Kabanata 8

283 14 0
                                    

Kabanata 8

Hindi ako makatulog. Alas tres na pero nakatingin pa rin ako sa casement window, pinapanood ang paglaglagan ng mga nyebe mula sa langit. Ilang beses ko na chinecheck ang cellphone, hinihintay ang reply kay Rosalind, ngunit mukhang bukas pa ata niya ito mari-receive.

Habang hindi pa tinatamaan ng antok ay binuksan ko muli ang cellphone at ang data. I hit the facebook app and went into the search bar. Mabilis kong tinype ang pangalan niya.

Theo Isaiah Sandoval

Maraming suggestions ang lumabas pero pinili ko kaagad ang pinaka unang lumabas. The first profile is someone in a business suit. Nang tignan ko ang timeline ay kaka upload pa lang ng picture kahapon, nasa Thailand ang location. Umalis agad ako sa timeline niya matapos mabigong hindi siya si Theo.

Pinindot ko ang see more. Marami pang suggestions ang lumabas. Sa pagkakataong ito ay pinindot ko ang isang profile na kung saan ay isang lalaki ang nakangiti, sa background ay ang Cathedrale Notre Dame.

Inayos ko ang posisyon sa kama, mula sa pagkakahiga ay agad na dumapa. Ito kaya siya?

Posible. Ang Cathedrale Notre Dame ay sa Strasbourg lang naman matatagpuan.

Tinignan ko ang lalaki sa larawan. Kalahati lamang ang makikita sa kaniyang mukha dahil mas binibigyan niya ng pansin sa larawan ang Cathedrale. Hindi ko maaninag ang labi niya dahil natatabunan ito ng asul na shawl. Pinindot ko ang larawan. Pareho sila ng mata. Ang pagka kulay dark brown nito at pagiging puro kung titignan. Ang ilong na may katangusan ay kaniyang kaniya. Maaring si Theo. Maari ring hindi.

Nang sinubukan kong ilipat ang larawan ay hindi ito gumalaw. Iyon lamang ang kaniyang profile picture.

Nag scroll ako paibaba at namataan sa kaniyang infos na graduate siya ng La Salle. Nang bisitahin ko ang kaniyang timeline ay may post siya, isang taon na ang lumipas.

Theo Isaiah Sandoval - (January 2, 2016)

Can't wait :)

Theo Isaiah Sandoval - (January 3, 2016)

Hello France!

Its already January 10, 2017. Kung hindi nga ako nagkakamali, isang taon na pala siyang ganiyan ang kalagayan. Pero bakit?

Nang mag scroll pa ako sa kaniyang timeline nakita ko na ni isang tao ay walang nag abalang mag post ng status sa kaniya. Walang nag abalang bumati ng Merry Christmas o kung ano. Siguro sa inbox mayroon. But don't you think its too odd for someone who has been lost for a year? Wala man lang ba nagbalak humanap sa kaniya?

Bago pa ako makapag scroll sa timeline niya ay tumawag bigla si Rosalind gamit ang kaniyang messenger account.

Hindi na ako nag atubiling sagutin iyon.

"Makayla! Ano 'tong nabasa ko sa'yo?" Her voice was full of authority. Napaupo ako sa kama.

"Sorry Rosalind. The guy is freezing outside, tinulungan niya rin ako kaya-."

"Makayla, hindi natin alam kung ano pwede niya gawin sa'yo."

Napayuko ako, tinignan ang paa ko na nakapatong sa isa't isa.

"Just be careful Makayla. Hindi natin masasabi kung ano tumatakbo sa mga utak niyan. I will talk to you later. Palipad na ang eroplano."

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking palad, gulong gulo sa kung ano ang dapat gawin, sa kung ano ang tama at sa kung ano ang dapat. "Sige. Salamat."

Naputol na ang linya. Pinatay ko ang phone at ang data, napatingin na lang sa bintana. Susundin ko ba siya? Pwede ko naman siya hindi sundin di'ba dahil hindi naman niya malalaman? Pero hindi ako pwede magpasya para sa sarili ko dahil nakikitira lang naman ako sa kaniya.

Things I Cannot SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon