Kabanata 7

306 13 1
                                    

Kabanata 7

Lumikha ng ingay ang mantika nang ilagay ko na ang omelet. Lumayo ako nang unti at umilag upang hindi matalsikan. Alam ko, ito lagi ang kinakatakutan ko sa tuwing nagluluto ako ng pagkain na involve ang mantika.

"Anak, para kang tanga." Natatawang sabi ni Papa nang makita akong may hawak na kumot habang nagluluto. Ito ang nagsisilbing panangga ko sa masakit na talsik ng mantika sa balat.

Napangiti ako sa lumang ala ala. Nag hatid iyon ng kung anong saya sa puso na pinalitan agad ng pait. I will never hear my papa's voice again. Nasaan na kaya siya? Those questions remained unanswered until now. I tried everything that I can do. I already chat everyone I know para lang malaman kung nasaan si Papa. Pero lahat sila. . . walang alam.

Kinuha ko na ang omelet sa loob ng frying pan. Maingat na maingat upang hindi mapaso. Nang mailagay ko na ito sa plato ay nilapag ko ito sa counter. I don't have anything here that I can add with it kaya nilagyan ko na lang ng brioche sa tabi. Sana naman ay mabusog siya rito.

Narinig kong unti unti nang napawi ang tunog na ginagawa ng shower sa loob ng banyo. Inilapag ko na ang plato sa lamesa at nilingon siya na kakalabas pa lamang sa loob. Mahigpit na nakapalibot sa kaniyang baywang ang tuwalya at sa kaniyang kamay ay maayos na nakatupi ang mga damit. Ngumiti siya sa akin. He is skinny and not that toned but that's understandable. Nahabag tuloy ako lalo nang isipin na isang beses lang siya nakakakain sa isang araw o minsan ay wala.

I placed the note beside the plate. Tinabunan ko iyon kutsara upang hindi liparin.

Eat :)

Lumapit siya roon at tumingin sa akin. Umangat ulit ang bigote at balbas niya dahil sa kaniyang pag ngiti. I get it. Its his one way of saying thank you to me.

Tinanguan ko siya at iminwestra na ang upuan sa kaniya upang makaupo na siya. Nang makaupo na siya ay nagmadali na akong pumunta sa loob ng kwarto upang humanap ng pwedeng ipasuot sa kaniya.

Hinalukay ko ang box ko upang  makahanap ng pwedeng ipahiram. Kumalat na ang mga damit sa sahig dahil sa paghahalungkat ko nang madampot ko ang over sized t-shirt na kulay white. Iniangat ko iyon sa ere, sinusubukang tansyahin kung magkakasya sa kaniya. Yes, he is skinny but he is so tall kaya hindi ko pwedeng basta basta ipasuot na lamang sa kaniya ang aking mga damit.

Tinignan ko ang nakuha kong t-shirt. May nakaprint ditong I love France na nakuha ni Mama sa thrift shop noon. Naisusuot ko lamang ito tuwing matutulog na dahil hanggang hita ko ang haba nito. Kinuha ko rin ang isang itim na pajama na never kong nasuot dahil napakahaba para sa akin. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo na ako at bumalik sa dining area. Naabutan ko siya roon na nakaupo pa rin at nakabalot ang sariling bisig sa sarili, pinoproteksyunan ang sarili sa lamig.

"Oh shit sorry." Sabi ko kahit walang nakakarinig sa akin.

Tiyaka lamang niya na-acknowledge ang presence ko nang nasa harap na niya ako. Tumingala siya sa akin habang ako ay nakatingin sa kaniyang plato na ubos na agad ang laman. Sa note na ibinigay ko sa kaniya ay may nakasulat.

Thank you for being nice :)

Its my time to return the smile. Pero sinuklian niya rin iyon ng ngiti na abot hanggang mata. I was the first one who broke the eye contact upang ilapag sa kaniyang harapan ang damit na nakuha ko para sa kaniya. Kinuha ko naman ang plato at baso na kaniyang napag inuman.

I put everything into the sink and let the counter support my weight. Huminga ako nang malalim, nakatungo na ngayon sa tapat ng lababo. So what now? How long will I let him stay?

"H'wag mong bigyan ang tao ng isda. Tulungan mo siyang mangisda." Ani Papa habang hinihigpitan ang hawak sa lubid ng kabayo.

Isinandal ko ang baba ko sa likuran ni Papa, tumatango sa ipinupunto niya. Iyon ang sinabi niya noon sa akin nang ipatawag siya sa guidance office dahil nahuli ako ng teacher namin na nagpapakopya ako sa iba.

Things I Cannot SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon