Kabanata 11

360 15 1
                                    

Kabanata 11

Naging abala si Theo sa pagbabasa ng libro sa sala. He was too preoccupied by the books around him. His smiles were getting brighter in every turn of the pages and he seems lost in this ugly reality. Somehow, it made me happy to see him happy. It made me feel accomplished even though I am not yet finished.

Pumasok ako sa kwarto upang mag bihis na ng uniform. I almost forgot that I have to go to work. I am actually thirty minutes late already. Baka isipin nila Olivia at James na inaabuso ko ang pagiging mabait ni Lorie sa akin. Ayoko naman ng ganoon.

Habang isinisuot ang jeans, hindi ko mapigilan ang pangamba. Pangamba na nararamdaman na baka masira ko ang tiwala ni Lorie at Rosalind, kapag napag alamang kapwa ko silang sinuway. Siguro maiintindihan naman ako ni Lorie hindi ba? Siguro si Rosalind lang ang dapat problemahin sa ngayon. But still, paano ko ipapaliwanag kay Lorie kung paano napunta at nakabalik si Theo rito? Paniniwalaan niya kaya ako kapag sinabi kong tumakas lang si Theo at bumalik dito?

Lumabas ako ng kwarto, hinawi ang buhok ko paitaas. Habang abala si Theo sa pagbabasa ay nagsulat ako ng note sa tissue upang ibigay sa kaniya. Maingat kong inilapat ang bawat tinta ng ballpen upang hindi mapunit ang aking sinusulatan.

I have to work. Would you mind if I leave u for awhile?

Tiniklop ko ang tissue at lumapit sa kinaroroonan niya. Kinalabit ko siya dahilan para lingunin niya ako. I gave him the paper that he immediately read. His head is moving from left to right, reading every word I wrote.

Nilingon niya ako, hindi para ngitian ngunit para kuhain ang ballpen sa kamay ko.

T - For how long?

M - Until 8. But I will drop by to give you snacks and check if u r ok.

Natagalan ang pag basa niya roon kaya nag intay ako. Nanatili ang kaniyang mga mata sa papel at hindi ko alam kung may balak ba siyang mag sulat pabalik kaya inunahan ko na lang siya.

Kinuha ko iyon sa kaniya at muling nag sulat.

So what r u going to do in here?

Tinignan niya uli iyon at nagsulat ng tugon sa papel.

Inabot niya iyon sa akin. Ibinuka ko ang papel at binasa ang kaniyang sagot sa akin.

Wait for you to go home.

I lowered the paper on my face to look at him. I caught him smiling before reading the book again.

Ngunit naging saglit lamang ang pag tuon niya ng pansin sa libro dahil kumuha siya ng papel sa coffee table at nagsulat uli roon.

I am trying to read it from here but his right hand is blocking the view of his left hand. Nang matapos ay agad niya itong inabot sa akin.

Please don't jump off the bridge again.

I almost laughed. Tumango ako sa kaniya at ngumit bago ilagay ang papel sa bulsa ng aking jeans.

Naglakad na ako patungo sa front door, ang suede boots ay gumagawa ng ingay sa iisang ritmo.

Bago ko pihitin ang doorknob ay naabutan kong nakatingin pa rin siya sa akin. He waved goodbye.

Nang buksan ko ang pintuan ay para bang naging mabigat ang pakiramdam ko. Lalo na nang ibagsak ko na nang mariin ang pinto. It feels so wrong to leave him around even it is just inside the apartment. Pakiramdam ko ay may mangyayari sa kaniya na hindi maganda. I feel like I am a parent to a helpless child!

The weather outside is still the same. No signs of improvements, but the amount of ice around is beginning to decrease. Kailan din kaya mababawasan ang lamig?

Things I Cannot SayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu