

Tinignan ko ang nakuha kong t-shirt. May nakaprint ditong I love France na nakuha ni Mama sa thrift shop noon. Naisusuot ko lamang ito tuwing matutulog na dahil hanggang hita ko ang haba nito. Kinuha ko rin ang isang itim na pajama na never kong nasuot dahil napakahaba para sa akin. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo na ako at bumalik sa dining area. Naabutan ko siya roon na nakaupo pa rin at nakabalot ang sariling bisig sa sarili, pinoproteksyunan ang sarili sa lamig.

"Oh shit sorry." Sabi ko kahit walang nakakarinig sa akin.

Tiyaka lamang niya na-acknowledge ang presence ko nang nasa harap na niya ako. Tumingala siya sa akin habang ako ay nakatingin sa kaniyang plato na ubos na agad ang laman. Sa note na ibinigay ko sa kaniya ay may nakasulat.

Thank you for being nice :)

Its my time to return the smile. Pero sinuklian niya rin iyon ng ngiti na abot hanggang mata. I was the first one who broke the eye contact upang ilapag sa kaniyang harapan ang damit na nakuha ko para sa kaniya. Kinuha ko naman ang plato at baso na kaniyang napag inuman.

I put everything into the sink and let the counter support my weight. Huminga ako nang malalim, nakatungo na ngayon sa tapat ng lababo. So what now? How long will I let him stay?

"H'wag mong bigyan ang tao ng isda. Tulungan mo siyang mangisda." Ani Papa habang hinihigpitan ang hawak sa lubid ng kabayo.

Isinandal ko ang baba ko sa likuran ni Papa, tumatango sa ipinupunto niya. Iyon ang sinabi niya noon sa akin nang ipatawag siya sa guidance office dahil nahuli ako ng teacher namin na nagpapakopya ako sa iba.

Bilang isang masunurin na anak, simula nang sabihin iyon ni Papa ay hindi na ako nagpakopya. Sa halip na ibigay na lamang ang sagot ay tinuturuan ko na lang sila kung paano makuha ang sagot nang hindi kinokopya sa katabi ang lahat.

Dahil sa ala ala na iyon ay nagkaron ako ng ideya. Tama nga naman kung lagi ko na lang iaasa sa sarili ko ang lahat. Mas maganda kung pati ang sarili niya ay tutulungan niya.

Nilingon ko na sa wakas ang lalaki. Tinitignan niya ang kaniyang damit sa salamin. Napangiti ako roon. He really looks so innocent, so rare for a guy these days.

Lumapit ako sa kaniya. Tama lang ang t-shirt sa kaniya, although nagiging fit na dahil doble ang laki niya sa akin. Ang pajama naman niya ay iniangat niya na lang hanggang tuhod, ibinabalandra ang kaniyang mabalahibong binti. Doon ko lang napansin na makinis ang kaniyang balat kapag walang jacket.

Ganunpaman, hindi nakatakas sa aking paningin ang mga sugat sa kaniyang paa, pasa sa braso at sa mukha. Namamaga pa rin ang sulok ng kaniyang labi at kaliwang mata.

Bumalik ako sa kusina at naghanap ng ice. Sa kasamaang palad, wala ako nahanap. For a substitute, I grab a spoon and put it inside the fridge and let it cool down for awhile. Bumalik naman ako sa sala at naupo sa isang couch. Nakatingin lang siya sa akin kaya sinenyasan ko siyang maupo sa isang arm chair na katapat ko lamang. Coffee table ang tanging pagitan naming dalawa.

Nililibot niya ang tingin sa apartment ni Rosalind habang ako naman ay kinuha ang oportunidad na magsulat sa papel.

M - Got any name?

Itinulak ko iyon palapit sa kaniya. Nilingon naman niya iyon.

Nagsulat siya roon gamit ang kaliwang kamay at itinulak ang papel pabalik sa akin. As usual, there's a smudge on the paper because he is left handed.

T- Theo Isaiah Sandoval

His name looks so sophisticated. Para bang galing sa isang kilalang pamilya.

M- Age?

T - 22. U?

M - 18

So he's 22 already, far from what I am expecting.

T - I mean, ur name.

M - Makayla Zobel Gregorie

There's a hint of disgust as I wrote down my last name. 

T - Nice to meet you :)

M - Where r u from?

T - Manila

Kumurap ako nang ilang beses upang malaman kung tama nga ba ang nabasa ko. After four blinks, I realized that I'm not hallucinating.

M - u r a filipino?

T - Yes.

M - me too.

This whole thing is very tiresome. The last time I did this, is way back high school. Yung mga panahong kailangang magpasa pasa ng papel kapag gusto niyong mag usap habang naglelesson ang teacher.

M - How did u got here? what happened to u?

Tinignan niya lamang ang sulat ko at napayuko. Okay I get it. I shouldn't be that nosy lalo na at pagod ang tao at maraming pinagdaanan. Maling mali ang biglain ko kaagad siya sa pagiging curious ko tungkol sa pinagdaanan niya.

Puno na yung papel na pinagsulatan namin kaya kinuha ko ang rolyo ng tissue na nakapatong sa ilalim ng coffee table. Pumilas ako ng isang piraso.

M - I guess its time to rest.

Tumango lamang si Theo. I kinda feel bad for myself lalo na at kitang kita ko ang pagbabago ng kaniyang mood dahil sa aking tanong. Gusto kong mag sorry pero mukhang pagod na siya at natatakot ako baka bigla na lang siyang mag break down kung sakaling magalit siya o maging iritable bigla. Hindi natin alam.

Humikab na si Theo kaya agad akong tumayo sa sofa at tumungo sa kwarto upang kumuha ng comforter na pwede ipahiram muna sa kaniya bilang tulugan.

Napili ko ang isang kumot na puno ng mga flower designs. I have no choice, ito lang naman ang hindi pa nagagamit.

Pagkabalik ko sa sala ay nakatulog na si Theo. Nakasandal ang ulo sa kamay niyang nakalapat sa arm rest. Para siyang bata.

Payapa nang umaangat baba ang balikat niya dahil sa hininga na pinapakawalan niya. Gusto ko sana siyang ilipat sa couch pero nahihiya naman akong gisingin pa siya dahil mukhang masarap na ang tulog niya.

I tiptoed towards him and reluctantly placed the cover on his body. I made sure na walang expose na katawan sa kaniya maliban sa ulo upang hindi siya malamigan.

Nang makuntento ay umalis na ako sa harapan niya at naglakad pabalik ng kwarto. Bago isara ang pinto ay pinanood ko muna siya nang ilang segundo upang makasigurado na siya nga ay tulog.

Nang nasa loob na ako ng kwarto ay inilabas ko na ang cellphone ko. 20% na lang ang battery nito at wala pa itong kacharge charge simula nang umalis ako sa Charmant Duplex. Naiwan ko kasi ang charger ko roon at ayaw ko rin naman bumalik. Nagtitiis na lang ako ngayon sa patipid tipid na gamit.

Binuksan ko ang cellular at hinanap si Rosalind. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap dahil agad din naman siya lumabas sa suggestion ng messenger.

Sasabihin ko ba sa kaniya?

But then I cannot live peacefully if I'm going to keep secrets from the person who helped me right? Tiyaka karapatan naman niya ito malaman lalo na at kaniya itong tinutuluyan at hindi ako pwedeng basta basta nagpapatuloy lamang ng kung sino sino.

Nag type na ako ng message na ipapadala sa kaniya.

Makayla - Rosalind, I'm very sorry to inform you na may pinatuloy ako dito sa apartment mo. Gusto ko lang talaga makatulong.

Inilapag ko iyon sa kama at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Mukhang matatagalan pa bago mabasa ni Rosalind ang message ko sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...